Chapter 26

It took Ara three days to decide. She even had to ask Sam about his opinion. Same with Belle and Sayaka who told her that if she wanted to, then do it. She was hesitant, a little scared, but wanted it too. She knew that.

Ara breathed upon entering Kanoa's unit. It was clean and all of Antoinette's toys were in the living room.

"Hello, Ara!" Kanoa's mom hugged her tightly. "Nagluto ako ng lunch. Excited ako noong sinabi ni Kanoa na pupunta kayo rito, eh. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagkita."

Nang humiwalay ang mama ni Kanoa. Hinaplos nito ang pisngi niya at binulungan siya. Nagpasalamat ito sa pagpayag niya sa kahilingan ni Kanoa at na natutuwa itong magkakasama sila.

"Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang din talaga kayong makita ni Andra!" Excited na ibinaba ng mama ni Kanoa ang pagkain sa lamesa. "Hindi ko kasi puwedeng iwanan mag-isa 'tong Ate ni Noa. Wala kasi 'yong asawa niya, eh. Nasa probinsya para sa trabaho."

"No worries po, Tita," ngumiti si Ara. "Thank you po for cooking! What's this po?"

Naupo ang mama ni Kanoa sa tabi niya at sinandukan siya ng kanin pati na rin ng ulam. "Nako, simple lang 'yan. Adobong manok na may baboy. Hindi kasi ako sigurado kung ano'ng gusto mo, kaya paborito ni Kanoa ang niluto ko."

Hindi naman mapili sa ulam si Ara, pero ito ang unang beses niyang kakain ng adobo na magkasama ang manok at baboy. Madalas kasing baboy lang o kaya naman ay manok lang.

Naupo naman si Kanoa sa tapat niya at katabi nito si Antoinette na kumakain ng nabili nilang sponge cake sa malapit na bakery bago sila dumiretso sa condo ni Kanoa. Sinusubukan nilang pakainin ng kanin ang anak nila, pero focused ito sa icing ng sponge cake at hindi sila pinapansin.

They ate peacefully and Ara volunteered to wash the dishes. Kanoa declined and told her to stay in the living room with Antoinette and his mom. She agreed and sat on the sofa watching the two plays with Barbie dolls.

"Kelan pala kayo aalis kung sakali?"

Pasimpleng nilingon ni Ara si Kanoa at busy ito sa paghuhugas ng pinggan. "Five weeks from now po, pero baka mapaaga po depende sa pagkakaayos ng titirhan namin ni Antoinette."

Humigpit ang pagkakahawak ni Kanoa sa kutsarang sinasabunan niya nang marinig ang sinabi ni Ara. Nabanggit na nito iyon noong nasa sasakyan sila na posible ngang mapaaga ang pag-alis ng mga ito dahil urgent ang position na nakuha.

Nasabi na rin ni Ara sa kaniya na nakisuyo ito sa pinsan nitong nasa New Jersey kung puwedeng tumulong sa pag-ayos ng apartment habang nandito sa sila sa Pilipinas. Walking distance lang naman daw ang apartment na iyon sa opisinang papasukan ni Ara.

"Sinong makakasama mo roon?" nag-aalalang tanong ng mama niya.

"My former yaya's daughter po. She's working sa house ng parents ko po and I asked if she wanted to come with me. She's close naman po with Antoinette since I sometimes ask her to take care of her whenever I'm not around," sabi ni Ara.

"Mabuti naman at mayroon kang kasama. Akala ko kayong dalawa lang ni Andra, eh," dagdag ng mama niya. "Uwi-uwi rin kayo, ha? Baka pagdating n'yo rito, hindi na ako kilala nitong baby ko."

Mahinang tawa ang naisagot ni Ara. "Yes po. We'll come home naman po every now and then."

Isa rin iyon sa ikinatatakot ni Kanoa—ang dumating ang araw na hindi siya makilala ng anak niya dahil malayo sila sa isa't-isa. Inaalala niya rin talaga kung sakali mang mag-apply siya ulit ng visa dahil ilang beses na siyang declined. Ilang beses na rin kasi niyang sinubukan dahil may mga lugar sa US na gusto niyang puntahan noon pa.

Hapon nang makatulog si Antoinette, nagpaalam na rin ang mama niya para hindi na ito maabutan ng traffic. Alas tres na rin ng hapon at inilatag lang nila ang maliit na kutson para kay Antoinette sa sala.

"Nagugutom ka ba?" Nilingon ni Kanoa si Ara na nakatutok sa pinapanood na pelikula. "Gusto mo ng french toast?"

"Sure." Ngumiti si Ara at nahiga. "You know what, I like this unit more than your old one."

Sinara ni Kanoa ang ref pagkakuha niya ng fresh milk at itlog para sa lulutuin. "Oo, ako rin. Maliit din naman kasi 'yon at saka medyo magulo 'yung environment. Medyo marami kasing bar doon. Siguro kung noon okay lang sa 'kin, pabor pa . . . hindi na ngayon."

"I liked the memories there tho," sagot ni Ara.

Nilingon ito ni Kanoa na nanatiling nakahiga.

"But I hated one thing there," pagpapatuloy ni Ara. "The first time I cried so much. I never thought I'd cry like that. I didn't expect I'll experience it."

Hindi nakasagot si Kanoa na nagpatuloy na lang sa ginagawa. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon . . . kung paanong nakasalampak si Ara sa sahig ng unit niya, tinatanong kung ano ba ang ginawa nitong masama para saktan niya.

Sandali siyang tumigil at humawak sa counter habang inaalala ang pangyayari. Nilingon niya si Ara na nakahiga. Nakahawak pa ito sa kamay ni Antoinette na mahimbing namang natutulog.

Noong nagtanong siya kay Ara three days ago tungkol sa pakiusap niya, hindi siya nag-expect ng positibong sagot. Sinubukan lang niya dahil desperado na siya. Kung sakali man kasing hindi papayag si Ara, kahit araw-araw niyang puntahan ang mga ito, lalo ang anak nila, gagawin niya.

Hindi na siya umasa nang ikalawang araw, wala pa ring sagot. Hindi naman kasi talaga simple ang pakiusap niya kaya ikinagulat niyang tumawag si Ara para sabihing pumapayag na ito.

Ibinaba niya ang nilutong french toast sa lamesa malapit sa sofa. Nagtimpla rin siya ng juice. Nang makita siya ni Ara, naupo ito at inabot ang niluto niyang medyo mainit-init pa.

Pareho silang nakaharap sa TV na medyo mahina ang volume para hindi magising ang anak nila. Romcom naman ang pinapanood nila at si Ara ang namili niyon. Hindi pa sila nakakapag-usap nang maayos.

"Thank you pala sa pagpayag mo," basag ni Kanoa sa katahimikan.

"I'm sorry it took me long to decide," sagot ni Ara at tumingin sa kaniya. "But I realized that I wanted to give you more time with Antoinette, too. And I won't lie that I want to spend time with you also."

Ngumiti si Kanoa at tumango.

"Is it okay with you na we'll stay here thrice a week?" Ara asked. "Also, may mga time na I'll be out 'cos may dalawang shoot pa ako by next week and then I'm currently fixing Antoinette's papers kasi."

"Oo naman," ngumiti si Kanoa.

Ara subtly gazed at Kanoa who was watching beside her. She wasn't sure if agreeing to the setup would be a good idea, but she didn't care. Ayaw na rin niyang lokohin ang sarili niyang gusto niya itong makasama.

They spent the entire afternoon watching movies until Antoinette woke up. Nag-aya si Kanoa na magpunta sa roof deck ng condo unit dahil naroon daw ang playground at swimming pool. Maganda rin daw ang sunset.

Nakipaglaro si Ara kay Antoinette at nakikipaghabulan. Mabagal siyang tumatakbo para hindi mahirapan ang anak nila. Nilingon niya si Kanoa na nakatingin sa kanila at hawak nito ang phone na parang kinukuhanan sila ng video.

"Are you taking photos of us?" Ara asked.

Kanoa nodded. "Oo. Cute n'yo."

Binuhat ni Ara si Antoinette at humarap kay Kanoa. "Take a photo of us then!" sabi niya at nag-pose silang mag-ina. "Antoinette, look at dada."

Nakangiti si Kanoa habang kinukuhanan sila ng picture. Natatawa pa ito dahil ayaw tumingin ni Antoinette sa camera kaya pati siya humalakhak na nang tumalikod ito at panay ang sabi ng no. Wala sa mood ang favorite subject nilang dalawa.

Nang mapagod, naupo sila sa bench na nasa roof deck. Sila lang ang naroon dahil weekdays, malamang na nasa trabaho ang mga nasa building kaya naman tahimik at solo nila ang lugar.

"Buti pala maayos na 'yung mga papeles mo," sabi ni Kanoa. Kalong nito si Antoinette.

"Yup. We're traveling to the States kasi since we're young kasi mom's family lives in New Jersey talaga. Antoinette naman when she's four months old. Kuya Sam went to Miami kasi that time and sumama kami ni Belle," ngumiti si Ara.

Yumuko si Kanoa at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Antoinette. Hindi niya sinasabi kay Ara ang tungkol sa ilang bes nang pagkaka-deny ng visa niya. Iyon ang gagawan niya ng paraan sa mga susunod. Financially stable naman na siya kaya susubukan niya.

"I'm really, really nervous about leaving," pag-aamin ni Ara kay Kanoa. "I'm not used to being away from people I know. It's hard for me to make friends and this is a new environment for me. Do you think I'll make it?"

"Siguro mahihirapan ka sa umpisa. Iyon ang totoo. Hindi ko naman puwedeng sabihin na kaya mo kahit na alam kong alam mo rin sa sarili mong mahihirapan ka. Siguro magkakaroon ka ng adjustments," sagot ni Kanoa. "Pero part naman kasi ng growing up ang pag-alis at adjustment."

Ara somehow felt relieved that Kanoa didn't feed with her toxic positivity. She didn't wanna hear that she could do it easily. No . . . Kanoa was right. It was gonna be hard, but it was part of it.

Tahimik nilang pinanood na tuluyang lumubog ang araw. Tuluyang dumilim ang kalangitan at ang tanging ingay na naririnig nila ay ang pagsasalita ni Antoinette na hindi nila maintindihan.

"Barbara."

Nilingon ni Ara si Kanoa nang marinig niya ang mahinang pagsambit nito sa buong pangalan niya. "That's weird," reklamo ni Ara.

"Noong unang beses kong nabasa 'yung pangalan mo, na-imagine ko talaga noon na para kang matanda," mahinang natawa si Kanoa. "Nakukulitan ako sa 'yo noon kasi ang dami mong e-mail. Parang hindi ka nagbabakasyon."

"Eh kasi you naman, kahit school time, parang vacation!" umirap si Ara. "It was so unfair kaya that I did all the work."

Tumingin si Kanoa sa kaniya at ngumiti. "Bumawi naman ako sa school works noon."

Napansin ni Ara na kaagad nawala ang ngiti ni Kanoa at umiwas ito ng tingin. They both didn't want to talk about the past. Umiiwas si Kanoa, ganoon din siya. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, masakit pa rin sa kaniya.

"To be honest, there are times that I'm still doubting you," Ara looked down and crossed her legs. "Everytime na you're doing something nice or you're cooking for me or giving me something, I still think that . . . we're still inside your little game."

Hindi nakasagot si Kanoa at nanatili lang na nakatingin kay Ara. Nakayuko pa rin ito.

"After you, someone tried to pursue me. He's from a family friend. My dad likes him, and he was even planning noon na maging kami. Like Belle and Aaron? They're matched, they're arranged, and it worked. Dad wanted me and Xavi, too. He was okay with Antoinette."

Nagsalubong ang kilay ni Kanoa at tiningnan ang anak nila bago ibinalik ang tingin kay Ara.

"A part of me wanted to try. Baka this time the relationship will work. I saw naman kasi how Aaron took care of my twin and I want that, too. We went out multiple times, but every time he's doing something . . . I can't help but think about you."

"Na baka Xavi was just doing it kasi his parents ask him to. Baka he's just treating me nice kasi our parents are friends. Na baka he just didn't wanna disappoint his family and maybe he's also playing with me."

"Ara." Huminga nang malalim si Kanoa. "Hindi lahat ng lalaki, katulad ko."

Ara nodded. "I know."

"Posibleng totoo naman lahat, nagago lang talaga kita kaya may takot ka," ani Kanoa sa mababang boses. "S-Sana sinubukan mo kasi baka iba."

Mahinang natawa si Ara at sumandal sa upuan. Nakatingin ito sa kawalan samantalang nakatingin si Kanoa sa babaeng nasa tabi niya.

"I wanted to try, but it's gonna be unfair," Ara said truthfully. "I can't give him a chance knowing I still love you. It's unfair that I had to stop seeing him because, in everything he does, I look for something you would possibly do. I was so used to you that I kept on thinking na you would do this, you would do that."

Ara looked at Kanoa who immediately looked down.

"I tried so hard to unlove you, Kanoa. After all the pain you inflicted, all the trauma, and tears . . . God knows I tried. I prayed for Him to help me," Ara sobbed. "I wanted to stay away from you. I wanted to get you off my chest, I wanted to . . . I wanted to hate you, but I just couldn't. It was so hard to live every single day knowing I'd wake up loving you. There were times that I just wanted to sleep peacefully without thinking about all the memories I had with you."

"But one thing's for sure. I wouldn't be able to move on from you." Hinaplos ni Ara ang buhok ni Antoinette. "Because you gave me something I'd love for the rest of my life."

Kanoa remained silent until Ara decided to go back to his unit. Nagugutom na raw kasi ito at para malinisan na rin si Antoinette lalo na at puro ito pawis mula sa paglalaro nila. Imbes na magluto, nag-order na lang sila dahil late na rin. Mayroon namang restaurant sa baba.

"Akala ko hindi mo sinubukan. I thought you didn't try to unlove me," Kanoa said randomly. "Sa pagkakaalala ko, sinabi mong hindi mo sinubukan."

Sumandal si Ara sa kitchen counter habang nakatingin kay Kanoa.

"Naging kayo ba?"

Umiling si Ara. "Two dates, I stopped. I did try to unlove you for myself kasi I wanted to be happy. But trying made me realize that I couldn't. Na I was just fooling myself. Na I was just convincing myself that I want to . . . when I don't."

Pinatay ni Kanoa ang gripo at sumandal din katulad ni Ara.

"Huwag mo nang subukan ulit, Ara," patagilid na tumingin si Kanoa sa kaniya bago hinarap ang lababo at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan nila.

"I'm not planning to," Ara said and left the kitchen.

What Ara said put a smile on Kanoa's lips. He wasn't sure where their relationship would go, but they both knew they love each other . . . and Kanoa knew that Ara owns him from the moment she said her very first hello.

Naunang pumasok si Kanoa sa kwarto dahil nakatulog na si Antoinette. Nasa living room naman si Ara dahil sinasagot niya ang inquiries ng page niya na hindi na siya tumatanggap ng projects. Nag-compose na rin siya ng post na hindi na siya tatanggap ng kliyente dahil may opportunity siyang tinanggap.

Hindi naman ganoon kalaki ang company na kumuha sa kaniya, pero para iyon sa digital magazine. Kinuha siya para sa refreshing content na sakto sa aesthetics niya. May mga pagkakataong pupunta siya sa mga café o kung saang lugar depende sa topic na gagawan nila ng content.

Confident din naman si Ara na hindi niya mapababayaan si Antoinette. Ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang trabaho ay dahil puwede pa rin niyang makasama ang anak niya.

Twice a week lang siyang pupunta sa office o as needed kapag may meeting, pero most of the time, sa bahay lang siya. It was perfect, Ara thought. She would get to experience everything with Antoinette like her first plan.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Kanoa paglabas ng kwarto.

"I'll be inside in five minutes. I was just typing something," ngumiti si Ara.

Tumango si Kanoa at bumalik na sa kwarto. Nag-stretch si Ara at tumingin sa orasan. It was almost midnight, and she wasn't sure if she could even sleep. Isa lang ang kama sa kwarto ni Kanoa and they would sleep on the same bed.

. . . but to her surprise, a single bed was on the floor. Kanoa was in front of his working table . . . working.

"You're still working?" Naglakad si Ara papalapit kay Kanoa.

"Hindi. Ini-edit ko lang 'to." Ipinakita ni Kanoa ang nasa screen. "Ang cute ni Antoinette rito. Ang cute ng ngipin niya. Ang liliit."

It was a photo of Antoinette while laughing earlier. It was so cute that she wanted to print it. Sakto iyon sa kwartong pinaaayos niya para sa titirhan nila sa New York.

Isa-isa pa nilang tiningnan ang mga pictures. Ang dami pala at halos lahat, stolen shot. Ni hindi niya alam na mayroong ganoong pagkakataon sila ng anak niya. Biglang naalala ni Ara na kahit simpleng paglakad, simpleng kamay, maganda ang pagkakakuha ni Kanoa.

Naunang nahiga si Ara. Hinalikan na muna niya si Antoinette bago tuluyang binalot ang sarili ng comforter. Hindi siya sanay dahil wala siya sa kwarto nila. Bago tuluyang pumikit si Ara, nakatanggap siya ng message galing kay Belle at sinabi nitong i-check niya ang Instagram ni Kanoa.

Ara thought he uploaded a photo of Antoinette but she was wrong.


[ Instagram ]

21,437 likes
noadnmrc barbara
View all 6,432 comments


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys