Chapter 16

Nakatingin si Ara sa bintana ng kwarto. Madilim at napakatahimik dahil mag-isa lang siya. Ultimong tibok ng puso niya ay naririnig niya. Napakalamig din kaya binalot niya ang sarili ng kumot para kahit paano, makatulog siya nang maayos.

Pagkatapos nilang pag-usapan ni Kanoa ang tungkol kay Antheia, nagpaalam ito sa kaniya. Hindi niya alam kung iniwan na siya, pero hindi niya ito masisisi.

Bago siya mahiga, kinausap niya ang nurse na ayaw sana niyang may papasok para i-check siya. She was okay, just needed some rest. Kinabukasan din naman lalabas na siya. Tinawagan na rin niya si Belle at Sam para sabihin kung ano ang nangyari.

Ara had a short video call with Antoinette, too. Sa kwarto ni Sam ito matutulog tulad ng dati.

Tatlong oras na ang nakalilipas, wala pa rin si Kanoa.

Dahil patagilid siyang nakahiga, bumagsak ang luha niya habang iniisip at inaalala ang namayapang anak. Matagal bago siya nakausad, pero kailangan. Ngayong kinailangan niyang balikan ang lahat, bumalik din ang sakit na pilit niyang nilabanan.

. . . para kay Antoinette.

Ipinikit ni Ara ang mga mata niya para subukan kung makatutulog ba siya, pero bago pa man tuluyang humimbing, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya lumingon at nanatili lang na nakapikit, natatakot kung sino man ang makikita niya dahil si Kanoa ang inaasahan niya.

Ara pretended to sleep when she felt someone brush her hair and kissed the side of her forehead. The person was too close, she was able to smell him and immediately knew it was Kanoa.

Again, she didn't bother moving and just pretended.

Naramdaman niyang umangat ang kumot sa paanan niya. Sumunod na naramdaman niya ang paglagay nito ng medyas sa kaniya dahilan para makiliti siya at mapabangon.

"What are you doing?" tanong ni Ara. Binuksan niya ang bedside lamp.

"Medyo malamig 'tong talampakan mo. Suotan ko lang ng medyas," sabi ni Kanoa at ipinagatuloy ang ginagawa. Ni hindi ito tumingin sa kaniya.

Pinanood niya si Kanoa sa ginagawa nito at nang matapos, naupo ito sa sofa at tumingin sa kaniya. Salubong pa rin ang kilay at seryoso ang mga mata nito . . . tulad noong mga panahong kakikilala lang nila. Malayo sa Kanoa na nakasanayan niya.

"Matulog ka na ulit," sabi ni Kanoa. "Kelan ka lalabas dito?"

"Tomorrow. I already called Belle and Kuya Sam that I'll discharge tomorrow. I'm okay na," sagot niya. "Thanks for staying."

Kanoa gave her a nod and looked down.

Nahiga si Ara at nakatagilid na nakatingin kay Kanoa. "I thought you left."

"Nagpahangin lang ako sa rooftop," nag-angat ng tingin si Kanoa. "Wala ka bang iinuming gamot? Almost midnight na rin. May gusto ka bang kanin?"

Umiling si Ara. Ginawa niyang unan ang sarili niyang braso habang nakatagilid. Hindi naman siya inaalisan ng tingin ni Kanoa bago ito sumandal sa sofa at inihiga ang ulo sa backrest.

"Kanoa?"

"Hmm?"

"The bed is malaki naman for us. You can sleep here. There's a safe spac—"

"Okay lang ako rito," mababa ang boses ni Kanoa. "Matulog ka na. Kung lalabas ka na bukas, bibili na rin muna ako ng breakfast. May nakita akong malapit na restaurant dito sa ospital. Nag-search ako, pancakes ang binebenta niia," mahina itong natawa.

Ngumiti si Ara dahil naalala niya na noong panahong magkasama sila, minsan silang kumakain sa labas para sa pancakes, pero mas madalas silang nagluluto sa condo ni Kanoa. She even got the recipe from Sam.

Namayani ulit ang katahimikan sa buong kwarto nang tumayo si Kanoa. Sinundan ito ni Ara ng tingin at akala niya, lalabas ulit ng kwarto hanggang sa maramdaman niya ang paglubog ng kama sa likuran niya.

"Sigurado kang okay lang na nandito ako?" tanong ni Kanoa.

Tumango si Ara nang hindi nililingon si Kanoa. Basta na lang lumbog ang kama at pinakiramdaman kung ano ang gagawin nito hanggang sa magdikit ang likuran nila.

Pinatay niya ang ilaw sa bedside table. Dumilim ang buong kwarto. Napakalamig din kahit na magkatabi sila sa kama at nasa ilalim ng iisang kumot. Magkatabi, pero magkatalikuran. Ramdam nila ang init ng katawan ng isa't-isa dahil magkadikit sila, pero hindi magawang humarap.

Ara tried to breathe normally while staring at the city lights in front of her. Nag-request siya kay Kanoa na kung puwede ay nakabukas lang ang bintana dahil gusto niyang makita ang pagkislap ng mga ilaw sa mga building na nasa paligid nila.

Samantalang nakatitig naman si Kanoa sa ilaw na sumislip mula sa ilalim ng pinto. Sa dami ng nangyari sa maghapon at sa mga nalaman niya, para siyang naupos na kandila. Ni hindi na niya kayang tanggihan ang pag-offer ni Ara na magtabi sila sa kama dahil para na rin siyang babagsak.

Halos tatlong oras siyang nasa rooftop, nakatingin sa kadiliman, tinatanong kung bakit.

Ang maling desisyon niyang makipaglaro noon ay anak niya ang naging kapalit. Hindi na niya maibabalik ang nakaraan, hindi na maitatama ang kamalian, pero alam ni Kanoa na panghabang buhay niyang bibitinin ang sakit na hindi niya inasahan kailan man.

Ipinikit naman ni Ara ang mga mata niya para subukang makatulog, pero hindi niya magawa. Muli niyang naramdaman ang pagbangon ni Kanoa. Narinig naman niyang bumukas ang comfort room at matagal bago ito muling lumabas.

Muling nahiga sa tabi niya, inayos pa nga ni Kanoa ang kumot hanggang sa bandang leeg niya bago nahiga sa tabi niya.

"Gising ka pa, Ara?"

"Yeah. Why?"

Nanatili silang magkatalikod.

"Kapag maayos ka na, 'pag kaya mong lumabas . . ." Long pause from Kanoa and Ara waited. "Puwede mo ba akong dalhin sa kaniya?"

"S-Sure," Ara's voice quavered. "We can go there tomorrow if you like."

Ara heard how Kanoa inhaled. "Kaya mo na ba? Kung oo, please."

"We can go there after here sa hospital," sagot ni Ara. "Not sure, pero si Belle ang pupunta here to bring my clothes and to pay the bills. Kuya Sam didn't want Antoinette to be exposed here sa hospital."

"Hmm . . ." Tipid na sagot ni Kanoa.

Hindi na muling nagsalita si Ara. Nakagat niya ang ibabang labi habang iniisip kung paano niya ihaharap si Antheia kay Kanoa kinabukasan.

"Nga pala . . ." Basag ni Kanoa sa katahimikan. "Nilibing n'yo ba siya? Cremation? Ano'ng ginawa n'yo?"

"Cremated and she's . . . in a columbarium."

Again, it was quiet and cold. Hindi na rin sumagot si Kanoa sa huling sinabi ni Ara. Ramdam nilang gising ang isa't-isa, pero minabuting hindi mag-usap. Ramdam nila ang bawat paghinga mula sa likuran, ang init ng mga katawan nila, at rinig nila ang malalim na buntonghininga paminsan-minsan.





———





Belle was braiding Ara's hair while talking about how Kanoa reacted, and she didn't even know how to describe it. He was asking, he was talking to her, but a little distant.

"I'll go straight to my condo na rin after this, ha? Are you sure na you're okay with Kanoa na? Pupunta ba talaga kayo sa columbarium?" tanong ni Belle na nakapuwesto sa likura ni Ara at sinusuklay pa ang natitirang buhok. "Are you ready to go there ba?"

Nakatingin si Ara sa reflection nila ni Belle sa TV na nasa harapan nila.

"Kuya Sam asked Dad na kung puwede, 'wag na munang magpunta rito. He was asking your room, Mom also . . . but Kuya Sam insisted na bigyan ka muna ng space," ani Belle. "I'm sorry that Kanoa had to know about Antheia this way."

"I feel sorry, too," sabi ni Ara sa mababang boses. "I was awake the entire night thinking about it. Belle?"

"Hmm?"

Ara sniffed. "I . . . I d-don't wanna see dad muna. I don't know until when, but I really, really, really hate him now."

Belle's eyes widened in shock, but she didn't say a word. For Ara to say that she hated someone was something. Alam niyang hindi marunong magalit ang kakambal niya. Tiniis nito ang treatment ng daddy nila noon, pero mabigat ang nangyari ngayon.

Nagpasalamat sina Ara at Kanoa kay Belle at sa kasintahan nito bago tuluyang nagpaalam. Binalot ng katahimikan ang sasakyan. Minsang nagme-message si Ara kay Sam para kamustahin ang anak nila. Nagse-send ito ng pictures at ipinakikita niya iyon kay Kanoa.

Kanoa would smile but won't say anything.

Tinuro na lang din ni Ara ang daan papunta sa columbarium at nang makarating sila roon, matagal silang nag-stay sa sasakyan. Nasa tapat lang sila ng building, sa parking lot, at parehong hindi alam kung lalabas ba sila o ano.

Nilingon ni Ara si Kanoa. "Tutuloy ba tayo?"

Nakagat ni Kanoa ang ibabang labi bago tumingin sa kaniya. "Nandito na tayo, tara na," sabi nito at naunang bumaba.

Ilang beses huminga nang malalim si Ara, pilit na pinalalakas ang loob niya. Hindi na rin sila nakadaan ng bulaklak para sa anak nila.

Mula sa loob, nakatingin si Ara kay Kanoa na nakasandal sa gilid ng sasakyan habang hininhintay siya. It was just ten in the morning; the days was still long. She still had to face the entire day thinking about what could happen next.

Sabay silang naglakad papasok at mabagal ang paglakad. Nakasunod lang si Kanoa sa kaniya, kung saan sila pupunta hanggang sa huminto sila sa lugar na maraming salamin.

May parte sa puso at isip ni Kanoa na gustong lumabas sa gusali at tumakbo palabas. Hindi niya alam kung handa ba siyang makita ang pangalan ng anak niya na naka-engrave sa kung saan man.

Nakatingin si Kanoa kay Ara nang huminto ito at humarap sa salamin na mayroong maliit na lalagyan ng abo. Napakaliit at mukhang kakasya pa nga sa kamay niya kung sakali mang hawakan niya iyon.

Antheia Rae Marzan.

Naka-engrave sa urn nito ang buong pangalan ng anak niya, birthday, at pati ang araw kung kailan ito pumanaw.

Sa tabi ng urn, mayroong picture frame na mayroong dalawang picture. Ang isa ay nakapikit, pero nakangiti . . . ang isa naman ay nakadilat habang nakatingin sa camera.

Walang pinagkaiba ang itsura nito sa baby picture ni Antoinette na ilang beses na niyang nakita. Nag-print pa nga siya at inilagay iyon sa kwarto niya. Naka-compile pa sa computer niya ang ilang pictures ni Antoinette na ipinasa sa kaniya ni Ara.

. . . pero may kakaiba.

Oo, magkamukha sina Antheia at Antoinette, pero napansin niya ang pagkakaiba ng dalawa. Hindi niya ma-explain kung saang parte . . . pero alam niya sa sarili niyang makikilala niya o alam niya kung sino si Antoinette, sino si Antheia.

"I searched for this place kasi every columbarium I saw won't have the see-through glass. I don't want that," sabi ni Ara na inilabas ang tissue at alcohol mula sa bag. Pinunasan nito ang salamin sa labas bago maingat na binuksan. "I want to have access pa rin naman kahit na she's gone."

Nakapamulsa si Kanoa na pinanonood ang ginagawa ni Ara.

"Her urn was made of porcelain. It was hard and painful to look for a small one. I had her name engraved, that was it," dagdag ni Ara nang hindi tumitingin kay Kanoa.

Nang tuluyang mabuksan ang salamin, nakita ni Kanoa ang tuyong maliliit na bulaklak. Mayroong ding maliit na librong may pangalan ni Antheia, maliit na bote ng pabango, at bracelet.

Lumapit si Kanoa at hinaplos ang bracelet na nakalagay sa bukana ng urn. Kapareho iyon ng bracelet na suot palagi ni Antoinette. Same bracelet, same charms.

Nilingon niya si Ara na nakatingin sa bracelet tulad niya. Bumagsak ang luha nito at suminghot, pero ngumiti.

"Nobody knows that I come here every time I can," Ara sniffed. "I buy charms for Antoinette's bracelet, but I also get one for Antheia. Kung ano ang meron kay Antoinette, meron din si Antheia."

Mula sa loob, kinuha ni Ara ang maliit na sapatos. "I got their first designer shoes, too! This is a Christian Louboutin for toddlers and it's so cute. Antoinette will wear hers sa second birthday niya soon."

Ibinalik ni Kanoa ang bracelet mula sa dati nitong lalagyan.

"Pwede pa rin ba akong magtanong?" Patagilid siyang tiningnan ni Kanoa. "Medyo marami akong tanong, pero isa lang ang gusto kong marinig ang sagot."

"G-Go ahead," Ara stuttered.

"Tinago mo ba ang pagbubuntis mo dahil galit ka sa 'kin? Sa nangyari, sa dare, sa sex video," tumigil si Kanoa at huminga nang malalim. "Dahil ba roon lahat?"

Mabagal na tumango si Ara. "Yeah, it was all part of . . . the reason . . . why I hid the pregnancy. But the main reason was I thought you won't accept it. That you'll ask me to . . . abort and I don't wanna hate you even more," pag-aamin niya.

"Bakit mo naisip na gagawin ko 'yan?" Mas lumalim ang guhit sa gitna ng kilay ni Kanoa.

"Kasi I was just part of your game and pregnancy wasn't part of it. It was wrong that we didn't even think of using protection at that time. Naisip ko rin kasi na we're genuine and come what may . . . until everything came out," Ara breathed. "I was so scared that you'll just leave me alone, you'll hurt me more, you'll . . ."

Yumuko si Kanoa. "Ilang beses kong sinabi sa 'yo na mahal kita, pero alam ko rin naman kasi na sa tindi ng mga nangyari, mahirap paniwalaan 'yon . . . pero sana binigyan mo ako ng pagkakataon."

Sinalubong ni Ara ang tingin ni Kanoa. Kinagat nito ang ibabang labi, tumingala, nakapameywang, bago muling tumingin sa kaniya.

"Maraming sana, pero pinangunahan mo, Ara, eh."

"After everything, you can't blame me," sagot ni Ara. "I'm sorry that I kept this, but I'm not sorry I protected myself from all the possible pain you could inflict. You broke me and since then, I couldn't find the old me. I lost me . . . ever since I loved you."

Kanoa brushed his hair using his fingertips and didn't say a word. She understood that her reason had nothing to do with their daughters, but it was the truth.

"I'll leave you muna with her," ibinalik ni Ara ang pagkakaayos ng sapatos. "I'll just bring her some new flowers next time. I always get her baby's breath. That's the only flower I buy for her."

Bago pa man makapagsalita si Kanoa, iniwan na siya ni Ara. Sinundan niya ito ng tingin at naupo ito sa bench na nasa gitna ng floor kung nasaan sila. Kumukuyakoy ang maliliit na paa nito gamit na rin ang bagong sapatos na binili kahapon. Suot ni Ara ang simpleng leggings na itim at hoodie na kulay puti.

Ibinalik ni Kanao ang tingin sa pangalan ng anak niya. Hindi pa rin niya maproseso ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung paano magre-react at hindi niya alam kung paano tatanggaping pangalan ng anak niya ang naka-engrave sa urn na nasa harapan niya.

Ara gazed at Kanoa who was still in front of Antheia's resting place. Even Sam and Belle had no idea she often visited her late daughter especially when she wasn't feeling okay. Something about the place calms her.

It took her long to move forward from Antheia, but she had to.

Again, she didn't know what would happen after this . . . lalo nang ipatong ni Kanoa ang noo nito sa salaming pumapagitan kay Antheia. Nakahawa kang kamay nito sa salamin na unti-unting kumukuyom.

Nag-iwas tingin si Ara nang maramdaman niya ang pagbasak ng luha niya dahil sa nakikita. Nasaktan siya . . . dahil ganoon ang sitwasyon niya noong isara ang salaming iyon para i-secure na si Antheia.

Nakatingin siya sa kung saan, pero naramdaman niya ang paghikbi. Tahimik ang buong lugar, kaya malamang na mayroong ibang nakarinig sa kaniya. Hindi na niya magawang tingnan si Kanoa at ikinagulat niya nang basta na lang itong lumuhod sa harapan niya.

Humawak si Kanoa sa dalawang kamay niya bago isinubsob ang mukha sa tuhod niya dahilan para ang mahinang pag-iyak ay maging hagulhol.

"I'm sorry," Ara murmured and kissed the back of Kanoa's head. "I'm really sorry."

Kanoa didn't respond. Instead, he encircled his arms around her waist, burying his face onto her stomach. Ara shut her eyes and brushed Kanoa's hear using her palm. She didn't know if he was crying, but he was too quiet. No movements, too, just hugging her tightly.

"Gusto ko nang umuwi muna, Ara," bulong ni Kanoa bago humiwalay sa kaniya. "Ihahatid na kita sa condo n'yo. Andon ba si Antoinette? Gusto ko muna siyang makita bago ako umuwi."

Tumango si Ara. "Yup. Let me see Theia before we leave."

Muli niyang binuksan ang salamin ayusin kung ano ang ginulo niya kanina, pero laking gulat niya nang makitang mayroong nakapalibot sa urn ni Antheia. Nilingon niya si Kanoa na nakaupo sa bench at nakapatong ang magkabilang siko sa tuhod habang nakayuko.

It was Kanoa's necklace. No pendant, just his plain stainless-steel necklace.

Matagal na niyang nakikita iyon kay Kanoa. Hindi pa sila, nakikita na niya iyon kaya pamilyar sa kaniya. Minsan pa niyang nakita na nilalaro iyon ni Antoinette noong buhat ito ni Kanoa.

"Let's go?" pag-aya ni Ara kay Kanoa. "Kuya Sam messaged na diretso na tayo sa condo and he prepared lunch for us, okay lang ba sa 'yo?"

"Oo naman," sagot ni Kanoa. "Daan na lang tayo ng dessert?"

Tumango si Ara at sumabay sa paglakad kay Kanoa. Ikinagulat niya nang hawakan nito ang kamay niya at pinagsaklop iyon habang naglalakad sila. Hindi na siya nag-react at hinayaan na lang din ang sarili niyang humigpit ang hawak kay Kanoa.

It had been a long since they held each other's hand like this while walking . . . and she missed him.

Aayusin sana ni Ara ang kamay niya nang higpitan ni Kanoa ang pagkakahawak sa kaniya sabay patagilid siyang nilingon.

"Please, 'wag ka munang bibitaw. Kahit ngayon lang."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys