Chapter 30
Tumakbo kaagad si Ara papunta kay Sam na inaayos ang lamesa sa café. Kararating lang nila dahil naabutan sila ng traffic kaya naman halos kumpleto na lahat ng imbetado para sa farewell party nila ni Antoinette. Galing din kasi sila sa condo ni Kanoa na medyo malayo sa venue.
"Akala namin hindi na kayo sisipot, eh!" Sam hugged Ara. "Nauna pang dumating 'yung taga-Japan kaysa sa inyo!"
"Impossible!" Ara frowned and chuckled. "Thank you so much for arranging this, Kuya."
Sam kissed forehead as a response to what she said. Tinanguan nito si Kanoa na nasa may pinto kausap si Jairold na naghihintay na rin pala sa kanila. Umuwi rin talaga si Sayaka para lang sa party nila ni Antoinette kaya tuwang-tuwa siya dahil kumpleto sila.
Belle walked towards her. "Ang ganda naman the dress! You bought that one?"
Umikot si Ara para ipakita ang dress na nabili niya online. Mumurahin lang naman iyon kumpara sa mga nakasanayan niyang mamahaling dress. Hindi na rin siya mahilig sa designer clothes nitong mga nakaraan, nabenta pa niya ang mga lumang gamit niya pandagdag sa savings nila ni Antoinette.
"Let's go to Kuya Sam's office? I wanna talk to you," bulong ni Belle.
"Okay. I'll just let Kanoa know para hindi niya ako hanapin. I'll be there in a minute," sabi ni Ara.
Lumapit siya sa mag-ama niyang kausap sina Jai at Gia. Nag-hi na rin siya sa mga ito at nagpasalamat sa pagpunta. Kapapanganak lang din ni Gia nitong nakaraan kaya ipinagpasalamat niya ang effort. Nag-sorry pa nga dahil wala raw farewell gift.
"We'll be inside Kuya Sam's office muna," bulong ni Ara kay Kanoa. "I think they're gonna talk to me about what happened yesterday. Are you gonna be okay here?"
"Sige lang. Maglalaro lang muna kami ni Antoinette sa play area niya." Tinuro ni Kanoa ang maliit na doll house na naka-set up malapit sa may media area ng café. "Sige na."
Ara waved at her Kuya Sam's friends. Kumpleto ang mga ito lalo na at naging ka-close na rin naman niya. Aaron, Belle's boyfriend, was with them, too. Even Sayaka who was talking to Frankie and Harley.
Pagpasok ni Ara sa office, nakaupo si Belle sa sofa, nakasandal naman si Sam sa office table. Sabay na tumingin ang mga ito. Hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin. Posibleng magalit, pero wala na siyang pakialam.
"Mom called me last night about what happened yesterday sa bahay," si Belle ang naunang magsalita. "What really happened? I want your perspective, Barbara. Mom sounded upset and she said na you're disrespectful towards them lalo kay dad."
Sumandal si Ara sa pinto at ngumiti. "Disrespectful? What do you think? You both know dad, too."
"Knowing you, I know he did too much for you to react that way," sabi ni Sam. "Sabi ni mommy, bigla na lang kayong umalis. Bigla mo na lang daw kinuha si Antoinette sa kaniya and sumasagot ka na."
"If you could only see how Dad looked at Kanoa," Ara looked down and shook her head. "I understand his anger because I am his daughter, but I will never understand the disrespect towards the father of my child. He directly said that Kanoa was nothing but a mess, a bad influence. That he's nothing and that he doesn't deserve to be in our lives. That my decisions are the reason why I'm miserable . . . that my decisions made me miserable."
Sam and Belle were looking at Ara who was just looking down.
"He wanted Kanoa out of our lives. My plan won't work as long as I'm with him and my life won't get better until I decided to listen to him," Ara looked at her siblings. "And Mommy said nothing. She was . . . just there letting Dad insult Kanoa. She was just there looking at me while Dad tells me I'm a failure."
She felt her eyes water while remembering all the insults.
"I can't accept the words he spat on Kanoa. That he won't do any better, that he doesn't deserve me and Antoinette . . . because he's nothing," Ara sobbed. "He was trying to be better naman, eh! Dad didn't have to go that far! I hate him."
Lumapit si Sam sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.
"And mom was just there . . ." Ara continued. "And then we left. I am . . . cutting them off completely and I'm not sorry about it. I don't regret it. I am thankful for everything they did for me, but it was too much."
"Barbara." Hinaplos ni Belle ang buhok niya. "It's okay. You don't have to be sorry. They're wrong and I hate them, too, for what they did. Starting today, don't mind them. It's not like you have an utang na loob. Yes, they raised us but it's their responsibility as a parent."
Ramdam ni Sam at Belle ang hinanakit sa bawat salitang binibitiwan ni Ara sa kanila kaya hinayaan nila itong umiyak. Malamang din kasi na dinibdib na lang nito ang lahat kinagabihan, hindi sila sigurado.
Sumalampak si Kanoa sa carpet habang inaayos ang doll house ni Antoinette. Inaabot nito sa kaniya ang maliliit na gamit ng bahay. Mayroong mga kama, upuan, at lamesa. Inaayos niya iyon pagkatapos ay guguluhin ulit ng anak niya bago iaabot sa kaniya para ayusin ulit. Paulit-ulit.
Maraming bisita, pero nagpaalam muna siya sa mga ito na aasikasuhin lang ang anak niya. Bilang na ang mga oras dahil kinabukasan, aalis na ang mga ito.
Sa mga natitirang oras, gusto niyang sulitin ang bonding nila ni Antoinette kahit na makulit ito. Mukhang nakikisama rin naman dahil kahit na maraming tao, sa kaniya lang sumasama ang anak niya para makipaglaro. Nagpapabuhat ito at mukhang tinatamad pang maglakad na ikinangiti niya. May mga lumalapit sa kanila, pero hindi sumasama ang anak niya.
Gusto niya iyon, para sa kaniya lang ito sasama.
Kung sa ibang pagkakataon, hahayaan ni Kanoa ang mama niyang lambingin si Antoinette, pero hindi ngayon. Sa kaniya lang muna ang anak niya . . . at sinabi niya iyon kay Ara.
Nilingon niya si Ara nang lumabas na ito kasama sina Sam at Belle. Nag-hi ito sa mga bisita na isa-isang nilapitan. Nakangiti, pero alam ni Kanoa na namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.
Isa iyon sa dahilan kung bakit sila na-late. Wala silang matinong tulog dahil buong magdamag gising si Ara. Magkatabi sila sa kama, pero hindi ito nagsasalita. Ni hindi ito kumain ng lunch at dinner dahil pag-alis nila sa bahay ng parents nito, dumiretso na sila pauwi.
Nalungkot si Kanoa sa nangyari lalo sa mga sinabi ng Daddy ni Ara. Nasaktan siya at nanliit para sa sarili niya, pero hindi na niya iyon pinansin. Mas gusto na lang niyang ilayo si Ara kahapon para hindi na nito marinig pa ang sasabihin ng sariling ama. Nakita niya rin kasi ang sakit sa mga mata ni Ara habang naririnig ang mga sinasabi nito.
"Dada!" Iniabot ni Antoinette ang maliit na lamesa para ilagay sa loob ng doll house. "Dada, this one fix. This one." Ipinakita pa nito ang maliit na manika bago kumandong sa kaniya. "Doll."
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Antoinette at pinagkuwento ito tungkol sa napanood nila tungkol naman sa mga owl. Natapos na kasi sila sa lion, zebra, at elephant . . . nasa owl at dolphine naman sila sa panonood.
Walang pakialam si Kanoa sa ingay ng café. Tawanan ang naririnig niya. Kakuwentuhan ng mama niya si Belle, habang kausap naman ni Ara si Gia at Frankie. Focused lang siya kay Antoinette.
Humarap pa nga ito sa kaniya at malapad na ngumiti. Labas ang maliliit na ngipin, naniningkit ang mga mata, at tulad ni Ara . . . ang ngiti ay may kasamang hagikgik.
Samantalang nilingon ni Ara si Kanoa na busy sa pakikipaglaro kay Antoinette. Seryoso ang mukha nito dahil alam niyang malungkot. Hindi naman itinatago sa kaniya iyon ni Kanoa.
"Where's Antoinette?" Belle asked.
"There," Ara stared at Kanoa who kissed their daughter's little hand. "Let him be with her muna."
Belle understood, but she stared at Kanoa and Antoinette, too. Panay ang halik ni Kanoa kay Antoinette. Sa kamay, sa pisngi, sa noo, at pati sa tuktok ng ulo. Ni isa sa kanila, walang gustong lumapit dahil mukhang ramdam ng lahat ang lungkot mula kay Kanoa.
Nilingon ni Belle si Ara na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga bisita ngunit madalas ding sumusulyap sa mag-ama. Sam and Belle talked about it last night. It was gonna be hard for Ara, but it was gonna be harder for Kanoa. Dalawa ang mawawala sa kaniya.
The entire afternoon, everyone was having fun talking about life. Kumain sila dahil maraming nakahanda. Cakes, pastas, coffees, frappe, anything na nasa café, puwede nilang kainin dahil iyon ang ginawang party ni Sam.
Walang program dahil ayaw ni Ara. Ayaw niyang umiyak. Sapat na sa kaniyang nakasama ang mga taong malalapit sa kaniya. May mga regalo pa ang mga ito na ikinatawa niya. Hindi naman siya nag-expect, pero mukhang mag-o-over baggage siya dahil lahat iyon, gusto niyang dalhin. Lahat iyon, magagamit niya sa bahay tulad na lang ng coffee maker na regalo ni Kuya Sam niya.
"Thank you for being here." Mahigpit na niyakap ni Ara si Sayaka. "I thought we won't see each other, eh."
"As if!" Sayaka fixed Ara's hair. "I'm sorry that I became an absent best friend. I really had to take care of my Dad. I'll make bawi na lang sa mga susunod. Since my Dad's already resting, I might . . . go to New York and visit you! Malay mo, I can find opportunities there, too!"
Ara's eyes widened in shock. "Oh my gosh, hala! I would love you to be there . . ." she paused and gazed at her brother. "But paano my Kuya Sam?"
"W-What?" Sayaka looked shocked. Ara even saw the panic in her best friend's eyes.
"Don't worry, I love you still kahit na you're not telling me anything about it," Ara scrunched her nose. "Take care and love my Kuya Sam. I'm not really sure what's going on, but it's halata na. Belle and I knew and we don't mind."
Mahinang natawa si Sayaka at mahigpit siyang niyakap. "Are you really leaving Kanoa behind? I mean . . . he looks sad." Humiwalay ito at pareho silang tumingin sa mag-ama niya. "He's been with Antoinette the entire time lang."
Ngumiti si Ara at patagilid na niyakap si Sayaka. "We're okay. We talked about it and we needed this time apart. Are you okay na ba with him? Hindi na ikaw galit sa kaniya?"
"Kahit naman magalit ako, it won't matter. You love him and if he's doing his best naman to be a better person for you, then that's good enough for me. We all want you to be happy and if being happy means we need to accept Kanoa," Sayaka shrugged, "then we're all willing."
Gets ni Ara ang point ng mga tao sa paligid niya tungkol kay Kanoa dahil halos lahat, mayroong bad impression dito. Hindi niya masisisi dahil hindi naman talaga maganda ang naging simula.
Nagpaalam siya kay Sayaka para lapitan si Jai, Gia, at ang mama ni Kanoa na nasa isang table at kumakain ng dessert. Naupo siya sa tabi ng Gia at nagpasalamat sa mga ito.
"While we're gone, kindly look after Kanoa for us?" Ara stared at Jai. "I know that he's too much to handle. I know na nakakapagod talaga siyang maging friend, but can you . . ."
"Ara, hindi mo naman kailangang makiusap sa 'min," natawa ang mama ni Kanoa. "Subukan lang niyang magloko ulit, hahampasin ko siya ng towel. Paulit-ulit pa. Kami na ang bahala sa kaniya basta mag-iingat kayo palagi ni Andra."
Tumango si Ara at nagpasalamat sa mama ni Kanoa.
"Oo, ako na bahala sa kaniya. Pag-alis n'yo, tatadtarin ko ng trabaho para hindi malungkot!" sabi naman ni Jai.
"Hoy!" Ara pouted and shook her head. "Let him rest naman. Baka he's mapapagod. Ikaw talaga!"
Natawa si Gia na nasa tabi niya. "Kami na muna ang bahala sa kaniya. Don't worry. Pepektusan talaga namin 'yan kapag naging gago na naman. Saka may goals na 'yan ngayon."
Sabay-sabay nilang nilingon si Kanoa na nakatayo at inangat si Antoinette. Hinalik-halikan nito ang pisngi ng anak nila bago tumingin sa kanila.
"Focused 'yan sa goal," dagdag ni Jai. "Huwag mo nang masyadong alalahanin."
———
Imbes na sa condo ni Kanoa, dumiretso sila sa condo ni Sam. Bago pa man dumilim, nagsiuwian na silang lahat para hindi maabutan ng traffic. May pasok pa rin kasi ang iba kinabukasan, flight naman nila ni Antoinette.
Nandito rin kasi ang ibang gamit na dadalhin nila. Nakaayos na ang mga maleta nila.
Nakaupo si Ara sa office table at pinanonood si Kanoa na linisan si Antoinette. Magulo ito dahil gusto pang makipaglaro. Walang reklamo si Kanoa na tawa pa nang tawa.
Sa buong maghapon, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkapagkuwentuhan. Bukod sa busy sa ibang tao sa farewell party, naramdaman ni Ara na umiiwas si Kanoa sa kaniya. Ni hindi nga ito tumitingin. Kung tutuusin, buong drive nila, tahimik. Ni kanta, wala.
"Kanoa?"
"Hmm?" Kanoa responded without looking at her. He just continued playing with Antoinette.
. . . so she didn't respond until he looked at her.
"Bakit?" Kanoa asked, frowning.
"Nothing. I'll take her to bed na so you can rest na rin. You've been playing with her the whole day," she smiled.
Kanoa shook his head and kissed Antoinette's cheek. "Ako nang bahala. Ikaw, magpahinga ka na rin. Kanina ka pa rin hikab nang hikab sa sasakyan, eh. Ako na kay Antoinette."
Ara nodded without saying anything. She just made sure all their luggage and papers were complete. She went out of the room, too, to talk to Shara and asked if everything was settled.
The company provided her ticket, but not Antoinette and Shara so she had to get it. To her shock, Sam and Kanoa talked. They upgraded their tickets to business class. Para daw hindi siya mahirapan at mas makatulog nang maayos si Antoinette.
Pinatay ni Kanoa ang TV nang maramdamang nakatulog na si Antoinette. Nakasandal siya sa headboard ng kama at nasa dibdib niya ang anak niyang parang nakainom ng energy drink buong maghapon dahil walang kapaguran.
Kung hindi pa niya ito hinele, hindi ito matutulog. Kung hindi pa niya tinago ang mga laruan, malamang na buong madaling araw silang maglalaro.
Hindi siya nagrereklamo dahil sinusulit din naman niya ang oras. Alas sais pa naman ng gabi ang flight ng mag-ina niya, marami pa silang oras kinabukasan, pero napakabilis ng oras. Ikinagulat pa niyang alas tres na pala. Naramdaman niya ang pagod at antok dahil madaling araw na rin, pero hindi niya magawang ipikit ang mga mata niya.
Huling gabi niyang makakasama sa pagtulog ang mag-ina niya. Hindi siya sigurado kung kailan ang susunod kaya hindi siya makatulog. He wanted to make every seconds count.
Mahimbing nang natutulog si Ara. Nakaharap ito sa kaniya, nakayakap pa sa unan. Ayaw naman niyang ibaba si Antoinette at kahit na hanggang umaga, kakalungin lang niya ito. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng anak niya bago ibinaling ang tingin kay Ara.
Awtomatikong nagmalabis ang luha niya at wala siyang planong pigilan iyon dahil ang hirap-hirap. Sa bawat paghikbi, masakit sa lalamunan dahil pinipilit niyang huwag gumawa ng kahit na anong ingay para hindi magising ang mag-ina niya. Sa bawat pagpigil, pakiramdam niya ay para siyang sinasakal. Sinusubukan niyang lumunok, pero hindi niya magawa.
Simula nang sabihin ni Ara sa kaniya ang plano nitong pag-alis, inihanda na niya ang sarili niya. Gabi-gabi niyang pinagmamasdan ang mag-ina niya sa tuwing kasama niya ito para sulitin ang mga oras. Alam niya sa sarili niyang sinubukan niyang maging handa . . . pero ngayong nasa sitwasyon na siya, gusto niyang bawiin ang lahat.
Tumingala siya at inalala ang mga oras na magkakasama sila. Mayroon na siyang plano sa isip niya para sa mga susunod, pero gusto niyang bawiin habang papalapit ang oras na kinatatakutan niya.
Sa buong maghapon, hindi niya magawang tingnan si Ara. Hindi niya kakayanin oras na magtama ang mga mata nila dahil baka masabi niyang ayaw niya. Baka pigilan niya, baka sa pagkakataong ito, baliin niya ang oo niya.
Tulog na tulog si Antoinette sa dibdib niya. Amoy na amoy niya ang anak niya at habang nakatitig dinadama ang malamig na kwarto, naisip niyang hindi na nga niya nakilala ang isa, pero malalayo pa sa kaniya ang isa.
Ayaw niyang umalis ang mag-ina niya, pero ayaw niyang pigilan si Ara. Hindi niya iyon puwedeng gawin . . . at hinding-hindi niya gagawin.
Bahala na.
Bahala na sa mga susunod pa.
Nagising si Ara na wala sina Kanoa at Antoinette sa tabi niya, pero nakita niya ang dalawang nakasalamapak sa carpet at naglalaro ng blocks na regalo ni Sayaka para sa anak niya. Busy ang mga ito at mukhang seryoso dahil hindi man lang naramdamang bumangon na siya at nanonood.
"Good morning," bati niya sa dalawa. Sabay namang lumingin, pareho pang ngumiti. "You both woke up too early."
"Good morning," sagot naman ni Kanoa. Nakayuko pa rin ito.
Nagsalubong ang kilay ni Ara. "Kanoa, are we okay? I noticed na since yesterday, you're not talking to me na and . . . you're not even looking at me."
Nanatiling nakayuko si Kanoa, binubuo ang block ni Antoinette ngunit narinig niyang mahina itong natawa. "Ayoko munang tumingin sa 'yo."
"Why?" malungkot ang pagkakatanong ni Ara.
"Kasi baka hindi ko na mapigilan," ani Kanoa at pinagdikit ang blocks na pula at asul. "Mamaya na lang, Ara."
. . . and she respected that.
Even during breakfast and lunch, Kanoa didn't bother looking at her. Mabigat para sa kaniya ang pag-iwas ni Kanoa, pero ayaw niyang pilitin ito.
Even Sam, Belle, Aaron, and Sayaka noticed that something was going on between Kanoa at Ara. Both were physically present but emotionally absent. Both were attending Antoinette separately unlike before wherein just by wiping their daughter's hand, they would talk.
"Maayos na ba lahat ng gamit n'yo?" tanong ni Sam para basagin ang katahimikan. "Kelan daw dadating 'yung pina-cargo mo?"
"Ate Polina said five to ten days? I think baka third day namin sa New York, it's gonna be there na," sagot ni Ara. "Ate Polina and Kuya Ricky will be there naman daw for a week to help up settle. I won't be working naman for two weeks, so I have more time to fix the apartment."
Polina's their cousin from their mom's side. Sa US talaga naka-base ang mga ito.
"Your promise, ha?" paalala ni Sam. "Update me everyday. If not, kahit every other day."
Ara nodded and smiled. She stood up and hugged Samuel from behind who immediately kissed the back of her hand.
Pumasok si Ara sa loob ng kwarto para ilagay sa luggage ang ilang laruan ni Antoinette. Iniwan muna niya ang mga kasama nila dahil bumibigat na rin ang pakiramdam niya. She would miss everyone, that was for sure.
Nakaupo siya sa kama habang nakatingin sa passport picture ni Antoinette. Baby pa ito sa picture kaya mahina siyang natawa. Dumako rin ang tingin niya sa last name ng anak niya dahil Marzan pa rin iyon. Hindi pa kasi nila napag-uusapan ni Kanoa ang tungkol sa pagpalit ng last name ni Antoinette para maging Dinamarca na ito.
Bumukas ang pinto at nagtama ang tingin nila ni Kanoa. Umiwas ito at kukuha lang daw ito ng damit ni Antoinette dahil natapunan ng tubig.
"I love you," sabi ni Ara habang nakatingin kay Kanoa na nakatalikod sa kaniya. "I'll miss you much."
Lumapit si Kanoa sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya. "I love you," anito bago siya tinalikuran at iniwan sa kwarto.
It was almost five in the afternoon, and they were on their way to the airport. For the first time, Ara was sitting on the passenger's seat since Shara, their helper, was with Antoinette in the back seat.
Hindi naman sila nagmadali at nasa priority naman sila kaya hindi sila mahihirapan mag-check in. Patay na oras naman kaya late na rin silang umalis sa condo. Nagsabi si Ara sa mga kapatid niyang ayaw na sana niyang sumama ang mga ito sa paghatid sa kaniya, pero hindi pumayag si Belle. Sam didn't come, but Belle wanted to be there.
Nilingon ni Ara si Kanoa dahil malapit na sila sa airport, pero tahimik pa rin ito. "Where are you going na after mo kami ihatid?"
"Baka uuwi na rin kaagad ako," sagot ni Kanoa nang hindi tumitingin sa kanila. "Basta update ka palagi. Message mo ako kapag nasa loob na kayo at kapag flight na or kahit tawag. Kahit ano."
Hinawakan ni Ara ang kamay ni Kanoa na nakahawak sa gear shift at pinagsaklop iyon.
"Hindi pa rin ikaw titingin sa 'kin?" Ara asked. "Sad na ako, oh!"
Mahinang natawa si Kanoa nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Tampo na ako," pagbibiro ni Ara. "Look at me, please? One lang?"
"Ayoko," seryosong sabi ni Kanoa.
Ngumiti si Ara habang nakatingin sa side profile ni Kanoa. Nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manebela. Hindi pa rin bumibitaw sa kamay niya, pero hindi rin tumitingin kaya siya na ang humiwalay.
Mula sa bag niya, kinuha niya ang stainless steel bracelet chain na pinagawa niya. Medyo makapal ang kay Kanoa, manipis naman ang sa kaniya. At dahil nasa gear shift pa rin ang kamay nito, nakakuha siya ng pagkakataon para isuot ang bracelet kay Kanoa.
"Ano 'yan?" tanong ni Kanoa habang nakatingin sa kamay nito bago hinarap ang daan.
"Bracelet. I have mine; you have yours kasi I'm gatekeeping you from everyone na," Ara chuckled while fixing the lock on Kanoa's wrist. "I hope na every time you're trying to look for someone," she sniffed, "you'll see this and realize . . . I'll be waiting."
"Ara," Kanoa's voice cracked. Still not looking at her though.
Ara bit her lower lip. "And every time I see mine, it'll remind me that I have you."
Nilingon ni Ara ang bintana sa tabi niya dahil ayaw niyang makita ni Kanoa ang pagbasak ng luha niya. Pasimple niyang pinunasan iyon gamit ang ladlaran ng long-sleeve top na suot niya.
Walang naging sagot si Kanoa. Tahimik ang sasakyan dahil tulog si Antoinette.
Nang makita niya ang street sign na mayroong eroplano, naramdaman ni Ara na bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakataong ito, totoo na.
She gazed at Kanoa who gripped the steering wheel and his jaw tightened. Still no words.
Huminto sila sa bakenteng space na nasa harapan ng departure. Mayroong lumapit sa kanila dahil mukhang tinawag iyon ni Kanoa para magdala ng cart. Apat na maleta lang naman ang dala nila. Isang handcarry para kay Antoinette, personal bag niya, at bag ni Shara. Mula sa side mirror, nakita niyang inaayos ni Kanoa ang stroller ng anak nila. Seryoso pa rin ang mukha bago ito umikot sa pinto.
"Sha, kindly get Antoinette's stroller na. I'll carry her," ani Ara na tinanggal ang seatbelt. "Then proceed ka na sa entrance, ha? Sunod ka kay Kuya with our luggage."
Kaagad na sumunod si Shara sa sinabi niya. Nakita niya ang pagtatakha sa mukha ni Kanoa, pero na-gets naman kaagad. Mabuti na lang din at walang masyadong tao kaya kahit magtagal ang sasakyan, ayos lang.
Bumaba si Ara at tumawid. Sumunod naman kaagad si Kanoa sa kaniya. Buhat nito si Antoinette at sandaling kinausap ang guard na malapit sa sasakyan nito.
"Nagising na siya," ani Kanoa paglapit sa kaniya. Nakayuko ito na parang inaayos ang sapatos ni Antoinette. "Sana hindi siya maglo—"
"Kanoa?" Hinuhuli niya ang tingin ni Kanoa na pilit umiiwas sa kaniya. "Hindi pa rin ikaw titingin sa akin?"
Ara saw how Kanoa's Adam's apple moved as he tried to swallow instead of talking to her. He kissed Antoinette's cheek while looking to the other side, still trying to avoid her.
. . . and she let him until finally, he looked at her.
"Message mo ako kapag nasa loob na kayo. Kapag nahirapan ka . . ." His voice cracked. "Tangina," he mouthed so Antoinette won't hear it making Ara chuckled. "Ito ka na naman sa natatawa, eh."
Yes, she chuckled, but her eyes failed her when tears started flowing uncontrollably.
Kanoa encircled his free arm around her nape and lightly pulled her. His lips were against her forehead, and she felt him sob . . . with a subtle sound. She could feel his breathing. It was heavy and it broke her heart.
Ara buried her face into Kanoa's chest and shut her eyes letting the tears flow. She didn't make a sound. She didn't want Kanoa to hear her voice this time, but she knew he could feel her shoulders moving.
"I'm sorry," Ara whispered. "I'm sorry. I'm sorry."
Muli niyang naramdaman ang paghalik ni Kanoa sa tuktok ng ulo niya bago ito humiwalay sa kaniya. Tumingala si Ara para salubingin ang tingin ni Kanoa, pero tumingala ito at suminghot, bago muling nagtama ang mata nila.
Ara tiptoed to kiss Kanoa's cheek, but he was quick to capture her lips. Both sobbed and didn't mind the people around them. Ara's arm was around Kanoa's waist, their bodies were against each other as they shared soft kisses.
"Mahal kita," Kanoa pulled away and wiped Ara's tear. "Sige na. Baka 'pag hindi pa kayo pumasok sa loob, iuuwi ko na kayo."
Natawa si Ara at mahinang hinampas ang dibdib ni Kanoa. "Baliw!" tawa-iyak niyang sambit. Kinuha niya si Antoinette na nagpupumilit sumama kay Kanoa. "Ingat ikaw sa driving, please, and update me, too."
"Oo." Hinalikan ni Kanoa ang tuktok ng ulo ni Antoinette at humiwalay. Hinaplos niya ang pisngi ng anak at hinalikan ang pisngi. Umatras ito palayo sa kanilang mag-ina.
"Ako, no kiss na?" Ara's brows furrowed. "Antoinette lang? Ako wala na?"
Kanoa chuckled and walked towards Ara. He rested his forehead against Ara, shut his eyes, and pulled her closer to him before kissing the tip of her nose. He was about to kiss Ara's cheek, but she captured his lips instead.
"Ara, kapag hindi pa kayo pumasok sa loob, hindi na kayo makakaalis sinasabi ko sa 'yo," Kanoa said and buried his face onto her shoulder. "Mahal kita. Sobra. Kita tayo sa susunod?"
"We will. I love you," Ara pulled away.
Kanoa gave her a nod. "I love you."
Both turned around and didn't look back.
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top