Chapter 23

"Saan ka ba galing?" tanong ni Jairold kay Kanoa. "Buti pala late na rin kaming dumating. Hindi ka nagre-reply!"

Ngumiti si Kanoa at ibinaba ang nabili niyang merienda para sa kanila. Pizza lang naman iyon at softdrinks. Late na rin kasi niya nabasa ang messages nina Jai at Gia kaya dumaan na lang siya sa malapit.

Hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya kung saan siya galing. Iniba niya ang usapan at tinanong ang tungkol sa project na hawak ng mga ito. Natutuwa siyang nag-boom ang photography business na binuksan ng mga ito. Investor siya, pero hanggang doon lang iyon.

Mayroong maliit na puwesto ang dalawa na nag-o-offer ng portrait na parang sa mga sikat na korean photobooth. Pumatok ito nitong nakaraan at naging maingay sa social media kaya naman ito ang focus ng kaibigan niya.

"Halos hindi ka na nagpapakita, eh," natawa si Jairold sa kaniya. "Kahit noong opening noong booth, wala ka. Ano na bang nangyayari sa 'yo? Almost one month na akong walang balita, ah."

Hindi na muling nagtanong si Jairold nang mapansin niyang hindi kumportble si Kanoa sa tanong niya dahil imbes na sumagot, ngumiti lang ito na para bangayaw sumagot. Sa isang buwan kasi, napansin niyang madalas itong umaalis. Kung trabaho man ito, siya ang unang makakaalam dahil siya ang humahawak ng e-mails ni Kanoa.

Isa pa, napansin niya ang malaking pagbabago kay Kanoa simula nang kumprontahin ito ng kakambal ni Ara. Pagkatapos niyon, biglang naglaho itong parang bula, bumalik isang linggo ang nakalilipas, at ganito . . . madalas na wala.

Tumayo si Kanoa para kumuha ng tubig. Inabot niya rin kay Gia ang isang baso ng juice.

"Kelan ba lalabas 'yan?" tanong ni Kanoa habang nakatingin kay Gia na hinahaplos ang tiyan. "Parang ang tagal mo nang buntis, ha!"

Natawa sina Jairold at Gia na nagkatinginan dahil sa sinabi niya.

"Kabuwanan ko na rin. Parang naghihintay na lang din kami, eh. Ninong ka pa rin, ha?" Malapad na ngumiti si Gia. "Gusto ko na rin talagang manganak! Ang bigat-bigat na, eh. Minsan nahihirapan na akong mahiga."

Kumportableng sumandal si Kanoa sa sofa habang nakatingin kay Gia. Nawala na ang ngiti niya sa labi. Bigla niyang naisip si Ara.

"Gia, mahirap ba talaga?" Seryoso ang pagkakatanong ni Kanoa.

"Ang alin?" nagtatakhang tanong ni Gia. "Pagbubuntis ba?"

Mabagal na tumango si Kanoa at hindi nagsalita.

"To be honest, sobra. Mahirap 'yung unang buwan kasi naglilihi. Suka rito, suka roon. Sakit sa ulo, gutom palagi, masakit ang katawan, masakit ang balakang, gustong matulog," umiling si Gia. "Naalala n'yo naman 'yung hirap ko noon sa mga shoot natin, 'di ba? Mahirap talaga kasi siya. First trimester pa lang, ha?"

Pasimpleng nakagat ni Kanoa ang ibabang labi.

"Second trimester, medyo okay naman. Nawala na 'yung morning sickness, pero mas madalas na gutom. Second trimester din yata 'yung madalas na lang akong nakahiga kasi nabigatan ako. Nag-adjust 'yung katawan ko, eh. Medyo okay talaga ako noong second trimester, pero third trimester ang pinakamahirap para sa 'kin."

"Bakit?" Uminom si Kanoa ng tubig. "Sobrang hirap?"

Tumango si Gia nang paulit-ulit. "Oo. Bukod sa sobrang bigat ng tiyan ko, halos hirap na akong maglakad kasi masakit talaga sa talampakan. Hirap na hirap akong matulog kasi hindi ko alam kung anong position sa paghiga ang gagawin ko. Nahihirapan akong maligo kasi malaki ang tiyan ko. Ingat na ingat ako sa galaw ko. Minsan may shortness of breath ako kaya hindi ako masyadong lumalabas simula noong third trimester. Nahihirapan akong huminga," natawa ito. "Palagi rin akong gutom, inaantok, at hindi talaga productive. Medyo lumala rin ang overthinking ko simula noong magbuntis ako. Palagi kong iniisip ang future kahit wala pa naman."

"Tapos?"

"Tapos palagi kong hinahanap si Jai. Kung puwede lang na huwag ko siyang paalisin, gagawin ko, eh." Humalakhak si Gia. "Minsan kasi iyak ako nang iyak, hindi ko rin alam kung bakit. Gusto ko lang kasama si Jai. Kahit hindi niya ako pansinin, gusto ko lang siyang nakikita. Gusto ko siyang nayayakap, naaamoy, lahat. Basta gusto ko katabi ko lang siya."

Napansin ni Gia at Jairold na nag-iba ang aura ni Kanoa pagkatapos ng mga sinabi niya. Yumuko na lang ito habang nakatingin sa basong hawak, parang may iniisip na iba.

"Bakit mo natanong?" Gustong linawin ni Gia.

"Naisip ko lang bigla si Ara," ngumiti si Kanoa. "Naisip ko na doble paghihirap. Hindi. Triple nga yata? Pagkatapos masaktan, ganiyan nangyari . . . 'tapos mag-isa siya? Isa 'to sa sinabi ko sa therapist ko. Kasi araw-araw akong nilalamon ng guilt na 'to na mag-isa si Ara."

Nagkatinginan sina Jairold at Gia dahil wala silang alam tungkol sa parteng iyon. Ni wala silang ideya na tumuloy pala ito sa therapy.

"Tinuloy mo pala?" Gulat na tanong ni Jairold. "A-Akala ko, wala kang pakialam noon. Akala ko umaalis ka lang kasi . . ."

Umiling si Kanoa. "Two weeks pa lang naman akong nasa therapy. Three times a week ang kinuha ko para mas maasikaso ko 'yung sarili ko. Tama naman lahat ng sinabi ni Belle noon. Ayokong sa pagkakataong 'to, mahuli na naman ako. Hindi ko na naman maitama, mawala na naman nang tuluyan si Ara. Pero ang hirap."

Seryosong nakatingin si Jai kay Kanoa na nananatling nakatingin sa basong hawak nito.

"Noong counselling pa lang, ang hirap na. Hindi ko nga inasahang iiyak ako," natawa si Kanoa. "Ang dami niyang tinanong sa 'kin. Para kong binalikan 'yung pagkabata ko, lahat ng kagaguhan ko, mga pinagsisisihan ko, lahat ng hinanakit ko . . . lahat. Parang hinalukay ako, pero kailangan pala. Isa sa pumasok sa isip ko 'yung paghihirap ni Ara noong nagbuntis siya sa kambal, kaya ko naitanong."

"Noa, iba-iba naman ang pagbubuntis namin. Baka sa 'kin mahirap, hopefully hindi ganoon kay Ara," sabi ni Gia para subukang pagaanin ang loob ni Kanoa. "Pero to be honest, baka mahirap kasi kambal. Mahirap kasi . . ."

Isinandal ni Kanoa ang ulo sa backrest ng sofa at huminga nang malalim. Simula kasi nang makilala niya sa si Antoinette at nalaman niyang may anak sila ni Ara, isa na ito sa bumagabag sa kaniya. Nalaman pa niyang kambal na mas nagpaisip sa kaniya kung paano ito noong panahong wala siyang alam.

"Masaya akong tinutulungan mo na ang sarili mo," ani Gia. "Teka, naiiyak ako kasi hindi ko inasahang gagawin mo 'to. Sa totoo lang, noong sinabi ni Jai ang tungkol sa mga sinabi ni Belle, nagulat ako, pero deserve mo rin kasi. Hindi mo na kasi maibabalik ang past, Noa, pero sana mas maging maayos ka para sa present kasi may anak ka na. Kung hindi man kayo ni Ara, kahit para na lang kay Antoinette."

"Parang hindi ko gustong hindi kami ni Ara," natawa si Kanoa na bumagsak ang luha sa magkabilang mga mata. "Pero palagi kong iniisip na pagkatapos ng mga nangyari, may pagkakataon pa ba akong magsimula ulit?"

Tumango si Gia at tumayo. Naupo ito sa tabi ni Kanoa at mahinang natawa. "Lahat naman tayo may pagkakataong magsimula ulit. Ngayong nabigyan ka ng chance, i-grab mo na. 'Wag mo nang sayangin kasi nariyan na. Sabi ko nga, kung hindi man kay Ara, kahit sa anak mo na lang. Hindi mo kasi puwedeng ikatwiran dito na hindi mo deserve. Parang mas masarap kasing pakinggan na gagawin mo lahat para maging deserving ka para sa kanila."

Ngumiti si Jai sa sinabi ng asawa niya. Nanatili siyang tahimik at nakinig lang sa dalawa.

"Hindi ka na kasi bumabata. Lumalaki na rin si Antoinette. Kailangan ka niya. Kayang i-provide ng mga tao sa paligid niya 'yung love, pero pakiramdam ko, iba ang love na makukuha niya from you. Okay ka naman, eh. Gago ka, oo . . . pero siguro naman para sa anak mo, kaya mong isantabi ang pagiging gago? Ginago mo na noon si Ara, 'wag na sana sa anak mo, Kanoa."

Kinabukasan, nag-decide si Kanoa na bisitahin si Antoinette sa condo nina Ara. Tatlong linggo niyang hindi napuntahan ang anak niya dahil kailangan muna niyang asikasuhin ang sarili niya. Kahit si Ara, hindi niya nakakausap, pero minsan silang nagka-chat nang kamustahin niya ang anak nila.

Nagsabi naman siya kay Ara na hindi siya makakabisita dahil may mga bagay siyang kailangang ayusin, pero hindi niya sinabi kung ano.

Nanghingi na rin si Kanoa ng tulong para sa alcohol problems niya. Kasama sa psychotherapy niya ang pagtulong para sa alcohol addiction niya. Isang rason iyon kung bakit hindi niya magawang humarap sa mag-ina niya dahil matindi ang withdrawal symptoms niya.

Noong mga unang linggo, hirap na hirap siyang makatulog dahil minsan siyang umasa sa alak para makapagpahinga. Matindi rin ang alcohol cravings niya na pilit nilalabanan. Wala siyang ganang kumain, madalas siyang pagod, masakit ang ulo, at minsang mainitin ang ulo.

Unti-unti na niyang napagtatagumpayan.

Malayo pa, pero kahit paano . . . nakausad na.

Hindi niya masabi kay Ara ang tungkol sa pinagdadaanan niya dahil ayaw niya itong bigyan ng iisipin. Alam niyang kahit walang sila, kahit malayo sila, alam niyang mag-aalala si Ara sa kaniya.

"Pasok ka." Niluwagan ni Sam ang pinto ng unit. "Nag-message si Ara na pupunta ka nga raw. Hindi raw kasi siya sigurado kung ano'ng oras ng dating niya."

"Oo nga raw." Ibinaba ni Kanoa ang dala niyang pagkain. "Pasensya na, ngayon lang ako nakadalaw."

Mahinang natawa si Sam at umiling. "Bakit ka humihingi ng pasensya sa akin? Sa kaniya dapat . . ." Tinuro nito si Antoinette na nakahiga sa sofa at nanonood ng TV. "Papasok na muna ako sa kwarto. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya."

Tumango si Kanoa at naglakad papalapit sa anak niya. Tiningnan niya kung ano ang pinanonood nito. Nagulat siyang tungkol naman sa mga planeta ang documentary na pinanonood ng anak niya.

Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ng anak niya. "Hi, baby."

Tumingin sa kaniya si Antoinette. "Dada . . ." ngumiti ito.

Hinalikan niya ang maliit na kamay ng anak niya bago siya naupo sa carpet. Kaagad na bumaba si Antoinette na kumandong sa kaniya at tinuro ang pinanonood na maraming stars. Tinuro din nito sa kaniya ang mga planeta.

Kung noon, tungkol sa mga wild animals . . . ibang klase na ang pinanonood ng anak niya.

"Dapat ang pinapanood mo muna, cartoons," natawa si Kanoa at hinaplos ang buhok ng anak niya. Awtomatikong bumagsak ang luha niya nang maamoy si Antoinette. "Na-miss kita, ah!" suminghot siya at hinalikan ang likod ng ulo ng anak niya.

Minsang tatayo si Antoinette na ipalilibot ang maliit na braso nito sa batok niya na para bang inaakbayan siya. Magkukuwento bago umalis para kumuha ng laruang ipakikita sa kaniya. Pupunta ito sa kwarto para kumuha ng stuffed toy o kung ano bago muling kakandong para manood ulit. Ganoon ang naging routine nila.

Nag-message rin siya kay Ara para itanong kung puwede ba niyang pakainin si Antoinette ng strawberry shortcake na nabili niya. Nag-reply naman ito kaagad na puwede, huwag lang kalilimutang painumin ng tubig.

Nanatili silang mag-ama sa sala habang pinakakain niya ito. Nanonood pa rin silang dalawa ng TV nang bigla siyang titigan ni Antoinette. Matagal na matagal bago ito ngumiti.

His daughter scrunched her cute little nose and squinted her eyes with her teeth showing. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil iyon ang unang beses na ginawa ni Antoinette iyon. Ganoon si Ara sa kaniya kapag nagpapa-cute noong magkasama pa sila.

"Na-miss ko mommy mo," natawa si Kanoa habang nakatingin sa anak niya. "Lahat na lang yata kinuha mo kay Ara, ha. Ang cute mo."

Maingat niyang pinisil ang pisngi ng anak niya bago pinunasan ang bibig nitong mayroong icing.

Sa ilang oras na kasama niya si Antoinette, hinintay niya si Ara, pero hanggang sa makatulog ang anak nila dahil almost nine na rin ng gabi, wala pa rin ito. Inaya na rin siya ni Sam ng dinner na tinanggihan niya.

Siya na rin ang nag-ayos kay Antoinette bago ito matulog. Napagod ito sa paglalaro nila.

"Are you sure you don't wanna have dinner? Hindi ko rin talaga alam kung anong oras uuwi si Barbara." Inilapag ni Sam ang dalawang pinggan sa dinner table. "Fully booked talaga siya nitong mga nakaraan. Mabuti 'yon, nag-e-enjoy siya."

"Buti nga. Nakita ko nga sa page at website niya 'yung mga shots niya. Nakita ko rin na fully booked siya buong buwan," ngumiti si Kanoa.

Natawa si Sam. "Oo. Basta ang usapan namin, hindi niya puwedeng pabayaan si Antoinette. Si Antoinette pa rin naman ang prio niya kaya thice a week pa rin ang work para sa kaniya. Kumain ka na muna bago ka umalis. Musta pala kayong mag-ama? Medyo malikot na siya ngayon. Andra the Explorer na nga ang tawag namin sa kaniya."

"Ang daldal na rin ni Antoinette, eh," ani Kanoa. "Aal—"

"I insist. Dito ka na mag-dinner," seryosong sabi ni Sam. "Besides, I wanna talk to you about collaborating with our café's advert. My best friend is a photographer, too, pero hindi niya expertise ang video advertising. Barbara said you're good kaya pinanood ko 'yung mga projects mo. Reid and I liked it."

Naupo si Kanoa sa dining chair at nakikinig kay Sam.

"If you aren't busy, we'd like to hire you. Bukod sa mga café, baka ipasabay ko na rin 'yung para sa advert ng resto nina Harley at Frankie. Just in case you have an available slot," ani Sam. "Just let us know."

"Hindi ako tumanggap nitong mga nakaraan. Baka sa susunod na buwan pa ako puwede," sagot ni Kanoa. "Medyo busy ang schedule ko itong mga susunod na linggo, mayroon lang akong kailangang i-focus. Kung makakapaghintay kayo, sige . . . tatanggapin ko."

Tumango si Sam at nagpasalamat. Pinag-usapan na rin nila ang tungkol sa posibleng aesthetic na gusto ng mga ito para sa nasabing advertising at nakuha kaagad niya ang gusto. May pakiramdam na na-miss niyang makipag-usap sa mga tao dahil halos ilang buwan siyang nagkulong sa sarili niyang kadiliman.

Hindi rin niya inasanag sa lahat ng makakausap niya, si Sam pa na minsang sinabihan siyang ayaw sa kaniya. Maayos naman itong nakikipag-usap sa kaniya. May parteng iniisip niyang business pa rin ang lahat, pero nang pag-usapan nila si Antoinette, mukhang kahit papaano ay maayos na sila.

Sana.

Dumaan si Kanoa sa flower shop kung saan niya na-order ang personalized box na mayroong Baby breath. Napakasimpleng bulaklak, pero napakaganda. Ang inosenteng tingnan, parang si Antheia.

Tulad ni Antoinette, matagal na rin niyang hindi nabibisita ang anak niya. Nahihirapan pa rin siya, pero isa ito sa kailangan niyang harapin para maging maayos sa mga susunod pa.

Halos dalawampung minuto na si Kanoa sa sasakyan. Nakahawak lang siya sa manebela at nakatingin sa bulaklak para sa anak niya. Hindi niya alam kung kaya na ba niyang lumabas. Ilang beses naman na siyang nagpunta rito sa lugar na ito, pero parang palaging first time.

Nararamdaman pa rin niya ang kirot sa dibdib niya at ang pakiramdam na parang aangat ang sikmura niya.

Muling huminga nang malalim si Kanoa. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, kinuha niya ang kahon ng bulaklak, at lumabas. Nilanghap niya ang sariwang simoy ng hangin dahil napalilibutan ang lugar ng mga puno. Mula sa kinatatayuan niya, kita ang tahimik na libingan.

Bukod sa building para sa mga cremated, marami ring nakalibing sa ilalim ng lupa.

Tumingala siya at pinagmasdan ang building bago nagdesisyong pumasok. Mabagal ang lakad niya habang nakayuko. Mayroon siyang nakakasalubong, pero hindi niya tinitignan ang mga ito. Naka-focus siya sa daan papunta sa anak niya nang makita si Ara na nakatayo sa harapan nito.

Tumigil sa paglakad si Kanoa at napatitig kay Ara. Nakasuot ito ng simpleng dress na hanggang tuhod at pinarisan ng kulay itim na Converse. May kahabaan na rin ang buhok nito kumpara noong huling beses na nagkita sila at ikinagulat niyang nakasuot ito ng puting ribbon sa buhok . . . tulad noon.

Nag-alangan siyang lumapit. Naisip niyang hintayin na lang itong makaalis para hindi sila magkita, pero isa si Ara sa dapat niyang harapin.

"Nandito ka pala," aniya nang makalapit.

Lumingon si Ara at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Tipid itong ngumiti at kumaway pa. "Hello."

"Kanina ka pa?"

"An hour ago?" Ara smiled and faced their daughter. "You?"

"Thirty minutes ago, pero ngayon lang ako bumaba," sagot ni Kanoa at ipinakita ang hawak niyang maliit na box. "Puwede kong ilagay sa loob?"

Umalis si Ara sa harapan at gumilid. "Of course."

Nakita ni Kanoa ang mga sulat na nakalagay sa maliit na kahon. Dumami na rin iyon kumapara noong nakaraang bisita niya. Mukhang napapadalas ang pagsulat ni Ara para sa anak nila.

Nabalot sila ng katahimikan. Pareho silang nakatingin sa pangalan ng anak nila. Nakikita nila ang isa't-isa sa reflection ng salamin na nagsisilbing pagitan nila kay Antheia.

Mula sa salamin na rin tinitigan ni Kanoa si Ara. Tipid siyang ngumiti at mukhang napansin nito iyon dahil tumingin sa kaniya, nakakunot pa ang noo.

"Why?" Ara looked confused.

Kanoa gazed at Ara and smiled without saying a word making Ara conscious.

"Kanoa, why?" Ara frowned.

"Ang cute ng ribbon mo," ngumiti si Kanoa. "Parang kaharap ko 'yung Ara four years ago."

Ara smiled widely and chuckled. "The Barbara you hated; you mean?"

Kanoa didn't say anything and looked down.

"Hoy, I was just joking!" Ara laughed and lightly punched Kanoa's arm. "I missed this kasi kaya it's my outfit recently. The Barbara from the beginning, I missed this old self."

"Na-miss ko rin 'yang Barbara na 'yan," sagot ni Kanoa. "May pupuntahan ka ba pagkatapos mo rito? May dala kang sasakyan?"

Umiling si Ara. "I took a Grab lang. Coding 'yung car ko and since medyo malapit lang here 'yung meeting ko with a client, I dropped by na rin."

Tumango-tango si Kanoa at hinarap ang anak nila. Nakapamulsa lang siyang nakatingin doon bago muling nilingon si Ara.

"Gusto mo bang mag-lunch?"

"Your treat?" Ara giggled.

"Oo naman," Kanoa smiled. "Tara?"

Ara nodded and bit her lower lip. "Okay."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys