Chapter 27

"Sure, Mary Vernice. Rest ka, okay? Don't worry. I can handle it. Just be better," Ara forced a smile and dropped the call. She breathed hard thinking about what could happen tomorrow.

Ilang beses niyang pinatunog ang mga daliri niya dahil wala siyang maisip na ibang paraan. Tumingala siya at huminga nang malalim. Pilit niyang pinakalma ang sarili niya para mas makapag-isip nang maayos.

"Ara?"

Nilingon niya si Kanoa na naniningkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Why?"

"May problema?"

"Yup. Medyo malaki," mahinang tawa ni Ara ngunit halata ang kaba niya. "My personal assistant kasi is sick. I have Baguio shoot tomorrow and I don't know what to do. I don't know who to call."

Tahimik na nakatingin si Kanoa kay Ara. Nakakandong sa kaniya si Antoinette dahil nanonood ito ng cartoons habang dumedede. Mukhang inaantok na ito. Alas tres na rin kasi ng hapon at tulog talaga ng anak nila.

"Ugh, it's annoying!" Ara uttered in frustration. "Last shoot ko na bukas and this is happening. My gosh."

Yumuko si Kanoa at nilaro ang kamay ng anak niya dahil dalawang linggo na lang, aalis na ang mga ito. Sa halos tatlong linggong madalas silang magkakasama, wala silang ginawa kung hindi ang mamasyal at halos makatapos sila ni Ara ng limang series dahil nanonood lang sila hanggang madaling araw.

Sa mga panahong iyon, walang ginawa si Kanoa kung hindi ang asikasuhin ang mag-ina niya. Gusto niya ang pakiramdam na umaasa ang dalawa sa kaniya lalo ang anak nilang clingy na kung puwede lang siguro, huwag malayo sa kaniya.

Alam niyang mahihirapan siya sa mga susunod pa lalo na at nasanay siyang kasama ang dalawa. Nasanay siyang matutulog at gumigising na mayroong dalawang mukha siyang nakikita dahil sandali na lang, maiiwan siyang mag-isa.

Tuloy-tuloy pa rin ang therapy niya. Sakto ang schedule niya sa tuwing umuuwi naman sina Ara sa condo ni Sam para kapag magkakasama sila, wala siyang ibang gagawin.

Napadalas lang din ang pag-alis ni Ara nitong mga nakaraan dahil may mga inaayos na papeles at tinapos ang mga schedule na shoot. Nabasa rin niya ang post nito sa social media na hindi na tatanggap ng kliyenta dahil aalis na papuntang ibang bansa.

Pinatulog na muna ni Kanoa si Antoinette sa kwarto niya. Matagal siyang nakatitig sa anak niya habang tinatapik ang binti nito. Natawa siyang nakayakap pa ito sa braso niya bago mahimbing na nakatulog.

Paglabas niya ng kwarto, naabutan niya si Ara na nakapatong ang baba sa sariling palad habang nakaharap sa laptop bago tumingin sa kaniya.

"She's sleeping na?"

Tumango si Kanoa at kumuha ng juice sa ref. Ibinaba niya iyon sa lamesa, sa gilid ni Ara. "May gusto ka bang merienda? Puwede akong bumili sa baba hangga't tulog si Antoinette."

Umiling si Ara at pinagkrus ang dalawang braso. "I'm fine," anito sa mababang boses.

Kinuha na lang ni Kanoa ang chips na nasa counter at inilagay iyon sa lamesa bago naupo sa upuang nasa gilid ni Ara. Nakabukas lang sa screen nito ang page para sa photography.

"There's a part of me thinking why I even thought of leaving," Ara chuckled. "I've been receiving a lot of messages daily here asking if hindi na ba talaga puwedeng magpa-shoot 'cos they loved my photos. Nakakatuwa."

Ngumiti si Kanoa dahil totoo naman iyon.

"But I really want to work outside, lalo sa New York. It was my first plan, eh. I know that plans change over time, but I grabbed this to please myself. I am wrong?" Ara asked him. "Am I wrong that I want to pursue the dream I thought would never happen na because of everything?"

"Hindi. Totoo rin naman kasi na hindi lahat ng tao, nakukuha 'yung gusto nila. Ngayong may chance ka at gusto mo rin naman talaga, gawin mo na. Kaysa pagsisihan mo sa huli dahil nawala na 'yung chance. Risky, oo. Mayroon namang alternatives, oo . . . pero kung kaya mo namang gawin ngayon, bakit hindi?"

Ara stared at Kanoa; it was one thing people didn't know about him—his words. Kanoa was sometimes quiet or would rather not talk about anything . . . or just spit nonsense words, but he knew his words. It was one of the reasons why she loved talking to him before and maybe she fell in love with him.

Bihira itong magsalita, pero kapag nagseryoso . . . kahit siya mismo nagugulat sa mga kaya nitong sabihin.

"Ano pala ang work ng assistant mo sa 'yo? Sabi mo noong nakaraan, ikaw ang nagha-handle sa lahat. Ano'ng ginagawa ni Vernice?" tanong ni Kanoa.

"She drives for us and she's assisting sa needs ko 'pag ongoing ang shoot like whenever I need this, I need that," Ara tsked. "It's her last day na rin sana but ayon. She mostly drives."

Kanoa nodded. "Ara, kung kumportable ka, sasamahan kita. Last shoot mo na rin, 'wag mo nang i-stress ang sarili mo. Samahan na lang kita."

"B-But . . ." Ara was hesitant. "It's a 3 days and 2 nights trip, remember? Are you sure you're okay? Kasi if ever man, I won't say no. I really, really need someone to be with me for this shoot. I don't have much choice."

"Oo. Si Antoinette lang iniisip ko. Hindi naman natin siya puwedeng isama kasi busy day 'yon," ani Kanoa na nag-iisip din. "Kung hindi free ang kuya mo, tawagan ko si Mama. Try natin kung free siya sa mga susunod na araw para kay Antoinette."

Umiling si Ara. "I can call Shara naman then we can bring Antoinette na lang sa condo ni Kuya Sam. So just in case Kuya Sam is busy, Shara's there naman."

Kaagad na tinawagan ni Ara si Sam para sabihin kung ano ang nangyari at kung ano ang magiging setup nila. Hindi na rin siya nahiya kay Kanoa dahil kailangan na talaga siya ng tulong.

Sa ilang linggo rin naman na magkasama sila, naging at ease na sila sa isa't-isa. Mayroon pa ring limitasyon sa lahat ng bagay. Wala na rin siyang karapatang mag-inarte o tumanggi. Wala siyang ibang choice.

"Ano'ng oras pala ang byahe?" tanong ni Kanoa. "Sasakyan ko na lang ang gamitin natin para mas malaki. Ipapa-check ko lang saglit sa talyer kung okay sa long drive. Sa kabilang block lang naman 'yon."

"I was planning to travel around six in the morning sana kaya aalis dapat ako mamayang three," nahihiyang sabi ni Ara. "But since we're gonna have to bring Antoinette pa sa condo ni Kuya, baka late na rin na us mag-travel."

Tumango si Kanoa. "Sige. Pag-isipan mo muna kung ano 'yung gagawin bukas pati na rin 'yung oras ng byahe. Alis muna ako sandali. Papalinis ko lang muna 'yung sasakyan ko."

"Are you really sure na okay lang?" nakagat ni Ara ang ibabang labi.

"Oo nga," natawa si Kanoa. "Alis na muna ako. Message mo 'ko kung may gusto kang ipabili sa labas. Gusto mo bang bumili na lang ako ng dinner para mamaya para hindi ka na magluto?"

"That's better," Ara smiled.





Kinabukasan, maaga nilang inihatid si Antoinette sa condo ng kuya niya. Naroon na rin si Shara na kararating lang din na agad tinabihan si Antoinette dahil natulog ulit ito. Kinuha naman ni Ara maleta kung nasaan ang mga gamit niya at isa pang maleta ng mga damit naman na dadalhin niya.

"Thanks, Kuya!" Ara hugged Samuel. "Belle and Aaron will be here daw tonight, so you won't have to worry. I'm really sorry."

"Wala 'yon. Buti rin may kasama ka. Akala ko noong tumawag ka mag-isa kang magba-Baguio. Inisip ko pa kung kaya mo bang mag-drive, eh," natawa si Sam bago tumingin kay Kanoa na nakasandal sa counter. "Imagine mo si Ara, magda-drive pa-Baguio. Mandaluyong lang, iniiyakan."

Inirapan ni Ara ang dalawa dahil bina-bash ang driving skills niya na may katotohanan naman. She really was a passenger princess and she just drive if needed or she had no choice. She would rather pay for a cab than drive alone, especially around Metro Manila.

Ara and Kanoa kissed their daughter goodbye.

It was almost seven in the morning, and they were already on the road. Kanoa stopped bya famous coffee shop with drive thru and got themselves a drink. Wala rin kasi silang matinong tulog dahil naging fussy si Antoinette buong magdamag. Hindi nakisama sa kanila.

Noong sila pa, La Union ang pinakamalayong lugar na napuntahan nilang magkasama. Naalala ni Ara na doon sinabi sa kaniya ni Kanoa ang tungkol sa nararamdaman nito sa kaniya. It was around midnight, they were by the beach, and talking about life. Pagkatapos niyon, sa kalapit na probinsya na lang sila nagpunta dahil may klase sila.

Mabilis magpatakbo si Kanoa, iyon ang napansin ni Ara. Hindi naman sila nagmamadali, pero alam din naman niya na mabilis talaga itong magpatakbo, pero maingat.

Inabot sila ng mahigit na apat na oras bago nakarating sa Baguio. Mula sa tunnel ng Marcos Highway, nakita nilang medyo foggy na ikinangiti ni Ara. Nilingon niya si Kanoa na ngumiti rin bago tumingin sa kaniya.

Both smiled without a word.

The entire time, they were listening to Kanoa's OPM playlist and the current song perfectly matched the scenery. Cold, foggy, and comforting. The song was Paruparo by Sugarcane and JC Herrero.

Funny because Ara even had to ask Kanoa what paruparo meant.

Nang makarating sila sa city, muling tumingin si Kanoa sa kaniya. "Gusto mo ba munang kumain bago tayo dumiretso sa accommodation?"

Umiling si Ara. "Can we drop by muna? I really wanna see the whole place in person. Maganda kasi siya sa pictures. Are you hungry na ba? Can we go na lang later or if meron na tayong makakainan around the area, there na lang?"

"Oo naman. Taga-Baguio ba 'yung couple?" Kanoa maneuvered the car.

"Nope. They're actually from Manila lang din. They found the location online. I thought we were gonna shoot sa tourist spots sa Baguio, but they picked our accommodation na rin as their location."

The location was 15 to 20 minutes away from SM Baguio and Ara saw via maps that there were restaurants around the area.

In no time, they arrived at Tudor in the Pines and someone assisted them immediately. Naunang bumaba si Ara naramdaman kaagad niya ang lamig ng Baguio. Good thing she decided to wear a long-sleeved sweatshirt and comfortable jeans.

"Hello, Ma'am!" A woman walked towards her. "Barbara Marzan po?"

Tumango si Ara. "Hello! Good afternoon po. Yes po, I'm her."

"Ready na po 'yung treehouse n'yo, but parang iba po 'yung kasama n'yo based sa ID po na napadala ninyo?" tumingin ang babae kay Kanoa na ibinababa ang luggages nila.

"Yes, about that. Do you have an available room pa ba for him?" tanong ni Ara. "Kasi 'yung kasama ko isn't available so I had to ask someone with me. Do you have another house available ba na we can rent?"

Nalungkot ang mukha ng babaeng kaharap nila. "I'm sorry, Ma'am, pero fully booked po kasi tayo the entire month. Wala pong available."

Wala namang magagawa si Ara kaya tumango na lang siya. Sumunod sila ni Kanoa sa babae at mula sa bahay na nasa harapan nila, kailangan nilang dumaan sa parang hanging bridge. Maganda ang lugar. Mayroong puno sa gitna ng dalawang accommodation na ang isa ay nirerentahan niya.

Isa lang ang kinuha ni Ara kahit na kasama sana niya si Vernice. Sanay naman silang matulog noon sa isang kama lang dahil mas tipid rin naman iyon. Sa pagkakataong ito, iniisip ni Ara kung ano ang gagawin.

"Ito po 'yung accommodation ninyo," ngumiti ang babae.

Inisa-isa nito ang amenities ng lugar. Mula sa labas, kita ang loob dahil salamin lang iyon. Walang problema kay Ara dahil gusto niya rin talaga ang lugar. Gusto niyang kuhanan ng pictures at kakaiba iyon sa ibang lugar na napuntahan niya.

Pagpasok sa loob ng bahay na naka-assign sa kaniya, mayroong dalawang upuan at hagdan sa gilid papunta sa mismong kwarto na nasa ibaba. It was smaller than expected, but it was okay. Everything was photo worthy.

Ibinaba ni Kanoa ang maleta sa gilid ng kama at tumingin kay Ara.

"Nakita kong maraming transient place sa lugar, puwede naman akong maghanap ng tutuluyan ko mamayang gabi," ani Kanoa at inilabas ang phone. "Mukhang marami naman dito sa lugar. Maaga na lang akong pupunta bukas."

Nakaharap si Ara sa glass walls ng bahay. Madamo sa labas at medyo parang gubat, pero maganda.

"There's a bonfire outside," Ara said making Kanoa stop. "This place is cozy naman pala. I thought I won't like it. I was just worried about the weather tomorrow. I hope hindi uulan."

Nanatiling nakayuko si Kanoa at naghahanap ng puwede niyang puntahan.

"Kanoa, it's fine. You can stay here," Ara said and looked at Kanoa. "I'll go outside muna, ha? I wanna walk around to see the possible settings I'd use and kung saan kami mag-shoot tomorrow. You can rest after a long drive."

Nakatingin lang si Ara kay Kanoa nang hindi ito sumagot. Kinuha nito ang backpack na isinukbit sa likuran. Kung hindi siya nagkakamali, gear iyon ni Kanoa.

"Sasama ako. Gusto ko ring tingnan 'yung area. Dala ko rin 'yung drone ko. Gusto ko i-try," ani Kanoa. "Tara?"

Naglakad sila sa buong area. Hindi naman kalakihan, pero maganda. Cozy rin ito para kay Ara, medyo nasisikipan lang siya. Parang naging crowded ang lugar, pero maganda. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat sulok ng area, kung saan magandang kumuha ng pictures.

"The couple rented that big house for tomorrow. I think most of the photos will be there naman kaya hindi ako mahihirapan. I just want to have some photos lang din outside kaya I wanna see it first in person," pag-explain niya kay Kanoa. "I really hope hindi umulan tomorrow."

Ara took photos around the area and tried to see a better angle. Tumigil siya nang marinig ang mahinang tunog galing sa kanan niya at nakita ang drone ni Kanoa na nakaharap sa kaniya. Nasa likod niyon si Kanoa, nakangiti habang nakatingin sa screen na hawak nito.

She frowned and chuckled.

Ngumiti si Kanoa nang i-zoom niya ang mukha ni Ara mula sa screen na hawak niya bago kinontrol ang drone papalayo, pero kay Ara pa rin nakatutok. Sa ilang taon, nawalan siya ng gana sa photography at videography dahil nawala ang paborito niyang subject.

Kanoa used to be into nature until Ara happened. Since then, everything was just about work.

Nang matapos mag-ikot si Ara, bumalik siya sa kung nasaan si Kanoa. Nakatayo ito sa may hanging bridge habang nakatutok sa screen ng drone. Sinilip niya ang ginagawa nito at nakita ang kabuuan ng lugar.

Maraming bahay sa tabi ng location nila. The view based on the drone was okay, too. Not what she was expecting, but it was peaceful.

Ara was still watching from the screen until she saw them together. Papalapit na sa kanila ang drone at nakatutok sa kanila nang biglang halikan ni Kanoa ang tuktok ng ulo niya. Hindi niya na-realize na ganoon na sila kalapit.

"I love you," Kanoa whispered.

Ara was frozen and before she could even say anything, her tummy rumbled. Kanoa's lips were still on her forehead. The drone was still in front of them, and she could see them on the screen.

Kanoa smiled. "Kain na tayo. Kawawa ka naman. Gutom na," he said and pulled away from her.

Pinakiramdaman ni Ara ang sarili niya kung mayroon bang awkwardness, pero wala. Sumunod na lang siya kay Kanoa pabalik sa treehouse nila para kunin ang personal na gamit nila dahil magpupunta sila sa city para bumili ng pagkain.

Walang camerang dala si Ara, pero nakita niya mayroong dala si Kanoa.

"You'll take photos around the area?" tanong ni Ara habang sinusuot ng seatbelt niya.

"Oo rin," sagot ni Kanoa. "Saan mo gustong kumain?"

Ara shrugged. "Anywhere naman, but I want some rice. If we can go na rin sana to get some things sa grocery, that'll be perfect."

Kanoa started driving and they were both quiet. Her photos started syncing. Naka-connect kasi ang camera niya sa phone kaya madali niyang nakuha ang lahat ng shots na ginawa niya hanggang sa makita ang picture ni Kanoa. It was a stolen shot, and he was serious about his own gear.

Ara missed this, she thought. Being with Kanoa, doing the things they both loved without interrupting the other. They used to do this a lot. Him taking photos of the things he love, her taking photos based on her own aesthetics.

"Maganda 'yung place. Homey para sa couple, for sure," ani Kanoa. "Nakita ko 'yung bonfire doon. Bili tayo ng marshmallow. Favorite mo 'yon noon, eh. Iyong pasunog na," natawa ito.

Hindi sumagot si Ara, pero pasimple siyang ngumiti.

"Sorry pala kanina." Tumingin si Kanoa sa kaniya nang tumigil sila dahil sa traffic.

"Saan?" Nagtakha si Ara dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Kanoa.

Nagulat siya nang haplusin nito ang noo niya, kung saan siya nito hinalikan.

"It's nothing," ngumiti si Ara. "Thank you so much talaga for coming here with me."

Umiling si Kanoa. "Wala 'yon. Gusto ko rin naman."

Dumiretso silang dalawa sa SM Baguio para bumili ng pagkain. Doon na rin sila kumain ng lunch at gusto pa sana nilang mamasyal muna sa city, pero lumakas ang ulan. Panay na rin ang hikab nilang dalawa dahil nga wala silang tulog.

Tinawagan ni Ara si Shara para kumustahin ang anak nila. Nanonood lang daw ito ng movie at katatapos lang mag-milk.

It was three in the afternoon when they arrived at Tudors. Malakas pa rin ang ulan kaya wala silang magawa kung hindi ang mag-stay sa loob ng kwarto habang nakaharap sa glass walls at pinonood ang malakas na ulan.

Pareho silang nakasalampak sa sahig at nakaupo sa unan. Pinanonood nila ang bawat pagpatak ng ulan sa salaming nasa harapan nila. Medyo madilim dahil foggy at mas naramdaman nila ang lamig.

"Ara, kung may babaguhin ka sa nakaraan para iba rin ang kasalukuyan at hinaharap, ano 'yon?" tanong ni Kanoa.

Nakapatong ang baba ni Ara sa sarili niyang tuhod dahil yakap niya ang sarili niya. "Nothing, but if I had a chance to bring back Antheia, I would. I would give anything just to be with her again," ngumiti siya. "That's the only I want."

"Ano'ng itsura niya sa personal? May pagkakaiba ba sila ni Antoinette?" Ginamit ni Kanoa ang kamay niya patalikod para suportahan ang sarili. "Okay lang ba sa 'yong pag-usapan?"

"I could tell them apart kasi mas maliit si Antheia compared to Antoinette, but si Theia, meron siyang mole sa chest niya. Here." Tinuro ni Ara ang sarili knug nasaan ang gitna ng dibdib niya at tumigil sa pagsasalita nang may maalala. "Wait. I have something to show you."

Inilabas ni Ara ang phone at hinanap sa folder ni Antheia ang video nito na siya lang ang mayroong kopya.

Lumapit siya kay Kanoa at naupo sa tabi nito. Sabay nilang pinanood ang video ni Antheia noong nasa Singapore siya habang nakahiga ito sa dibdib niya.

"You'll hear my voice, ha? I was singing for her," Ara chuckled. "This was taken three days before she. . . she . . ."

Kanoa cleared his throat and played the video. He could see Ara. She was wearing her glasses, but her eyes were puffy. Halatang hindi pa ito natutulog. Payat din si Ara sa video, halos visible ang colar bones nito.

Change the fates' design
Save what has been lost
Bring back what once was mine
What once was mine

[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

"I kept on singing that song for her," Ara smiled. "Every time na I'll sing that, Theia's gonna smile. She'll yawn then smile then sleep."

Hindi nagkamali si Ara dahil sa video, ngumiti si Antheia bago humikab. Patuloy na tinatapik ni Ara ang likuran ng anak nila hanggang sa pumikit na ito. Sa video, napanood ni Kanoa kung paanong halikan ni Ara ang anak nila sa tuktok ng ulo habang nagmamalabis ang luha nito.

Kanoa encircled his right arm around Ara and sniffed. Both sniffed until it turned into a sob while they were both listening to Ara's song for their late daughter.

For the first time, Kanoa cried with Ara.

For the first time, they cried for Antheia . . . together.


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com


Location: Tudor House at Tudor in the Pines

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys