Chapter 9

Ara didn't know what to do when Kanoa started sobbing while kneeling. She was frozen in shock and the scenario was far from what she imagined-him leaving after finding out about Andra.

Nakayuko lang si Ara habang nakatingin sa kamay niya. Nilalaro niya ang kuko niya hanggang sa maramdamang nagsusugat na ang isa. Muli niyang nilingon si Kanoa na nakayuko pa rin.

"Kanoa, stand up. Please?" Ara begged. "Don't do that."

"Please?" Kanoa looked at her. "Kahit ano, gagawin ko... just let me see her. G-Gusto ko siyang makita," he sobbed.

Walang naging sagot si Ara kung hindi ang tuloy-tuloy na pagbasak ng mga luha sa mata niya. Nakatitig lang siya sa nagsusumamong mukha ni Kanoa.

"Please," pag-uulit ni Kanoa.

Unknown to Kanoa, Ara already sent a message to Belle, asking if she could come. Hindi na kaya ng emosyon niya ang nangyayari kahit na kalmado naman sila ni Kanoa. She couldn't speak, she couldn't think.

"Ara?"

Sabay na lumingon si Ara at Kanoa kay Belle na tumigil sa paglakad nang makita ang sitwasyon nilang dalawa.

"Kanoa, tayo ka muna, please?" Belle walked towards them. "May mga nakatingin na kasi and we don't want any attention, right? I think it's better if you guys will talk in private para hindi na rin tayo maka-attract ng iba?"

Nanatiling nakayuko si Ara.

Tumayo naman si Kanoa at kinalma ang sarili bago inilahad ang kamay kay Belle na kaagad nitong tinanggap.

"We met again," Belle smiled warmly. "Tapos na ba kayong kumain? Gusto n'yong umalis na here and we can just go somewhere for you to talk? I think there's too much emotion here and we needed to calm down."

Belle saw Ara's chin vibrate. Pasimple rin niyang tiningnan ang kamay ni Ara na nasa ilalim ng lamesa kung kinukurot ba nito ang sarili at iyon ang nakita niya. Ganoon ang ginagawa ni Ara simula noong magbuntis ito kapag nakararamdam ng kaba.

"Ara, let's go?" pag-aya ni Belle at nilingon si Kanoa. "Tara? Gusto n'yo bang dumaan muna ng dessert?"

"Can I go to the restroom muna?" paalam ni Ara.

Belle nodded. "Of course. We'll wait for you here."

Sinundan ng tingin ni Kanoa si Ara bago hinarap si Belle. Tumingin ito sa kaniya at bahagyang tumango. May sumilay na ngiti sa mga labi nito bago kinuha ang phone ni Ara na naiwan sa lamesa.

"Did she tell you about Andra?" tanong ni Belle.

"Oo," tumango si Kanoa. "Gusto ko sana siyang makita. Nakikiusap ako kay Ara kung puw-"

"I have a request," Belle said in a low voice making Kanoa frown. "Let's take it lightly. Ayokong biglain natin si Ara. She sent me a message kasi hindi na niya kayang i-handle 'yong emotions n'yo here kaya I rushed. Okay lang ba n-"

Tumigil sa pagsasalita si Belle at nilingon ang restroom. Lumabas doon si Ara na nakatingin sa kanila ni Kanoa.

"Ara, do you still wanna talk to Kanoa about Andra or do you wanna go home na?" tanong ni Belle. "If yes, I know a place where you guys can talk privately. What do you think?"

Nilingon naman ni Ara si Kanoa na nakatingin sa kaniya.

"Kung gusto mo pa ring makipag-usap, okay lang sa 'kin," ani Kanoa.

Sa loob ng comfort room, sandaling tinitigan ni Ara ang sarili. A part of her wanted to run away, but she was thinking about Andra. Kahit gusto niyang lumayo kay Kanoa, nakita niya ang willingness nitong makilala ang anak nila. So the talk was needed.

Maybe for closure? For Andra? She didn't know.

"Okay," Ara agreed.

"Sa sasakyan ko na lang tayo. Sabi ni Ara, wala kayong sasakyan kanina," sabi ni Kanoa. "Kung kumportable lang kayo."

Belle agreed since they were just going on the same way. Hindi na rin niya hinintay ang sasabihin ni Ara dahil hindi na iyon mahalaga ngayon. Mas gusto niyang magkausap ang dalawa.

Hinawakan ni Belle ang kamay ni Ara at sabay silang naglakad. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga tiles na dinaranan nila. Nasa harapan naman nila si Kanoa na sinusundan nila papunta sa parking lot.

"Are you okay? Are you sure you wanna do this?" bulong ni Belle. "Ako, I want you to do this para you guys can talk and decide about Antoinette. Looks like he's willing nama-"

"He's willing," Ara cut Belle off. "But I'm scared, Belle."

"Why?" Belle nervously asked.

"What if I fall in love with him again?" Ara asked truthfully.

Belle smiled and gripped Ara's hand. "The question is. . . did you ever unlove him?"

Ara once again looked down and lightly shook her head. "I still . . . love him. Is it bad?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Belle sagot. Hindi alam ni Ara kung ano ang ibig sabihin niyon at bago pa man siya makapagtanong, nasa harapan na sila ng kotse ni Kanoa. Napatitigl siya dahil iyon pa rin ang sasakyan ni Kanoa.

It was the same car.

Ara calmed herself because memories rushed through her, and it was mostly happy.

Hindi naman niya itinatanggi sa sarili niyang naging masaya siya noong magkasama sila ni Kanoa. Madalas silang nasa roadtrips kaya halos lahat ng date nila, nasa loob lang ng sasakyan. They literally spent their dating time inside the car.

But there was also one bad memory inside the car.

The video.

Sumakay si Ara sa backseat ng sasakyan ni Kanoa. Katabi niya si Belle na nakahawak pa rin sa kamay niya. Iyon ang unang beses na nasa likuran siya dahil noon naman, nasa shotgun seat siya.

"Ituro ko na lang the way, Kanoa," ani Belle. "Paglabas natin here, turn right then go straight lang."

Nagsimulang magmaneho si Kanoa. Nakatingin lang si Ara sa labas nang tumunog ang speaker ng sasakyan. She remained unmoving, fidgeting, actually.

The song was Someone by Calein.

Ten minutes later, they arrived at a coworking space Belle was talking about. Naiwan sila ni Kanoa sa may entrance dahil pumasok si Belle para ipa-book daw ang isang conference room para sa kanila.

"I think that's too much," mahinang sabi ni Ara sa sarili.

"Okay lang ba talaga sa 'yong mag-usap tayo? Kung hindi naman, puwede natin ipagpatuloy na lang sa susunod." Huminto sa pagsasalita si Kanoa. "Kapag kumportable ka na u-"

"It's okay." Nilingon ni Ara si Kanoa na nasa kanan niya. Medyo nakatingala siya dahil may katangkaran ito kumpara sa kaniya. "We're already here and I'm okay."

Hindi na muling sumagot si Kanoa dahil kaagad na umiwas si Ara sa kaniya. Naglakad ito papunta sa shelves na mayroong mga libro at magazines na puwedeng basahin.

Nakita rin ni Kanoa na mayroong mga pod kung saan may mga taong nag-aaral o nagtatrabaho. Mayroon ding daan papunta sa mga kwarto at conference roon.

May sofa sa receptionist area para sa mga naghihintay tulad nila, pero nanatili siyang nakatingin kay Ara na parang naghahanap ng puwedeng basahin.

"Let's go?" pag-aya ni Belle na lumapit kay Ara bago tumingin kay Kanoa. "Small lang 'yong kinuha ko, enough for us, but I also got the best view."

Sumundo si Kanoa sa kambal at mula sa likuran, nakita niya ang pagkakaiba ng dalawa. Sa height, pareho naman. Sa built ng katawan, pareho rin, pero napansin niyang mas petite si Ara.

Siguro dahil pumayat ito simula noong huling kita nila. Iyon ang pinakanapansin niya.

Mahaba ang buhok ni Belle, pero naka-ponytail nang mahigpit. Naka-dress itong medyo maikli at pinarisan lang iyon ng flat shoes. Branded rin ang bag nitong nakasukbit sa balikat.

Body bag naman ang suot ni Ara. Hindi iyon kalakihan, pero branded rin tulad ni Belle. Aware naman si Kanoa na medyo brand conscious si Ara kahit noon pa.

"Here you go," ani Belle pagpasok nila sa loob ng isang maliit na kwarto. Nakabukas ang glass walls na mayroong blinds na puwede nilang gamitin kung sakali.

Nasa magkabilang gilid ang dalawang lamesa at mayroong apat na upuan. May mga saksakan na puwedeng gamitin at sa sobrang tahimik, halos nagkaroon ng static ang tainga nila.

"Do you guys want me here or gusto n'yo mag-talk na kayo lang? I can stay naman sa pod to read some notes na lang while you two are talking," sabi Belle na papalit-palit ang tingin sa kanila ni Ara.

Tumingin lang si Kanoa kay Ara dahil magbabase lang din siya rito. Kung ano man ang maging desisyon, doon siya.

"C-Can you stay?" tanong ni Ara.

"Of course," Belle smiled. "Do you want me to ask you both?"

"Y-Yes," Ara stuttered.

Tumango si Belle at sumandal sa isang lamesa. Nanatili namang nakatayo Kanoa at Ara. Magkalayo ang dalawa dahil sumandal si Kanoa sa glass walls, nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa, at payukong nakatingin kay Ara.

"Okay. Let's start." Tumingin si Belle kay Kanoa. "Do you want to meet Antoinette?"

Kanoa frowned and Ara saw it.

"That's her real name," mahinang sambit ni Ara. "Antoinette Drae."

Kanoa bit his lower lip and nodded before facing Belle. "Gustong-gusto."

Belle nodded and faced Ara. "Do you want Kanoa to meet Antoinette?"

"Yes," sagot ni Ara.

Muling nilingon ni Belle si Kanoa. "I don't know how the setup will work, but you both needed to talk about it. When, where, and how. In my opinion, I agree with you meeting Andra since you're the dad. Since you're willing, why not? Ara's fine with it, too, but you need to talk about this. You need to co-parent despite all the pain and hatred. Okay?"

Ara looked down and nodded.

"Basta do'n tayo sa kung saan kumportable si Ara," ani Kanoa. "Gusto kong makilala at makasama si Andra, pero ayokong napipilitan ka. Ayokong mapilitan ka."

"Kanoa." May diin sa boses ni Ara at matagal na tinitigan si Kanoa. "I said it's okay. Please, stop asking again." Tumingin siya kay Belle. "You, too."

Belle gazed at Kanoa before Ara and nodded. While Kanoa didn't say a word.

"Since you already decided, Barbara. . . you need to talk to Kuya Samuel about this, too. We're not sure about his reaction, but he needed to know that you've met Andra's dad and that you're willing to have him into your daughter's life," Belle said and smiled. "When are you planning to tell him?"

Hindi nakasagot si Ara.

Tiningnan ni Belle si Kanoa. "Are you willing to wait?"

"Oo naman," sagot ni Kanoa. "Tawagan n'yo na lang ako kung sakali mang puwede na. Maghihintay naman ako."

Nanatiling nakayuko si Ara at hindi na alam ni Belle kung ano pa ang kailangan niyang itanong. Nilingon niya si Kanoa na nakikiramdam lang din. Gusto sana niyang maiwan ang dalawa baka sakaling magkaroon ng pagkakataong makapag-usap at iyon ang gagawin niya.

"By the way, I'm starving. Can I get us some food?" tanong ni Belle. "Ara, do you like anything? Dessert, maybe?"

Ara smiled. "Fruit juice is okay."

"Ikaw, Kanoa?"

"I'm good."

"Fruit juice rin for you," Belle chuckled before leaving the room.

The silence was defeaning between Kanoa and Ara. Humarap si Kanoa sa glass walls kung saan tanaw ang parking area ng lugar. Hindi naman mataas dahil nasa second flood lang sila.

Nilingon niya si Ara na tumayo katabi niya. Mayroong space sa pagitan nila, pero sapat na iyon para maamoy niya ang pamilyar na pabango nito.

Hindi nagbago.

"Can I ask you a genuine question?" Tumingin si Ara sa kaniya. "If you knew I was pregnant, are you going to accept the baby or ask me to abort? This is the question I've been asking myself since."

"Hindi ko gagawin 'yon. Marami akong kagaguhan, pero 'yan ang hinding-hindi ko gagawin," sagot ni Kanoa. "Sana kahit galit ka sa 'kin, sinabi mo. Hindi ako galit at alam ko rin na walang rights, pero hindi naman kita tatakbuhan."

Ara smiled subtly. "Because I was the one who wanted to run away from you. Please, I only have one request."

Tahimik na nakatingin si Kanoa at nag-aalala kung ano iyon. Huwag sana iyong request na hindi niya magagawa tulad nang lumayo sa mag-ina niya.

"Please, don't break Antoinette's heart. If you're gonna be involved in our daughter's life, please . . . don't break her as you broke me," Ara sobbed. "That's the main reason why I wanted to stay away from you. Partly because you hurt me, but mainly I don't want you breaking my daughter's heart."

Yumuko si Kanoa at awtomatikong bumagsak ang luhang hindi rin naman niya pinigilan. Naramdaman niya ang panginginig ng baba niya na ganoon ang nangyayari sa kanila, na ganoon ang naging epekto kay Ara, na hindi niya alam kung maibabalik pa ba sila sa umpisa.

"Sorry," Kanoa wiped his tear using his thumb. "Sorry na humantong tayo sa ganito."

"Was the prize worth it?" Ara asked and sniffed.

Kanoa shook his head. "Hindi kasi ikaw ang naging kapalit."

Naramdaman ni Ara kung paanong sumikip ang dibdib niya habang nakatitig kay Kanoa dahil kahit anong kumbinsi niya sa sarili niyang gusto niyang magalit, hindi niya magawa.

"How can I unlove you? I don't want to feel the love again. Please," Ara begged and sobbed. "Please, help me unlove you, Kanoa."

Nakatitig lang si Kanoa kay Ara na humahagulhol habang nasa tabi niya. Nakatitig ito sa kawalan habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nasa tabi lang siya habang nagmamalabis din ang luha dahil hindi niya alam kung paano patitigilin si Ara . . . lalo na at siya rin ang dahilan.

Kanoa shut his eyes for a second, faced Ara, and knelt.

Ara looked down and gazed at Kanoa. "What are you doing?" she asked.

Tumingala si Kanoa kay Ara habang nanatiling nakaluhod. "Sorry."

"Stand up. You don't have to kneel. Yo-"

Ara couldn't finish what she was saying when Kanoa encircled his arms around her waist and buried his face in her stomach, sobbing. Naramdaman niya ang higpit ng pagyakap ni Kanoa dahilan para ikaiyak niya.

Naramdaman din ni Ara na sumikip ang suot niyang top dahil doon nakahawak si Kanoa. Nasa magkabilang kamay nito ang nalulukot na tela habang patuloy na nakasubsob ang mukha sa tiyan niya.

Paulit-ulit niyang naririnig ang sorry mula kay Kanoa at tanging hagulhol lang din ang naisasagot niya. She couldn't speak as if something was stuck inside her throat.

"I got-" Tumigil si Belle sa pinto nang makita ang sitwasyon nina Kanoa at Ara kaya dali-dali siyang lumabas. Mukhang hindi naman siya narinig, mukhang hindi siya napansin.

Sumandal si Belle sa pader na nasa gilid ng pinto. Tumingala siya para hindi maiyak. Hindi puwede dahil hindi waterproof ang mascara niya. Kaagad niyang pinaypayan ang sarili, pinakalma, bago kumatok.

Pagpasok niya, nakatalikod si Kanoa at nakaharap sa glass walls . . . papalapit naman sa kaniya si Ara.

Nag-merienda sila habang pinag-uusapan ang tungkol sa magiging setup ng visitation ni Kanoa lalo na at kailangan munang kausapin ni Ara ang Kuya Sam niya.

Kanoa was willing to adjust everything. Time and location, he would adjust just to see his daughter . . . and Ara, too, if possible.

Nag-offer na rin si Kanoa na ihahatid silang dalawa sa condo dahil wala naman daw itong gagawin. Para kung sakali man, alam na rin nito ang lugar kung saan bibistahin si Andra.

"Thank you," ani Ara bago bumaba ng sasakyan.

"Thank you rin," tipid na sagot ni Kanoa. "Message mo na lang ako kung kailan. Anytime naman, okay lang sa 'kin."

Ara nodded without saying a thing and left. Nauna na rin siyang pumasok sa condo building hanggang sa maramdaman si Belle na umakbay sa kaniya. Hinalikan pa nito ang pisngi niya.

"So, how was the talk?" tanong ni Belle na para bang walang nakita. "Do you still love him?"

Ara didn't respond.

"Alam mo, ngayon ko na-realize na . . ."

"Na?" Ara frowned.

"Sobrang bagay kayo," Belle giggled. "Ang good looking n'yo both 'tapos his height suits your small frame, and how he looks at you as if you're the only girl he's ever wanted . . ."

Ara shook her head. "Belle, stop."

"No wonder Antoinette's very pretty," pagpapatuloy ni Belle. "You're so bagay except na he hurt you before . . . I hated that part, but I can see naman na he still loves you."

"And I still love him, too. I hate it."

"You don't hate it," Belle smiled. "You just wanna hate it."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys