Chapter 8
Ara's hands were shaking while reading Kanoa's message. Binura niya ang number nito noong nagpalit siya ng phone, pero alam niya ang last four numbers kaya kahit hindi ito magpakilala, alam niyang si Kanoa iyon.
Bago sila pumasok sa loob ng unit, sumandal muna si Ara sa pader na nasa tabi ng pintuan at nakatitig lang sa message. She was asking for a sign, pero hindi naman niya inaasahang agad-agad.
It was all inside her head and wasn't vocal about it until Belle asked.
"Ano'ng sabi niya?" Sinilip ni Belle ang nasa message. "Oh my gosh. What's your plan?"
"I don't know," Ara shook her. "Should I see him? I'm scared."
Belle understood and gave Ara a warm smile. "If you're uncomfortable, then don't. Kung tingin mo na it's not yet time, don't force yourself just because the universe said so," she giggled.
Ara's subtle smile turned into nervous laughter.
Pumasok sila sa loob ng unit at naabutan si Sam at Andra na nasa living area ng condo. Nanonood ang dalawa ng cartoons habang nagmi-milk naman ang anak niya. Kumportable pa itong nakahiga sa dibdib ng Kuya Sam niya.
"How's your date, twins? Akala ko mamayang madaling araw pa kayo dadating, eh," anito na hinalikan ang tuktok ng ulo ni Andra. "Nagising siya pagkaalis niyo kaya nanood lang kami ng movie. This girl doesn't want to sleep just yet."
Naupo si Ara sa pang-isahang sofa habang iniisip ang message na natanggap niya. Nakatngin siya kay Andra na nagsimulang laruin ni Belle kaya hagikgik ito nang hagikgik.
Tiningnan din niya ang Kuya Sam niya na natatawa sa ginagawa ni Belle. Malamang na kapag nalaman nito ang tungkol sa pag-message ng tatay ni Andra, magtatanong din ito sa kaniya. Posible pang pagbawalan siya.
Ara secretly messaged Belle not to tell Sam about Kanoa and the message. She would think about it and decide.
The entire night, Ara was awake. She was just staring at Andra who was sleeping soundly beside her. Halos wala itong nakuha kay Kanoa na ipinagpapasalamat niya. Kamukhang-kamukha niya ito, nila ni Belle. Kung tutuusin, mapagkakamalan pa silang magkapatid.
Tumingin siya sa orasan. It was already seven in the morning, and she still hasn't decided. May pagkakataon lang na nakatingin siya sa message ni Kanoa, iniisip kung magre-reply ba siya.
Ara received a message from Belle asking what was the plan and she thought about the possibilities. Malamang na may hint na si Kanoa dahil hindi naman siya nagsinungaling tungkol sa age ni Ara . . . at alam din naman niyang hindi tanga si Kanoa para hindi isiping anak nila si Andra.
"If you want to meet him, but you're uncomfortable, I can come with you," message ni Belle sa kaniya.
Muling napaisip si Ara kaya nag-message siya kay Belle na kung puwede ay pumasok ito sa kwarto nila ni Andra. Wala pang isang minuto, nasa pinto na ito.
"Where's Kuya Sam?" tanong ni Ara.
"Preparing breakfast." Naupo si Belle sa gilid ng kama at inamoy-amoy si Andra. "So? Nakapag-isip ka na ba?"
"Will you come with me?" Ara asked in a low voice. "Kahit not necessarily while talking to him, basta I'll know lang na you're there anytime I need you? Please?"
Belle smiled and nodded. "Of course. I'll come with you. Sabihin na lang natin kay Kuya Sam na we'll get our nail done and papayag naman siyang mag-alaga kay Antoinette. He'll be happy pa!"
"Okay," Ara nodded multiple times and breathed. Muli niyang tinitigan si Andra na bahagya pang nakanganga dahil sarap na sarap sa pagtulog. "Do you think he'll accept her?"
"I don't wanna give you false hope, Barbara," pag-aamin ni Belle. "Whatever his reaction will be, you must be ready. I know it might be painful, but you need to face it. Okay?"
Naramdaman ni Ara ang mabilis na pagtibok ng puso niya, pero alam niyang tama si Belle. May posibilidad na masaktan siya para kay Andra, para sa sarili niya, pero alam din niya sa sarili niyang araw-araw siyang hindi matatahimik.
"So?" Belle looked at her.
"Let's go meet him," Ara said. "I'll message him now and tell him we'll meet. But where?"
"Sa mall?" Belle suggested. "What if while you're both talking, serious na magpapa-thread ako ng brows ko 'cos it's makalat na?"
Ara smiled and scrunched her nose. "Okay. Sa mall na lang near your place kaya para at least hindi here na malapit? Baka biglang magpunta si kuya sa mall and he'll see us."
"Yup! There na lang din ako magpapa-thread sa favorite salon ko." Tumayo si Belle. "I'll talk to kuya and tell him my plan. You message Antoinette's dad na you'll meet him 'tapos we'll go around nine later?"
Nakagat ni Ara ang ibabang labi at tumango. Hinalikan na muna niya si Andra at inamoy ang buhok nito bago inabot ang phone niya mula sa bedside table para tawagan si Kanoa. Mayroong kaba, pero kasama naman niya si Belle. Kahit paano ay kampante siya na kung ano man ang maging resulta nang maging pag-uusap nila ni Kanoa, hindi siya mag-isa.
—
Ikinagulat ni Kanoa ang pag-ring ng phone niya at si Ara iyon. Hindi na niya hinintay ang ikalawang ring. Sinagot na kaagad niya dahil baka magbago pa ang isip at patayin ang tawag. Hindi puwede. Hinintay niya iyon, eh.
"Hello?" sagot ni Kanoa sa tawag.
Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig ang paghinga mula sa kabilang linya, pero walang nagsasalita.
"Ara?"
"Hi," Ara responded in a low voice.
Kanoa shut his eyes upon hearing Ara's voice and breathed. "Hello."
"Are you free ba today?" tanong ni Ara. "I'll be in U.P Twon Center kasi later. Belle will have her brows threaded raw and I'll come with her. Are you free to talk?"
"Oo naman." Sumandal si Kanoa sa pader at yumuko. "Ano'ng oras?"
"Around lunch time? Let's meet na lang sa Nono's. There na lang us magkita. What do you think?" Ara asked.
"Sige," tipid na sagot ni Kanoa. "I'll be there."
"Okay," Ara responded. "See you."
"See you," Kanoa said before Ara dropped the call.
Mayroong deadline si Kanoa kinabukasan, pero nag-message siya kay Jairold tungkol sa pagkikita nila ni Ara kaya kung puwede ay ito muna ang mag-takeover sa editing ng subtitles ng ginagawa nilang mini series para sa isang kilalang content creator. Siya na lang ang tatapos, kailangan lang niyang matapos ang subtitles.
Luckily, Jairold agreed and wished him good luck.
Kahit na lunch pa ang usapan, maagang nag-ayos si Kanoa dahil medyo malayo sa area niya ang UP Town Center. Posibleng abutin pa siya ng traffic kaya maagad siyang umalis.
May takot sa puwedeng maging resulta ng magiging pag-uusap nila ni Ara, pero mas gusto na niya iyon kaysa wala siyang alam sa kung ano ang nangyayari talaga.
Ilang beses niyang sinubukang mag-message kay Ara simula nang magkita sila isang linggo na ang nakalilipas, pero natatakot siya sa magiging reply nito. Hindi niya ma-send ang message hanggang sa hindi na niya napigilan kagabi. Magre-reply man o hindi, ayos lang.
Kanoa was an hour early and decided to walk around the town center. Napadaan siya sa bilihan ng bulaklak at naalala ang mga panahong binibilhan talaga niya ng bulaklak si Ara dahil sa dare hanggang sa bumibili na siya dahil gusto talaga niya.
Muli niyang naalala ang panahon na sobrang gago niya sa parteng naisipan niyang maging parte ng dare si Ara kapalit ni Marc Corpuz na hindi na rin niya sinipot kahit ilang beses pa siyang tinawagan.
Nilagpasan niya ang bilihan ng bulaklak at nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso na siya sa Nono's at nagpa-reserve ng table para sa kanila ni Ara. Nag-message na rin ito na on the way na at medyo malapit na rin.
Kanoa breathed multiple times and messaged Jairold about what the project. Sinabi rin nito na huwag na munang mag-message at mag-focus na lang sa magiging pag-uusap nila ni Ara.
Pumasok si Kanoa sa loob ng restaurant at walang masyadong tao. Binigyan siya ng tubig at menu, pero sinabi niyang hihintayin na muna niya ang kausap niya bago siya mag-o-order. Nag-message na rin siya kay Ara na nasa loob na siya para dumeretso na lang ito.
Naalala niya rin ang naging pag-uusap nila ni Harley. Sa isang linggo, ilang beses niya itong nakasama dahil sa pagpaplano tungkol sa music video at halos paulit-ulit siyang nakikiusap kung puwede ba niyang makita ang picture ni Andra, pero ni minsan hindi ginawa.
Kanoa understood that Harley didn't want to disrespect Ara, Sam, or Andra and decided not to show him anything.
No hard feelings, he understood.
"Are you sure you're gonna be okay?" tanong ni Belle kay Ara habang naglalakad sila papunta sa restaurant. "Puwede naman akong mag-stay sa loob just in case lang."
Ara shook her head. "No, Belle. Do your thing and I'll be okay," she smiled. "I'll call you na lang kaagad if something goes wrong."
Belle agreed. "Are you gonna tell him about Antoinette?"
"If he asked about her, I will," Ara said without buckling. "I don't wanna lie anymore, Belle. It's getting heavier. The past week, that moment I watched him carry Andra, nasaktan ako kasi . . . nasaktan ako for my daughter."
"Basta it's your decision, okay? Do what you think is best for you and Antoinette. Don't mind everyone," Belle caressed Ara's cheek. "We're here. Sige na. Pumasok ka na roon and I'm gonna have to fix my brows na."
Hinalikan ni Belle ang pisngi ni Ara bago umalis. Hindi kaagad kumilos si Ara na nakatingin sa kakambal niya hanggang sa wala na ito sa paningin niya.
"Hi," Ara greeted the waitress who immediately smiled at her. "Kanoa reserved a table?"
"Yes, ma'am. This way po." The woman walked inside the restaurant and led her to Kanoa's table.
Ara stood still for a second, staring at Kanoa who gazed at her and stood up.
"Hi," Kanoa welcomed her.
Nag-thank you si Ara sa waitress na nag-assist sa kaniya at sinabi nitong kung ready na silang mag-order, tumawag lang ng crew at mayroong lalapit sa kanila.
Akmang aayusin ni Kanoa ang upuan niya, pero pinigilan niya iyon. Hindi na nag-attempt si Kanoa na bumalik sa inuupuan nito.
"Thank you," seryosong sabi ni Kanoa. "Ikaw ba ang nag-drive papunta rito?"
"Nope. Nag-carpool lang kami ni Belle because we both hate driving around the Metro," Ara chuckled. "Kanina ka pa here?"
"Medyo," pag-aamin ni Kanoa. "Gusto mo na ba munang mag-order? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong kainin kaya hinintay na lang kita. Pwede na tayong mamili na muna."
Inabot ni Kanoa kay Ara ang isang menu at pareho silang namili ng kakainin. Ara ordered Pan-roasted Sole with Spaghettini Aglio e Olio and Kanoa got himself a Garlic Steak with Mushroom.
Pasimpleng tinitingnan ni Kanoa si Ara habang nakaharap ito sa menu at nakikipag-usap sa waitress. Nakasimpleng polo shirt itong kulay maroon na pinarisan ng pantalon at Converse na puti.
It wasn't Ara's aesthetics when they were still together because Ara loved wearing dresses. Naka-messy ponytail si Ara at walang suot na kahit na anong accessories. Malayo sa dati na mayroong kwintas, iba't-ibang bracelet, singsing, at hikaw.
Nang matapos mag-order si Ara, hinarap niya si Kanoa. Nakatingin ito sa kaniya habang kumportableng nakasandal sa inuupuan.
He never changed, Ara thought. The man in front of her was still the Kanoa she met years ago, but cleaner. Napangiti siya sa naisip dahil hindi naman ito mukhang marumi noon, pero mas maayos lang ang itsura nito malamang dahil naka-clean cut ang buhok na dating medyo may kahabaan at magulo.
"Why?" Kanoa nervously asked when he saw Ara subtly smiled while looking at him.
"Hindi ako sanay na you're wearing a white shirt lang. I was used to seeing you wearing dark colors," Ara chuckled. "Should we start talking now while waiting for our meal or after the meal na lang?"
Kanoa smiled. "After the meal so I can have more time with you."
Ara pinched her hand to stop herself from getting that same heartbeat she had when she was still with him. Gusto niyang ipaalala sa sarili niya ang mga ginawa ni Kanoa, ang mga sinabi nito tungkol sa kaniya, ang dare, at ang video.
"What do you do now?" Ara tried to make a conversation.
"Still in multimedia. I pursued directing, mostly mga music video ng mga bands or artists. Depende sa kung ano ang maging offer since freelancer lang naman ako," ani Kanoa. "Ikaw? What do you do now?"
Ara smiled and excitedly told Kanoa about her latest projects. "Last week 'di ba, we saw each other? I'm shooting the couple's prenup photos. They're my third client since I started and ayon lang naman . . . I haven't done much. Nag-start lang ako three months ago."
"That's nice. Sobrang uso ng aesthetics mo," Kanoa paused. "If you're still into those kinds of shots. Soft, gloomy, and pastel."
"It still is my aesthetic," Ara smiled.
They continued talking about their current profession and they do. Napag-usapan din nila ang tungkol sa channel ni Kanoa na hindi na niya naaasikaso dahil mas marami na siyang ginagawa nitong mga nakaraan.
Dumating ang order nila at pinag-usapan pa rin nila ang tungkol sa trabaho nila.
"Do you still travel?" Ara asked and drink from the strawberry shake she got.
Kanoa shook his head. "Hindi na unless dahil sa work. Pero 'yung ako mismo ang nag-decide na mag-travel, hindi na. Mas madalas na nasa condo na lang ako, nag-e-edit. Ikaw, nagpunta ka ba sa New York?"
Tumigil si Ara sa pagnguya at umiling. Nanatili siyang nakatitig sa pinggang nasa harapan niya iniisip ang mga planong hindi natupad. Ang mga bansang inalis niya sa listahan at ang mga gusto niyang puntahang hindi na niya itinuloy pa.
"I'm sorry for asking," Kanoa murmured.
"It's okay." Sinalubong ni Ara ang tingin ni Kanoa. Ibinaba niya ang utensils at huminga nang malalim. "What's your question? Based sa message mo sa 'kin. You have a question. What is it?"
Ibinaba rin ni Kanoa ang utensils na hawak at tinitigan si Ara.
"Are you married?" Kanoa asked without breaking the stare.
"I'm not," Ara responded doing the same.
"Ano'ng nangyari sa dalawang taon, Ara?"
Ara pinched the back of her hand again and licked her lower lip. Ipinalibot niya ang tingin sa paligid at wala silang katabi sa magkabilang lamesa.
"I . . ." she paused. "I focused on the pregnancy and taking care of Andra—"
"Anak ba natin si Andra?" biglang tanong ni Kanoa. "Ito talaga ang gusto kong itanong kasi hindi ko nagawa noong nagkita tayo. Gusto ko lang ng peace of mind, Ara. Gusto ko lang malaman kung akin ba si Andra."
Muling huminga nang malalim si Ara at mabagal na tumango.
Parang mayroong dumagan sa dibdib ni Kanoa dahil sa sagot ni Ara. Mabigat. Masyadong mabigat. Masakit. Masyadong masakit.
Naramdaman niya ang pamumuo ng luha sa magkabilang mga mata niya at hindi na niya mahanap ang tamang salitang sasabihin o itatanong kay Ara. Nakatingin lang siya sa mukha nito nang magkusang bumagsak ang luha niya. Sumandal siya sa upuan para subukang pakalmahin ang sarili niya.
Mabigat ang bawat paghinga niya habang ipinalilibot ang tingin sa buong lugar dahil gusto niyang iwasan ang tingin ni Ara sa kaniya.
"Sino'ng kasama mo noong mga panahong 'yon?" Suminghot si Kanoa at muling nag-iwas ng tingin kay Ara. "Naging maayos ba lahat sa 'yo?"
"It was okay," Ara casually responded while playing with her fork. "I survived. We... we survived."
Kanoa was quiet while staring at Ara. His eyes were pooling with tears, and he had no intention of hiding it. His heart was heavy, his breathing was rugged, and his mind kept on replaying his interaction with Andra last week.
"I found out about the pregnancy that time na pinuntahan mo 'ko sa hospital. I thought I was just weak kasi hindi ako makakain after everything. I was having headaches kasi hindi ako makatulog and everything happened gave me nightmares," pagpapatuloy ni Ara. "I became very sick the reason why I was at the hospital."
Nanatiling tahimik si Kanoa na pasimpleng pinunasan ang luhang bumagsak sa pisngi niya.
"I did everything to hide the pregnancy from you. Sa tuwing nagkikita tayo, alam kong posibleng mahalata mo and I was so thankful na you didn't even notice," Ara painfully smiled. "Sa tuwing magkatabi tayo sa class, I was trying so hard to stay away from you because if I don't . . ." she paused.
"If you don't?" Kanoa sniffed.
"I would hug you," Ara said truthfully. "Kasi that time . . . I was longing for you. I wanted to be with you, I want your perfume, but shouldn't because you'll hurt me again and I don't want to give you another chance to hurt me."
Kanoa's face softened.
"I was scared that you'll ask me to abort because you're not ready? I was scared that you'll push me away because you hate the idea of kids. I was scared that you'll hate me for havin—"
"Hindi ko gagawin 'yon." Bumagsak ang balikat ni Kanoa habang umiiling at nagmamalabis ang luha. "Hinding-hindi, Ara."
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.
Ara was staring at Kanoa who was looking down and would sometimes look at her, too. No words, Kanoa looked up, sniffed, stood up, and faced the glass walls with the blinds. She saw how his shoulders moved, too.
"Kanoa?"
Kanoa composed himself and faced Ara. "Puwede ko bang makita ang anak ko ngayon, Ara?"
Hindi sumagot si Ara na nanatiling nakatitig kay Kanoa, pero laking gulat niya nang lumapit ito sa kaniya, dahan-dahang lumuhod, at yumukod.
"Kanoa, tayo ikaw," Ara sobbed. "Please, stand up."
"Please, Ara? Gagawin ko lahat, kahit ano... ipakita mo lang ang anak ko..."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top