Every Summer
Summer 2015
Month of March
Dear Cupid ,
Kyahhhh !! After 12 years nagkasama na ulit kami ni Caleb . Who's Caleb? My first crush noong elementary . Dito kasi ako nag aral ng grade 1 & grade 2 . And Omg nanliligaw na sya sakin . As in , sabi nya na baka destiny na talaga ang nagdala sa aming dalawa . Kaya hindi nya na sasayangin ang pagkakataon . Kinikilig ako kasi imagine, first crush ko tas magiging first boyfriend ko. Sobrang saya ko .Thanks Cupid , worth it yung paghihintay ko.
Nagmamahal,
Ciara Leigh
* * *
Summer 2015
Month of April
Dear Cupid ,
Manloloko ka Kupido ! Akala ko si Caleb na yung the one. Akala ko sya na yung first and last . Akala ko we're destined to each other na pero manloloko sya . Tulad lang sya ng iba. First Monthsarry namin tas malalaman ko na rebound nya lang ako sa ex nyang chaka doll. Tas ngayon sila na, tas ako pa naging tulay ng pagbabalikan nila . Mga q*qo sila , magsama sila . Summer 2015 month of april , my first heart break in my 16 years existence. Fvck you ka Caleb Santos. Magsama kayo ng engkanto mong jowa!
Nagluluksa,
Ciara Leigh
* * *
Summer 2016
Month of April
Dear Cupid ,
Alam mo Cupid , hindi na talaga dapat ako magpapaloko sayo ee. Kaso nung nakilala ko si Ash , nagpauto nanaman ako sayo. Anong magagawa ko ang isang gwapong , mabait , matalino na lalaki. Hindi ko alam anong pagpapana ginawa mo, pero thank you Cupid. Bawing bawi naman sya sa kasalanan mo last summer so , sige okay na tayo. Tas grabe kiniss nya ako sa pisnge partida hinatid nya lang ako sa bahay nila Tita ah . Kyahhhhh !! Cupid kinikilig talaga ako , ang gwapo nya kasi talaga , tas ang bango bango pa. Cupid salamat kay Ash kasi pinapagaan nya yung loob ko tuwing nahihirapan na ko sa sobrang dami ng gawain sya Ice cream shop hayss . Cupid ibaon mo na yung pana mo samin para kami na talaga as in. Hindi ko na pakakawalan si Ash , I swear.
Muling nagmamahal,
Ciara Leigh
* * *
Summer 2016
Month of April
Dear Cupid ,
Taena mo Cupid , hindi nga nya ako pinagpalit sa ibang babae. Kaso Cupid , lalaki din pala ang nais ni Ash . Ginusto nya lang ako kasi type nya si Kuya Sharn , yung anak ni Tita Angel . Ginamit nya lang ako para mapalapit dito. Cupid punyeta ka , anong pagpapana nanaman ang ginawa mo ? Lagi ka nalang palpak. Nung una rebound , ngayon bakla . Cupid ibabaon na talaga kita sa Lupa. Tignan mo ginawa mo? Broken hearted nanaman ako ngayong summer. Sayang ka Ash , sayang ang lahi mo punyeta ka. Ano suntukan na lang ? Huhuhu . Magsama sama kayo, manloloko ! Arghhhhh ...
Umasa,
Ciara Leigh
* * *
Summer 2017
Month of May
Dear Cupid ,
Hoy kupido, akala mo nakakalimutan ko na yung ginawa mo saakin sa magkasunod kong summer noon? Of course not . Dapat nga magpasalamat ka at sinusulatan pa kita, anyways may nakilala akong boy sa Ice Cream Shop ni Tita Angel. Ang cute cute nya , tas I thinks mas matanda lang sya ng 2 taon saakin. Ang hinhin nya pa. Tas yung boses nya nakakainlove . Kaya every day pumupunta sya don para kantahan ako at bumili ng Ice cream syempre . Kinikilig ako kasi ang galing nya talaga kumanta . Crush ko na sya , Oo na umamin na sya na crush nya rin ako. Kaya cupid sinasabi ko sayo pag nagkamali ka nanaman ng tama ng pana , pangako ako na sasaksak nyan sayo . O sya , andyan na si Ethan. Yes Ethan name nya , hindi tunog manloloko yan kaya aasahan ko ang participation mo cupid ah. Bye ! Andito na ang bebe ko . Hehehez joke lang.
Muling umaasa,
Ciara Leigh
* * *
Summer 2017
Last Week of May
Dear Cupid,
CUPID !! Afsgfkdkekdkk sarap mong murahin cupid! Anong ginawa ko sayo? Bat ganto? Okay na kami ni Ethan , Cupid bat namatay sya? Sasagutin ko na sya , kasi napatunayan nya na mahal nya ako at seryso sya. Pero bat may Cancer sya? Bat iniwan nya na ko. Cupid sobrang sakit . Mamiss ko sya, yung mga kanta nya sakin . Yung mga ngiti nya. Kaya pala sya mukhang nanghihina , kasi may sakit sya. Ayaw nyang ipasabi kasi akala nya pag nawala na sya hindi ko na sya hahanapin. Pero Cupid gusto ko na sya ee. Cupid ba't mo ko ginaganto? Every summer gusto mo talaga nagluluksa ako? q*qo ka ba? Hindi nga nya ako niloko o ginamit pero iniwan nya naman ako. What a nice concept. Pudpod na ata ang talim ng pana mo ee. Baka kahit laslas hindi na kayanin nyan sa sobrang purol. Argggh kanina pa ko iyak ng iyak . Hanggang kailan ba ako magpapakatanga sa'yo Cupid? Bahala ka na sa buhay mo . Bwisit ka !!!
Sawi sa pag-ibig,
Ciara Leigh
* * *
"Ciara , ba't ka umiiyak?" tanong ni Tita Angel.
Kaya bilis kong sinarado ang Dear Cupid ko .
Kinapa ko ang aking mga mata , hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Summer nanaman kasi ee, kaya nagkita muli kami ng Notebook ko na ito. Grabe 3 sunod sunod na summer pala ako broken hearted. Paasa kasi si Cupid ee.
Ala-syete na ng gabi kaya sinarado ko na ang Ice cream shop ni Tita, nauna na rin kasi syang umuwe sa bahay nila.
Every summer umuuwe talaga ako dito para magtrabaho sa Shop nya at dagdag ipon narin, kahit punong puno na ng mga ala-ala ang lugar na ito wala naman akong magawa kundi bumalik padin tuwing summer.
Nakarinig ako ng kulog sa labas, kaya napasilip ako bigla. Kailangan ko na pala magmadalu at baka abutin pa ko ng ulan.
Kinuha ko na ang sling bag ko, at bitbit ko naman ang Dear Cupid ko.
Habang naglalakad sa kalsada ay may biglang tumawag saakin.
"Miss , miss " napalingon ako sa tumatawag , nang makita ko ito ay parang nag slow motion ang lahat . Pati ang pagtakbo nya palapit saakin ay slowmotion din.
"Miss sayo ata itong papel , nahulog ata sa dala dala mong Notebook." Sabay abot nya ng malinis na papel na may sulat.
Tinignan ko ng mabuti kung saakin ba ito.
Nang magpapasalamat na ako sa lalaking nag-abot , pagtingin ko ay wala na ito.
"Weird " bulong ko sa hangin.
Tinignan ko muli ang papel at binasa ang nakalagay.
Si Kupido'y lito,
Hindi alam kung anong gagawin,
Dahil sa tingin nya'y—
Sya talaga ang para sayo.
Seryoso? Hindi saakin galing ito. Kailan pa ako naging makata?
Si kuyang gwapo nagpagod habulin ako, hindi naman ito saakin.
Isiningit ko na lamang ito sa Dear Cupid ko, tutal tungkol kay kupido rin naman ito.
Sumakay na ako ng trycicle at baka maabutan na talaga ako ng ulan.
xxx
Linggo ngayon , at sobrang taas nanaman talaga ng temperatura sa bansa. Parang iniihaw na ko sa sobrang init. Pati ang kili kili ko pawis na pawis na.
"Strawberry Sundae nga Miss." Sabi ng costumer sa harap ko.
Nilingon ko ito ,
"Eto lang po —
Hindo ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang lalaking ito yung nag abot sakin nung papel.
"Yes Miss?" Nakangising tanong nya saakin habang ako ay tulala.
Shems ! Ang gwapo nya pala talaga , para syang galing Greek Mythology .
"Ikaw yung nag-abot saakin nung papel last week diba?" Alinlangan kong tanong sa kanya.
"Oh, yeah . That's me ." Sabi nya sabay ngiti na akala mo commercial model ng tooth paste.
Lagot ka sakin Cupid, pinapana mo nanaman ako ngayong summer.
Ibinigay ko na ang order nya. Akala ko ay aalis na agad sya shop ngunit nagstay pa sya .
"Kuya Sharn , ikaw na muna mag-assist ah . May isusuoli lang ako." Pag papaalam ko dahil balak ko munang kausapin yung gwapong lalaki.
"Okay, make it faster baby girl." Tugon nito saakin.
Dali dali kong hinubad ang apron ko at kinuha ang Dear Cupid ko .
Lumapit ako sa lalaki at umupo sa tabi nito habang kumakain ng Ice cream.
"Hi." Panimula ko.
Napatingin naman ito sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Friendly siguro ito, palangiti ee.
"I'm Ciara Leigh ." Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko.
"I'm Cupid Ramos." At naglapat ang aming mga kamay. Parang may kuryente akong nadama na sakanya ko lang naranasan.
Agad-agad akong bumitaw . At dahil ibang klase ang nararamdaman ko sa kanya.
"What a nice name." Pagpuri ko na lamang sa pangalan nya.
Hindi ko alam kung anong trip ni Cupid at pinagtagpo kami ni Cupid . What ?
"Ewan ko ba sa parents ko , masyadong fan ng lovestory ni Cupid at Psyche." Tawang sabi nya habang patuloy na pagsubo ng Sundae.
"Anyway , eto nga pala yung sulat na inabot mo sakin. Or yung may maikling tula na nakasulat . Hindi ito saakin. Kahit kailan ay hindi ako naging makata." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Kinuha nya ito binasa. Sa tingin ko nga sa kanya ito ee . Kasi sya si Kupido?
Really Ciara? Anu bang pinag-iisip ko?
"Sa tingin ko , kaya ka laging broken hearted kasi maling tao yung napupunta sayo. Nalilito si kupido dahil sa tingin nya sya ang nahulog sayo, sya ang nararapat sayo." Pagpapaliwanag nya at diretsong tumingin sa aking mga mata.
Dahil nga sa taas ng araw , ako ay pinagpapawisan. At isama mo pa ang pinagsasabi nitong si Cupid. How did he know na naging broken hearted ako?
"Matagal na kitang gusto Ciara Leigh." Sabi ni Cupid at hinalikan ako sa aking mga labi.
Nagmaglapat ang aming mga labi ay kusang napapikit ang aking mata. Kasabay ang libo libong boltahe ng kuryente na aking nadarama.
At lasang strawberry ang mga labi niya. Ehem ...
Saksi ang Summer 2018 sa aming nararamdaman o kapusukan? Hmmmm ...
Cupid ikaw nga ba talaga ang Prince Summer ko?
Imposible kaya iyon?
"Walang imposible pagnagmamahal." Sagot nya sa tanong ng isipan ko.
Wakas
Hello !! Anong masasabi nyo sa Story ko?
Any reactions? Just comment below.
And dont forget to Vote !
Thank you !
©MissAelyn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top