Chapter 18
After her last meeting, Ara sat comfortably and exhaled. Finally, after four meetings in a row, she could finally go home. It was already six in the evening and she was calling Kanoa to let him know that she was going to pick up Antoinette in an hour.
Mabuti na lang din at hindi kalayuan sa area nila Kanoa ang huling meeting niya.
Intentional talaga na ginawa niyang isang araw lahat ng clients dahil magiging busy siya sa mga susunod lalo na at birthday ni Antoinette sa isang araw. Unang plano sana ay pupunta sila sa Japan nina Sam at Belle para na rin makasama nila si Sayaka. Naplano na nila iyon noon bago pa niya nakita ulit si Kanoa.
Pero hindi iyon matutuloy dahil sa unang pagkakataon, gusto sana niyang kasama ni Kanoa ang anak nila sa kaarawan nito.
Dumiretso kaagad si Ara sa parking lot pagkatapos ng huling meeting dahil rush hour na at siguradong mahuhuli siya sa pagsundo kay Antoinette. Nagsabi naman si Kanoa na ihahatid na lang sa condo nila, kaso wala si Sam dahil busy ito sa restaurant na bubuksan ni Harley.
Thirty minutes into driving, Ara texted Kanoa that she would be late because of the traffic. She expected a reply, but nothing. Baka natutulog ang mag-ama o busy lalo na at hindi naman humahawak talaga ng phone si Kanoa sa tuwing inaalagaan nito ang anak nila.
For more than a month since Kanoa knew about Antheia, naging maayos naman sila. May mga pagkakataon lang nitong mga nakaraan na madalas na wala si Kanoa at nasa ibang lugar dahil sa trabaho.
Isang oras ang lumipas, nakita na niya ang building ng condo nito. Muli siyang nag-message kay Kanoa para sana sa entrance na lang niya susunduin ang anak niya, pero walang reply. Sinubukan niyang tumawag, pero wala pa rin. Ring lang ito nang ring.
Instead of calling again, Ara parked her car in front of the building and entered the building. Kilala na siya roon dahil ilang beses na rin naman siyang nakapasok. Na-meet na rin niya ang mommy ni Kanoa na madalas ding nag-aalaga kay Antoinette.
Kanoa's mom was nice and soft-spoken. Napaka-professional nitong magsalita, palangiti, at masayang kausap.
Hindi na siya tumawag at dumiretso na lang sa unit ni Kanoa. Tatlong katok bago bumukas ang pinto at binati siya ng mommy ni Kanoa.
"Pasok ka! Bakit hindi ka tumawag? Sana ibinaba ko na lang si Andra!" sabi nito na pumasok sa loob at dumiretso sa living area kung saan naglalaro ang anak niya ng doll house. "Para sana hindi ka na umakyat."
"I was calling Kanoa po and I even messaged him, but no reply," ani Ara at sumunod sa ginang. Naupo siya sa carpeted floor at hinalikan ang anak sa pisngi. "Hello, Antoinette!"
Nasuot ng T-shirt at leggings si Antoinette. Mayroon din itong medyas at naka-braid pa ang buhok na malamang ay kagagawan ng mommy ni Kanoa. Nagkukuwento pa ito tungkol sa ginawa ng mag-lola sa maghapon.
"Hindi ba nag-message si Kanoa sa 'yo?" Ibinaba ng mommy ni Kanoa ang juice sa coffee table. "Umalis siya kaning alas kwatro pa. Hindi ko alam kung saan nagpunta, eh. Hindi ko rin naman naitanong. Sakto namang tulog si Andra noon."
Inilabas ni Ara ang phone niya dahil wala naman siyang matandaang nag-message ito sa kaniya at tama nga. Puro messages lang niya ang naroon. Bukod sa pagsabi niyang susunduin niya si Antoinette, puro messages niya para itanong kung kumusta ang anak nila.
Hindi niya napansing walang reply . . . mali. Napansin niya, pero inisip na baka busy ito sa anak nila.
"Hindi po siya nag-message," ngumiti si Ara. "Anyway po, thank you so much po sa pag-alaga kay Andra. Alis na rin po kami kasi medyo gabi na rin po and ayoko po ma-stuck kami sa traffic."
Masayang nagpaalam si Ara sa mommy ni Kanoa. Nagprisinta pa itong ihatid sila sa parking, pero humindi na siya. Gusto na rin niyang umuwi dahil pagod siya, pero mabigat ang dibdib niya dahil sa nalaman.
Pilit niyang inisip kung bakit hindi nag-message sa kaniya si Kanoa na aalis ito at basta na lang iniwan ang anak nila sa ina nito. Wala namang kaso sa kaniya dahil mabait naman ang ginang, pero ipinagkatiwala kasi niya ang anak nila kay Kanoa mismo at hindi sa ibang tao.
Maingat niyang isinakay si Antoientte sa car seat habang malalim pa rin ang iniisip.
Nang makasakay sa driver's seat, hindi muna kaagad nakakilos si Ara. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa manebela habang nakatingin sa kung saan. Biglang kumirot ang puso niya sa hindi malamang kadahilanan.
Bumaling ang tingin niya sa phone na nasa passenger's seat. Kinuha niya iyon at muling binuksan ang messages nila ni Kanoa.
Sinubukan niyang mag-back read at doon niya na-realize sa mahigit dalawang linggo, malamig na pala ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Halos hindi sila nag-uusap sa messages. Minsan itong magtatanong kay Antoinette, magre-reply siya, pero picture lang ng anak nila at hindi tulad noon na magkukuwentuhan pa sila.
Ganoon din si Kanoa sa tuwing kasama nito ang anak nila. Minsan, wala pang reply.
Pagdating sa condo, wala pa rin si Sam at nag-message ito na magkakaroon ng dinner kasama ang mga kaibigan. Tumawag na lang daw siya kung kailangan. Tinanong pa nga kung may gusto ba siyang ipabili kung sakali man.
Sandaling nagpahinga si Ara at hinayaan na muna si Antoinette maglaro sa living room. Nakataas ang paa niya sa coffee table habang pinanonood ang ginagawa ng anak niya. Iniabot pa nito sa kaniya ang Barbie na regalo ni Sayaka galing Japan.
Kinuha niya ang phone at binuksan ang messengers. Binasa niya ang group chat nila nina Belle at Sayaka. Panay ang pag-congrats ng mga ito dahil sa clients na nakuha niya.
Nami-miss niya si Sayaka, pero naintindihan niyang kailangan nitong tumira sa Japan para makasama ang ama. May-edad na rin kasi ito at kailangan ng medical attention. Stable na rin kasi ang trabaho ni Saya roon kaya hanggang chat at video call na lang muna sila.
Isang linggo na rin niyang hindi nakakasama si Belle dahil busy ito sa school.
At dahil sa na-realize ni Ara, parang pakiramdam niya, ang bigat. . . pakiramdam niya, mag-isa na naman siya.
After a long day, Ara had to take care fo Antoinette. She prepared a warm bath for them. Nilagyan niya ng tubig ang bath tub at naglagay siya ng safe para kay Antoinette na bathbomb. Nakaupo silang dalawa roon at hinayaan ang anak niyang maglaro ng bubbles, rubber duckies, at mag-splash.
Ara watched her daughter enjoy while she rested her chin on her knees thinking what was happening. Late na niya na-realize ang lahat at gusto niyang kausapin si Kanoa.
She thought the day was over but Antoinette decided to be a little extra energetic. Past one, her daughter was still playing with her dolls. She wanted to sleep, but couldn't.
Imbes na ma-bore, nag-check si Ara ng inquiries sa social media pages niya nang mapadaan sa wall niya ang tagged pictures kay Gia, ang asawa ni Jairold.
Nasa bar ang mga ito sa maliit na thumbnail, nakita kaagad niya si Kanoa. Malapad itong nakangiti hawak ang isang bote ng beer at nakaipit pa ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri nito. She thought he already quit and seeing those images, she felt something insider her chest.
Was Kanoa lying to her? She didn't know. They really needed to talk about everything that had happened lately.
Ara was still awake when Antoinette fell asleep . . . finally. She was just feeling the coldness of the room thinking about Kanoa. Hindi siya makatulog. Hindi siya inaantok. Paikot-ikot siya sa kama at imbes na masayang ang oras, ipinagpatuloy ni Ara ang ginagawa niya simula noong isang buwan.
Binuksan niya ang lampshade ng office table niya at kinuha mula sa drawer ang scented stationary na nabili pa niya sa ibang bansa. Kinuha rin niya ang kahon kung saan naroon ang dalawang bagong charms na binili niya online para sa mga anak niya.
It was a simple rainbow charm with clouds on each side. It was so cute!
Kinuha niya ang ballpen na regalo sa kaniya ni Sam noong nag-aaral pa siya. Her name was engraved on it and she was using it for everything. Now that she was writing a birthday letter for her daughters, she was using the same pen and carefully writing not wanting to make a mistake.
She also used some colored gel pens to draw some doodles for the letters. It was like a journal or diary she used to make.
Tapos na ang sulat niya para kay Antoinette, pero hindi niya matapos ang sulat para kay Antheia. Kailangan na dahil birthday na ng mga anak niya sa kinabukasan. It was almost three in the morning and she was facing the city lights while writing a letter for her late daughter.
Antheia,
Happy second birthday, my baby girl. I wish you're here to celebrate with Antoinette. Both of you will be wearing your first designer shoes! Oh my gosh. I think you'll both look so cute. I got Antoinette her dress and bag, too, and I'm sorry I wasn't able to get one for you. I hope the shoes were enough.
I still struggle every day, my love.
Every day, I wake up seeing Antoinette's face wishing yours, too. It still hurts, but for your twin, I have to move forward. Hindi kita nakalimutan sa araw-araw, Antheia. Your time may be short, but you took something from me and no one could ever replace that.
While I was pregnant, I thought it was too early to have you and Andra. I was young and I have a lot of things to do. I wasn't ready and my plans won't push through because you two came without a warning. But then I slowly realize that having you younger means I'll have more time with you both. I felt alone until you both started moving inside me.
Every night I was wide awake thinking I'll be alone in this because I hated your dad, but no. There were two babies inside me just waiting to be born and be with me. I never felt alone after your first kicks. There were two pairs of feet letting me know that I will never be alone again.
Two months wasn't enough, my baby girl. I wish we had more time together and I could just turn back the time, I won't sleep just to stare at your cute little face. I love watching you yawn, my love. I love hearing you cry because I know you're still with me.
I never heard you laugh, Antheia . . . and it was the most painful.
Your cries were the best memories I had and that silence after everyone left me inside that room with you alone was the moment I always go back to. How I sang Gorgeous quietly while holding your little hand . . . knowing the grip was gone. Remember? That's my song for you!
Also, I saw your dad again. Remember how I always tell you and Antoinette stories about him? How I love him . . . how I wish he was with me, but my heart couldn't take him? I still love him, Antheia . . . so much.
He met you, too, but I think he hated me for not telling him about you. I was scared, my love, I'm sorry . . . but a sigh of relief when he already found out about you but I think I'm losing him, too.
It's okay. I understand and will understand.
Happy birthday, my Antheia Rae.
I love you, gorgeous. xoxo.
Mom
There was a lot more to say, but Ara wasn't in a rush. There would be a lot of time. She promised to write a letter for her daughter if she felt like it. Even without occasion, she would. She was just afraid that Antheia's resting place would have a lot of it.
After folding her letter, Ara came back to bed and kissed Antoinette. She still thought about the photos of Kanoa, but she didn't want it to affect her. She focused on her daughter instead and finally, she was able to sleep.
—
Antoinette's birthday was held at one of Sam's café. Pinasara nila iyon inayos na lang para bumagay sa mini safari theme na inayos nila. Nahilig kasi si Antoinette sa zoo animals simula noong napanood nito ang series tungkol sa wild animals.
Her daughter was into giraffes and zebra.
Simpleng tutu skirt and printed white shirt with zebra stripes lang ang damit ng anak niya at pinares ang sapatos na nabili niya.
Ginawa nilang tanghali ang birthday party dahil iyon ang most active time ni Antoinette. Kaunti lang din ang imbitado dahil wala naman siyang friends. Umuwi si Sayaka na ikinatuwa niya dahil surprise iyon!
Hindi invited ang parents nila. Ayaw niya.
Sina Sayaka, Sam, Belle, boyfriend ni Belle, at ilang kasambahay sa dati nilang bahay ang imbitado. Nagpunta rin ang mga kaibigan ni Sam na ka-close na rin naman ni Ara tulad ni Miles kasama ang asawa nito, si Brett na mayroong regalong stuffed toy na zebra dahil wala namang girlfriend, at si Reid kasama ang mag-ina nito.
"Akala ko hindi ikaw pupunta, eh," Ara pouted and hugged Reid—her Kuya's bestfriend whom she also grew up knowing.
"Ikaw pa ba? Ang lakas mo kaya sa 'kin!" Reid chuckled and called his girlfriend.
"Happy birthday kay Antoinette!" Frankien smiled widely.
Nang unang beses na makilala ni Ara si Frankien, naramdaman niya ang pagiging sunshine nito. Nagulat pa siyang bestfriend pala nito si Harley na minsan niyang pinagselosan dahil hindi halata.
Isa-isang nilapitan ni Ara ang mga bisita at sinabing kumuha lang ng pagkain. Ilang beses na rin siyang nag-check ng phone niya habang naghihintay sa message ni Kanoa kung papunta na ba ito. Alam naman nito ang lugar dahil nag-send siya ng link ng mapa.
Noong umaga, maagang umalis si Ara dahil gusto muna niyang puntahan si Antheia. Nakiusap na muna siya kay Belle at Sayaka na sandaling tingnan si Antoinette habang wala pa. Hindi siya nagtagal.
Ara just blew a small cake for Antheia, left her a letter with the flowers she bought, a small balloon that could fit the small resting place, and kissed her daughter goodbye.
Nilalaro niya si Antoinette dahil nakasakay ito sa motor na de remote na regalo nina Reid at Frankien. Tawa sila nang tawa dahil babae ang anak niya, pero nakalimutan yata dahil mukhang pang barako pa nga ang regalo.
"Nalimot ata nitong dalawang 'to kung gaano kakikay ang nanay ni Andra!" sabi ni Harley na naupo sa tabi ni Belle. "Itong mag-jowang Frankien at Reid minsan wala sa hulog!"
"Hoy, ang angas nga, eh!" singhal naman ni Sam. "Malay mo paglaki ni Antoinette, maging rider. Ang angas kaya!"
Ara smiled widely and agreed. Hindi naman kasi niya balak idamay ang anak niya sa kaartehan niya, pero hindi rin maiwasan na ma-adapt nito kung paano siya.
Mile and his wife gifted Antoinette some clothes. May anak na rin kasi ang dalawa kaya alam na kung ano ang kailangan niya. Hindi ba nila sure kina Reid kung bakit motor nga ang regalo kay nagkakalokohan.
Sabay-sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang mommy ni Kanoa. Hawak nito ang malaking box ng regalo at masayang pumasok sa loob ng café.
Ara immediately stood up and welcomed Kanoa's mom. Niyakap siya nito at binulong na happy giving birthday. Inabot nito ang isang paperbag ng mamahaling brand ng pabango na ikinagulat niya.
"Hala, Tita!" Ara pouted. "Why ako may gift!"
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Siyempre dapat lang! Ikaw ang naghirap manganak, dapat ikaw rin may regalo. Birthday ng apo ko, pero dapat i-celebrate rin natin 'yung paghihirap mo noong araw na 'yon."
Nagulat si Ara dahil hindi niya iyon inasahan. Ito lang din ang natanggap niyang regalo dahil ang lamesa kung saan nakalagay ang mga regalo para kay Antoinette at puno na at puro pangalan ng anak niya.
"Thank you, Tita!" Ara hugged Kanoa's mom.
"You're welcome," Karina smiled.
Ibinaba na muna ni Ara ang paperbag na bigay sa kaniya at ipinakilala sa lahat ang mommy ni Kanoa. Sinamahan na rin muna niya ito sa area kung saan nakalagay ang mga pagkain dahil malaman na kapag naupo na rin ito kung nasaan si Antoinette, hindi na ito tatayo.
"By the way po, where's Kanoa po?" tanong ni Ara.
Tumingin sa kaniya ang mommy nito at nagsalubong ang kilay. "Teka, wala pa ba siya? Hindi pa ba siya nagpupunta rito? Hindi kasi ako galing sa condo niya dahil sa Ate niya ako nag-stay. Akala ko naman nandito na!"
Napaisip si Ara, pero hindi niya ipinahalatang nag-aalala siya sa kung ano na ang nangyari dito. Aware naman kasi si Kanoa sa birthday party ng anak nila at naiisip niyang imposible namang hindi ito magpunta.
Ilang beses nag-check si Ara ng phone. Nagkaroon ng kaunting program para sa anak niya.
Belle hosted the party and Ara was sitting beside Sayaka.
"Na-miss kita." Hinaplos ni Sayaka ang buhok niya. "Are you feeling okay?"
Ara nodded.
"Ang sinungaling naman!" Sayaka murmured. "What's bothering you, really?"
"I don't know where Kanoa is," pag-aamin niya. "Sabi niya, he'll come here naman sa birthday ni Antoinette, but we're almost done na sa party . . . he's not yet here."
Ngumiti si Sayaka. "Baka naman he wants to celebrate your daughter's birthday na kayo lang? Remember, it's his first time. Baka mamaya, pupunta sa condo n'yo?"
Dumiretso ng tingin sa anak nilang nakakandong kay Sam. Naglalaro ang dalawa ng regalo nitong kitchen set na pangbata. It was personalized. Hindi iyon kalakihan at parang puwede pang handcary dahil foldable at may hawakan. Mayroong kalan, mini ref, mga gamit. Gawa pa iyon sa kahoy.
Muling nag-check si Ara ng phone, pero ni isang message galing kay Kanoa, wala. She then texted him again.
10:34 AM
Hi, Kanoa!
Here's the link
<google maps link>
We're on our way na.
See you! 😊
12:12 PM
Hi, Kanoa.
We're here na sa café 😊
01:45 PM
Missed Call
Hello! Punta pa ikaw?
02:19 PM
Missed Call
Missed Call
Hello?
Where are you na?
05:43 PM
Hi! We're going home na, ha?
Antoinette enjoyed! 😊
08:31 PM
We're home.
She's sleeping na. 😊
Read 8:32 PM
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top