Chapter 28

Ara saw how the couple's eyes widened in shock upon seeing Kanoa. Kilala pala ng dalawa si Kanoa dahil napanood na ang mga footage nito sa YouTube. Nabanggit din ng soon-to-be-bride na si Kanoa ang gusto sanang i-hire ng soon-to-be-groom, pero hindi nag-reply sa page.

"You're sungit naman pala," mahinang natawa si Ara habang inaayos niya ang camera na gagamitin niya. "Do you even accept video services for weddings?"

"Hindi. Ayoko ngang uma-attend sa mga kasal," Kanoa snorted. "Teka, may kukunin lang ako saglit sa kwarto."

Tumango si Ara at sinundan ng tingin si Kanoa. Nakalipat na rin sila sa malaking bahay dahil dito naman talaga ang accommodation nila. Apat naman ang kwarto. Isa sa kanila ni Kanoa, isa para sa makeup artist, isang kwarto para sa couple, at ang isa naman ay para sa kaibigan ng couple na kasama ng mga ito.

Maayos naman ang naging pagtulog nina Ara at Kanoa. Halos hindi na nila napansin at namalayan ang isa't-isa dahil na rin siguro sa pagod at antok. Buong magdamag silang tulog at nagising na lang sa alarm dahil paparaing na ang kliyente niya.

"Miss Ara!" Lia, the soon-to-be-bride squealed, shocking her. "Nagulat ako pagkakita ko kay Kanoa! Grabe po."

"He's not accepting clients daw for this, eh," sabi ni Ara. "But good thing you met him. Baka magbago ang isip niya for your wedding just in case you're still interested sa kaniya."

Nanlaki ang mga mata ni Lia. "Oh my gosh, Miss Ara. Meron na kaming na-hire for photo and video, but if Kanoa Dinamarca's available. . . grabe I will hire him."

Hindi naman masisi ni Ara ang couple na kausap niya dahil kakaiba ang aesthetic ni Kanoa. It was dark, moody, and cinematic.

"Puwede magtanong, Miss Ara?" Lia stared at her, she nodded. "Ikaw ba si Barbara?"

Nanlaki ang mga mata ni Ara at tumango. Muli itong tumili dahil nga nakita raw sa Instagram post ni Kanoa ang ribbon ng babae at may caption na Barbara. Hindi na ulit ito nagtanong. Willing naman siyang mag-explain kung ano ang relationship nila ni Kanoa, pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon.

Lumabas si Kanoa ng kwarto at hawak nito ang gimbal. Napatitig si Ara dahil wala naman ito sa usapan nila.

"What's that?" Ara asked.

Kanoa shrugged. "Mukhang wala naman akong gagawin kasi ang ganda ng lighting dito at mukhang kuha mo na 'yung settings, kuhanan ko na lang sila ng video?"

Nagulat ang magkasintahan sa sinabi ni Kanoa, kahit mismong si Ara. Nakatingin siya kay Kanoa na inaayos ang setting ng sariling camera.

"Just take note lang na magkaiba kami ng vibes ni Ara," paalala ni Kanoa sa magkasintahang nasa harapan nila. "Iba ang angles na gusto ko, pero hindi n'yo kailangang mag-pose para sa 'kin. Ako ang mag-a-adjust base sa pose na gusto ni Ara."

Tumango si Lia at kinalabit si Josh, ang fiancé. Pareho silang nagulat sa offer ni Kanoa dahil gusto sana talaga nila itong kunin, pero hindi nga nagre-reply. Medyo hindi lang makapaniwala si Lia na magkasintahan ang dalawa dahil totoo naman. Magkaiba ang aesthetic, magkaiba ang vibes, at mas lalong magkaiba ang feels pagdating sa output ng mga project.

Matagal na hinanap ni Lia ang vibes ni Ara. Mabuti na lang at dumaan ang viral shots nito sa feed niya kaya hindi na siya nagdalawang-isip na i-hire ito para sa prenup nila. Soft and youthful kasi ang vibes ni Ara.

More on pastel and light colors. Mas gusto rin ni Ara ang simple, raw, and genuine vibes na para bang nakikipaglaro lang sila sa camera. Ayaw ni Ara na stiff sila. Sinabi pa nitong magkuwentuhan lang sila na parang masaya. May scenes pa na nakaharap lang sila sa TV, nanonood ng favorite nilang music video para makuha ni Ara ang natural nilang emosyon.

Ara wanted her photos to be soft and eye candy.

At dahil kilala nilang magkasintahan si Kanoa, alam nila na cinematic ang vibes nito sa videos. Sa pictures, mahilig ito sa black and white, madalas na grainy o hindi naman kaya ay blurry. It was Kanoa's style.

Binulungan ni Lia si Josh noong sandali silang mag-break para sa change outfit. Pareho silang nakatingin kay Kanoa at Ara na nasa sofa. Mukhag may pinag-uusapan ang dalawa habang nakatingin sa kanya-kanyang camera.

The vibes were obvious, too.

Ara was wearing high-waisted skinny jeans paired with a long-sleeved mint green top. Naka-tuck in iyon at medyo hapit. Si Kanoa naman ay naka-blue jeans at itim na T-shirt na walang kahit na anongg print . . . but both were wearing a black Converse.

"I don't know," ani Lia sa makeup artist niya na napansin din sina Ara at Kanoa. "They're so different, but they complement."

Naka-tight bun si Ara hindi bumagsak ang buhok niya. Pinapanood niya ang footage galing kay Kanoa at nakangiti siya kasi ang ganda. It was the same vibe she was looking from his videos na hindi niya mahanap noon.

"Ibibigay mo ba sa kanila 'yan?" bulong ni Ara.

Tumango si Kanoa. "Oo, kung gusto nila. I-edit ko muna."

Ipinagpatuloy nila ang shoot sa loob ng bahay para sa magandang lighting, pero lumabas din sila para naman sa ibang area ng Tudors. Inilabas din ni Kanoa ang drone nito kaya nakuhanan ang couple ng videos na hindi naman talaga kasama sa package.

"Nahihiya ako, Miss Ara!" sabi ni Lia habang naglalakad sila papunta sa treehouse. "Kaya naman po namin 'yung fee ni Kanoa, pero oh my gosh . . . sobrang unexpected."

Natawa si Ara. "He's gonna give the copy if you want daw. It's for free, sure ako. He volunteered naman, pero ask mo na lang din siya, ha? I'm not really sure."

Lia nodded multiple times and started posing. Ipinagpasalamat ni Ara na maganda ang panahon. Nakisama ito sa kanila kaya kahit sunset na, nakakuha pa rin sila ng pictures. Usually, two hours lang ang oras ng shoot, pero dahil huling project na ito ni Ara, nilubos na rin niya.

The couple treated them to dinner, too.

Halos buong maghapong hindi nakapag-usap nang maayos sina Kanoa at Ara dahil naka-focus sila sa clients. Kahit wala na sila sa actual shoot, pasimpleng kinukuhanan ni Ara ang couple dahil ibibigay pa rin naman niya ang copy na iyon. Kahit habang nasa dinner, nakatingin siya sa couple at kunwaring kinukuhanan ng picture ang lugar, pero naka-focus siya sa dalawa.

Nang matapos kumain si Ara, nag-excuse siya sa mga kasama sa lamesa para tawagan si Shara kung ano ang ginagawa ni Antoinette. Natawa siyang naka-dekwatro pa ito habang nanonood raw ng TV. Wala pa rin ang Kuya Sam niya at mukhang gagabihin.

Bell and Aaron were on the condo but resting. Inilabas pala ng dalawa ang anak niya at dinala sa malapit na mall.

"Miss Ara." Lumapit si Lia sa kaniya. "Thank you po ulit sa pag-accept nitong booking kahit na sobrang mapilit lang ako. Sobrang bonus pa po na kasama n'yo si Kanoa. Sinabi niya sa 'min na ibibigay rin niya 'yung footage from him. Nagulat po kami. Gusto sana naming bayaran, kaso po ayaw niya. Puwede po bang sa inyo na lang kami magbayad."

"Uy, no. That's his gift naman daw sa inyo so don't bother," Ara chuckled. "I'm really happy to work with you rin talaga. Once done na kami sa editing, I'll send the files right away, ha?"

Tumango si Lia. "No worries po! Matagal pa rin naman 'yung kasal namin, minadali lang talaga namin ni Josh kasi nga po last client mo na kami."

Nagulat si Ara sa sinabi ni Lia lalo nang sabihin nitong seven months from now pa ang kasal ng dalawa, gusto lang talaga siyang i-hire. Hindi niya inasahang ganoon kagusto ng dalawa ang gawa niya to the point na nagpaaga ng prenup pictures.

Kausap ni Kanoa si Josh nang hanapin ng mga mata niya si Ara. Nasa may counter ito habang nagtitingin ng cake, pero nakita niya ang mahabang paghikab. Kanina pa nga kung tutuusin dahil pagod na sa maghapon, ganoon din naman siya.

Tumingin siya sa relo at mag-a-alas otso na rin.

Kanoa excused himself from everyone at the table and walked towards Ara who immediately smiled at him.

"Bumili lang ako ng cake na puwedeng maging snack later. Also, I got some coffee ground na dadalhin ko sa Manila for Kuya Sam, Belle, and Aaron. Ikaw, do you want something?" Ara asked while paying for what she got. "Thank you."

"Wala naman akong gusto. Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Kanoa. "Kasi parang pupunta pa raw sila sa night market. Gusto mo bang sumama?"

Nilingon ni Ara ang mga kasama nila sa table. "Would it be rude if we'll go back na? I'm really, really, tired and my feet aches so much na rin."

"Mas okay rin sa 'kin. Maaga ba tayong babalik sa Manila bukas?"

"If okay lang sa 'yo, let's just have breakfast then balik na tayo. I promised Shara din kasi na we won't take long. Uuwi kasi siya sa province and will stay with her father before our flight."

Tumango si Kanoa at kinuha ang paperbag mula kay Ara. Nagpaalam na rin muna itong pupunta sa comfort room kaya siya na ang nagsabi sa mga kasama nilang babalik na sila sa accommodation dahil maaga rin silang aalis kinabukasan.

He didn't need to explain much, and everyone understood. Nagpasalamat pa ang mga ito sa time nila ni Ara.

Sandali pa silang nag-stay sa restaurant. Nag-hot chocolate na muna sila bago naghiwalay. Sa sasakyan, pasimpleng nilingon ni Kanoa si Ara nang humikab ito. Mahina siyang natawa dahil sunod-sunod na iyon.

Magandan ang kwartong napunta sa sa kanila, pero iisa lang din ang kama. Sa kanila ibinigay ng couple ang master's bedroom dahil mas gusto ng mga itong mag-stay sa kwarto kung saan mayroong sunroof at telescope. Kung tutuusin, mas pabor sana sa kanila ni Ara iyon dahil maraming kama at puwedeng magkahiwalay sila.

But the couple insisted, and they couldn't do anything.

Naunang maligo si Ara. Nagpaalam naman si Kanoa na pupunta na muna siya sa open area ng bahay para tingnan ang kapaligiran habang gabi.

Suot niya ang hoodie sa ulo dahil medyo malamig. Mabuti na lang din at hindi maulan. Nag-message na rin siya sa secretary ng therapist niya na hindi siya makakapunta kinabukasan para sa session dahil nasa out of town pa siya.

Habang papalapit ang araw na aalis ang mag-ina niya, mas nahihirapan siya. Sa araw-araw, mas bumibigat ang dibdib niya habang iniisip na isang araw, ihahatid na niya ang dalawa papunta sa airport. Naisip na rin naman niyang gagawa kaagad siya ng paraan. Susubukan niya ulit mag-apply ng visa para kahit papaano, puwede siyang magpunta kahit kailan.

Pumikit si Kanoa at huminga nang malalim. Nakatungo siya at nakapatong ang dalawang siko sa railing kung nasaan siya habang dinadama ang lamig ng gabi.

Pagbalik niya sa kwarto, nakabukas ang lampshade sa bedside table. Tahimik siyang naglakad papalapit sa kama at naabutang mahimbing nang natutulog si Ara. Nakabalot ito ng comforter habang nakayakap sa isang unan.

Maingat na naupo si Kanoa sa gilid ng kama, sa sahig, at pinagmasdan si Ara. Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito at pinaglandas ang hintuturo niya mula sa noo papunta sa tungki ng ilong nito.

"Noa?" Ara murmured. "Are you there na?"

"Oo." Kanoa sniffed and stood up. "Bakit?"

"Nothing," Ara responded in a low voice. "Good night."

He smiled and fixed Ara's duvet. "Good night. Mahal kita," he leaned and kissed the side of her forehead.

"I love you," Ara's soft sleepy voice filled his ear making him sob.

Naupo si Kanoa sa gilid ng kama habang nakatitig kay Ara. Habang tumatagal, mas nahihirapan siyang tanggapin na sinaktan niya ito dahil kung maibabalik lang niya ang simula, lalayo na siya para hindi na sila hahantong sa ganito.




Nagising si Ara nang marinig ang malakas na pagkulog. Nakita niya mula sa glass window na malakas ang ulan. Naramdaman din niyang mas lumamig pa kahit na naka-jacket naman na siya at nakabalot ng comforter.

Ara checked her phone and saw that it was just three in the morning. Kanoa was sleeping noong nakaraang gabi.

Maingat siyang bumangon para hindi ito magising. Nakaramdam siya ng uhaw kaya dumiretso siya sa kusina ng bahay. Madilim, pero sapat naman ang mga ilaw sa balcony para makakilos siya nang maayos.

Nakita rin ni Ara ang complementary instant coffee kaya bukod sa tubig, nagtimpla siya. Sigurado rin naman siyang hindi na siya makatutulog kaya magtatrabaho na lang siya. Hindi niya rin alam kung anong oras sila babyahe ni Kanoa.

Mayroong lamesa at dalawang upuan sa kwarto nila na nasa tabi ng glass door. Doon siya pumuwesto habang sumisimsim ng kape at hinahayaang mag-sync ang storage niya sa laptop para makita ang shots. Nilingon niya si Kanoa na nakadapa na habang mahimbing pa ring natutulog.

Ni hindi na niya namalayang nakatulog na siya kagabi. Malamang sa pagod at antok kaya hindi na niya namalayan.

Ara was busy checking the photos and she was so happy with the results. Simple lang ang bawat litrato at mas na-highlight niya ang pagiging natural ng magkasintahan. Gusto rin niya ang mga shot kung saan hindi kailangang sapilitang mag-pose ng subjects niya para sa picture.

"Ara? Ang aga mo," inaantok na bumangon si Kanoa. "Kanina ka pa gising?"

"Good morning," ngumiti si Ara. "Around thirty minutes ago. Am I disturbing you?"

Tuluyang bumangon si Kanoa. "Hindi," ngumiti ito bago lumabas ng kwarto.

Malakas pa rin ang ulan. Hinarap ni Ara ang glass door at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan. Sinara niya ang laptop at inubos niya ang kape. Malamig na iyon na ikinatawa niya dahil palagi namang ganoon.

Ara stood up and stretch. She was thinking of napping. It was too early, and she literally yawned after thinking she would sleep.

"Itulog mo na 'yan." Lumapit si Kanoa at iniabot ang isang bote ng tubig sa kaniya. "Ano'ng oras mo gustong bumyahe? Mas maaga, mas maganda para makapagpahinga ka kaagad pagdating natin sa Manila."

Tumango si Ara. "Around six in the morning, what do you think? We can just leave naman and I'll just message Lia. She'd understand."

Kanoa nodded and they were both facing the glass door. The rain had no signs of stopping and it was surprisingly comforting.

"Ara, maayos na ba lahat ng papeles n'yo ni Antoinette?" basag ni Kanoa sa katahimikan.

"Yup. I just have to confirm something for Antoinette and everything's okay na." Nilingon ni Ara si Kanoa. "Why?"

"Wala naman." Sinalubong ni Kanoa ang tingin ni Ara. "Habang papalapit, hindi ko alam 'yung mararamdaman ko. Masaya ako para sa 'yo, pero nalulungkot akong ang layo n'yo."

Hinarap ni Ara si Kanoa at hinaplos ang pisngi nito. "You can visit naman us anytime just in case you're free. I'm really sorry. I really wanna do this."


"Bakit ka nagso-sorry?" Hinawakan ni Kanoa ang kamay ni Ara at hinalikan iyon. "Wala kang dapat ihingi ng sorry. Deserve mo at tama ang desisyon mo. Malungkot lang ako, natural naman 'yon, pero hindi naman kita pipigilan sa gagawin mo."

Ara moved closer and encircled her arms around Kanoa's neck. "Thank you for supporting me even if it means you'll be away from Antoinette."

"Bakit palaging si Antoinette lang ang sinasabi mo?" Kanoa hugged Ara back. Both his arms were around her small frame. "Pati ikaw," he whispered and kissed her shoulders. "Mami-miss ko kayong dalawa."

"I love you," Ara murmured and was about to kiss Kanoa's cheek, but he was quick to kiss her lips instead and no one pulled away.

They weren't moving. Their lips were against each other until Ara pulled Kanoa closer to her and deepened the kiss. Kanoa gripped her waist and pulled her body against his. They could feel each other's warmth despite the cold weather.

Their lips moved in sync. It was slow with no tongues, eyes closed, and their breathing was calm. They weren't rushing into anything, they just wanted each other.

Ara felt Kanoa's rough manly hands inside her waist, caressing her skin while she brushed his hair using her fingertips. A soft moan escaped from her mouth when he carefully pulled her closer. Their chest was against each other, and they could even feel each other's heartbeat.

Kanoa pulled away and rested his forehead against Ara when he felt they wouldn't be able to stop once they continue. He gulped multiple times and shut his eyes to stop himself until Ara cupped his face. Their eyes met and she smiled at him.

"It's okay," Ara whispered and put three kisses on the side of his lips. "If you wanna do it, I want it, too."

"Sigurado ka ba?" Kanoa's brows furrowed. "Ara, hindi ko na mapipigilan."

Ara nodded and pulled away from him. She held his hand, and they walked toward the bed. Kanoa was just staring at Ara when she held onto the hem of her sweatshirt and was about to remove it, but he immediately stopped her.

"Ara . . ." Kanoa met Ara's eyes.

"You don't want to?" Ara asked him.

"Gusto ko, pero . . ."

Ara smiled and kissed his forehead. "I want to."

Humigpit ang pagkakahawak ni Kanoa sa sweatshirt ni Ara at maingat iyong tinanggal bago ang sa kaniya. Walang awkwardness, walang nahihiya, pero pareho silang parang nagsisimula. Tinanggal ni Kanoa ang sarili niyang hoodie nang hindi inaalis ang tingin kay Ara.

Sabay nilang nilingon ang bintana nang lumiwanag dahil sa kidlat bago sumunod ang malakas na kulog. Malakas na malakas pa rin ang ulan.

Nakita ni Ara ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Kanoa. Magkaharap sila kaya nakakuha ng pagkakataon si Ara para tumingkayad at halikan ang noo nito bago muling bumulong na magiging ayos lang ang lahat.

Mahigpit na yumakap sa kaniya si Kanoa. Nakasubsob ang mukha nito sa balikat niya habang nakapalibot ang dalawang braso sa katawan niya.

Ara kissed the side of Kanoa's forehead, and he kissed her neck making her moan . . . and that moan gave Kanoa the right to claim her again.

They were both naked and covered in duvet. Ara gasped while staring at Kanoa's eyes when he carefully thrust inside her. He was using both his hands to support his body. It was cold, but he was sweating bullets. Ara was the last woman he had been with, and it had been years.

Ara's lips trembled when Kanoa buried deep inside her. She sniffed and kissed Kanoa's lips who kissed back before moving carefully. She could feel his body weight against her. She could every movement, every thrust, every kiss.

Madilim kaya hindi niya makita ang mga mata ni Kanoa, pero nagulat siya nang maramdaman ang likidong bumagsak sa pisngi niya kasabay nang paghikbi ni Kanoa. Huminto ito sa paggalaw at muli niyang naramdaman ang pagpatak ng luha nito sa pisngi niya.

"Hey." Ara cupped Kanoa's face.

Kanoa sniffed and said nothing. He was sobbing.

Ara then kissed his cheek, the tip of his nose, and his forehead. She didn't say a word and just wiped his tears using both her thumbs until Kanoa buried his face in her neck and started moving.

It was slow but deep and Ara whimpered. Kanoa was kissing her neck and she could hear him groan. She could feel his breathing and could even hear how he was trying so hard to gasp for air.

Unknown to Kanoa, Ara was trying not to sob but her eyes betrayed her when the tears flowed while she was staring at the ceiling thinking about him. She kept on brushing Kanoa's hair while her other hand caressed his arm.

Ara closed her eyes to feel every thrust, listen to Kanoa's heavy breathing, and savor the moment because she missed this close to him.

"I love you," Ara whispered against Kanoa's ears.

Kanoa supported his weight and faced Ara. They shared soft kisses and he whispered, "Mahal kita . . ." against her lips.

Both were sweating bullets and gasping for air. Kanoa was still on top of Ara, both were still covered with duvet. Ara kept on brushing Kanoa's hair using her palm while he was hugging her, and his head was against her chest.

Nakatingin lang si Kanoa sa glass door. Hindi na malakas ang ulan, pero medyo umaambon pa rin. Nag-angat siya ng tingin nang tumigil si Ara sa paghaplos sa buhok niya at nakita itong nakapikit, mukhang nakatulog na.

Bumangon si Kanoa ngunit nanatiling nasa ibabaw ni Ara. Nakatitig lang siya sa mukha nito bago hinalikan sa pisngi at sa tungki ng ilong. Tinanggal niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha.

Maingat siyang nahiga sa tabi ni Ara at hinila ito papalapit sa kaniya. Pinahiga niya ito sa braso niya at inayos niya ang kumot para matakpan silang dalawa. Mahigit niyang niyakap si Ara na kaagad pumalibot ang braso sa kaniya.

"Kanoa?" bulong ni Ara. Ramdam niya ang paghinga nito sa leeg niya.

"Tulog ka muna." Hinalikan niya ang noo nito at sinuklay ang buhok. "Mahal kita."

Huminga nang malalim si Ara at hindi na ito sumagot sa kaniya.

"Sobra."

Nagising si Ara na wala na si Kanoa sa tabi niya. Maliwanag na rin ang buong kwarto. Yakap niya ang unan at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Inalala niya ang nangyari sa kanila ni Kanoa noong madaling araw at wala siyang pinagsisisihang kahit na ano.

Maingat siyang bumangon at suot niya ang hoodie ni Kanoa. Natatakpan nito ang buong katawan niya, pero alam niyang hubad siya sa loob. Tumingin siya sa orasan, nagulat siyang alas nuebe na ng umaga.

Binuksan niya ang maleta para kumuha ng damit nang bumukas ang pinto. Nakabihis na ng panlakad si Kanoa at mukhang hinihintay na lang nitong magising siya.

"I'm sorry," Ara bit her lower lip. "I overslept. Sana ginising mo ako."

Umiling si Kanoa. "Ayos lang. Umalis pala silang lahat kasi mamamasyal daw. Hanggang bukas pa pala sila rito. Nakakuwentuhan ko sila kaninang almusal. Sabi ko baka pagbalik nila, nakaalis na tayo."

Hawak ni Ara ang damit niya at tumango. "I'll just take a bath then we can go na. I'm really sorry."

"Take your time," ani Kanoa at inabot sa kaniya ang coffee cup galing sa isang café malapit sa area. "Kape ka muna."

Kanoa held her hand, sat on the couch inside their room, and pulled her to sit on his lap. She didn't protest. Instead, she rested her back against his chest and shut her eyes. She felt him kiss her shoulder.

He wrapped both his arms around her waist and he was using his thumb to caress her tummy. The feeling was familiar. It was the same feeling they had when they were still together, but better. 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com


Location: Tudor House at Tudor in the Pines
The room

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys