Chapter 29

Hinalikan ni Kanoa ang gilid ng ulo ni Ara habang nakasandal ito sa kaniya. Nanonood sila ng pelikula habang nagpapaantok, pero ramdam niya ang katahimikan nito kahit na magkasama sila.

Tulog na si Antoinette. It was already eleven in the evening.

"Ano'ng nangyari?" muling hinalikan ni Kanoa ang gilid ng noo ni Ara.

"Pinapapunta ako ni Mommy bukas sa bahay," sagot ni Ara. "I don't wanna come. I'm not ready to face them yet. I don't . . . want to talk to them."

Aware si Kanoa sa ginawang pag-cut off ni Ara sa parents nito. Nagulat siya kung tutuusin dahil hindi niya inasahan lalo na at kilala niya si Ara. Wala ito sa personality nitong gagawin iyon. Kahit si Belle, nabanggit sa kaniya na ikinagulat ng magkapatid ang ginawa ni Ara.

"I'm still mad at what they did, lalo my dad. Si Mommy, naiinis ako sa kaniya kasi she remained silent kahit na I was hurting. She's so . . . submissive when it comes to our dad and it's so unfair," naiiritang sabi ni Ara. "I will never be like her."

Walang masabi si Kanoa dahil issue iyon ng pamilya ni Ara. Wala siyang dapat sabihin dahil labas siya roon.

"I hate how you learned about Theia just because my dad can't keep his mouth shut," pagpapatuloy ni Ara. "I was already planning in my head, pero pinangunahan niya."

Mahinang natawa si Kanoa. "Matagal na 'yon at saka hindi naman ako galit."

Ilang beses na rin niyang sinabi kay Ara na wala naman siyang galit na naramdaman sa daddy nito. Oo, unfair sa part niya na sa ganoong sitwasyon niya nalaman, pero bilang ama, naintindihan ni Kanoa ang pinanggalingan nito.

"But I am!" Tumingin si Ara sa kaniya. Salubong ang kilay nito. "I hate that he always thinks na he's right and that his opinion always matters. He didn't even know about me going to New York until days ago. Maybe that's why Mom's asking me to come."

Nakapalibot sa katawan ni Ara ang kanang braso ni Kanoa. Hinahaplos niya ang kamay nito at hindi siya makasagot sa sinabi nito. Ramdam niya ang inis o galit, hindi siya sigurado, pero bago iyon kay Ara.

Simula rin kasi nang malaman niya ang tungkol kay Antheia, wala nang narinig si Kanoa tungkol sa parents ni Ara. Ipinagpasalamat na lang din niyang close ito sa mama niya at madalas pang magkakuwentuhan kapag nandito sila.

Apat na araw na lang, flight na nina Ara at Antoinette. Hindi na mapigilan ni Kanao ang araw at habang papalapit iyon, pahirap nang pahirap. Nagpabagahe na rin sila ng mga gamit ng mga ito papuntang US. Hirap na hirap si Kanoa dahil ultimong ilang paboritong laruan ni Antoinette na gusto sana niyang ipaiwan, dinala dahil iiyakan ng anak nila.

"Malapit naman na kayong umalis, puntahan mo na sila," suggestion ni Kanoa. "Hindi yata sila kasama sa farewell party n'yo, eh. Nabanggit ni Kuya Sam kahapon noong nagkausap kami na ayaw rin nila ni Belle na naroon ang parents n'yo."

Humiwalay si Ara sa kaniya at huminga nang malalim. "I don't want to. Pupunta tayo tomorrow kay Theia and I don't wanna ruin my day. I'm thinking of visiting them na lang tomorrow after Theia just to say goodbye. That's it."

Lumapit si Kanoa para halikan ang pisngi ni Ara. "Ang cute mong magmaktol. Hindi ako sanay, pero ang cute mo. Para kang bata."

"By the way, I remembered something," Ara squinted. "Remember when we were editing the footage from Baguio yesterday? You mentioned na ayaw mong nagpupunta sa weddings. Why?"

"Hindi naman sa ayaw ko. Okay lang naman, parang 'yung kasal nila Jairold. Pero kasi kung hindi ko kilala, ayoko. Kaya nga hindi ako naging wedding photographer. Ayoko kapag hindi ko kilala," sagot ni Kanoa.

Ara pouted. "But it's for business. For clients."

"Maski na." Kanoa shook his head. "Pupunta ang ako sa kasal kapag ako na 'yung groom."

Ara laughed.

"At ikaw ang bride," pagpapatuloy ni Kanoa dahilan para mas matawa si Ara. "Bakit ka natatawa? Ito tlaga si Ara kapag seryoso, tumatawa."

"Kasi it's like you're indirectly proposing as if you wanted me to be your bride." Muling sumandal si Ara kay Kanoa. "That's cute."

Natawa si Kanoa. "Malamang. Alangan namang iba 'yung bride, 'di ba?" Muli niyang hinalikan ang pisngi ni Ara. "Mami-miss ko 'tong ganito."

"Me, too." Mas isiniksik ni Ara ang katawan sa kaniya. "Ano ba 'yan! Don't make me cry. I've been trying to stop myself from thinking about it, eh!"

Kahit siya mismo, iniiwasan sanang pag-usapan iyon, pero apat na araw na lang din kasi ang mayroon sila. Tabi na nga silang matulog sa kama. Kung noong mga nakaraan, sa sahig siya, sa pagkakataong ito, sa kama na rin siya.

Nasa gitna nila si Antoinette dahil gusto nitong nakatabi sa kaniya, pero kapag mahimbing nang natutulog ang anak nila, lilipat siya sa tabi ni Ara dahil gusto niya rin itong katabi.

Malamang mahabang adjustment ang gagawin niya pag-alis ng mag-ina niya lalo sa kwarto. Nakikita na rin nga niya ang sarili niyang matutulog sa sala dahil sanay siyang nasa kama sina Ara at siksikan sila.





Kinabukasan, maagang nagising si Kanoa. Mahimbing pang natutulog ang mga ito habang siya, tapos nang maglinis ng living area.

Tumawag na rin siya sa flower shop kung saan nila ino-order ang bulaklak para kay Antheia. Bigla niya ring naalala ang tungkol sa nabili niyang charms para sa mga anak niya.

It was just a simple letter A charm for their bracelets.

Sandaling sinilip ni Kanoa ang mag-ina niya. Nakanganga pa si Antoinette, mukhang sarap na sarap sa pagtulog na para bang hindi sila pinuyat nang magising ito noong madaling araw.

Nakatagilid naman si Ara yakap ang isang unan. Hinalikan niya ito sa pisngi bago sandaling tinitigan. Hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa relasyon nila. Hindi na rin niya alam kung ano ba sila.

Pagkatapos noon nangyari sa kanila sa Baguio, hindi na iyon naulit. Hindi na rin nila iyon napag-usapan. Nag-focus silang dalawa kay Antoinette lalo na at naging busy sila nitong mga nakaraan para siguruhing maayos ang lahat.

Ang dating tatlong beses sa isang linggo ay naging lima. Halos hindi na umuuwi sina Ara at Antoinette sa condo ni Sam at mas gusto niya iyon dahil mas matagal niyang nakakasama ang mag-ina niya.

Pahirap nang pahirap at pilit man niyang kumbinsihin ang sarili niyang maayos lang ang lahat, alam niya mismo sa sarili niyang hindi.

Lumabas si Kanoa at hinayaan na muna ang mag-ina niyang matulog. Maaga dapat silang aalis, pero hindi niya magawang gisingin ang mga ito. Mahaba pa naman ang araw. Nilinsan na rin muna niya ang mga bote ni Antoinette at inayos ang mga damit na ipapa-laundry nila mamaya.

Habang naghuhugas ng bote, nag-ring ang phone niya at si Jairold iyon. Lumabas siya ng balcony para sagutin ang tawag.

"Tuloy ba 'yung party bukas, Noa?" tanong ni Jairold. "Ano bang puwede naming bilhin ni Gia para sa kanila?"

Natawa si Kanoa. "Huwag na kayong mag-abala, hoy. Okay lang 'yon. Basta pumunta na lang kayo. Kaya na ba ni Gia? Kasya ba kay Jaja 'yung regalong sapatos ni Ara?"

"Oo, tuwang-tuwa nga si Gia kasi ang ganda. Gagamitin daw namin 'yon sa shoot ni Jaja kapag nag-one month na. Tinanong ko siya kung kaya niya, oo naman daw. Kaso baka hindi namin masasama si Jaja kasi baby pa," ani Jai.

"Tama rin naman. Huwag na kayong bumili. Basta pumunta na lang kayo," sabi ni Kanoa at huminga nang malalim. "Lunch naman 'yon kaya okay na rin. Alam naman namin na hindi kayo puwedeng magpagabi."

Mula sa kabilang linya, alam ni Jairold na hindi maayos ang bestfriend niya dahil kahit na tumatawa ito, mababa ang boses habang kausap niya. Hindi na siya magugulat o magtatakha. Nabanggit na rin naman nito sa kaniya noong nakaraang araw na nagkita sila na malungkot.

Alam din ni Jairold na masakit para kay Kanoa ang pag-alis nina Ara, pero alam din niyang hindi ito magpapahalata o hindi nito pipigilan si Ara sa gustong gawin.

"Ayos ka lang?"

Malalim na huminga si Kanoa habang nakatingin sa siyudad. "Hindi. Medyo busy pala ako ngayon kasi pupunta kami kay Theia. Kung may tanong ka, message ka lang, ha? Baka late na ako maka-reply. Basta pumunta kayo bukas."

"Oo, pupunta kami. Ingat kayo," paalam ni Jai bago pinatay ang tawa.

Habang hinihintay na magising sina Ara at Antoinette, maraming nagawa si Kanoa. Hindi na niya hinintay si Ara at dinala na niya sa laundry ang dapat dalhin. Inayos na niya ang gagamiting damit ni Antoinette at nag-order na siya ng pagkain sa restaurant sa ibaba para sa almusal.


Dinaanan muna nina Ara at Kanoa ang bulaklak na na-order nila para kay Antheia. Malapit na rin sila sa cemetery. Tahimik ang byahe at hindi rin magawang mag-open ng topic ni Kanoa dahil pagkagising pa lang, hindi na siya masyadong kinakausap ni Ara.

Nagising itong parang wala sa mood kaya binigyan na rin muna niya ng space.

Sa backseat nakaupo si Ara katabi si Antoinette. Nakatingin lang siya sa bintana habang binabaybay nila ang daan papunta sa isa pa nilang anak. Isa ito sa nagpahirap sa kaniya nitong mga nakaraang araw.

Tumingin si Kanoa sa screen ng LED. It was almost ten in the morning.

Pagpasok nila sa loob, nakita niya sa rearview mirror ang pagsalubong ng kilay ni Ara habang ipinalilibot ang tingin sa lugar. Nauna siyang bumaba at dumiretso kay Antoinette para kunin ang anak niya. Tumingin siya kay Ara na nanatiling nakaupo, hindi gumagalaw, at parang ayaw lumabas.

Binuhat niya si Antoinette bago pumunta sa passenger's side kung nasaan ang kahon ng bulaklak na dala nila. Muli niyang nilingon si Ara na nakayuko naman sa pagkakataong ito.

Tumingala si Kanoa at pinagmasdan ang mahinang paggalaw ng mga dahon ng puno mula sa parking area. Hawak ni Antoinette ang baby doll na palagi nitong bitbit. Buhat niya ito, hawak naman niya sa isang kamay ang paperbag.

Naghintay sila sa labas ng sasakyan ngunit halos limang minuto na ang nakakaraan, hindi pa rin lumalabas si Ara kaya nagdesisyon siyang buksan na ang pinto nito.

"Ara?"

Pilit na ngumiti si Ara habang nakatingin sa kaniya. "Sorry."

Lumapit si Kanoa para halikan ang noo nito. "Ayos lang. Tara na? Hindi naman tayo nagmamadali. Puwede naman tayong magstay lang dito kung gusto mo?"

"No. Sorry. I just needed some more time, but all good na." Muling ngumiti si Ara at kinuha ang paperbag mula sa kaniya. "Let's go na?"

Hinawakan ni Kanoa ang kamay ni Ara at pinagsaklop iyon. Buhat niya sa kaliwa si Antoinette, hawak naman niya sa kanan si Ara habang papunta sila sa kay Antheia.



Ara was thankful that Kanoa wasn't asking her or anything and was just respecting her space. Tabi silang nakahiga at mahimbing nang natutulog ang mag-ama niya, pero buong madaling araw siyang gising dahil iniisip niya si Antheia.

Naunang lumapit si Kanoa sa harapan ng anak nila. Inilabas nito ang velvet box na mayroong charm na bagong bili. Naikabit na nito ang kay Antoinette at mukhang ikakabit na rin ang sa bracelet ni Theia ang isa pa. Bukod roon, bumili rin ito ng boxed baby's breath flowers.

Tinanggal nila ang lumang bulaklak na nasa loob at nilinisan ang mga bumagsak na petals ng bulaklak. Pinunasan ni Kanoa ang urn ng anak nila bago inayos ang loob tulad kung ano ang nakasanayan nila.

Ara let Kanoa do it as she watched. Noon siya lang ang gumagawa niyon.

"Can you do me a favor?" Ara spoke making Kanoa stop arranging Antheia's things. "Just one favor, Kanoa."

"Ano 'yon?" Kanoa stared at Ara who was looking at Antheia's urn. 

"Kindly look after her for me," Ara sniffed. "I'm sorry, I'll be away for now. I'm sorry I won't be able to visit. I'm sorry I won't be here always like I promised. I have to live and do the things I want to, my love."

Nanatiling tahimik si Kanoa at kinuha si Antoinette mula kay Ara. Nasa likuran lang siya nang idikit ni Ara ang noo sa glass barrier.

"I love you so much, Theia. I'm sorry mommy has to go, but I promise you . . . you'll always be with me. My heart is yours, my love. I just need to do this for me. You will understand, right?" Ara looked at Kanoa. "Maiintindihan mo naman ako, right?"

Kanoa encircled his arm around Ara and pulled her. He kissed her forehead and nodded. Both were staring at Antheia's urn, and they could even see their own reflections from the glass barrier.

"Oo naman. Hindi ako okay, 'yan ang totoo," pag-aamin ni Kanoa dahilan para mapapikit si Ara. Nanatili ang labi nito sa noo niya. "Hindi ako okay, pero magiging maayos naman sa mga susunod. Basta 'wag mo 'ko kakalimutan, ha?"

Ara looked at Kanoa and pouted. "How can I forget you? Baliw ka. Baka ikaw! Baka just because we're not here, you won't update na and you'll forget about us!"

"Malabo," Kanoa laughed. "Aayusin ko kaagad 'yung papeles ko, bisitahin ko kaagad kayo roon. Basta mag-enjoy ka. Huwag mong pagurin 'yung sarili mo dahil kapag ikaw nagkasakit, iuuwi ko kayo rito sa Pilipinas."

Malakas na natawa si Ara ngunit may luha. Ipinalibot niya. Ang braso kay Kanoa habang nakaakbay pa rin ito sa kaniya. Naririnig nila ang pagsasalita ni Antoinette. Kumakanta pa nga ito minsan.

Naupo sila sa bench na nakatapat sa kung nasaan si Theia. Hinayaan nilang tumakbo-takbo si Antoinette at minsan pang nakikipaghabulan si Kanoa. Pinanonood lang ni Ara ang mag-ama niya at iniisip na kung naging maayos lang sana ang lahat, dalawa ang hinahabol nito.

Ara would always imagine Antoinette with Antheia. They looked a like and would possibly dress a like! Bigla niya tuloy naalala noong bata pa sila ni Belle dahil ganoon ang ginagawa ng mommy nila sa kanila.

"Ang lalim naman ng iniisip mo," naupo si Kanoa sa tabi niya. "Nakakapagod 'tong si Antoinette. Parang ang dami niyang energy nitong mga nakaraan. Mami-miss ko tuloy lalo."

Hinawakan ni Ara ang kamay ni Kanoa. "I wanna thank you, Kanoa."

"Saan?" Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

"For giving me the twins. It was hard and painful, but they were the best that ever happened to me." Tumingin siya kay Kanoa. Magkasalubong ang kilay nito. "I love you and thank you for being a part of me, Kanoa. You're the most painful experience yet also my favorite."

Hindi sumagot si Kanoa sa sinabi niya. Nakatingin lang ito sa kaniya habang hawak nito ang baby doll ni Antoinette na nakasandal ngayon sa legs ni Kanoa.

"Ang sakit mong mahalin," Ara chuckled. "I read that somewhere and it was true. It was so painful to be in love with you. What I felt was something I thought sa books and movies ko lang makikita. I dedicated a lot of Taylor Swift songs to you. Dear John because I was played by your dark, twisted games when I loved you so?" she recited the lyric.

Yumuko si Kanoa. Nakakuha si Ara ng pagkakataon para haplusin ang pisngi nito kahit na hindi nakatingin sa kaniya.

"Nakita ko 'yon sa Instagram post mo. 'Yung may chess na pink," ngumiti si Kanoa.

Natawa si Ara. "Yup. But I must admit, too. It was still enchanting to meet you and I still want you. In His perfect time, once we're both healed. Once we're both okay na. I hope you won't be in love with someone else muna."

"Anlabo," umiling si Kanoa na parang hindi nagustuhan ang sinabi niya, pero napalitan iyon ng ngiti. "Malabo 'yon."

"I think we needed this time apart to figure out what we really want. I need to find myself after I lost me, Kanoa." A lone tear dropped from Ara's eyes.

Kanoa nodded. "At kailangan ko rin munang ayusin 'yung sarili ko para kapag puwede na talaga tayo, hindi na ako gago."

Natawa si Ara, ganoon din si Kanoa.

"Seryoso!" dipensa kaagad ni Kanoa.

Ngumiti si Ara at tumango. "I like that you're trying for yourself, Kanoa. Not for me, not for Antoinette. Do it for yourself, okay? I'm always proud of you. While you try not to be gago na in the future, I'll work my ass off naman to reach my own goals, too."

Muling inakbayan ni Kanoa si Ara at hinalikan sa pisngi.

"And then when everything's okay na. . . we'll count every moment together na this time. What do you think?" Ara smiled.


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys