Chapter 2
Ara stayed with her Kuya Sam for three more days before deciding to finally let her parents, her twin, and her best friend know about her current situation. Pinag-isipan niyang mabuti kung kailan ngunit tama ang sinabi ng kuya niya na kapag mas pinatagal pa niya ito, mas mahihirapan siyang magtago.
Everyone could help her face it all, but her Kuya Sam said that it would be her decision.
Gumaan ang lahat simula nang sabihin niya sa kuya niya ang tungkol sa sitwasyon dahil kahit paano, mayroong isang taong makakaintindi sa nangyayari sa kaniya. Sa tatlong araw rin na magkasama sila, hindi ito umalis at pinaasikaso na lang sa iba ang café na pag-aari nito. Tuwing umaga, mayroong nakahandang almusal na bagong luto at hindi tulad nitong mga nakaraan na binibili lang niya via delivery dahil hindi naman siya marunong magluto.
"Are you sure you're ready?" tanong ni Sam habang nasa loob sila ng sasakyan. "If you're still unsure, think about it first."
"I think it's best na sabihin ko na sa lahat, Kuya Sam," sagot ni Ara bago sumimsim ng hot choco na binili nila sa Starbucks dahil nag-crave siya roon. "You're right. They'll know soon especially that my tummy's getting bigger."
Sam smiled and focused on driving. Ara, on the otherhand, rested her head and breathed. Sa tatlong araw, hindi rin siya pumasok sa school at nagpaalam na lang sa mga professor niya na hindi maayos ang pakiramdam niya.
Linggo at lunch sana ang gusto ni Samuel para sa pamilya nila, pero na-move na maging dinner dahil mayroong kailangang lakarin ang mga magulang nila. Si Ara na rin mismo ang tumawag kay Belle at tinawagan na rin si Sayaka para makasama na rin ito.
Nagsalubong ang kilay ni Ara nang makita ang sasakyan ni Belle. "It's surprising that Belle's on time," mahina siyang natawa. "I'm used to her being late."
It was true! Madalas pa ngang nagagalit ang parents nila dahil palagi itong late sa mga family lunch or dinner nila. Minsan pang hindi nakakapunta at sa kanilang magkakapatid, si Belle ang pinakapasaway na halos hindi na mapagsabihan ng mga magulang nila.
Dahil sa naisip, lalong natakot si Ara.
Everyone knew her as the perfect daughter—someone na hindi nagpapasaway sa mga magulang, hindi nagkakamali, at hindi gumagawa ng ikasasakit ng ulo ng mga magulang nila. Pero ito ang nangyari sa kaniya.
"Let's go?" Kinuha ni Sam ang atensyon ni Ara nang mapansin ang pagkatulala ng kapatid.
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at naabutan si Belle at Sayaka na nanonood ng movie sa sala. Parehong tumili ang dalawa nang makita sila at ipinakita ang pizza na nasa coffee table pati na ang soft drinks, popcorn, at vanilla cake.
Lumapit si Ara sa dalawa at hinalikan ang mga ito sa pisngi bago naupo sa sofa. Hindi muna siya nagsalita ngunit panay ang kuwento ng mga ito tungkol sa pelikulang pinapanood.
It was one of their favorite movies since they were young. It was Amanda Bynes and Channing Tatum's movie, She's the Man.
Naramdaman niya ang paghaplos ni Belle sa buhok niya at nagtanong ito kung kumusta ang mga almusal na niluto ng kuya nila. Palagi kasing special iyon sa tuwing bumibisita sila sa condo nito at ipinagluluto talaga sila.
"He cooked chicken alfredo kagabi," Ara widely smiled. "And we went to the ice cream store na malapit sa condo niya. We walked lang."
"Hala! Napakadaya!" singhal ni Belle kay Sam na kakaupo lang sa pang-isahang sofa. "Mamayang dinner pa raw sila mommy and buti na lang din. We should sleep together sa room mo, Ara!"
Tumango si Ara dahil sanay naman sila sa ganoon. Nilingon niya si Sayaka na inabutan siya ng popcorn at basta na lang niya itong niyakap.
"I missed you, Say!" mahinang sambit ni Ara. "How's school? Malapit na rin your graduation."
"Oo nga, eh!" Naningkit ang mga mata ni Sayaka habang nakangiti. "I'm also excited for our plan!"
"What plan?" Sam asked.
Ara breathed and bit her lower lip. "After graduation, we're planning to go to New York. Tour," she forced a smile. "And then we'll go to Miami and maybe anywhere across US as a gift to ourselves for surviving."
"That sounds nice," Sam smiled at Ara. "You guys deserve to relax after years of studying."
Hindi nakasagot si Ara at nag-iwas ng tingin sa kuya niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. She thought she was prepared but she was wrong. She clearly wasn't and her heart was pounding. Ni hindi siya makasabay sa kuwentuhan ng mga kasama niya sa living area ng bahay ng parents nila.
Sandaling ipinalibot ni Ara ang tingin sa paligid at nakita ang malaking family picture na naka-display malapit sa hagdan. It was taken last year and they were so happy. Kung tutuusin, iba ang itsura niya sa picture niya iyon dahil mukha siyang masaya. Masaya pa dahil hindi pa niya nakikilala si Kanoa.
It was just ten in the morning, but Ara already feel exhausted. She stood up and told everyone that she just wanted to see her old room. The room she grew up in.
"Are you tired?" Belle asked. "Maayos naman your room. Let's watch muna? I missed watching with you, Barbara."
Ara smiled. "I wanna lie down."
Hindi na hinintay ni Ara ang sasabihin ng mga ito. Umakyat na siya at dumiretso sa dating kuwarto na walang pinagbago. Simula rin noong mag-college sila ni Belle, halos twice a month na lang sila umuuwi sa bahay ng mga magulang nila. Hindi kasi nila nagustuhan ang pagiging controling ng parents nila, lalo ng daddy nila na mataas ang expectation sa kanila.
Iyon ang dahilan kung bakit nakaramdam ng takot si Ara dahil ang disapproval at disappointment mula sa mga magulang nila ang pinakaayaw niyang mangyari sa kaniya.
Her room was exactly the same. Pastel paint, the same bedframe, the same sofa, and all her books were still displayed. Her stuffed toys were still there, too. Mula sa bookshelf, nakita niya ang pamilyar na journal na ginagamit niya noon bago pa mauso ang digital journaling. Mahilig siyang magsulat ng diary para I-document ang araw-araw na nangyari sa kaniya.
Ara stopped journaling after Kanoa. She just wanted to forget every day and not write anything about her day.
Naupo siya sa gilid ng kama at binasa ang entry niya years ago. Highschool lang siya based sa date and she was talking about how fun it was to finally braid someone's hair. Hindi kasi siya marunong kaya nang matuto, halos araw-araw niyang pinagpapraktisan si Sayaka at Belle.
Those were the days that she wasn't thinking about what lies ahead, especially about the future. Her future.
Hindi namalayan ni Ara na nakatulog siya. Nilingon niya ang bintana at may liwanag pa, pero halatang papalubog na ang araw. Malamang sa malamang din na dumating na ang parents niya.
Pumasok siya sa loob ng bathroom para ayusin ang sarili. Sinuklay niya ang buhok niyang hanggang balikat. Nasanay na rin siya at natutunan na rin niya kung paano iyon ayusin at ipitan hindi tulad noong mga unang araw na frustrated siya sa sarili niyang desisyon.
Ara was wearing an oversized sweatshirt, too, to hide her bump. Hindi pa naman ganoon kahalata kapag maluwag ang suot niya.
Naabutan niyang nasa garden ang lahat. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang masaya ang pinag-uusapan. Hindi kaagad siya nagpakita at sandaling sinilip ang daddy niya na humahalakhak katabi ang mommy niya.
"Hello." Lumabas siya mula sa pinto at naglakad papalapit sa mga ito. "What are you cooking, Kuya Sam?"
"Steak. Mom requested," Sam smiled at Ara. "Buti gising ka na. Are you hungry? Almost done na rin 'to. Gumawa si Belle ng mashed potato."
Napangiti si Ara dahil iyon ang madalas na gusto niyang kainin nitong mga nakaraan. Lumapit siya sa mga magulang niya at hinalikan ang mga ito sa pisngi.
"How are you, Barbara?" Hinaplos ng mommy niya ang buhok niya. "I'm not used to your short hair pa. I missed the big ribbons!"
"She looked younger," sagot naman ng daddy ni Ara. "How are things, Barbara? Malapit na ang graduation mo."
Ngumiti si Ara at ikinuwento ang mga ginawa niya nitong nakaraan sa school.
"Dito na lang us kakain sa labas, right?" tanong ni Belle sa parents nila at tinawag ang mga helper para ayusin ang lamesang gagamitin. "Ara, what's your drink?"
"Water lang," ngumiti si Ara. "I'm acidic lately."
Kaagad na tumingin sa kaniya ang mommy niya. "Why? Nagpa-check up ka na ba? Mag-set ako ng appointment sa Tita Missy so she can check what's wrong. Baka naman you're drinking too much coffee?"
Hindi nakasagot si Ara at naupo na lang sa dining chair na nakahanda para sa kanila. Paminsan-minsang tumitingin sa kaniya ang kuya niya at tipid na ngumingiti.
Katabi niya sa kanan si Sayaka na sinasandukan siya ng steamed vegetables at nilagyan pa ng melted cheese sa ibabaw. Nasa kaliwa naman niya si Belle na panay ang kuwento tungkol sa volunteering sa isang public hospital.
Ara was quietly eating while listening to everyone.
"Barbara." Kinuha ng daddy niya ang atensyon niya na nagpabalik sa kaniya sa usapan. "So after school, what's your plan? Napag-isipan mo na bang mag-law school? Saang university mo gustong subukan?"
"D-Dad, I don't want to, remember?" Ara said lowly. "I d-don't wanna be a lawyer."
Narinig nilang lahat ang malalim na paghinga nito. "What a waste. Sayang ang opp—"
"Dad, let's not talk abo—" It was her Kuya Sam but Ara immediately cut him off.
"I'm pregnant po." Ara faced her parents. Kaagad na ibinaba ng mga ito ang utensils na gamit habang nakatingin sa kaniya. Walang nagsasalita, pero nagsalubong ang kilay ng daddy niya.
Muling huminga nang malalim ang daddy nila. "Barbara!" mataas ang boses nito. "This isn't time for pranks."
"I wish it was," Ara forced a smile. "And I am keeping my baby po."
Tumayo ang daddy nila at dalawang beses itong naglakad pabalik-balik. Lahat ay tumigil sa pagkain. Ara knew it wasn't the best time, but she couldn't even swallow her food anymore because of guilt.
"Who's the father?" Ara's mom asked. "I... We didn't even know you were seeing someone, Barbara! You... you lied to us?"
Sam and Belle gazed at each other trying to communicate. Nakatingin lang si Ara sa pinggan nito habang tinutusok ng tinidor ang broccoli at hindi sumagot sa tanong ng mommy nila. Gusto mang magsalita ni Sam, hindi niya magawa dahil naging usapan nila ni Ara na magpapanggap siyang walang alam at gusto niyang respetuhin ang desisyon ng kapatid niya.
"Barbara!" Malakas na hinampas ng daddy nila ang lamesa dahilan para ikagulat ni Ara. "What happened? Were you abused? Did someone forced you to do it? W-Were you r-raped? Tell me!"
"No," Ara murmured trying so hard not to cry. "I wasn't forced. It was all me."
"No. I don't believe you." Kinuha ng daddy niya ang phone sa lamesa. "I'll call your Ninong Benjam—"
Her ninong was a Chief of police and her dad's best friend.
"Don't." Ara shook her head and a lone tear escaped. "Don't call ninong, Dad. There's no one to blame but me. I wasn't abused or forced because I did this of my own free will. I am an adult who decided on my own so please, d-don't."
Umiling ang daddy niya. "No... you're not like that!"
"Dad." Ara sobbed. "Turns out, I am," she said in a low voice.
"W-What happened to you?"
Ara didn't say a word and saw how her Dad's face turned from worry to anger. Basta na lang itong naupo sa dining chair at seryosong nakatingin sa kaniya. Panay ang hinga nito nang malalim. Walang kahit na anong salita ngunit sapat ang katahimikan para makumpirma ang iniisip niya noon pa man. Disappointed ito sa kaniya.
"I don't believe you." Marahas na umiling ang daddy niya. "Hindi ako naniniwalang ginusto mo 'to. I know you, Barbara, and I know you won't do this! I'll have this inves—"
"Dad!" Ara breathed. "Listen to me!"
"Nahihiya ka bang malaman ng iba ang nangyari sa 'yo? I'll make sure that the guy who did this to you will pay for ever—"
Nakita ni Belle ang panginginig ng kamay ni Ara mula sa ilalim ng lamesa. Nakita rin niya ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa kamay ni Ara kaya hinawakan niya iyon at nagtama ang tingin nila. She knew that her twin wasn't lying.
"Why don't you listen to Barbara, Dad?" Belle interrupted her father from talking about a case he would file. "Sinabi na ni Ara na hindi rape and she did this on her own. Bakit hindi ka nakikinig sa kaniya?"
"It's because I know Barbara won't do that!" pagmamatigas ng daddy nila.
"Do you even know us?" Belle chuckled and gripped Ara's hand under the table. "Hindi mo kami kilala, Dad. You don't know us. Kilala mo lang kami base sa gusto mo. You know us based on what you want."
Nagsalubong ang kilay ng daddy nila at pinatitigil naman si Belle ng mommy nila. Sam and Sayaka were quiet. Ara gazed at Belle and shook her head. Ayaw niyang madamay pa ang kakambal niya dahil sa kaniya.
"Impossible bang ma-in love si Ara? Dad, your daughter's not perfect and she's certainly not a saint. Do you really expect her to be perfect all the time? We're allowed to make mistakes, too!" Belle shook her head and stood up. "Ara, akyat na tayo? Let's eat the cake na dala namin ni Sayaka sa room mo. If he doesn't wanna listen, let him be. Let him believe whatever the fuck he wanted."
Tumayo si Ara at muling tiningnan ang daddy niya. Anger and disappointment were written on their parents' faces, but she didn't bother saying anything. She already decided to continue with her pregnancy.
Pagdating sa kuwarto, dumeretso si Ara sa kama at maingat na nahiga. Binalot niya ng comforter ang sarili niya at mahinang humagulhol. Hindi dahil sa takot sa mga magulang niya kung hindi dahil pakiramdam niya, nakahinga siya nang maluwag na alam na ng pamilya niya ang sitwasyon niya.
Naramdaman niya ang paghaplos sa buhok niya at hindi nagkamaling si Sayaka iyon. Lumabas daw si Belle para kunin ang cake na sinasabi nito.
"Ara?" Sayaka murmured. "W-Why didn't you tell us?"
"I w-was scared." Naupo si Ara at yumuko. "And nahihiya ako sa nangyari sa 'kin. I can't face anyone after everything and... and..."
"Shhh." Sayaka smiled at her. "Don't cry. If you're stressed, your baby will feel it, too. We're here. Aside from the cake, ano'ng gusto mong kainin?"
Bago pa man makasagot si Ara sa tanong ni Sayaka, bumukas ang pinto at pumasok doon si Belle kasama si Sam na hawak ang cake. Nakangiti ang dalawang papalapit sa kaniya. Naupo si Belle sa tabi niya sa kama, hinalikan naman ng Kuya Sam niya ang tuktok ng ulo niya.
"Do you wanna stay here for the night?" tanong ni Sam.
Ara shook her head. "K-Kuya, can we stay na lang sa condo mo? I don't wanna stay here po. I d-don't wanna see how Dad and Mom look at me."
"Nako, hayaan mo nga sila!" singhal ni Belle. "And I agree. Doon na lang tayo sa condo ni Kuya Sam. Ang boring kaya here sa house 'tapos amoy luma pa. And we're gonna ask Kuya Sam na lang to cook food for us. Mas masaya pa."
Nag-agree si Ara dahil alam din niya sa sarili niyang mas makabubuti iyon sa kaniya. Naunang bumaba ang kuya nila para daw kausapin ang mga magulang nila tungkol sa pag-alis nilang apat at habang nakatingin sa malaking salamin ng dati niyang kuwarto, yumakap mula sa likuran niya si Belle.
"Whatever happens, I'm here. Nagtatampo ako kasi I'm not the first to know about this, but I will understand." Belle rested her chin on Ara's shoulder. Hinaplos pa nito ang tiyan niya at nagkatinginan sila. "Oh my gosh. It's big na."
Ara nodded. "Yeah. It's a little hard to hide it na kaya I think I need your help 'cos shopping," she pouted. "I'm sorry this happened."
"Why are you saying sorry?" It was Sayaka. "We all make mistakes and Belle's right. We're all here. Hayaan natin ang iba. We'll just gonna focus on this pregnancy."
Matagal na tinitigan ni Ara ang dalawang kamay na nakahawak sa tiyan niya at pinakikinggan ang pinag-uusapan na kung babae ang anak niya, malamang na magiging manika nila itong tatlo. Sinasabi pa ng dalawa na bibili ang mga ito ng mga damit at sapatos pati na rin daw ng headband.
She gave out a sigh of relief.
Naabutan nila sa living room ang parents nila na kinakausap pa rin ng kuya niya. Sabay-sabay na tumingin ang tatlo at hindi itinago ng daddy nila ang galit sa mga mata nito. Panay rin ang iling at nakakuyom pa ang dalawang kamay na nakapatong sa arm rest ng sofa.
"We'll get going," paalam ni Sam sa mga magulang nila.
Walang sagot ang mga ito. Hindi na nagpaalam si Ara at sumunod na lang kay Belle na nakahawak sa kamay niya. Imbes na sa sasakyan ni Sam, sumakay si Ara sa sasakyan ni Belle kasama si Sayaka.
Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niyang walang tanong mula sa mga ito lalo na sa kung sino ang tatay ng dinadala niya. Malaking bagay iyon para sa kaniya lalo na at ayaw niyang pag-usapan pa. There was a possibility of them knowing who it was, but maybe chose not to say a word.
Ara shut her eyes and lightly caressed her bump. She breathed hard thinking what could happen in the next weeks remaining. Magkikita at magkikita sila ni Kanoa at wala siyang balak ipaalam dito kung ano ang sitwasyon niya.
The pregnancy was too much and she knew that she couldn't handle any more pain.
Meanwhile, Belle saw from the rearview mirror that Ara fell asleep. She gazed at Sayaka who sniffed and bit her lower lip. Wala itong alam at nasurpresa lang din tulad ng mga magulang nila.
"D-Did Ara told you who the father is?" Sayaka said in a very low voice.
Belle shook her head. "No. Kahit kay kuya, hindi niya sinasabi kung sino. I... I am worried that who we're thinking is the same. A-Ayoko. Hindi puwede."
"Naisip ko rin kaagad kanina, but could it be? Walang sinabi sa 'tin si Ara and this is the first time she kept something like this. Ultimong nagme-message sa kaniya before, pinapa-check niya sa 'tin if worth replying." Sayaka sighed. "W-Wala siyang sinabi kahit na ano."
Belle breathed and gripped the stirring wheel. "Maybe because we were talking shit about him in the first place so she decided to just hide everything."
Silence filled the entire car and Belle couldn't take it. She sobbed quietly, making sure Ara won't hear it. Naglagay siya ng music para sa kanilang tatlo at muli niyang tiningnan ang kakamabl sa rearview mirror na mahimbing na natutulog.
"Barbara," she whispered.
—
Inside the cubicle, Ara tried so hard not to make a sound but it was next to impossible. She had been vomiting for the last five minutes and it was insufferable. Ara flushed the toilet and covered it before sitting on it.
Kinuha niya ang candy na palagi niyang dala. Hindi puwedeng mawala iyon dahil kung hindi, magsusuka na naman siya. Tubig at candy ang madalas niyang hawak at nakakakain lang sa may parke ng school.
Hindi niya kayang maamoy ang cafeteria dahil nati-trigger niyon ang pagsusuka niya.
Bukod sa classroom, mas madalas siyang nakatambay sa hagdan katabi ang comfort room para kung sakali mang maramdaman niyang magsusuka siya, madali lang sa kaniyang makatakbo papunta roon. Marami na rin siyang absences dahil nitong mga nakaraan, napadadalas ang sakit ng ulo at pagkahilo niya.
Isa pang problema niyang magkaklase sila ni Kanoa sa isang subject. Magkatabi pa sila kaya naaamoy niya ang pabango nitong hinahanap-hanap niya. Hindi sila nag-uusap, pero nagkikita sila sa araw-araw.
Kung hindi man magkaklase, nagkakasalubong sila sa hallway.
Ara had been wearing loose dress even before so her clothing choices weren't affected. Ang kaibahan lang, kailangan muna niyang siguruhing hindi mahahalata ang tiyan niyang lumalaki na... dahil hindi tulad ng ibang kayang itago, visible ang sa kaniya. Madalas siyang naka-sweater or jacket para lang mas maitago ang dapat itago.
Pagpasok sa loob ng classroom kung saan kaklase niya si Kanoa, nagkatinginan silang dalawa ngunit siya na mismo ang umiwas. Hindi dahil sa ayaw niyang makita si Kanoa kung hindi dahil alam niya sa sarili niyang mahal pa rin niya ito. She wasn't even trying to unlove him sooner.
"Ara?"
Ara heard it, but she didn't look at him or even say a word.
Ibinaba nito ang berry juice na palagi niyang iniinom nitong mga nakaraan dahil iyon lang ang kayang I-tolerate ng taste buds niya. Katabi niyon ang cream cheese bagel dahilan para kumalam ang sikmura niya.
She gazed at Kanoa and she inhaled his perfume. She wasn't sure if it was calming her or what, but she longed for it so much.
"Thanks," she murmured.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top