Chapter 4
Ara automatically smiled upon seeing her graduation dress. It was simple and a little loose to hide her pregnancy. Finally, it was their graduation day. She had been waiting for it so she wouldn't have to worry anymore.
The dress was an off-shoulder in salmon color and was made with chiffon fabric. It had some flower embroidery around it and the long-sleeved ruffles made it a little extra.
Nakahiga pa rin siya yakap ang unan na niregalo ni Sayaka.
Hindi niya sigurado kung dadalo sa graduation niya ang parents niya. Kung hindi man, sapat na ang Kuya Sam niya at masaya na siya para doon. Alam din niyang pupunta si Belle, pero hindi ito papasok dahil limitado lang ang puwede kaya maghihintay na lang daw sa labas kasama ang kasintahan nito.
Bigla niyang naisip si Kanoa dahil noong panahong okay pa silang dalawa, napag-usapan nila na sa graduation, magpapakilala ito sa pamilya niya at ipakikilala rin siya sa pamilya nito. They had plans to have dinner together and let their family know about them.
Bumagsak ang luha niya dahil sa naalala. Dumiretso siya nang higa at ang magkabilang mga mata niya at napuno ng luha at nagkusa na iyong tumulo. Ramdam ni Ara ang bigat sa dibdib niya, ang bigat sa paghinga, at kaninang mahinang pag-iyak ay naging malakas na hagulhol at paghiyaw.
"Ara?" Sam knocked when he heard Ara bawled. "Ara, papasok ako sa loob."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ara. Naabutan ni Sam ang kapatid na diretsong nakahiga habang nakalapat ang kanang kamay sa tiyan at ginagawang pantakip ng mga mata ang kaliwang kamay.
Huminga siya nang malalim at nilapitan si Ara. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang kamay nitong nasa tiyan.
"What's happening?" tanong ni Sam. "Your eyes will be puffy later."
Tinanggal ni Ara ang kamay na nakatakip sa mga mata niya at tiningnan ang kuya niya. "I'm sorry, I'm crying again."
"Why are you even saying sorry? Crying is a normal response to what you feel right now. Are you in pain? Are you excited for later?" Sam asked. "Crying is okay, Ara. Don't ever forget that."
Maingat na naupo si Ara at inihiga ang ulo sa balikat ng kuya niya. Hinaplos nito ang likuran niya at hinayaan siyang umiyak nang umiyak hanggang sa siya na rin mismo ang kumalma. Tama ito. Pangit kung namamaga ang mga mata niya sa graduation.
"Thanks, kuya," bulong ni Ara at mas lalong isiniksik ang katawan niya kay Sam. "Is it really okay na here ako mag-stay during pregnancy?"
"Kung gusto mo hanggang mag-18th birthday ang anak mo, kasama mo 'ko," ani Sam na ikinatawa nilang dalawa. "Kung saan ka comfortable, we'll settle there. Lilipat tayo ng unit sa susunod na buwan."
Nag-angat ng tingin si Ara at tinitigan ang kuya niya.
"Same building, different unit. I'll sell this one and I got the available three bedroom unit few floors from here. There, aside from my personal room and your room, we can have another room for the baby."
"But I want to sleep with the baby," Ara murmured.
Sam chuckled. "I know. But a play area?"
"Kuya, it's too early!" gulat na sabi ni Ara.
Umiling si Sam. "It's never to early to prepare. Magugulat na lang tayo, the baby's here kaya I suggest, we should start preparing. I'm excited, too, kaya nakapag-plan na rin ako. Next week, we can start transferring our stuff."
"Thank you, Kuya Sam," Ara smiled warmly and kissed Sam's cheek. "Thanks for supporting me here."
Sam pinched Ara's nose. "Let's eat breakfast. I cooked waffles."
—
Sa elevator, habang pababa sila papunta sa parking lot, nakatitig si Ara sa salaming nasa harapan niya. The dress was cute and it was her aesthetic. Even the flat white shoes looked perfect!
Hawak ng kuya niya ang toga na isusuot niya pagdating sa university para sa graduation nila. Nag-message na rin si Belle na on the way na ito kasama ang boyfriend at si Sayaka.
"Are m-mom and dad gonna come, kuya?" tanong ni Ara. She was still hopefull, of course.
Sam nodded. "Yes. I talked to mom earlier na paalis na rin sila sa bahay. They're gonna come, Barbara. Don't worry."
And Ara didn't even know if it was a good thing that her parents would come or a bad one because there would be a possibility of them ignoring her again. Unti-unti na siyang nasasanay kung paano siya tingnan ng mga magulang niya, pero iyon din ang nagiging rason kung bakit mas gusto niyang mas lalong lumayo sa mga ito.
Nilingon ni Ara ang dinaraanan nila. Tahimik lang din naman ang kuya niya kaya nagkaroon din siya nang pagkakataong makapag-isip.
Hindi naman niya masisi ang mga magulang niya, lalo ang daddy niya, sa treatment ng mga ito sa kaniya dahil nakagugulat naman talaga ang nangyari. But Ara wasn't used to it. She was always the baby and she was used to being babied but things change.
With her situation, with her dad's plans for her, it really was disappointing.
"Stop overthinking," mahinang sabi ni Sam. "Let's enjoy the day, okay? I reserved a restaurant for us later for dinner."
Ara nodded without saying anything.
Habang nasa sasakyan, umiinom siya ng smoothie na binili ni Sam sa ibaba ng condo unit nito. Her tummy was happy, that was for sure... and she was super sleepy. Iyon ang epekto sa kaniya ng ipinagbubuntis niya. Madalas na tulog at halos wala siyang magawa sa maghapon.
"Kuya, are you really okay with me staying at your place while pregnant? I'm shy that I am invading your privacy too much na," malungkot na sabi ni Ara.
"I told you. You can even stay with me after giving birth! Besides, you're gonna need a helping hand. Do you have plans on hiring a nanny just in case?" Sam asked. "Para hindi ka masyadong mahirapan?"
Ara shook her head. "I want to be a full-time mom, Kuya. Baka I won't work muna for a while. I have some savings naman and the money I got from selling my car and condo will help for sure. Borrow muna ako ng isang car mo, ha?" she giggled.
"Of course. During your checkups naman, I'll be with you," Sam smiled widely and focused on the road.
Ara thanked her brother and they talked about the new unit. On going na rin kasi ang pagpapaayos at hinayaan siya ni Sam na mamili ng kulay para sa magiging kwarto niya. Naglagay rin ito ng mga cabinets sa kabilang kuwarto para sa gamit niya at ng baby. Ginawa ring maluwag ang sala para daw makapaglagay pa rin sila ng crib.
Nagsimula na rin siyang mag-search tungkol sa panganganak at kung ang mga kailangan. Sumali siya sa mga group at nagbabasa ng mga blogs tungkol naman sa kung ano ang mga kailangan niyang bilhin. Hindi siya masiyadong gagastos lalo sa mga newborn stuff. Iyon ang natutunan niya sa ibang nanay.
Wala man siyang alam at hindi man planado ang lahat, hindi pa rin naman huli. Ara knew she could still learn and she would. Naghanap na rin siya ng mga class na puwedeng makapagturo sa kaniya ng actual lalo na at hindi naman iyon magagawa ng mommy niya.
Hindi rin naman kasi ito ang nagpalaki sa kanila. Mas madalas na helpers ang mga kasama nila dahil busy sa trabaho ang mga magulang niya.
Isa iyon sa ipinangako ni Ara sa sarili niya. Her child would always be her priority.
Pagdating sa school, maraming tao at nakasuot na lahat ng toga. Ganoon na rin ang ginawa niya para hindi na rin mahalata sa dress niya ang umbok na nagpapakita. Naka-flat shoes lang din siya para mas safe at malamang na kung mahaba pa ang buhok niya, mayroon siyang ribbon sa likuran.
Ara chose to let her hair down and just had a small clip on each side. She also put on some makeup to conceal the puffiness of her face, her favorite sweet perfume, and a Chanel bodybag given by Belle. It was still her aesthetics, just simpler.
Bumaba siya at muling ipinalibot ng tingin sa parking lot. Matagal niyang tinitigan ang sasakyang pamilyar sa kaniya dahil ilang beses na siyang nakasakay roon at madalas pa nga silang tumambay lang doon habang pinag-uusapan ang kung ano.
"Ready?" Sam offered his hand to Ara. "Nag-message si mommy, nasa waiting area na raw sila. Belle and Sayaka are on their way pa lang, possibly late, but that's okay. Hindi naman sila papasok sa loob."
Ngiti lang ang isinagot ni Ara sa kuya niya bago umangkla sa braso nito at sabay silang naglakad. Nagkuwento ito tungkol sa graduation noong college at ang naalala niya, niregaluhan ito ng daddy nila ng mamahaling sasakyan.
Mula sa malayo, nakita niya ang parents nilang naghihintay sa kanila. Nakikipagkuwentuhan ang mga ito isa ring parent na malamang ay katrabaho o kakilala. Hindi niya alam dahil hindi naman niya kilala.
"Good afternoon, Mom," Ara kissed her mom's cheek and gazed at her dad. "Hi, Dad."
"Congratulations," sabi ng daddy niya sa mababang boses at inabutan siya ng bouquet ng bulaklak. It was red roses wrapped in black paper.
Ara accepted the flowers and smiled widely. "Thank you, Daddy."
Isang tango ang ibinigay nito sa kaniya. Nahuli rin niya itong nakatingin sa tiyan niya na para bang hinahanap ang umbok na pilit niyang itinatago.
Mula sa kinatatayuan, nakita niya ang pamilyar na bulto ng dalawang lalaki. It was Jairold and Kanoa. Nakatingin ang mga ito sa kaniya kaya kaagad siyang umiwas at nagkunwaring nakikipag-usap sa kuya niya. Pinag-usapan na lang nila si Belle na wala pa rin at pinagtatawanan dahil sanay na rin sila.
Ara was uncomfortable because she knew that someone was staring at her... and she wasn't wrong. Pasimple siyang tumingin sa gawi ni Kanoa at nakita itong nakasandal sa pader na nakatitig nga sa kaniya.
Kanoa was wearing a black long-sleeve with a dusty pink necktie, her favorite shade of pink. He knew about it because Kanoa got her a hair ribbon with that same color. It was hidden inside her drawer not wanting to wear it ever.
Nang makapasok sila sa loob, nagpaiwan si Sam dahil ito na ang makakasama nina Belle at Sayaka. Parents naman niya ang nasa loob dahilan para hindi siya maging kumportable dahil kahit kita ang suporta sa kaniya, visible pa rin ang disappointment at nahihirapan siya.
Nakinig lang si Ara sa mga speech. Wala siyang special award dahil hindi naman niya iyon naging goal. She just wanted to complete her studies and focus on something more after.
Ara yawned multiple times. Gusto na lang niyang mahiga dahil sumasakit na rin ang likod niya. Pasimple niya ring hinahaplos ang tiyan niya dahil nagugutom na siya. Nag-message na rin siya kay Belle na kung puwede ay bilhan siya ng cake sa tapat na café ng university dahil nami-miss niya ang vanilla honeycomb cake nito.
Ibinalik ni Ara ang atensyon sa dean ng college nila nang ipalabas ang pamilyar na footage sa malaking screen. Hindi siya puwedeng magkamali dahil style ni Kanoa ang editing pati na ang mga video na nakita niya sa drive nito noong magkasama pa sila.
Their college decided to use Kanoa's footage as part of the course advertisement. It wasn't shocking. Tamad si Kanoa sa academics, pero artistic ito at mahigpit pagdating sa pag-e-edit ng mga video dahil ultimong cut, kailangan malinis. Isa iyon sa natutunan niya.
Tinawag na rin ang college at course nila para tumanggap ng diploma. Maglalakad sila at aakyat sa stage at nahihirapan man, pinilit ni Ara na magmukhang normal lang ang lahat. Parang sasabog ang dibdib niya sa nang mag-flash sa screen ang mukha, pangalan, at kurso niya kasabay nang pagtawag ng dean.
Ara smiled widely and accepted her diploma. Nagpasalamat din siya sa mga taong kinamayan niya habang naglalakad sa stage bago maingat na bumaba. Ang bawat hakbang ay mayroong pag-iingat.
Nang kumportableng makaupo si Ara, pinanood niya ang susunod na batch. Course naman nila Kanoa ang tinawag at nang makita niya ang mukha nito sa screen, naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya inalis ang titig sa mukha nito katabi ang buong pangalan, kurso, pati mga award na natanggap.
She subtly smiled. A part of her was still proud of him that she automatically caressed her belly knowing that Kanoa gave her something she would never forget.
"I still love you," Ara murmured to herself.
After the program, Ara immediately left because she saw Kanoa was looking at her. She was afraid that he might talk to her and she didn't want to. Sa kabilang exit siya lumabas at nag-message sa kuya niyang doon na lang siya kitain.
Sinalubong siya nang maingat na yakap ni Belle na panay ang bulong na proud na proud ito sa kaniya. Hinalikan pa siya sa pisngi at pasimpleng hinahawakan ang baywang niya.
"Congratulations, Barbara!" Belle's eyes were pooling with tears. "I'm so proud of you and don't worry. I bought your cake!"
Ara chuckled and hugged Belle back. Sumama sa pagyakap si Sayaka na panay rin ang haplos sa likuran niya.
"Let's go, girls!" pag-aya ni Sam. "Ara, saan ka sasakay?"
"I'll be with Belle and Sayaka na lang, kuya!" excited na sabi ni Ara.
Nilingon niya ang parents nilang naghihintay na rin sa tabi ng sasakyan nitong mayroon pang driver. Si Belle ang magda-drive at sasakay naman ang boyfriend nito at ni Sayaka sa sasakyan ni Sam.
Bago makasakay ng kotse, naaninag niya ang pamilyar na bulto ng lalaking nakasandal sa likuran ng kotse nito. Kanoa was staring at her and gave her a slight nod which she ignored. Sumakay na siya ng kotse at pasimpleng nilingon si Kanoa bago ibinaling ang tingin kay Belle na masayang nagkukuwento tungkol sa mga na-search nito tungkol sa pag-aalaga sa mga bata.
"Don't get mad." Tumingin sa kaniya si Belle. "I already bought some white clothes for the baby and don't worry. It's unisex because we're still clueless about the gender."
Ara shook her head and snorted. A part of her already assumed this would happen. Isa pa, alam din niyang magiging spoiled ang anak niya kay Sam, Belle, at Sayaka. Kahit naman mismo sa kaniya, mangyayari iyon dahil ito na ang magiging priority niya.
Dumating sila sa restaurant na pina-reserve ng kuya niya. It was an american restaurant serving steak because she had been craving it nonstop. Madalas na iyon ang pinaluluto niya at wala rin naman siyang naririnig na reklamo rito. Kung tutuusin, kahit anong hingin niya, ibinibigay pa.
"So, what's your plan after all of this?" tanong ng daddy niya.
"Dad." Sam interrupted immediately. "Can we just enjoy dinner? Ara just gradua—"
"I plan to be a mom, fulltime," sagot ni Ara. "I will be focusing po sa pregnancy and after giving birth, taking care of my ba—"
Huminga nang malalim ang daddy niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Ibinaba pa nito ang knife and fork na ginagamit. Alam ni Ara na mukhang magtatanong ito sa kaniya. Tumingin sa kaniya ang mommy niya.
"Aren't you gonna tell us who's the father?" Mababa ang boses ng daddy niya. "You're planning to raise your child alone? Does he know about your situation? Do you even know the father?"
"I-I can raise my baby alone," mahinang sagot ni Ara. "And I am not planning to tell you who the father is. I hope you can all respect that. I decided on my own and that is final."
"Are you insa—"
Hindi na pinatapos ni Ara ang sasabihin ng daddy niya at basta na lang siyang tumayo. "Thank you, Kuya Sam, for this dinner. Thank you everyone for being here, but if we're just gonna talk about this, I'm gonna go."
"Barbara!" sigaw ng daddy niya dahilan para lumingon ang ibang kasama nila sa restaurant.
Ara tried so hard to smile. "I'm sorry, Dad. I'm sorry for disappointing you but this is me. I'm sorry I'm not the daughter you wanted me to be," she said and turned around.
Her heart was pounding and she could feel her body's weakness. She even heard Belle speak, but she didn't bother listening. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng restaurant. Kaagad niyang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa parking lot at agad na kumalma ang dibdib niya.
"Let's go," Belle held Ara's hand and smiled. "Sabi ni Kuya Sam, diretso na lang tayo sa condo 'cos he'll get food na lang from us. 'Wag mong pansinin 'yan si Daddy. KSP talaga siya ever since."
Ara didn't know if she should feel relieved or what because of what happened. The dinner was okay, but the presense of her father was heavy.
Sumunod sa kanila si Sayaka na sinabing dumaan sila ng ice cream dahil gusto nito ng pistacio flavor. Bibilhan daw siya ng vanilla na mayroong cashew at caramell dahil paborito niya iyon at nagpaplano na ang dalawang matutulog kasama niya.
Pagpasok sa loob ng sasakyan, naramdaman ni Ara ang bigat. Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata niya, pero hindi siya pinigilan ng mga kasama niya sa pag-iyak.
Belle started driving and Sayaka was in the backseat just quiet, too.
Mabigat ang dibdib niya at marami siyang gustong sabihin, pero hindi niya ginawa. Maingat lang niyang hinaplos ang tiyan niya baka sakaling kumalma siya ngunit mas lalo siyang naiyak dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, paulit-ulit niyang nakikita si Kanoa.
Walang nakaaalam kung gaano niya ito kamahal, siya lang.
Hindi niya masabi kina Belle at Sayaka dahil alam niyang ayaw ng mga ito kay Kanoa. Umpisa pa lang, pinagbawalan na siya. Paulit-ulit din niyang naririnig ang mga paalala ng mga ito na hindi niya pinakinggan.
Kapag wala siyang ginagawa, madalas niyang naalala ang mga sinabi ng mga ito tungkol sa babaeng kasama ni Kanoa sa sex scandal na kumalat. She was disappointed with her twin and bestfriend for saying those words. She wasn't expecting it. Bigla niyang naisip na kung alam ba ng mga ito na siya ang nasa video, sasabihin kaya iyon?
Malamang na hindi.
She hated the fact that her twin and best friend became judgmental toward the woman on the video. Siya ang biglang nahiya na ganoon ang lumabas sa mga bibig nito at nagalit siya sa sarili niyang hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili. Malamang na kung ibang babae ang nasa video, ipagtatanggol niya. Pagsasabihan pa niya ang dalawa, pero hindi niya kaya.
Inihinto ni Belle ang sasakyan sa ice cream shop na paborito nila, pero hindi na siya bumaba. Mula sa loob ng sasakyan, pinanood niya ang mga tao sa paligid nilang naglalakad lang. Ang iba ay naghihintay ng masasakyan, ang iba naman ay nagmamadali sa pupuntahan.
Ara shut her eyes and remembered how Kanoa stared at her during graduation. Alam niyang ilang beses itong sumubok na lumapit sa kaniya, pero hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong magkausap sila.
A lot was going through Ara's head—about the possibility of Kanoa wanting to get rid of the pregnancy because maybe he wasn't ready. They never talked about it and it was one of her fears.
"Here you go." Inabot ni Belle ang ice cream para kay Ara.
"Thank you," Ara forced a smile. "Let's go home na? I'm really tired and sleepy."
Habang binabaybay nila ang daan papunta sa condo ni Sam, nilingon ni Ara si Belle. Inaya siya nitong pumunta sa mall sa mga susunod na araw para bumili ng dress at possible na damit ng baby.
"Do you think I can raise do this alone?" tanong ni Ara habang tinutunaw ang ice cream niya. "I'm scared."
"I'm not in the situation to say anything. Wala ako sa sitwasyon mo," sagot ni Sayaka mula sa likuran. "But I know you can do this. I know the plans are now different. I know na you already changed your to-do list..."
Mahinang natawa si Ara, ganoon din si Belle.
"But I know one thing, Barbara," Sayaka continued. "You're not alone in this. You're with Kuya Samuel, with Belle, with me."
"Yeah. This wouldn't be easy. Pare-pareho tayong walang experiences sa babies. Well, ako meron because of some outreach, but this one's different." It was Belle. "Based on what I search, this is gonna be hard, but we can always learn, right?"
"I was searching, too," Ara started sobbing. "And I am so nervous. In a few months, I'm gonna be a mom and I don't think I'm ready for this."
Belle smiled and tears rolled down her eyes. "So, do you want a small version of Barbara?"
"Yes." Ara giggled. "I want a girl!"
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top