Chapter 6
Pagpasok ng elevator, hindi alam ni Kanoa kung ano ang mararamdaman dahil sa halos dalawang taon, hindi niya inasahang magkikita pa ulit sila ni Ara. Ang akala niya, nasa ibang bansa na ito dahil kahit kailan, hindi nagkrus ang landas nila.
He remembered that Ara wanted to travel abroad, even live in New York, and it was one of the things he thought she did.
Kanoa's phone rang and saw it was Jairold, his best friend.
"Kanoa? Asan ka na ba? Kumpleto na sila rito at ikaw na lang ang hinihintay. Ang tagal mo!" ani Jairold sa kabilang linya. "Kung anong palusot na sinasabi ko rito. Ano ka ba?
"On the way na 'ko. Nasa elevator na," sagot niya at ibinaba ang tawag.
His mind was in chaos and couldn't even think about anything other than Ara. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya lalo tungkol kay Andra dahil habang nakasandal siya sa elevator at nakatingin sa numero ng bawat floors, nagbibilang siya.
Bumukas ang pinto ng elevator at nagmamadali siyang pumasok sa opisina ng isang kilalang record label na humahawak sa Fireplay, ang bandang kumukuha sa kaniya para mag-direct ng isang music video.
Boost ito sa career niya lalo na at kilala ang banda, hindi lang sa Pilipinas.
Hindi siya puwedeng magkamali sa pagkakataong ito at ilang linggo niyang pinagplanuhan ang puwede niyang i-pitch para maging maganda ang kalalabasan. The band specifically chose him because of the vibe. Mukhang nagustuhan ng mga ito ang pag-edit niya ng mga video na ina-upload sa video streaming platform.
Pagpasok niya sa conference room, kumpleto na ang lahat. Ang banda, production manager, si Jairold na assistant niya, at si Harley na nakilala niya sa mga YouTube videos nito.
"Kanina ka pa namin tinatawagan, eh. Sabi nila bumili ka lang ng kape. Nilamon ka ba ng espresso machine?" pagbibiro ng production manager na matagal na rin niyang kakilala dahil nakakasama niya ito sa mga shoot. "Kanina pa sila."
Humarap siya sa mga ito na isa-isang nagpakilala.
"Good afternoon, pasensya na po. Bumili kasi ako ng kape sa baba kaso I saw an old friend," ngumiti siya. "I'm really sorry. I'm Kanoa Dinamarca."
Nilingon niya si Jairold para senyasang buksan na ang projector. Ipakikita niya ang posibleng gawin sa music video base sa kantang pinarinig sa kaniya. Marami siyang naisip, pero mas gusto rin niyang maging involved ang banda sa production. Gusto niyang kasama niya ang mga ito sa pag-iisip ng concent.
"Gusto sana namin na si Harley ang nasa video," sabi ni Major, ang vocalist ng banda. "Siya lang ang option."
Nilingon ni Kanoa si Harley na humarap sa kaniya.
"Ready ako sa mature roles," sabi nito habang nakatingin sa kaniya.
Nagtawanan ang lahat, pati siya. Sa observation niya, mukhang magiging madali lang dahil saktong sexy at mature ang proposed music video. Mukhang hindi sila mahihirapan. Mukhang hindi maarte ang magiging muse.
Nilingon ni Kanoa si Major. "How about sa makakasama niyang guy? Meron na ba kayong gusto?"
Tumingin ang tatlong miyembro ng banda kay Zero na katabi ni Harley. Base sa research ni Kanoa, ito ang drummer.
"Let's ask the boyfriend." Tumingin sa kaniya si Major. "Siya ang boyfriend ni Harley. Tanong natin kung mayroon ba siyang suggestion."
Kung tutuusin, kanina pa niya inoobserbahan sina Harley at Zero. May sariling mundo ang dalawa at paminsan-minsan pang nagtatawanan, bago magiging seryoso, pagkatapos ay tatawa ulit.
Kanoa already had a hint that the two were dating.
"Kung comfortable kang lumabas sa video, I personally think na mas magandang ikaw na lang ang kasama ni Harley. Since the scenes were sexy." Sandaling tumigil si Kanoa nang magtinginan ang dalawa. "Kung comfy kayo."
"Lantad naman sa instagram stories nilang sexy sila," sabi naman ni Kio, miyembro rin ng banda, na natatawa.
Ngumiti si Kanoa at ibinalik ang tingin kina Zero at Harley na nagdidiskusyon tungkol sa pagpayag na gawing magkasama ang video. Inilabas niya ang phone para tingnan ang social media accounts ng dalawa at walang duda. Lantad na sexy ang dalawa.
Nagpatuloy na rin sa pag-uusap tungkol sa gagawing music video. Paminsan-minsang nawawala si Kanoa dahil iba ang tumatakbo sa isip niya kaya mabuti na lang din at nasa tabi niya si Jairold na siyang naglilista ng options na gusto ng banda. It would be an easy job for everyone because the plans and vibes were aligned.
The meeting went well, and the band decided to finally hire him.
Habang nasa parking lot, sumandal si Kanoa sa hood ng sasakyan niya at huminga nang malalim. Tumabi sa kaniya si Jairold na inabutan siya ng chewing gum.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Parang ang lalim ng iniisip mo kahit habang nasa meeting. Wala kang masyadong sinasabi," mahinang natawa si Jairold. "Alam ko naman na gusto mo 'yung ideas nila kanina, pero ang unusual na wala kang ibang sina-suggest."
Nanatiling tahimik si Kanoa at yumuko pa nga.
"Ayos ka lang ba?" muling tanong ni Jairold.
Sa ilang taong magkasama sila ni Kanoa, kilala na niya ito. Base sa inaakto at pagtahimik, alam niyang mayroong nangyari sa tagal nitong nawala.
"Sino pala 'yung nakita mo kanina?" Nag-isip si Jairold ng puwedeng itanong kay Kanoa.
"Si Ara."
Pasimpleng nilingon ni Jairold si Kanoa. Nakabulsa ang dalawang kamay nito, nakayukong nakatingin sa sahig, at umiling bago sinuklay ang buhok ng sariling mga daliri. Patagilid pang tumingin sa kaniya.
"Nagkita kayo? Nagkausap?"
Tumango si Kanoa. "Oo. Natagalan ako kasi . . ." Huminto siya. "Jai, may kasama si Ara kanina."
"Boyfriend? Asawa?" mahinang natawa si Jairold. "Meaning, mag-move on ka na raw. Baka sinasabi ng unive—"
"Baby." Kaagad na pinutol ni Kanoa ang sasabihin ni Jairold. "One year and seven-month-old baby girl."
Hindi nakapagsalita si Jairold at bahagya pang napanganga habang nakatingin kay Kanoa. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Nanatili namang nakatitig si Kanoa sa sahig na para bang naroon ang sagot sa mga katanungan sa isip niya.
"Ayokong magbilang," ani Jairold. "Pero tingin mo ba . . ."
"Bobo ako kung sasabihin at iisipin kong hindi akin. Magkasama kami ni Ara sa mga panahong 'yon. Imposibleng may iba. Imposibleng hindi ako. Hindi niya sinabi sa 'kin, pero hindi nama nako bobo," mababa ang boses ni Kanoa.
"Tang ina. Ano'ng plano mo? Hindi ka ba nagtanong kanina? Sana tinanong mo na rin para sigurado, 'di ba?" Dumeretso ng tayo si Jairold. "Teka, hindi ko maproseso. Kung anak mo nga 'yung bata . . . gago, Kanoa."
Mahinang natawa si Kanoa sa reaksyon ni Jairold. "Ikaw na ang bahalang mag-compile sa contract natin. Maghanap na rin tayo ng supplier para sa mga kailangan sa shoot. Location, lahat . . ."
"Gusto mo ba munang uminom?" tanong ni Jai. "Mag-message na lang ako kay G—"
"Umuwi ka na."
"Samahan muna kita. Inom tayo sa condo mo," pag-aya ni Jairold. "Dali na. Parang hindi ko pa ma-process 'yung nalaman ko. . . pero teka, anak ba ni Ara?"
Mabagal na tumango si Kanoa at tipid na ngumiti. "Binuhat ko kanina. Para akong nakatingin sa small version, copy-paste version."
"Eh 'di ba, may kakambal si Ara? Baka naman pamangkin lang niya 'yong bata? Baka naman hindi anak ni Ara 'yon 'tapos pinaalaga lang sa kaniya? Hindi ka naman sigurado, eh," pagpapatuloy ni Jairold. "Itanong mo kaya? May number ka naman niya, 'di ba?"
Pumasok na rin iyon sa isip ni Kanoa dahil iyon ang iniisip niya habang nasa meeting siya. May posibilidad na kay Belle si Andra, pero malaki rin naman ang posibilidad na kay Ara.
Sa kanila ni Ara.
"Tara, inom muna tayo. Wala pa rin naman si Mama," ani Kanoa at umikot sa sariling sasakyan. "Sa convenience store na lang tayo bumili ng alak."
Habang nagmamaneho, iba pa rin ang tumatakbo sa isip ni Kanoa. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang tagpo nila ni Ara. Palagi niyang inisiip na sana ay makasalubong niya ito, kahit sulyap lang ayos na sa kaniya.
Huminto ang sasakyan niya sa stop light. Kinuha niya ang phone at binuksan ang gallery kung nasaan ang huling picture na mayroon siya.
It was during their graduation and Ara was on the stage, accepting her diploma. Iyon na ang huling pagkikita nila, iyon na rin ang huling picture na mayroon siya.
Account lang din ni Ara ang fina-follow ni Kanoa sa social media niya, pero sa loob ng halos dalawang taon, wala na itong naging update. Hindi naka-deactivate, pero walang post o story. Walang kahit na ano. Madalas siyang naghihintay kaya alam niya.
Si Jairold na ang bumili ng pagkain nila. Pabagsak na naupo si Kanoa sa sofa habang nakatingin sa TV na nasa YouTube at nakabukas lang. Walang naka-play at wala siyang balak panoorin.
Ibinaba ni Jai ang bote ng beer sa coffee table bago naupo sa pang-isahang sofa malapit sa balcony ng condo niya.
"Hindi ko alam kung balak mo bang pag-usapan, pero gusto kong itanong kung balak mo bang itanong kay Ara para sa confirmation?" tanong ni Jairold. "Huwag kang magagalit. Nag-check ako ng Facebook account ni Ara gamit 'yung account ni Gia, pero walang post kahit isa. Last post was almost two years ago."
"Oo. Kahit sa Instagram," aniya at tinungga ang beer. "Wala akong balita sa kaniya. Akala ko nga sa ibang bansa na siya nakatira."
Sumandal si Jairold at pasimpleng inobserbahan si Kanoa. Seryoso itong nakatingin sa TV na wala namang palabas. Halatang malalim na nag-iisip. Alam niya dahil sa halos araw-araw silang magkasama sa loob ng halos dalawang taon, iba ang Kanoa na kasama niya sa nakilala niya.
Simula nang mangyari ang sex scandal, ang pagkaso sa mga kaibigan nila, at ang paghihiwalay kay Ara, naging seryosong tao si Kanoa. Halos hindi na ito sumasama sa events kung hindi trabaho at mas lalong hindi na sumasama sa gimik kung hindi importante.
Kanoa focused on working and collaborating with others for the experience. Marami na silang naging kliyente nitong mga nakaraan. Halos wala silang pahinga dahil tanggap lang ito nang tanggap.
Wala na rin silang koneksyon kina Luis at Cocoy. Kinasuhan niya si Luis, nakulong, at nagpyansa ito. Hindi rin nakatulong na malakas ang kapit dahil kay Cocoy na maraming kakilala. Gusto mang ilaban ni Kanoa dahil na rin sa mga hate comments na natanggap ni Ara, wala siyang nagawa.
Inihiga ni Kanoa ang ulo niya sa backrest ng sofa at ipinikit ang mga mata. Huminga siya nang malalim at naramdaman ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata niya. Hindi na niya iyon pinigilan. Hindi na siya nahiya kay Jairold.
Jairold saw the worst in him already—no point in hiding the pain and longingness.
"What if may asawa na pala si Ara?" mahinang sambit ni Kanoa. "I just hope he's treating her well. I h-hope she's okay and . . ."
"Kanoa. Alamin mo na muna," payo ni Jairold. "Gusto mo bang tulungan kita? Wala namang mawawala kung aalamin mo lalo na ngayon na pakiramdam mo, sa 'yo ang baby ni Ara. Wait. . . pakiramdam mo nga ba, sa 'yo?"
"Kung sa 'kin man o hindi, ayos lang. Gusto ko, si Ara. Kung tatanggapin niya ako, kung puwede pa. . ." Huminto si Kanoa at patagilid na nilingon si Jairold. "Kung puwede pa."
Tipid na ngumiti si Jairold. "Nabuhat mo 'yung baby, 'di ba?"
Tumango si Kanoa.
"Ano'ng naramdaman mo?"
"Kaamoy niya si Ara," mahinang natawa si Kanoa at ginamit ang braso na pantakip sa mga mata niya. "Hindi ko naman alam kung ano 'yung lukso ng dugo. Hindi ko alam kung anong pakiramdam, pero ang ganda niya."
Ngumiti si Jairold habang nakatingin kay Kanoa.
"Ang liit ng mukha, basta kamukha ni Ara. May mga ribbon din sa buhok." Tinuro ni Kanoa sa sarili niya kung nasaan ang ribbon. "Amoy marshmallow rin, parang Ara. Basta, small version."
"Ano ngang pangalan?"
"Andra lang ang alam ko. Hindi ko talaga nagawang magtanong," dagdag ni Kanoa. "Hindi ko alam kung ano 'yung mga dapat itanong kahit na habang buhat ko 'yung bata, kumportable ako. Habang nasa meeting tayo, bilang ako nang bilang. Sigurado kasi ako na kung tama 'yung bilang ko, anak ko si Andra."
Umiling si Jairold at mahinang natawa. "Itanong mo para na rin sa peace of mind mo. Pero paano kung sa 'yo? Magagalit ka ba kay Ara na itinago niya . . . kasi may karapatan ka namang malaman 'yon?"
"Wala akong karapatang magalit, Jai. Sa nangyari sa 'min ni Ara, sa nagawa ko sa kaniya, sa lahat . . ." Huminto siya at ipinatong ang dalawang siko sa sariling tuhod. "If Andra's mine, I just wished I knew. It's too late, but I really wished I knew."
Jairold was aware of all the regrets.
Days passed and Kanoa couldn't get over after seeing Ara. Paulit-ulit pa rin siyang naghihintay na mag-post ito sa social media accounts, pero wala. He tried messaging her using her old number, but it was left on delivered.
Not even sure if Ara was lying about not changing her number. Ayaw niyang tawagan dahil ayaw niyang makaistorbo.
Sa mga araw na nagdaan, paulit-ulit niyang inaalala ang itsura ni Andra. Wala siyang picture o kahit na ano. Andra's face was all inside his head, and he didn't want to forget.
Nagsabi na rin muna siya kay Jairold na hindi muna siya aalis at sa condo lang siya. Gusto muna niyang mapag-isa kahit na sumasagot naman siya ng e-mail at gumagawa rin ng kontrata. Nag-e-edit din siya ng mga video ng ibang kliyente pa niya, pero kahit na isa, wala siyang matapos.
Bumalik siya sa kama at pabagsak na nahiga. The entire room was dark. Mayroong kaunting liwanag na sumisilip mula sa bintanang mayroong itim na kurtina.
Naalala niya ang dating condo niya kung saan sila madalas na magkasama ni Ara. Iniwan na niya iyon, pero hindi niya ibinenta. Kinailangan lang niyang lumipat sa ibang lugar dahil bawat sulok, si Ara ang naalala niya.
Kanoa remembered how they started and if he could just go back in time, he wouldn't even dare get close to Barbara. Pinagsisihan niya ang dare na nangyari, pero mas pinagsisihan niyang pumasok siya sa buhay ni Ara.
Kung hindi siya pumasok sa buhay ni Ara, hindi mangyayari ang mga nangyari. Hindi niya madadamay si Ara sa kamiserablehan niya at hindi lalabas ang video na nasa internet na kahit anong gawin nila.
Hindi kita ang babaeng nasa video, oo . . . pero sa dami ng comments, posts, at video sa iba't-ibang sites. . . malaki ang epekto niyon sa kanila, lalo kay Ara.
Kinuha niya ang phone na nasa bedside table. Isa-isa niyang pinanood ang video na nasa nasa gallery niya dahil kahit na minsan, hindi niya iyon binura.
He was editing a compilation of all the candid videos of Ara, and it was a work in progress for almost two years. Hindi niya matapos at hindi niya alam kung makakaya pa niyang tapusin.
Kanoa still loves Barbara and has no plans of unloving her soon.
Kinagabihan, naisipan ni Kanoa na magpunta sa gig ng Fireplay sa isang bar dahil gusto niyang makakuha ng footage para sa promotion sa mga susunod. Nakita lang niya sa social media ang tungkol doon.
Wala rin naman siyang gagawin, kailangan din niya ng diversion.
"Ang serious naman!" Ibinaba ni Harley ang lechon kawali sa lamesa niya. Hawak nito ang dalawang bote ng beer. "Pinapabigay nila. Pulutan saka alak," tinuro nito ang bandang nasa stage. "Bakit daw hindi mo sinabing pupunta ka para sana na-reserve ka nang magandang upuan sa harapan."
"Mas magandang kumuha ng footage rito." Ipinakita niya kay Harley ang gimbal na mayroong camera. "Kailangan ko lang para sa promotion."
Tumangga si Harley ng beer. "Mag-isa ka lang? Hindi mo kasama si Jairold?"
Tumango lang si Kanoa.
"Alam mo, 'wag kang magagalit. Alam namin ni Zero kung bakit ka late noon sa meeting, pero hindi na lang kami nag-tell kasi buhay mo 'yan," natawa ito. "Pero 'yung babaeng kasama mo, ex mo ba 'yon?"
Tumango si Kanoa at tinungga ang hawak na beer.
"Seryoso? Kilala ko 'yon si Ara, e," nakakunot ang noo ni Harley habang nakatingin sa kaniya. "Kapatid 'yon ng mutual friend ko. Si Sam? Iyong bestfriend kasi no'n, jowa ng bff ko. Eh may group chat kami, madalas 'yong nagse-send ng picture ng baby, pati ni Ara! Kaya noong nagkasalubong tayo sa elevator, nakilala ko siya. Di mo pa ako kilala noon saka hindi ka nakatingin. Nakatingin ka sa stroller."
Dumeretso ng upo si Kanoa habang nakatingin kay Harley. "Seryoso?"
"Luh, mukha ba akong joke time?" sumama ang tingin ni Harley sa kaniya, pero natawa rin ito. "Ako, magsisinungaling? 'Wag mo 'kong hinahamon!"
"P-Patingin."
Nagsalubong ang kilay ni Harley habang nakatingin sa kaniya. Napatigil ito sa pag-inom ng beer at matagal siyang tinitigan. "Wait, teka. Bakit parang ang serious?"
"Almost two years ko na kasing hindi nakikita si Ara. T-That day was the first time," pagpapatuloy ni Kanoa. "Kaya ako natagalan sa baba noong nag-excuse ako kasi wala pa naman kayo ni Zero."
Seryoso pa rin ang mukha ni Harley, pero halata ang gulat. "Anak mo ba 'yung baby?"
"To be honest, I'm not sure," sagot ni Kanoa. "Since kilala mo siya, may idea ka ba kung kasal na siya? Nabanggit ba ng kuya niya sa inyo kung sino ang daddy ni baby? Puw—"
"Hala." Nanlaki ang mga mata ni Harley. "Teka, wait. Teka, hindi ko ma-process."
Hindi nakapagsalita si Kanoa. Nakatingin siya kay Harley na kumportableng sumandal sa inuupuan. Tumungga pa ito sa beer bago bumiling ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Harley, favor naman. B-Baka puwede mong itanong?"
Nakita ni Kanoa ang pag-aalangan kay Harley. "Wala ka bang number niya? Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong? Sorry, pre, ayokong makielam. Hindi kami close ni Sam."
Yumuko si Kanoa. "Gets ko, pero puwede bang patingin kung may pictures ka ni Andra sa group chat n'yo? Kahit 'yon lang."
"Hoy, Noa... ayoko," umiling si Harley.
"Please?"
T H E X W H Y S
Note:
Hindi ko kayang mag-offline. Kung ano 'yung nababasa at iuupdate ko now, raw and no edit. I hope you'll understand. Hehe! Mas sanay akong mga naka-on going ang stories ko... tinatamad ako kapag hindi. So yup. Expect updates one by one. Sorry!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top