Chapter 17
Nilingon ni Ara si Kanoa nang marinig niya ang mahinang pagtawa nito habang nakatingin kay Antoinette na nagmamadaling lumapit sa kanila pagbukas ng pinto. Lumuhod ito para salubungin ang anak nila at mahigpit itong niyakap.
Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa mag-ama. Nakita rin niya kung paanong nakapikit si Kanoa bago isinubsob ang mukha nito sa balikat ni Antoinette. Dahil doon, nagkatinginan sila ng kuya niya na tipid na ngumiti at tumango.
"Hindi na ako nakaluto kasi gusto niyang mag-play, but I ordered," ngumiti si Sam at ibinaba ang bagong init na pasta sa dining table. "Pwede na tayong kumain para makapagpahinga na rin kayo."
Tumayo si Kanoa buhat si Antoinette. Hinalik-halikan nito ang pisngi ng anak nila bago tuluyang pumasok. Tumingin ito sa kuya niya at tinanong kung ayos lang ba talaga na ikinangiti nila ni Sam.
Nagpaalam si Ara sa dalawa at pumasok sa kwarto. Pagsara ng pinto, sumandal siya sa pader at huminga nang malalim.
Buong byahe nila papunta sa condo, tahimik si Kanoa, pero nakahawak ito sa kamay niya. Minsang humihigpit, minsang hihiwalay, pero muling pagsasaklupin kapag mayroong pagkakataon. Bago sila umakyat, nagpalit ng damit si Kanoa dahil ayaw nitong ma-expose ang anak nila.
Nagpalit na rin muna ng damit si Ara nang kumatok ang kuya niya para ayain siyang kumain. Nakaupo na si Kanoa sa dining chair habang nakakandong dito si Antoinette.
"You can use her seat." Tinuro ni Ara ang sariling upuan ni Antoinette.
"Okay na 'to," sagot ni Kanoa nang hindi tumitingin sa kaniya. "Ano'ng kakainin niya? Okay naman sa kaniya 'tong baked mac?"
Tumango si Ara at iniabot na lang kay Kanoa ang bib ni Antoinette para kung sakali mang magdumi ito, mapupunasan kaagad. Tahimik nitong inaasikaso ang anak nila at minsang matatawa sa tuwing nadudumihan ang pisngi dahil sa sauce ng kinakain.
Pasimpleng nagkakatinginan sina Sam at Ara dahil inoobserbahan lang nila si Kanoa. Mukha naman itong masaya, pero pareho nilang alam na hindi iyon totoo.
Kahit nang matapos kumain, si Kanoa na ang umasikaso kay Antoinette. Nagprisinta na rin itong paliguan ang naka nila.
"Belle told me na nagpunta kayo," ani Sam habang naghuhugas ng pinagkainan nila. "Are you okay?"
"Yeah, I am," Ara smiled warmly. "But I know he's not. I already grieved . . . I'm still grieving, but Kanoa . . ."
Nilingon siya ni Sam at tumango. "I know."
Yumuko si Ara at inikot-ikot ang basong hawak niya. Pinanood niya kung paanong gumalaw ang lamang tubig niyon. Walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi si Kanoa at Antoinette dahil paano ang mga ito sa susunod?
Lumabas si Kanoa ng bathroom hawak si Antoinette na nakabalot ng kulay dilaw na bathrobe nito.
"Ako na ang magbibihis sa kaniya. Saan puwede?" tanong ni Kanoa.
Naunang naglakad si Ara at sinabing sumunod ito. Pumasok siya sa kwarto at tinuro ang damit ng anak nilang nasa ibabaw ng kama. Pinanood niya ang dalawa, nagbibiruan pa nga habang binibihisan dahil hagikgik nang hagikgik ang naak nila.
"Matutulog ba siya?" Tumingin si Kanoa sa kaniya.
"Yup. It's almost one in the afternoon and sleep time talaga niya 'yan," ngumiti si Ara. "Magtimpla ako ng milk for her."
"Sige. Ako na muna ang magpapatulog sa kaniya, okay lang ba? Ayos lang bang nandito ako sa kwarto n'yo?" nangungusap ang mga mata ni Kanoa habang nakatingin sa kaniya. "Please?"
Mahinang natawa si Ara at tumango. "Go ahead. I'll be outside lang naman if you need help. Baka mahirapan ka rin sa kaniya especially na she knows you'll just play with her."
Natawa si Kanoa at ipinagpatuloy ang pag-ayos sa dami ni Antoinette. Sinuklay rin nito ang buhok ng anak nila habang parehong nakatapat sa TV para daw matuyo bago ito makatulog. Sa kaartehan ng anak nila, pinasuot pa nito ang bracelet na nasa bedside table.
Ara saw how Kanoa stilled while fixing Antoinette's bracelet. His brows furrowed, too, while caressing every charm.
Nagpaalam na muna si Ara na lalabas ng kwarto para hayaan ang dalawa. Gusto rin muna niyang bigyan ng pagkakataon si Kanoa na ma-solo ang anak nila bago ito umalis. Inaantok na rin siya, pero naisip na matutulog na lang kapag nakaalis na ito.
"Thanks for taking care of Antoinette, Kuya," sabi ni Ara at naupo sa sofa katabi ni Sam. "Sorry, hindi na naman ikaw nakapunta sa café."
"It's nothing. You and Antoinette are more important, and I have employees to work," he chuckled. "Nakatulog ka ba kagabi?"
Ara shook her head. "Not really. I couldn't sleep. I tried . . . we tried, but after talking about Antheia, both couldn't I even thought he left last night. If he did, I would understand, but he came back. It was all my fau—"
"Ayan ka na naman. You've been blaming yourself since," Sam sounded disappointed. "It's not always your fault, Barbara. People around you . . . lahat kami mayroon din namang kasalanan sa kung bakit ganito ang nangyari."
"It's all me!" Ara exclaimed.
Sam shook his head, but didn't say anything. Alam niyang hindi na naman siya iintindihin at pakikinggan ni Ara dahil masyado itong focused sa sariling pagkakamali na hindi na iniisip na halos lahat silang nakapaligid rito ay mayroong pagkukulang.
Growing up, Sam always protected Barbara over Belle and Belle knew about it. Both, including Sayaka, protected Barbara because she grew up being too nice, and understanding, and would always see the good even if everything looked bad.
Sinamahan ni Ara si Sam na manood ng TV series ngunit napansin niyang mahigit isang oras na, hindi pa rin lumalabas si Kanoa. Nagpaalam siya sa kuya niya na titingnan lang muna ang mag-ama dahil malamang, nakikipaglaro na naman si Antoinette.
Kailangan na ring magpahinga ni Kanoa dahil magdamag din itong gising dahil sa kaniya. Pagpasok niya, ikinagulat niyang tulog ang mag-ama.
Nakadapa si Kanoa habang nakatagilid naman Antoinette. Magkaharap ang mag-ama niya at naiwan pang nakabukas ang TV.
Bumagsak ang luha ni Ara at hindi na niya iyon napigilan. Pinatay na rin niya ang TV kaya dumilim ang buong kwarto at mayroong kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana. Malamig ang kwarto at mukhang kumportable naman ang dalawa.
Inayos ni Ara ang kumot sa mag-ama. Walang gumalaw at mukhang mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog. Wala na rin naman siyang balak gisingin si Kanoa.
Nilapitan niya si Antoinette at hinalikan ang pisngi nito bago hinarangan ng unan sa gilid para hindi mahulog sa kama. Lumapit siya kay Kanoa para ayusin din ang kumot dito at sandaling tinitigan ang mukha ng dating kasintahan.
Nothing changed.
Noong magkasama pa sila at tuwing nakatambay sa condo ng isa't-isa, gustong-gusto ni Ara na titigan si Kanoa kapag mahimbing itong natutulog dahil maamo ang mukha, malayo sa nakasanayan niyang palaging nakasimangot.
Ara lightly brushed Kanoa's hair using her fingertips and leaned to kiss the side of his head. "I love you," she whispered. "So much."
———
Naalimpungatan si Kanoa at biglang napabangon. Madilim ang buong kwarto, malamig, at hindi iyon sa kaniya. Naaamoy niya ang pamilyar na pabango ng mag-ina niya, nakita niya sa bedside table ang LED clock at nagulat kung anong oras na.
It was four in the morning, and he was in Ara's room.
Naupo siya sa gilid ng kama at iniisip kung anong oras siya nakatulog. Diretso ang tulog niya at walang gisingina na hindi niya namalayang wala siya sa sarili niyang kwarto. Naramdaman niya ang sakit ng katawan niya ganoon din ang sakit ng ulo niya.
Wala siyang katabi sa kama at hindi niya alam kung nasaan ang mag-ina niya.
Lumabas siya ng kwarto. Nagkatinginan sila ni Sam na nasa living area, nakahiga, at nanonood ng TV. Bumangon ito at tumango.
"Good morning," mahinang natawa ang kuya ni Ara dumiretso sa kusina.
"S-Sila Ara?" tanong ni Kanoa.
"Nasa room ko sila. Mamaya pa sila magigising kasi late na ring nakatulog. Nanood pa kasi silang dalawa ng cartoons. Medyo matagal din kasi bago nakatulog si Antoinette," sabi nito.
Yumuko si Kanoa at umiling. Humingi siya ng pasensya kay Sam dahil hindi niya inasahang makakatulog siya. Ni hindi siya nagising at hindi siya ginising ni Ara. Nakaramdam siya ng hiya, pero tinawanan lang siya ni Sam.
Nag-angat tingin siya nang maamoy ang kape.
Nasa harap ng espresso machine si Sam at seryoso sa ginagawa. "Ano'ng timpla ng kape ang gusto mo?"
"Aalis na ako," ani Kanoa.
"Kape ka muna," sagot ni Sam at nagpatuloy sa ginagawa.
Hindi alam ni Kanoa kung ano ang magiging approahc sa kuya ni Ara dahil vocal nga ito sa pagkadisgusto sa kaniya. Naiilang siya dahil ang pag-uusap nila sa ospital, iyon na ang pinakamahabang conversation nila.
Inabot ni Sam kay Kanoa ang kapehan. "Sa balcony tayo."
Sumunod si Kanoa. Mula sa balcony, kitang madilim pa, pero maliwanag dahil napaliligiran sila ng mga building. Wala pa rin namang masyadong traffic sa ibaba dahil maaga pa. Madilim pa rin ang kalangitan at mayroong mga bituin at buwan.
"Naalala ko, ala una noong pumasok kami ni Antoinette sa kwarto," ani Kanoa habang nakatingin sa kawalan. "Alas kwatro na."
Natawa si Sam. "Yup. Tinanong nga ni Ara kung okay ka lang daw ba kasi almost eleven na, tulog ka pa rin. Nag-alala siya na baka raw hindi ka okay. Eh pagtingin ko, humihinga ka pa naman."
Pareho silang natawa sa huling sinabi nito.
Nakita ni Kanoa ang painting na nasa living area at mayroong pirma ni Ara sa ibabang bahagi. Simple lang iyon, pero maaliwalas sa mata. It was a sky in pastel.
"Ara painted that when she was thirteen," sabi ni Sam. "Tinago ko talaga 'yan. Kahit saan ako lumipat, bitbit ko. Bata pa lang talaga kami, kita na 'yung artistic side ni Ara kaya sa allowances ko noon, binibilhan ko siya ng gamit. Ayaw kasi siya bilhan ng parents namin."
"Bakit?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa.
Natawa si Sam. "Nakita mo naman ang daddy namin. Mataas ang expectations niya sa lahat ng bagay. Achiever kasi siya kaya gusto niya pati kami, achiever. Kaya ayon. Nag-law ako dahil gusto niya. Si Belle naman, pinag-med niya. Buti na lang din, gusto rin talagang mag-medicine ni Belle."
"Eh si Ara? Buti pinayagan siya mag-art major?"
Umiling si Sam at muli itong natawa, pero mababa ang boses. "Inilaban ko 'yon. Gusto ng daddy namin na mag-med siya tulad ni Belle. Ready naman siyang kumuha ng pre-med. Ang alam ko, BS Biology dapat ang kukunin niyang pre-med, pero inilaban ko 'yon."
Curious si Kanoa dahil isang beses pa lang niyang nakita ang ama ng mga ito, naramdaman kaagad niyang hindi ito nagpapatalo.
"Ara didn't know about this and wala akong planong sabihin na nasa law school na ako that time. Sinabi niya sa 'kin na gusto sana niyang mag-art major, multimedia . . . pero mukhang hindi puwede. I know Ara wanted to, but she also wanted our dad's approval. Ang mommy naman kasi namin, walang say 'yon. Oo lang nang oo sa daddy namin.
"Ayokong magaya si Ara sa 'kin. I always wanted to be a chef, but I wasn't allowed to. I have to be a lawyer . . . kaya sinabi ko sa daddy namin na hayaan si Ara sa gusto niyang major. If not, I'll drop out."
Nagulat si Kanoa dahil hindi niya iyon inasahan. Nakangiti si Sam na nakatingin sa kawalan habang sinasabi iyon.
"I made a deal with my dad to let Ara do her thing . . . or else he won't have a lawyer son," Sam chuckled. "He said yes. He needed me to be a lawyer so he can brag about having a son who took after him. Anyway . . ." he paused. "Let's move on."
Sa nabanggit ni Sam, naisip ni Kanoa na mahal na mahal nga nito ang kapatid kaya hindi niya masisi ang galit sa kaniya.
"Nabanggit ni Ara na nagpunta raw kayo kay Antheia. Ayos lang ba sa 'yong pag-usapan?" tanong ni Sam. "Kung hindi, maiintindihan ko. Sinabi rin ni Ara sa 'kin na posibleng hindi mo na gustong pag-usapan ang tungkol sa kaniya."
"Ayos lang. Kung tutuusin, marami akong tanong, pero hindi ko magawang itanong kay Ara kasi alam ko naman na . . . nasasaktan din siya. Parang ayoko nang ungkatin. Parang ayoko na ulit sugatan si Ara kaya hindi ko magawang magtanong sa kanya," yumuko si Kanoa. "Pero ang daming tanong."
Ngumiti si Sam at nilingon si Kanoa. "Kung puwede lang din sana na hindi ko banggitin kay Ara, gagawin ko, pero kung may tanong ka . . . ako na lang ang sasagot. Kung ayaw mong itanong sa kaniya, baka masagot ko kasi simula nang malaman naming buntis siya, ako ang kasama niya."
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila. Sumimsim si Kanoa mula sa kapeng binigay ni Sam at nag-isip. Gusto niyang malaman lahat ng nangyari kay Ara, pero natatakot din siya dahil hindi niya alam kung ano magiging reaksyon o mararamdaman niya.
"N-Nahirapan ba siya sa pagbubuntis niya?"
"Sobra," mabilis na sagot ni Sam. "Pagod sa school, stressed, depressed, morning sickness, physically nahirapan talaga siya . . . 'tapos sinaktan mo pa. Naghalo lahat noon kay Barbara kaya hindi mo rin masisising galit ako sa 'yo. Wala akong alam kung sino ang lalaki sa buhay ng kapatid ko, pero nagalit ako.
"Nagalit ako kasi bakit mag-isa 'tong kapatid ko? Ano'ng ginawa nung lalaking 'yon para magdesisyon 'tong kapatid kong akuin mag-isa? Ano'ng ginawa nung lalaking 'yon para umiyak gabi-gabi ang kapatid ko?"
Mas lalong natahimik si Kanoa at hindi alam kung saan titingin.
"A-Ano'ng ginawa nung lalaking 'yon bakit nagpagupit si Ara? Maikli, malayo sa nakasanayan naming lahat? Ano'ng ginawa nung lalaking 'yon bakit sa unang pagkakataon, hindi namin marinig tumawa si Barbara? Ano'ng ginawa nung lalaking 'yon bakit . . . bakit halos biglaan ang pagbabago ni Barbara? Ang daming tanong, Kanoa. Sobra," pagpapatuloy ni Sam. "Walang sagot kasi kahit si Ara, walang sinabi. Ni hindi ko magawang magtanong kasi hindi ko alam kung paano."
Yumuko si Kanoa at nakatitig sa kapehang hawak niya.
"During pregnancy, maayos naman. Medyo nagkakaproblema dahil nga kambal, nahirapan siya. Noong nag-congenital anomally ultrasound siya, nakita na roon na maliit si Antheia kaya mas alalay kami. Hanggang sa nanganak siya . . . new challenge unlocked. I took care of Antoinette because Ara was focused with Antheia. Sinamahan siya nina Belle and Sayaka sa Singapore kasi nakahanap sila ng pediatric doctor na specialized ang heart," salaysay ni Sam. "Ara fought . . ."
Sinalubong ni Kanoa ang tingin ni Sam, pero nanatili siyang tahimik.
"But while fighting, she lost Antheia in Singapore," Sam sniffed. "It was one of the darkest moments of our lives, Kanoa. Pagkakita pa lang sa 'kin ni Ara sa airport, umiyak na siya. Everyone in the arrival area was looking at us. Ara was crying like a lost child. Then we had to fix the funeral and it only took two days. Ara fixed everything. Siya ang nag-ayos sa lahat ng kailangan. Siya ang naghanap ng lugar, ng urn, ng bulaklak . . . lahat."
"Bakit hinayaan n'yo siya?" mababa ang boses ni Kanoa.
Umiling si Sam. "Kasi wala kaming magawa. Ayaw niya kaming pagalawin sa kahit na ano. We volunteered, she said no. We felt and saw that Ara's grieving, kaya hindi na namin siya pinilit. Again, dito siya nakatira sa condo."
"You can't blame me why I hated you so much," Sam shook his head. "After Antheia, it was so hard to communicate with Barbara. Minsan nagigising ako sa madaling araw kasi iyak nang iyak si Antoinette."
Nagulat si Kanoa sa sinabi ni Sam.
"Pagpasok ko sa kwarto, nakahiga lang si Ara habang nakatingin kay Antoinette na umiiyak. Pipikit siya na parang walang nangyari hanggang sa tatalikuran na niya," humikbi si Sam dahil hindi na niya mapigilan. Tumingin siya kay Kanoa na salubong ang kilay at naghihintay sa sasabihin pa niya. "Barbara neglected Antoinette for seven months. Sa seven months, ako ang nag-alaga kay Antoinette."
Huminga nang malalim si Kanoa at dumiretso ng upo.
"Postpartum depression, grieving, mood swings . . . nagsabay-sabay lahat 'yan kay Barbara. Kung nandito ka, parang hindi siya 'yung Ara na kilala mo dahil ang lungkot. She's laughing, but it was empty. Ni hindi niya dinadapuan ng tingin si Antoinette." Inilabas ni Sam ang phone at ipinakita kay Kanoa ang picture. "She lost a lot of weight. As in."
Kanoa's brows furrowed while staring at the photo in front of him. Ang payat ni Ara . . . sobra.
"Dinala namin siya sa psych and it took months of therapy before she was able to face Antoinette again. She repeatedly apologized to your daughter. Takot siyang hindi siya mabuting mommy. She blamed herself for Antheia's death kasi she was not good enough. Pero nag-seek siya ng help. Alam mo kung bakit siya umiyak?"
Nanatiling tahimik si Kanoa dahil hindi na niya alam kung ano ang sasabihin.
"Nagulat siyang naglalakad na pala si Antoinette," ngumiti si Sam. "Ara cried realizing she missed a lot of Antoinette's milestones. She cried when she realized Antoinette's first word was my name. Magkasama sila sa iisang bahay, pero hindi niya nakita si Antoinette. Now, we're still encouraging her to continue with her therapy. Medyo matigas ang ulo, pero malaki na ang pagbabago."
Ibinalik ni Kanoa ang phone ni Sam at muling sumimsim ng kape. "Naiintindhan ko ang galit n'yo at ang dahilan kung bakit mas pinili na lang na itago ni Ara lahat. Buti rin bumalik na siya sa hobby niya noon. Kahit paano . . . nalilibang siya."
"Yup. Malaking bagay na bumalik si Ara sa photography and naging favorite subject niya si Antoinette," Sam smiled. "It's late but my condolences."
Tipid na ngumiti si Kanoa. "Pasensya na sa lahat ng nangyari. Hindi ko na maibalik. 'Tangina, kung puwede lang bumalik hindi sana ganito. Mga panahong 'yan, akala ko okay lang si Ara. Akala ko masaya na siya, nakausad na siya . . . pero putangina."
"Bawal magmura dito. Minsang narinig ni Antoinette si Belle na nagmura, ginaya niya," natawa si Sam. "Sa nangyari sa inyo ni Ara, walang healing . . . sa totoo lang, pareho kayong sugat at pareho nang mayroong kulang sa inyo."
Nag-iwas tingin si Kanoa at tumingala. Nag-iiba na ang kulay ng kalangitan.
"Antheia's like a deep hole in your heart and nothing can fill it up. May dumating mang bago, maisipan n'yo mang magkabalikan, makausad mang kayo . . . the hole is there. That's the reality," pagpapatuloy ni Sam. "And Ara already accepted that she will never ever be complete again."
Hindi na hinintay ni Kanoa na magising sina Ara at Antoinette. Nagpaalam na rin siya kay Sam na uuwi muna, pero hindi . . . inubos niya ang oras na magpaikot-ikot kung saan siya mapunta. Sa kanan, diretso, kakaliwa, didiretso . . . paulit-ulit hanggang sa matagpuan niya ang sariling bumalik sa kung saan nakalagak si Anteia. Nakapamulsa siyang nakaharap sa salamin, nakatitig sa pangalan ng anak niya.
"Ang hirap magpaalam sa 'yo," ngumiti si Kanoa. "Ang hirap pa lang magpaalam sa hindi mo nakilala."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top