Chapter 22

Nakasandal si Jairold sa gilid ng pinto ng unit ni Kanoa at pinanonood itong i-shoot ang susi sa dooknob, pero hindi magawa dahil sa kalasingan. Kung hindi pa siya tinawagan ng bartender, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan niya.

Alas kwatro na at ito siya, nakatingin sa bestfriend niyang patuloy na namang sinisira ang buhay.

"Ako na." Marahas na inagaw ni Jairold ang susi mula kay Kanoa. "Nakakapagod ka na, Noa. Madaling araw, ganito tayo. Pangatlong beses na 'to."

Binuksan niya ang pinto at nilingon si Kanoa na nakasandal sa pader na nakahawak ang dalawang kamay sa tuhod habang nakayuko. Tumingin ito sa kaniya at napailing siya nang makita ang pasa nito sa may kilay dahil napaaway pa.

Hindi na dapat siya nagulat, pero mahigit tatlong taon na ang huling beses na nangyari ito.

Inalalayan niya si Kanoa papasok ng condo unit nito. Napailing siya nang makita ang mga nakakalat na hugasin at maraming lata ng beer kung saan-saan nakalagay. Ang mga damit nitong nakakalat sa sahig, at mga pinagkainang galing sa mga delivery.

Dumapa ito sa kama at basta na lang natulog. Amoy alak, amoy sigarilyo . . . pero walang pakialam basta na lang natulog.

Nag-message na muna siya kay Gia na mag-stay muna sa condo ni Kanoa dahil gusto niyang linisin. Nalungkot si Jai nang makita ang mga laruang nakakalat katabi ang mga sariling kalat ni Kanoa. Minsang naging masaya ang condo nito dahil kay Antoinette, pero malaki ang naging epekto ng pagkaalam nito tungkol kay Antheia.

Ikinagulat nina Jai at Gia ang kuwento ni Kanoa. Lasing na lasing ito noong puntahan nila ni Gia dahil tumawag habang humahagulhol, kinikuwento ang tungkol sa anak na namatay.

Kinabahan pa silang mag-asawa dahil akala nila, may nangyaring masama kay Antoinette. Tinawagan pa ni Gia si Ara para i-confirm kung ano ang sinasabi ni Kanoa nang sabihin nito ang tungkol sa kambal na ikinagulat nila.

Narinig ni Jai ang pagkatok kaya kaagad niyang binuksan ang pinto. "Sorry, tinawagan kita. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko sa kaniya."

Ngumiti si Ara. "It's nothing. What happened?"

"Ayos ka lang?" tanong ni Jai nang makita kung gaano kalamlam ang mga mata ni Ara.

"Yup. Jetlagged. Kakarating ko lang din kasi kaninang 1 a.m!" Ara giggled. "So, how's Kanoa?"

"Nasa kwarto," ani Jairold na huminga nang malalim. "Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya."

Sumandal si Ara sa kitchen counter habang nakatingin sa kaniya. Ipinalibot nito ang tingin sa buong condo ni Kanoa, pero napatitig siya kay Ara. Ilang beses itong humikhab at medyo namamaga pa ang mga mata, halatang kagigising lang.

"It's really my fault," tipid na ngumiti si Ara. "Maybe if I told him about Antheia and not him finding out in a different way would be different. I was so scared and now, this is what's happening."

"Hindi mo puwedeng sisihin 'yung sarili mo." Iniabot ni Jai ang kapehan kay Ara. "Kape ka muna. Halos tatlong buwan na niyang alam 'yung tungkol kay Antheia, pero hindi niya tinutulungan ang sarili niya. Bakit hinahayaan mong ganito?"

Yumuko si Ara na nakatingin sa coffe cup. "Grieving? I know what it feels like. It took me months, too, before ako nakabangon. I already grieved almost two years ago and Kanoa's just starting. I don't know how to approach him anymore; I don't know how to face him after everything."

"Wala kang kasalanan, Ara," diin ni Jai.

"I kept the twins from him," Ara forced a smile. "Fault ko na this is happening to him. When I was in pain, I wanted him to feel the pain, too. It was so unfair for me na ako lang. Why ako lang? I didn't ask for this! Bakit ako lang? I wanted Kanoa to feel everything when I was hurting."

Seryosong nakatingin si Jai kay Ara. Napaka-soft spoken talaga nito at sa tuwing naririnig niya itong magsalita, hindi siya makapaniwala na naging girlfriend ito ni Kanoa. Hindi siya makapaniwalang pinatulan ni Ara si Kanoa.

Sa physical features, wala namang masabi si Jairold sa bestfriend niya, pero sa ugali? Marami talaga. Ito talaga iyong masasabi niyang Ara deserves better.

Kung tutuusin, maraming ibang lalaking puwede para kay Ara at alam mismo ni Jairold sa sarili niyang hindi dapat iyon si Kanoa. Kilala niya ang bestfriend niya, pero nalungkot siya na minsan siyang naging parte ng dare na ito.

Siguro kung maibabalik ni Jairold ang panahon, pipigilan niya ang dare na nangyari para hindi ganito kasakit ang kasalukuyan para sa dalawa. Ang inakala ni Kanoa na simple lang, matindi pala ang balik na halos hindi na ito makabangon sa kung nasaan sila ngayon.

Oo, nagsisi si Kanoa noon, but the damage had been done.

Katahimikan ang bumalot sa kanila ni Ara. Ininom nito ang kapeng ginawa niya bago nagsimulang linisin ang mga kalat sa living area. Panay ang hikab nito at minsang umuubo pa, pero pinagpatuloy ang ginagawa.

Si Jai naman ang naglinis ng kwarto ni Kanoa. Dadalhin na rin niya sa laundy ang mga damit nitong nakakalat para mapalabhan. Si Ara naman ang nagsimula ring maglinis ng kusina. Hinugasan nito ang mga kalat bago nilinisan ang banyo.

Hindi naman niya tinawagan si Ara para maglinis. Tinawagan sana niya ito para kausapin si Kanoa, pero nakatulog naman at kahit na anong gising niya, wala . . . bagsak.

Sumandal si Jai sa hamba ng pinto ng kwarto ni Kanoa habang nakatingin kay Ara. Tinanggal ni Jairold ang pang-itaas ni Kanoa at itinihaya dahil nakiusap si Ara para malinisan nila.

Maingat na pinupunasan ni Ara ng bimpong mayroong body wash ang katawan ni Kanoa bago sa mukha. Seryoso si Ara sa ginagawa lalo sa paglagay ng ointment sa sugat nito sa gilid ng kilay. Walang makitang emosyon si Jairold mula kay Ara. Kung tutuusin, mas madalas pa itong humikhab.

"Hihintay mo pa siyang gumising?" tanong niya kay Ara habang binabanlawan nito ang bimpo sa lababo.

Umiling si Ara. "Can you not tell him I was here?"

"Bakit naman?"

"It's better that way," Ara smiled at him. "I'll get going na rin kasi I need to be home for Antoinette. And I'm really sleep na rin."

"Kaya mo bang mag-drive?"

Ara shook her head and smiled. "No, I took a cab," she yawned. "Oh my gosh this is embarrassing, but I am really sleepy na. Thanks for calling me, Jai, but I really need to go."

Tumango si Jai. Napatitig siya sa pintong nilabasan ni Ara at nalungkot na ganito ang nangyayari sa dalawa. Matindi na ang nangyari noon, mas matindi pala ngayon.

Muli niyang tinawagan si Gia para itanong kung kumusta na ito, kung gising na ba. Nagulat siya nang sabihin nitong mag-stay na muna siya para may kasama si Kanoa. Nagtanong pa nga ito kung may pagkain ba sila para makapagpadala. Nahiya siya sa asawa niya, pero naintindihan nila ang sitwasyon ni Kanoa.

Sa tagal na rin nilang magkakasama, kilala na ni Gia ang bestfriend niya. Alam nitong madalas niyang problema si Kanoa lalo nitong mga nakaraang taon.

Sumilip si Jai sa kwarto ni Kanoa at mahimbing pa rin itong natutulog. Gusto niya ring magpahinga dahil wala pa siyang tulog. Pero dahil hinihintay naman talaga muna niyang magising si Kanoa, naisipan niyang magtrabaho. Mabuti na lang din at dinala niya ang laptop at hard drives niya.

Habang naghahanap ng footage, biglang naalala ni Jairold na noong college sila, mayroon siyang pictures galing sa concert sa university kung saan unang beses nilang nakilala ni Gia si Ara. Kaagad niya iyong binuksan at tiningnan isa-isa.

Sa buong pagkakaibigan nila ni Kanoa, never niyang nakita itong caring sa babae kahit pa sabihing dare lang ang lahat. Ara wasn't the first victim of Kanoa and he would always win, the reason why he was so confident that Ara would also fell for him.

And he wasn't wrong. Ara really did for him, but he fell harder that he couldn't get up.

Hours passed, Kanoa was still sleeping and Jairold couldn't take it anymore. He decided to sleep. Despite the hunger, he chose to sleep.

Hindi pa man humihimbing ang tulog niya nang marinig ang pagkatok mula sa pinto ng unit ni Kanoa. Paulit-ulit niyang iniisip na sana mama ni Kanoa na ang dumating, pero mali dahil pagbukas niya, napatitig siya sa mataray na version ni Ara.

"Where's Kanoa?" tanong ng babaeng kaharap niya. "I'm sorry, I'm Belle, Barbara's twin sister."

Alam ni Jairold na mayroong twin sister si Ara, pero ito ang unang beses niyang makikita ito sa personal. Ramdam na ramdam niya ang pagkakaiba ng dalawa dahil medyo mataray ang dating nitong isa.

Kung ano ang ikina-softy ni Ara, ito namang ikina sungit ng datingan ni Belle. Hindi maintindihan ni Jai, pero nakaka-intimidate pala si Belle at malayo sa pagiging sunshine ni Ara.

"Pasok ka." Niluwagan ni Jai ang pinto. "Tulog pa si Kanoa, eh. Gusto mo bang gisingin ko siya?"

"No, I can do it," Belle smiled. "Sorry, I think na gising ka rin because of me. But I really needed to be here kaya I really, really apologize."

"Walang problema," mahinang natawa si Jairold. "Papasukin mo na rin 'yung kasama mong lalaki. Malinis naman na 'tong unit ni Kanoa. Hindi na nakakahiya para sa bisita."

Malakas na natawa si Belle na ikinagulat ni Jairold. Magkamukhang-magkamukha sila ni Ara, pero ang laking pagkakaiba. Sa pananalita pa lang, halatang mahirap kausap itong si Belle. Sa pagtawa, kung anong ikinahinhin ni Ara, ito namang lakas tumawa ni Belle.

Pinapasok ni Belle si Aaron, ang boyfriend niya. May pasok silang dalawa, pero nagdesisyon silang puntahan si Kanoa dahil kailangan talaga niya itong makausap.

"I know na galing si Ara dito."

Sinulyapan ni Jai ang kasamang lalaki ni Belle na nakasandal lang sa kitchen counter habang nakatingin sa kasintahan nitong nakapameywang at naghihintay ng sagot niya. Tinanong din ni Belle kung nasaan ang kwarto ni Kanoa na agad naman niyang tinuro. Ikinagulat niya nang bigla na lang nitong bukasan ang pinto at pumasok.

Malakas ang tunog ng takong ni Belle, para bang nagdadabog. Huminga nang malalim ang boyfriend nito, umiling, at pinagkrus ang dalawang braso.

Mula sa pinto, nakatingin lang si Jairold. Binuksan ni Ara ang blinds kaya sobrang liwanag. Malamang sa malamang, magagalit si Kanoa kapag nagising ito sa ganoong situwasyon.

"Kanoa Dinamarca," pagtawag ni Belle.

Hawak nito ang mamahaling pulang bag na inikawit sa may siko bago nag-cross arms.

"Kanoa Dinamarca? Wake up, please?" mababa ang boses ni Belle. "Kanoa!"

Wala pa rin. Mahimbing pa ring natutulog si Kanoa ngunit mas ikinagulat ni Jairold nang bigla na lang kunin ni Belle ang unan ni Kanoa at malakas itong hinampas. Nanlaki ang mga mata niya samantalang mahinang pagtawa lang nang reaksyon ng kasintahan nito.

"Ano ba?" pagalit na sambit ni Kanoa. "Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko, problema ng mama mo, problema ng kakambal ko, problema ng bestfriend mo," singhal ni Belle na nakataas pa ang kilay. "You are the problem, and you really have the nerve to ask me that?"

"Ang ingay mo," Kanoa groaned and hugged a pillow. Nagpatuloy ito sa pagtulog.

Sumandal si Jairold sa hamba ng pinto at pinanood ang susunod na gagawin ni Belle dahil nakita naman niya kung gaano kaingat si Ara kay Kanoa. Kung paanong mabagal ang paggalaw nito para hindi magising si Kanoa at kung paanong naka-tiptoe pa maglakad huwag lang makagawa ng ingay.

Muling hinampas ni Belle si Kanoa ng unan dahilan para mapabangon ito. Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri at masamang tiningnan si Belle na naka-cross arms na ulit.

"Belle, ano'ng ginagawa mo rito?" Nasapo ni Kanoa ang noo at yumuko bago bumiling tiningnan si Belle. "Ano'ng meron?"

"You're so annoying!" Belle sounded frustrated. "Alam mo, I'm starting to hate you and I'm starting to regret that I pushed Barbara to meet you again, to give you a chance, and to even let you get close to Antoinette."

Nakita ni Jairold kung paanong nagsalubong ang kilay ni Kanoa habang nakatingin ito kay Belle.

"Ano, Kanoa? You'll continue being like this? Ganito ka na lang? You'll get drunk, ruin your life, and forget that you have Antoinette? Ganito na lang na you're just thinking about yourself? I understand you're grieving, and I have nothing against that. Palagi akong sinasabihan ni Ara about that! Imagine, she's not okay, too, but she's thinking about it you! How painful it might be for you?"

Nanatiling nakatingin si Kanoa kay Belle.

"Ara said na she's okay na you're ignoring her and Antoinette. She understood na you're grieving, and she can't say anything kasi she's done grieving already. No, fuck!" Belle uttered in so much frustration. "My twin, she never stopped grieving but needed to move forward for your other daughter. Now, Kanoa . . . if you'll just continue doing this, ayaw na kitang makitang lalapit sa kanilang dalawa. They don't deserve you!"

"Belle," Aaron shook his head.

Belle smiled. "No, he needs to hear this, love. Ara doesn't deserve Kanoa and that is the truth. I don't care if ya'll get mad at me but I'll say whatever the fuck I want. First, you played my twin. She's not a fucking game, Kanoa. She's a sweet person who just wanted to be loved and you played her.

"Hin-"

"Shut up," Belle cut Kanoa off. "Then the fucking sex video. When I found out that you two became a thing? I instantly knew everything's fucked up. Ara changed drastically and I almost didn't know her anymore. Then the pregnancy, then Antoinette, then Antheia. Imagine everything she went through. I don't wanna invalidate your pain, Kanoa, and as much as I can, I don't wanna compare . . . pero talong-talo ang kakambal ko."

"You guys saw each other again. You found out about Antoinette and did you know how Ara fought for you to be in your daughter's life? She fought with Kuya Sam for the first time. She said that kuya doesn't have the right to stop you from seeing Antoinette when it was him. . . when he was the only person who look after Ara after everything? When he sacrificed months of his life to take care of Antoinette when Ara didn't wanna look at her own daughter? All those sleepless nights whenever Antoinette's sick, fussy, and didn't want to sleep? Ara easily shrugged everything because of you," pagpapatuloy ni Belle.

"When Ara tried so hard to let you in for your daughter again kahit na she's scared of you? When Ara literally cut off our dad after what happened? Ayaw kitang sumbatan, Kanoa, but I needed to. You're hurting and I'm sorry, but my twin sister doesn't deserve any of this."

Yumuko si Kanoa at huminga nang malalim.

"Ikaw ang gumulo sa buhay ng kakambal ko, Kanoa," Belle sobbed. "I miss my happy girl, but you stole her away from us. You entered her life and ruined everything about her. It's her fault, too, but you . . . ikaw ang pumasok sa buhay ng kapatid ko. Pinaglaban ka niya and this is how it's going to be? Kung ganito lang din, ipagpatuloy mo na lang, Kanoa. Leave Antoinette and Ara alone and don't ever comeback."

"Belle . . . " Kanoa tried to say something.

"Kung hanggang dito na lang ikaw, Kanoa, I'll take my sister and niece away from you because they deserve more. If you'll settle with this, just leave them alone," Belle sniffed and looked up. "I want Ara to be happy, Kanoa. I know Ara will be happy with you, but if I don't want her to suffer again and I know, too . . . that she'll suffer with you."

Naramdaman ni Kanoa ang pagbasak ng luha niya dahil sa mga sinabi ni Belle.

"Please help yourself, Kanoa," Belle sounded begging. "Help yourself naman! I'm not asking you to stop grieving for Antheia, but you're forgetting something. You're forgetting about the living and there are two people waiting for you . . . and don't wait until it's too late."

Kanoa looked down and sniffed.

"Kasi Ara's . . . Ara's getting tired, and I don't want her to. She loves you, Kanoa, and I know she'll be happy when you're finally okay and I want that," Belle continued. "Please naman, this time . . . make my sister happy. As much as I want her to stay away from you, pero paano? My sister only wants you. Ayusin mo naman!"

Sumandal si Kanoa sa headboard ng kama at nanatiling nakayuko. Nakatingin lang si Jairold sa kaibigan niya. Masasakit ang mga sinabi ni Belle, pero kailangang marinig iyon ni Kanoa.

Naglakad papalapit si Belle kay Kanoa at ibinaba nito ang calling card sa bedside table. Bahagyang tumingin si Kanoa sa papel na iyon nang hindi tumitingin kay Belle.


"It's your choice, Kanoa," Belle said. "That's my boyfriend's sister. She's a psychologist. Just in case you're interested. You need this, Kanoa. I know it's painful, but if you want to be part of my twin sister and niece's life . . . do something."

Kanoa remained unmoving.

"I hope you'll do something this time."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys