Chapter 24

Nakatingin lang si Kanoa kay Ara habang kausap nito ang waitress na nag-assist sa kanila sa restaurant na napuntahan nila. Nadaanan lang nila ito habang binabaybay ang daan papunta sana malapit sa condo nina Ara, pero mukhang maayos naman kaya nag-decide silang subukan.

The restaurant serves different dishes and Ara got herself some rice with sauteed shrimp and veggies on the side while Kanoa got baby back ribs with carrots and corn as a side dish.

"How was your bonding pala with Antoinette last time?" Ara broke the silence when she saw Kanoa struggling to say something. "Kuya said pala na he talked to you about hiring you!"

"Nanood lang kami ng stars. Iba na naman pala ang hilig niya ngayon. Parang hindi nanonood ng cartoons si Antoinette, eh," ngumiti si Kanoa. "Nagkausap kami ng kuya mo. Sabi ko naman na may aasikasuhin lang ako sa mga susunod, pwede na ulit."

Uminom si Ara ng tubig at kumuha ng complementary chips habang tumatango-tango. "That's nice!" simpleng sagot niya dahil ayaw niyang panghimasukan kung ano ang mga ginagawa ni Kanoa nitong mga nakaraan. Wala rin naman talaga siyang idea.

Nagbukas na lang si Ara ng topic tungkol sa mga paborito ni Antoinette nang mapansing walang planong magsalita si Kanoa. Madalas itong nakatingin sa kaniya, pero tahimik. Ngayong nagkukuwento siya tungkol sa anak nila, panay ang halakhak nito at sumasagot na rin sa mga sinasabi niya.

Dumating ang order nila, nagsimula na silang kumain. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa mg balak pa raw niyang ipanood kay Antoinette para kahit papaano raw ay makasabay dahil wala naman daw itong alam sa mga stars.

Tawa lang ang naging sagot ni Ara.

"Nag-check pala ako sa website mo noong nakaraan," sabi ni Kanoa. "Fully booked ka nga hanggang next month!"

"You tried?" Ibinaba ni Ara ang spoon at fork. "Hala! Why?"

"Wala naman. Madalas kasi kitang hindi nakikita kahit na binibisita ko si Antoinette. Tiningnan ko lang kung ano'ng araw walang naka-book para sana . . ." Tumigil sa pagsasalita si Kanoa at yumuko.

Nagsalubong ang kilay ni Ara. "Para sana?"

Ngumiti lang si Kanoa at umiling. Nagsimula ulit kumain nang hindi sinasabi kay Ara ang gustong sabihin. Bakas naman sa mukha ni Ara ang pagtatakha, pero hindi pinilit si Kanoa na ituloy kung ano ba iyon.

"I have my schedule three times a week lang naman, depende sa location because some are out of town shoots," Ara said. "But starting next month siguro, I'll limit the bookings kasi I'll take a rest muna."

"Tama rin para hindi ka ma-burnout," sagot ni Kanoa. "Based on experience lang.

Ara smiled warmly and nodded. "Thank you. I'm taking a break din talaga sa mga susunod. But you? Are you working right now?"

Mabagal na umiling si Kanoa. "Hindi sa ngayon. Meron akong inaasikasong mas importante, iyon muna ang focus ko."

"Wow! Are you into business now?" Ara looked shocked and happy. "But whatever that is, I'm rooting for you and I'm excited sa outcome kasi I know you'll do very well."

Tumigil sa pagnguya si Kanoa dahil sa sinabi ni Ara. Gusto niya sanang sabihin kung ano ang ginagawa niya nitong mga nakaraan, pero hindi pa siya handa. Ayaw niyang magkaroon ng false hope para sa lahat. Iyon ang dahilan kung bakit mas gusto niyang itago ang ginagawa niya.

Nabasa niyang mayroong mga nag-therapy na hindi naging maayos at ayaw niyang tumaas ang expectations ng lahat. Gusto niya sana na maayos na siya bago pa malaman ng iba ang ginawa niya.

. . . lalo na si Ara. Ayaw niyang makita ang disappointment sa mukha nito dahil mas mahihirapan siya. Wala siyang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao, si Ara ang importante sa kaniya.

The lunch went well and Ara was thankful that she got to spend time with Kanoa. This time, he was different. Matagal na nga naman silang hindi nagkita, pero kahit papaano, mas okay ang aura nito kumpara noong huli.

Mali.

Ang huling pagkikita nga pala nila, lasing at walang idea si Kanoa na naroon siya. Gusto na rin ni Ara na malayo siya dahil pakiramdam niya, siya ang nagiging trigger ni Kanoa kaya sa tuwing sinasabi nitong pupuntahan nito si Antoinette, gumagawa siya ng lakad kahit wala naman siyang shoot.

Ara didn't want to trigger Kanoa about anything.

Alam din niyang hindi ito nagpupunta kay Antheia dahil bukod sa walang bulaklak ang anak niya sa loob, hindi nagugulo ang pagkakaayos niya. Iyon ang basehan niya kaya nalalaman niyang binibisita nito ang anak nila. Hindi kasi marunong magbalik sa tamang ayos.

Ngumiti si Ara sa naisip bago niya ibinalik ang tingin kay Kanoa. Naglalakad na sila sa labas ng restaurant papunta sana sa parking nang huminto ito at may nilingon.

"Ara, gusto mo ng ice cream?" Tinuro ni Kanoa ang store sa kabilang street. "Lakarin na lang natin?"

Tumango si Ara at sumabay sa paglakad ni Kanoa. Nagkuwento siya tungkol sa pagpunta niya sa Cebu noong nakaraang linggo dahil nagustuhan niya ang lugar. First time niya rin doon at siguradong babalik siya.

Samantalang hinayaan lang ni Kanoa na magkuwento si Ara. Naghanap lang din talaga siya ng puwede pa nilang puntahan kahit na hindi naman siya mahilig sa ice cream para mas makasama nang matagal si Ara. Hindi niya rin kasi alam kung kailan mauulit ito, kaya susulitin niya.

"May pupuntahan ka pa ba pagkatapos?" Inabot ni Kanoa ang ice cream kay Ara.

"Wala naman na. I'll go home na rin. If you're going somewhere, I'll book a Grab na lang here," sagot ni Ara. "Ikaw, you have plans pa?"

Umiling si Kanoa. "Ihahatid na lang kita para makita ko na rin si Antoinette. Ano'ng puwede nating bilhing pasalubong para sa kaniya?"

"She's into macarons lately," Ara giggled and took out her phone. "I'll check some pastry shop around the area so we ca—"

"Maglakad na lang tayo," suggestion ni Kanoa. "Musta pala 'yung XT-10 camera mo, gumagana pa ba?"

Nagsimula ulit silang maglakad papunta sa kung saan.

"Yup. It's still working, but I'm currently using the pro cam I bought recently. The XT-10 naman is for casual photographs lang ni Antoinette."

Tumango si Kanoa at patagilid na tiningnan si Ara. Mabagal silang naglalakad. "Baka hindi mo na naman nililinis 'yung lenses mo? Alagaan mo 'yung gears mo. Maintain mong palaging malinis para hindi ka bili nang bili."

"About that! Oh my gosh, I remember. There's this setting sa new camera ko na hindi ko ma-gets. I was searching on the internet kaso it's not making a difference."

"Check natin mamaya," sagot ni Kanoa.

Hapon na sila nakarating sa condo dahil bukod sa nahirapan silang maghanap ng macarons para kay Antoinette, traffic din pala roon sa pinuntahan nila. Nagulat pa silang dalawa na naroon sina Belle at Aaron habang nilalaro si Antoinette.

Belle's mouth literally dropped open and then immediately squinted.

Nagpaalam na muna si Ara na papasok sa kwarto at hindi na siya nagulat nang sumunod sa kaniya si Belle.

"We accidentally saw each other at Antheia's and he asked me for lunch," kaagad na sabi ni Ara. Hindi na niya hinayaang magtanong si Belle. "Then he decided to bring me so she could see Antoinette."

"And?"

"That's it!" Ara laughed.

Nakapameywang si Belle habang nakatingin sa kaniya at umiling. "Protect your heart, Barbara. I am telling you. Hangga't gago si Kanoa, hindi ako papayag na you'll be with him. Kahit na magalit ka sa 'kin, aawayin talaga kita!"

"I know," Ara walked towards Belle and caressed her twin's cheek. "I'm sorry for making you worry. Don't worry, I'm making iwas naman like my first plan. It's just that . . . we accidentally saw each other and decided to talk and walk around lang."

"Good." Belle sniffed and shook her head. "I just don't want you getting hurt again. He needs to fix himself first. Kung ayaw niyang tulungan ang sarili niya, then you don't deserve that man. You deserve someone who's willing to move mountains just to have you."

Ara chuckled and hugged Belle to stop her from whining. Hindi na rin siya nito hinayaang lumabas at nakipagkuwentuhan na lang sa kaniya.

"Do you have plans for tomorrow?" tanong ni Belle. "Parang gusto kong mag-shop. I have no classes and we're planning to stay for the night. Kuya Sam and Aaron talked about drinking."

Kinuha ni Ara ang planner niya para tingnan kung mayroon ba siyang ganap kinabukasan. "I'm sorry, but I have to fix some papers tomorrow, eh. It's booked last week pa kaya I can't cancel. Can we do it the day after tomorrow?"

"Fine." Pabagsak na nahiga si Belle at hinarap si Ara. "Barbara, you know what . . . I'm trying to make huli Kuya Sam and Saya until now."

Naupo si Ara sa kama at tinabihan si Belle. "I told you. Let them. If they're trying to hide the relationship, then so be it. We can't do much about it. Remember when Saya told us na next relationship, she'll hide it from us until it's sure? Baka naman they're still not really together?"

"Impossible!" Belle exclaimed. "You told me na nahuli mo sila before na nag-uusap here sa living area and it's three in the morning. We caught Kuya Sam talking to Saya like multiple times na. It's a giveaway!"

Alam ni Ara ang pakiramdam nang nagtatago kaya naman hinayaan na niya sina Sayaka at Sam, pero ayaw manahimik ng kakambal niya. Natatawa siya dahil sobrang invested nito sa relasyon ng dalawa na kung tutuusin naman, wala na silang pakialam.

"You know what?" Ara gazed at Belle. "If Kuya Sam and Sayaka are dating, I'd be happy. More like I'd be relieved. Imagine, Saya won't cry na. Kuya Sam naman is dating our best friend whom we knew since forever and we won't have to deal with a new girl 'tapos she's ma-attitude! At least we already know her."

"Sabagay," Belle frowned. "But still!"

Ara knew that Belle won't let this one go, but she decided not to dwell on their brother's relationship. Mayroon din siyang bagay na kailangang mas pagtuunan ng pansin at iyon ang iniisip niya nitong mga nakaraan.

"Have you decided na ba?" Belle randomly asked shocking Ara.

Before she could even respond, they heard Antoinette crying. Kaagad na lumabas si Ara at nakitang inaalo ito ni Kanoa na kaagad namang tumigil sa pag-iyak.

"What happened?" Ara asked.

"Nalaglag siya sa upuan. Sorry," Kanoa sounded nervous. "Hindi naman malakas 'yung bagsak. Nagulat lang din siguro. Nasalo ko naman kaagad siya."

Napansin ni Ara ang takot sa mukha ni Kanoa. "That's okay. Part of growing up," aniya para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nito. "Malikot na rin kasi talaga siya, but she'll be fine."

Tumango si Kanoa at hinalikan ang gilid ng noo ni Antoinette habang hinahaplos ang likuran nito. Muling nagpaalam si Ara na papasok sa kwarto dahil mayroon siyang kailangang saguting e-mails. Lumabas na rin si Belle at sumama kina Sam at Aaron na manood ng movie.

Bago pumasok sa kwarto, sinulyapan na muna ni Ara si Kanoa na buhat pa rin si Antoinette. Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti.

Kung ano man ang mangyayari sa mga susunod pa, bahala na.




Maagang umalis si Ara dahil kailangan niyang kunin ang copy ng birth certificate ni Antoinette sa bahay ng parents niya. Hindi pa rin sila nag-uusap ng daddy niya at mas mabuti iyon para sa kanila.

Alam ni Ara na magkakaroon ng pagkakataon na magbangayan sila dahil kinukuwestyon pa rin nito ang lahat pagdating kay Kanoa.

Ayaw niyang mas lalong magkaroon ng dahilan para magalit pa sa mga posibleng sabihin ng daddy niya. Knowing her dad, alam niyang wala itong pakialam sa mararamdaman niya kaya siya na mismo ang umiwas.

"Hi, Miss Ara!" ngumiti ang secretary ng psychologist na nag-therapy sa kaniya for years. "Patapos na rin naman po 'yung last patient ni Doc. Donna. After him po, kayo na."

Tumango si Ara at nagpasalamat. Nakaharap lang siya sa phone at nagbabasa ng libro dahil isa iyon sa nakahiligan niya nitong mga nakaraan. Bukod sa photography, reading ang dati niyang hobby na naiwala niya dahil nawalan siya ng gana.

Bumukas ang pintong nasa harapan niya nang magtama ang mata nila ni Kanoa. Pareho silang nagulat sa presensya ng isa't-isa.

"Kanoa?" Ara frowned.

"Miss Ara, puwede na po kayong pumasok," ngumiti ang secretary na nakatingin sa kanila. "Sir Kanoa, thank you po and see you sa Friday."

Tumayo si Ara at isinukbit niya ang bag sa balikat niya bago pumasok. Sinubukang magsalita ni Kanoa, pero hindi niya nagawa. Walang salitang lumabas sa bibig niya kahit gusto niyang magpaliwanag dahil mas nauna ang kaba niya nang makita si Ara.

Mabagal siyang lakad palabas ng clinic, hindi alam kung saan pupunta. Pumasok siya sa comfort room at tinitigan ang sarili. Maganda ang naging topic nila ng therapist niya ngayon araw dahil nasa relaxation and stress reduction techniques sila. Maayos ang nangyari sa loob ng clinic, pero hindi niya magawang pakalmahin ang sarili.

Pumasok si Kanoa sa loob ng cubicle at huminga nang malalim. Sinubukan niya ang deep breathing technique at unti-unti kahit paano ay napakalma niya ang sarili niya.

It was just ten in the morning, and he just finished his therapy session not expecting Ara to be here. Sa higit isang buwan, ito ang unang beses nilang nagkita. Ang alam niya, hindi na nagpupunta si Ara dito, kaya ikinagulat niya ito.

Posible kayang nabanggit na ni Belle ang tungkol sa pag-refer nito sa kaniya ng therapist? Posible kayang sinabi ng therapist niya kay Ara? Parang imposible dahil hindi iyon puwede.

Imbes na mag-isip, nag-decide si Kanoa na harapain si Ara. Bumalik siya sa harapan ng clinic na ikinagulat ng secretary at tinanong kung mayroon pa ba siyang nakalimutan o may sasabihin ba kay doktora dahil pagkatapos pala ni Ara, aalis na ito.

"Wala. Si Ara ang hinihintay ko," pag-amin ni Kanoa.

Mabagal na tumango ang secretary bago bumalik sa office table nito. Naupo si Kanoa sa waiting area at hindi nagtagal, lumabas si Ara. Tipid itong ngumiti at naupo sa tabi niya.

"I didn't know you were coming here," Ara said in a low voice. "When?"

"Isang buwan na rin," nahihiyang sabi ni Kanoa.

"Nice! Ate Donna is really good. She helped me rin and she's coming pa noon sa house para lang sa therapy ko kasi tinatamad akong magpunta here," Ara laughed. "Aaron just talked to her and it was okay naman with her."

Patagilid na tiningnan ni Kanoa si Ara. Hindi siya makapagsalita.

"Why are you looking at me like that?" Ara frowned and felt conscious.

"Puwede ba tayong mag-usap? May lakad ka ba pagkatapos mo rito?" kinakabahang tanong ni Kanoa. "M-May sasabihin lang ako."

Umiling si Ara kahit na ang totoo, mayroon siyang appointment. Base sa boses ni Kanoa, mukhang importante ang sasabihin nito kaya pumayag siya sa alok nitong makipag-usap. Pinili nila ang café na medyo malapit sa clinic. Walking distance nga lang iyon kung tutuusin.

Nasa second floor sila, nakatingin si Ara sa labas at pinanonood ang mga dumadaang sasakyan habang nahihintay kay Kanoa na nag-order ng pagkain nila.

"Nag-order ako ng lasagna. Ito lang daw ang meron sila," ani Kanoa at ibinaba ang tray ng mga drink at cake. "Okay na ba sa 'yo 'to?"

"Kanoa? It's okay. Something wrong?" Ara asked.

Naupo si Kanoa sa harapan niya at yumuko. "N-Nahihiya ako sa nakita mo . . . sa nalaman mo."


"Saan?" nagtatakhang tanong ni Ara.

"Na . . . nalamang mong nandito ako. Isang buwan na ako sa therapy. Tinutulungan din niya ako sa alcho—"

"Why ka nahihiya?" nagsalubong ang kilay ni Ara. "There's nothing about seeking help, Kanoa. Always remember that. That's actually a brave move for you to ask for help. It's rare."

Nanatiling nakayuko si Kanoa habang nagsasalita si Ara dahil hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Nagulat siya nang lumipat ito sa tabi niya kaya patagilid siyang nakatingin. Hinawakan ni Ara ang kamay niya at hinaplos iyon.

"You don't have to be shy about this. If I knew, I would've supported you because I know how this feels. At first yes, it feels awkward and embarrassing kasi you might think na something's wrong with this . . . that's how this society fed us kasi, eh. But seeking professional help is the right decision."

Nanatiling tahimik si Kanoa.

"But know that there's nothing wrong about this. You're trying to get better, you want to be the best version of yourself and I'm happy for you," Ara intertwined their hands. "Look at me."

Dahan-dahang humarap si Kanoa kay Ara nang haplusin nito ang pisngi niya.

"I am proud of you," Ara said in a low voice and Kanoa saw tears from her eyes.

Kanoa pressed his forehead against Ara and breathed. Hinayaan ni Kanoa na maramdaman ang presensya ni Ara sa tabi niya na hindi niya inasahan. Gusto niya ang pakiramdam na nagiging maayos siya nitong mga nakaraan, pero ang malaman pala ni Ara ang tungkol sa nangyayari sa kaniya, iba ang pakiramdam.

Para siyang nakahinga nang maluwag.

"A-Ano palang ginagawa mo rito? Babalik ka ba sa therapy?"

Sandaling sumeryoso ang mukha ni Ara at bumalik sa dati nitong inuupuan. Nakaramdam si Kanoa ng kaba na baka mayroon itong pinagdaraanang hindi niya alam.

"About that," Ara bit her lower lip. "I was actually gonna call you today rin if we can meet kasi I have to tell you something. Something important."

Nagsalubong ang kilay ni Kanoa. "Ano 'yon? Sana tinawagan mo kaagad ako para makapag-usap tayo. Tungkol ba kay Antoinette?"

"Yup." Mabagal ang pagtango ni Ara. Sumimsim muna ito sa hot chocolate na binili niya bago muling tumingin sa kaniya. "I've been thinking about this kasi for a week na and I need to respond na. I was just . . . thinking about it, kasi I need to talk to you first."

Kanoa stared at Ara without a word.

"I received a job offer in New York and . . . I'm planning to accept it, but I still consider your decision since I'm gonna have to bring Antoinette with me."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys