Chapter 5
Present
Ara breathed while staring at Andra, who finally stopped crying after almost thirty minutes of tantrums. Her baby girl was really spoiled by everyone around her, and it was a little challenging for Ara.
"Finally," Ara kissed Andra's fluffy cheeks. "Ikaw, ha? Dada Sam isn't here. Mommy Belle, too... kaya we're not allowed to cry na mag-cry!"
Andra giggled as if teasing her!
Natawa na lang si Ara habang inaayos ang nagulong damit ng anak niya. Nakakalakad na naman na ito, tumatakbo pa nga, pero may pag-iingat pa rin lalo na at ayaw ng kuya niyang nakikitang mayroong pasa o gasgas man lang si Andra.
Ara chose a simple dress for Andra. It was a gift from Sayaka—who was in Japan for work. It was yellow with little daisies on it. For the shoes, she chose black doll shoes and white socks. She always loved dressing Andra because it felt like she had this real-life doll.
Simula nang ipanganak niya si Andra, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong lumabas o magtrabaho. Nag-focus siya sa pag-aalaga sa anak niya at wala siyang pinagsisisihan doon.
It was the only plan on her list, nothing more. But since Andra was getting bigger, the needs were also getting higher.
That was when Ara decided to get some part-time gigs. Mayroon siyang na knowledge sa photography at iyon at pinasok niya. Prenuptial photography, to be exact.
Nakakatatlong kliyente na siya at halos lahat, word of mouth. Nakilala lang niya ang unang kliyente niya sa social media nang mag-post siya ng sample shots ni Belle at Sayaka. Nagustuhan daw kasi nito ang aesthetics niya.
Nagpaturo na lang din siya ng marketing kay Mile, ang bestfriend ng Kuya Sam niya na isa ring photographer.
Ara was into soft and pastel vibes, like she used to. Kahit sa mga picture ni Andra—na hindi naman niya ina-upload sa kahit saan—palaging soft ang vibes.
It became her therapy; it made her happy.
Malaking bagay iyon dahil bukod sa nababayaran siya para na rin sa needs nila ni Andra, nagkakaroon siya ng experiences para sa gusto niyang subukan sa mga susunod.
Andra was already one year and seven months. No helper, just her Kuya Sam. Nataon lang talaga na mayroon itong kailangang asikasuhin sa café kaya hindi siya masasamahan sa lakad niya.
Magkikita sila ng kliyente niya para sa contract signing nila. Sandali lang naman iyon kaya naisipan na lang niyang tumuloy kahit wala si Sam at isasama na lang si Andra. Sana lang ay makatulog ito... iyon ang iniisip niya.
Mayroon siyang sariling sasakyan kung saan naroon na ang car seat na naka-prepare para kay Andra. Kapag umaalis sila ni Sam, iyon ang ginagamit nila at siya ang pinagda-drive para masanay ulit siya. Matagal na rin kasi ang huli.
Nang matapos bihisan ni Ara si Andra, kaagad niyang tinawagan ang kuya niya para sabihing paalis na siya. Nag-message na rin siya sa kliyente na on the way na siya at magkita na lang sila sa café na napili ng mga ito.
Medyo malayo ang lugar sa kaniya, pero mas pinili niya ang lugar na convenient para sa kliyente niya. At habang nagmamaneho, inisip ni Ara na sana ay hindi mag-tantrums si Andra mula sa backseat. Mayroong naka-play na movie sa iPad na nakaharap sa anak niya at sana ay sapat na rin iyon.
Ara was felt a little nervous. Isa iyon sa hindi nawala sa kaniya sa loob ng dalawang taon. The anxiety about meeting people, of being stared at thinking she could be recognized because of the past video she had.
Wala naman siyang mukha roon, oo . . . pero palaging may takot sa parte niya na baka mayroong ibang nakakita at mamukhaan siya.
Her family had no idea about what happened. Naisip din niya na kapag nakalabas iyon, nakakahiya lalo na at kilalang abogado ang daddy niya, kilala naman sa business ang mommy niya.
Ara shook her head and focused on driving. She started rehearsing what to say, how to react, and what to expect.
Manila traffic was the worst. Marami pa naman siyang panahon dahil dalawang oras ang inilaan niya para sa byahe nila, pero hindi niya inaasahang malala ang traffic sa lugar. Sinilip niya si Andra mula sa rearview mirror at busy ito sa panonood habang nilalaro ang pacifier.
She automatically smiled while looking at her daughter who looked just like her. Dahil doon, biglang pumasok sa isip niya ang itsura ni Kanoa.
Graduation was the last time she saw him.
At dahil hindi na rin nagbubukas ng social media si Ara, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makita ito ulit. May mga time lang na iniisip niya kung ano na kaya ang itsura nito, kung ano na ang ginagawa, kung natupad ba ang pangarap na makasama sa malalaking pangalan sa industriya, pero hanggang doon na lang ang lahat.
Ara decided to totally cut Kanoa off her life.
It was hard, of course. Andra, their daughter, was the living proof of something they shared. Sa araw-araw na nakatingin siya sa anak nila, naiisip niyang minsan din niyang minahal si Kanoa.
Naging masakit ang pagmamahal na iyon, pero isa iyon sa mga pagkakataong naging paborito niya.
Nang makarating sa building, nag-park si Ara sa basement imbes sa open parking na nasa harapan para hindi masyadong uminit ang sasakyan niya. Medyo maarte pa naman si Andra at ayaw nitong napapawisan.
Mula sa likuran, kinuha niya ang stroller na gagamitin para sa anak.
"Let's go?" aniya pagbukas ng pinto at tumingin sa kaniya si Andra. Naka-pacifier pa rin ito. "Later na ikaw mag-milk, ha? You want to sleep ba?"
Andra started babbling and Ara couldn't understand a single word. Nagsasalita naman na ito kahit papaano, pero mas madalas na mommy, yes, no, mikmik, and Sam lang pa lang ang nabubuong nasasabi.
Madalas niyang kinokorek ang pagtawag nito ng Sam sa kuya niya, pero tawang-tawa naman si Sam kaya hinayaan na lang nila.
Bukod sa personal bag ni Ara na mayroong iPad, phone, wallet, susi, at ilang importanteng gamit . . . malaking bag ni Andra ang bitbit niya dahil naroon ang mga damit na pamalit, gatas, tubig, bote, at mga laruan na puwedeng gamitin para kumalma sandali ang anak niya.
Isa iyon sa challenge na madalas niyang hinaharap sa tuwing umaalis sila.
The place was an office building. Iyon na rin ang napili ng kliyente niya dahil doon nagtatrabaho ang dalawa. May pasok pa rin daw kasi, kailangan lang talaga nilang magkita.
Tulak ni Ara ang stroller ni Andra at pagpasok sa coffee shop na nasa entrance lang din ng building, napapikit siya nang maamoy ang kape.
Simula nang ipagbuntis niya si Andra, hindi na siya nagkape dahil nasusuka na siya roon. Nang manganak naman siya, hindi rin puwede dahil sa breastfeeding hanggang sa hindi na niya sinubukan ulit.
Ginagawan siya ni Sam ng chocolate drink at iyon ang madalas niyang iniinom.
Hindi na muna nag-order si Ara dahil hihintayin na niya ang mga kausap niya. Hindi rin naman siya nagugutom, pero nakita niya ang selection ng cake at mukhang iyon ang pupuntahan niya mamaya.
Ipinalibot niya ang tingin sa buong lugar at nakita niya ang bakanteng lamesa malapit sa glass wall. Maganda rin ang lugar dahil maluwag para sa stroller ni Andra nang bigla itong mag-tantrums at gustong umalis sa stroller. Nagulo pa nga ang buhok nito dahil sa pagkakakamot kaya natanggal ang pagkakaayos ng ipit nito.
"Mimi..." Nagpapakarga si Andra at parang iiyak na.
"Wait, baby," aniya at kinuha ang pouch nito sa bag na mayroong lamang suklay at pang-ipit na palagi niyang bitbit.
Tinanggal niya ang strap ng stroller ni Andra at maingat na binuhat ang anak. Inayos niya ang damit nitong umangat bago isa-isang tinanggal ang mga ipit at sinuklayan ang may kahabaang buhok nito.
Ipinanganak niyang makapal ang buhok ni Andra. It was silky straight and easily managed. Madalas itong nakaipit dahil humaharang sa mukha ang buhok at ayaw niya nang ganoon.
"You're being a brat, ha? Your hair is a mess and you're being makulit," aniya at ipinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ni Andra. "You want mikmik na?"
Andra again started babbling and playing with the comb. Ara then fixed her daughter's hair making sure nothing was covering her cute fluffy face. Ikinabit niya ang mga ribbon na kabibili lang nila ni Belle noong nakaraan.
"I'm having a meeting, Andra," Ara chuckled and kissed her daughter's cheek. Naamoy niya ang pabango niya kay Andra dahil sa pagkakayakap niya. "You're so bango talaga. You smell like marshmallow and you're too fluffy!"
Muli niyang inayos ang damit ni Andra na medyo umangat nang maramdamang may nakatingin sa kanilang dalawa at hindi siya nagkamali nang makita ang taong hindi niya gugustuhing makita kahit kailan.
Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang napanganga. Kung puwede lang siyang tumakbo palabas ng coffee shop, ginawa na niya . . . para tuluyang itakbo si Andra.
Humigpit ang hawak niya kay Andra nang maalala ang takot na baka ayawan ito ni Kanoa. . . na baka kapag nalaman ang tungkol noon sa pagbubuntis niya, baka pandirihan pa siya.
"And—"
"Hi, Ara!" Lumapit ang dalawang tao sa kaniya at iyon ang mga kausap niya. "Hello! Kanina ka pa ba? Sorry, medyo natagalan kasi kami sa elevator."
"No worries!" Ara tried to smile, hiding the nervousness. "It was okay. I brought my daughter kasi wala ang siblings ko to take care of her. I hope you won't mind."
Naupo ang magkasintahan sa harapan ni Ara. Parehong tumuon ang pansin ng mga ito kay Andra na nilalaro ang suklay na kulay pink. It was from Disneyland na binili nila noong nakaraang buwan.
"Not at all! Ang ganda-ganda and she looks like you! Ang cute!" sabi ng babaeng kausap niya bago tumingin sa kasintahan at hinawakan pa ito sa braso. "Grabe, I want a baby na rin. Ang puti naman nitong baby na 'to!"
Ara bit her lower lip. She could still see Kanoa from where he was standing. Nakaharap pa rin ito sa kanila kaya naman gumawa siya ng paraan para hindi na magtama ang tingin nila.
Kalong si Andra, inilabas ni Ara ang iPad niya para ipakita sa magkasintahan ang tungkol sa kontrata. Ipinakita rin niya ang moodboard na ginawa niya para sa confirmation ng mga ito kung sakali mang mayroon pang gustong baguhin.
Habang nag-e-explain, biglang umiyak si Andra dahil gusto nitong bumaba sa pagkakakalong... malamang na gustong maglakad-lakad sa buong café.
Ara bit her lower lip and stared at the couple who was also staring at Andra. Wala namang judgment sa tingin ng mga ito, pero hindi puwedeng masayang ang bawat minuto dahil may trabaho rin ang mga ito at sandaling nag-excuse lang sa ginagawa.
"I'm really sorry," Ara apologized to the couple. "Wala kasi talaga akong mapag-iwanan sa kaniya an—"
"It's okay." The girlfriend giggled. "We unders—"
"Ara, akin na muna siya." Lumapit si Kanoa at tipid na ngumiti. Bahagya rin itong yumukod sa magkasintahang nasa harapan nila. "Ako na muna. Wala naman akong gagawin pa, continue with the meeting."
"Are you sure?" Ara was hesitant. She didn't want to, of course!
Kanoa nodded and carried Andra.
"Do you know him? Really, okay lang kahit umiiyak si baby."
Ara gazed at Kanoa. Nakaharap ito sa glass wall at parang itinuturo kay Andra ang nasa labas ng café. Her daughter was at ease. Nakakatakot.
"Ara, it's really okay. Kunin mo na si baby sa kaniya. Baka mamaya hindi mo siya kilala," sabi ng babaeng kausap niya.
"I know him," Ara forced a smile. "Let's continue na rin po para hindi na rin kayo matagalan. I made more moodboard for you guys and ise-send ko rin naman ito via e-mail so you can decide."
Isa-isang tiningnan ng magkasintahan ang ginawa niya.
Ara's attention was divided. Isinusulat niya kasi ang ilan pa sa mga gusto ng client. Inobserbahan din niya kasi ang mga ito para na rin sa adjustment niya sa photo at kung ano ang possible poses base sa kung paano mag-usap o magtinginan ang dalawa.
It would be important, too.
Paminsan-minsan din naman siyang nakatingin kay Andra, ganoon din kay Kanoa. Kahit kailan, hindi niya na-imagine na makikita niyang buhat nito ang anak nila. Ni hindi niya na-imagine na magkikita ang dalawa. . . na magkikita pa sila.
She wasn't prepared. She didn't know even know how to react.
Malamang na kung wala ang dalawang taong nasa harapan nila, baka tumakbo na siya palayo pagkakita pa lang niya kay Kanoa. Seeing him was the last thing Ara wanted . . . lalo pa at kasama niya si Andra.
May kaba rin sa dibdib niya dahil baka malaman ni Kanoa ang katotohanan.
"Ara?"
"I'm sorry," nakagat ni Ara ang ibabang labi. "If ever you want to add more, just let me know. Open ako for suggestion and gusto ko rin na alam ko 'yung gusto n'yo para at least, we'll meet halfway."
"Don't stress much about it. Gusto namin 'to. Ipapakita ko na lang din siguro sa 'yo ang wardrobe namin para mas makita natin 'yung gagawin," natutuwang sabi ng babae. "Wait, i-search ko lang ang i-send ko sa 'yo ang pegs na puwede nating idagdag."
Tumango si Ara at naghintay. Minsan din niyang kinakausap ang kasintahan nitong lalaki para alamin naman kung ano ang gusto nito dahil halos lahat ay plano ng babae.
Narinig niyang umiyak si Andra at medyo nagpupumiglas kay Kanoa.
"Excuse lang, ha?" Muli siyang humingi ng pasensya sa dalawang kausap. "I-check ko lang si baby..."
"Go ahead," tumango ang babae.
Lumapit si Ara kay Kanoa na kaagad tumingin sa kaniya. For some reason, everything became blur, and she couldn't believe that slow motions were true. Akala niya sa movies lang iyon, but the moment their eyes met, Ara's heart pounded as if trying to escape.
Kanoa changed, that was what she noticed.
The hair was clean . . . no, he looked clean.
"We're almost done. I'm really sorry," Ara held onto Andra's cute little hand.
"Take your time," Kanoa nodded without breaking the stare.
Ara felt uncomfortable so she immediately turned around and breathed hard. Pasimple niyang hinaplos ang dibdib niya kung nasaan ang puso dahil hindi niya alam kung paano kakausap si Kanoa kapag nakaalis na ang mga kliyenteng kausap niya.
Nang makaupo, pasimple pa rin niyang tinitingnan ang mag-ama niya. Andra looked okay and comfortable with Kanoa. No crying, no fussing, no tantrums, and no resisting. Paikot-ikot lang ang dalawa sa café.
"We won't take much of your time na rin, Ara. We know how hard it must be for you, too. Pasensya ka na that you had to drive all the way here pa with baby," sabi ng babae. "Saan kami mag-sign? Mag-down na rin kami now para okay na and we can proceed na next three weeks."
Ngumiti si Ara at binuksan ang application sa iPad na pipirmahan nilang tatlo. Ise-send na lang niya sa e-mail ang copy ng mga ito. Ipi-print na lang din niya ang hard copy for documentation.
In no time, the couple even sent her the downpayment before saying goodbye. Masaya silang nagpaalamanan at nang makaalis ang dalawa, ibinalik niya ang tingin kay Kanoa.
Andra was lying on Kanoa's arms while playing with her pacifier. It made her heart ache knowing Kanoa had no idea he was already carrying their daughter. . . but she immediately shrugged off the feeling. She needed to be firm with her decision not to tell him.
Lumapit siya sa dalawa at nakitang inaantok na si Andra.
"Kanoa, all good na." Kinagat ni Ara ang ibabang labi. "I'm really sorry. Wala kasi akong mapag-iwanan sa kaniya and this meeting is important because the couple are getting married in a month and . . ."
Mula sa kinatatayuan, nakita ni Ara ang usok ng sigarilyo mula sa customer na nasa labas at naalala kung gaano rin kalakas mag-yosi si Kanoa. Andra had allergies and she didn't want to risk her daughter.
Bakit kasi hindi niya naisip kaagad iyon?
"Wait, hindi ka naman siguro amoy cigarette, 'di ba? Sorry for being rude, but Andra's allergic kasi—"
"Parang ikaw," Kanoa cut her off and chuckled. "Nag-quit na 'ko a year ago. No worries."
Ara forced herself to smile. Ayaw niyang magpahalatang kinakabahan siya at mayroon siyang awkwardness na nararamdaman. She didn't want Kanoa to notice that she was hiding something really, really, really obvious.
"Good for you! So, can I take her na? We'll go home na rin. What are you doing here pala?" tanong niya. Ni hindi niya alam kung bakit niya iyon itinanong.
"May client ako sa taas," sagot ni Kanoa.
Naglakad sila papalapit sa lamesa. Inaayos niya ang stroller ni Andra nang bigla itong magsalita.
"Ilang taon na siya?"
Sa pagkakatanong ni Kanoa, kinabahan si Ara. Natigilan siya sa pag-ayos ng stroller at pasimple niyang kinurot ang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. There would be a possibility that Kanoa would know, but she knew she couldn't lie about Andra.
"One year and seven months," Ara thought fast to divert the question. "Anyway, it's nice seeing you again, Kanoa. We'll get going na rin 'cos Andra's fussy 'pag hindi nakaka-sleep nang maayos."
Hinarap ni Ara si Kanoa at nakita itong nakatitig kay Andra na nakatulog na rin pala. Gumagalaw pa ang bibig nito habang nagpa-pacifier.
"It's nice seeing you, too," sagot ni Kanoa bago siya tiningnan.
Ara observed as Kanoa carefully settled Andra in her stroller. Dumilat ang anak niya at tumingin kay Kanoa. Hindi na ito umiyak at basta na lang niyakap ang unang naroon bago ipinikit ang mga mata, indikasyong malalim na ang magiging tulog nito.
Kaagad na kinuha ni Ara ang mga bag nila para makaalis na. Hindi niya matagalan ang presensya ni Kanoa dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakataong makapag-usap pa sila dahil baka saan iyon mapunta.
She couldn't lie to herself anymore. It had been almost two years, but her love for him was still there.
Ara didn't even try forgetting what they had, but she wanted to exclude Kanoa from all the future narratives.
"Saan ka naka-park? Ihahatid na muna kita," Kanoa offered.
"Sa basement parking kami," Ara smiled warmly. "It's okay. Kaya ko naman. Sanay na 'ko."
"I insist," Kanoa said while staring at her.
Hindi na niya nagawang tumanggi nang si Kanoa na mismo ang nagtulak ng stroller ni Andra. Nasa likuran lang siya at nakasunod habang nakatingin kay Kanoa dahil napansin niya ang mga pagbabago.
She didn't mean to observe, but Kanoa looked different from what she was used to. The Kanoa in front of her looked professional but didn't lose the charm and the arrogance. Ramdam pa rin ang angas sa bawat kilos, pero hindi na katulad noon na mayroong intimidating aura.
The Kanoa she was walking with was a little . . . tamed.
Mula sa café, sa elevator, at hanggang sa makarating sa basement, namayani ang katahimikan. Nakayuko si Ara na nilalaro ang singsing na suot niya para kahit papaano ay mapalagay sa nerbyos na nararamdamn niya.
Nauna siyang naglakad para ituro kung nasaan ang sasakyan niya at akmang lalapitan si Kanoa para kunin ang stroller nang ito na mismo ang nagtanggal ng straps ni Andra.
"Bukasan mo na lang 'yung sasakyan mo, ako na ang bahala," anito nang hindi tumitingin sa kaniya at tutok sa ginagawa kay Andra. "Looks like she's a heavy sleeper."
Binuksan ni Ara ang backseat kung nasaan ang car seat ni Andra. "Sometimes. It actually depends," sagot niya.
Si Kanoa na rin ang bumuhat kay Andra at maayos itong inihiga sa car seat. Ilang beses pang sinigurong sakto lang ang pagkakasikip ng strap, kung nakalagay ba ang seatbelt, at inilagay pa ang unang galing sa stroller sa tabi ni Andra. Ito na rin ang nag-ayos ng stroller at inilagay sa trunk.
Ara was just standing there, watching.
"Again, thank you."
"Wala 'yon," ngumiti si Kanoa. "Puwede ba kitang i-message sa susunod?"
Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Ara. Matagal bago siya sumagot dahil hindi niya mahanap ang tamang salitang isasagot kaya nauwi siya sa tanong na bakit?
"Catch up," Kanoa shook his head and gazed at Andra who was sleeping soundly.
Ara felt her heart raced making her breathe a little heavier. She didn't want to hear a single question about Andra, because she knew she wouldn't be able to lie. Her expressions were always transparent, and she wasn't ready.
"S-Sure." Ara shrugged, trying to play it cool. "My number's still the same naman."
Kanoa gave her a nod and stared at her for seconds before looking at Andra again. . . and she noticed how his brows furrowed while staring at their daughter.
Ara gripped the handle of her body bag trying to stop the shaking. Nervousness was a weak word to describe what she felt while looking at Kanoa staring at Andra. She felt uneasy knowing one question could ruin the plans she made.
She was hoping that Kanoa wouldn't.
Nagpaalam na si Kanoa at sa kaniya at nilagpasan siya.
Nang mawala na ito sa paningin niya dahil nakatalikod siya, para siyang nakahinga nang malalim. Nagmadali siyang lumapit sa sasakyan at pasakay pa lang siya ng driver's seat nang muli niyang marinig ang pangalan niya.
"Ara."
She gazed at Kanoa who was standing a few feet away from her, hands inside his pockets, and with a serious face.
"Mahal pa rin."
Ara heard her knuckles when she clenched her right hand. Halos rinig ni Ara ang pagtibok ng puso niya sa tainga niya, ang pagtibok nito sa may leeg niya, at ang kagustuhan niyang tumakbo palayo, pero hindi niya magawa.
Tipid siyang ngumiti at umirap. Matagal niyang tinitigan si Kanoa at umiling. "Unfortunately," huminga siya nang malalim at inisip kung sasabihin ba niya. "Same."
Kanoa looked down and walked backward before looking at her again.
"Ingat kayo."
Tumango si Ara at nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan. Naramdaman niya ang panginginig ng kamay niya. Ni hindi niya nagawang pindutin kaagad ang start button ng sasakyan niya.
Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya, malalim ang bawat paghinga, at alam niyang hindi siya makakapagmaneho na ganoon ang sitwasyon niya.
Ibinalik niya ang tingin sa tapat ng elevator kung saan papunta ang si Kanoa at nakitang wala nito, malamang na nakapasok na.
Bigla niya ring naramdaman ang bigat lalo nang silipin niya si Andra mula sa rearview mirror at mahimbing itong natutulog. Doon na bumagsak ang luhang pinipigilan niya at dahil natutulog ang anak niya, wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak nang tahimik.
Masakit sa lalamunan at dibdib.
Kinuha niya ang phone sa bag. Bumagsak pa ang iPad niya sa ibaba dahil sa pagmamadali niya at kaagad na pinindot ang number one sa speed dial niya.
"Ara? Are you okay? Asan na kayo ni Andra?" sunod-sunod na tanong ni Sam.
"K-Kuya?" Huminga siya nang malaim. "K-Kuya, c-can you pick us up? I-I can't drive po, Kuya. Please?"
"Where are you?" tanong ni Sam. "Send me your location. I'll come pick you up."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top