Chapter 12

Mula sa sasakyan, nakita kaagad ni Ara si Kanoa. Nakaupo ito sa may glass walls kaya madali niya itong nakita. Nakayuko ito at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod habang magkasaklop ang mga kamay.

Ara gazed at Antoinette who was playing with her pacifier making her heart pound and she felt her eyes watered.

"Are you okay?" Belle asked Ara when she heard a sniff. "It's gonna be okay, Barbara. Don't worry. I'm here. You already talked to Kuya Sam naman na and I know he understood."

"I'm okay," Ara forced a smile and wiped her tears. "I was just . . . I don't know. Seeing Antoinette and Kanoa together again, I don't know what to feel."

Belle parked the car in front of the café, looked at Ara, and smile. "Just feel whatever you wanna feel. 'Wag mong pipigilan kung ano 'yan. If you're nervous, then be nervous. If you're scared, be scared. If you know that you're still in love with him then love him. It's all you and don't mind Kuya Sam this time."

Hindi muna bumaba ng sasakyan sina Ara at Belle. Hinayaan na rin muna ni Belle ang kakambal niyang tahimik na nakasandal sa back seat ng kotse niya habang nakatingin sa bintana.

It was the first time Ara fought with her Kuya Samuel and it pained her. Sinabi niya kay Sam na wala itong karapatang magdesisyon para sa kanila ni Antoinette. Na siya lang ang may karapatang magdesisyon para sa anak niya at kung papapasukin niya ulit si Kanoa sa buhay nila, wala itong magagawa.

Nang sabihin niya iyon, hindi nagsalita ang kuya niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. It was too late for Ara to realize what she said, and she saw the pain in Samuel's eyes. If she could just take it back, she would.

Hindi makalimutan ni Ara kung paanong tumalikod ang kuya niya, pumasok sa kwarto, at basta na lang silang iniwan sa sala. Ngunit kinabukasan, naghanda ito ng almusal para sa kanila na parang walang nangyari.

Ara wanted her Kuya to say something—to be angry—but Sam didn't. Instead, Sam smiled at her and apologized.

"Let's go?" pag-aya ni Belle. "I'm starving. I messaged Kuya Sam to cook some waffles for us. Grabe, nagugutom na 'ko."

Natawa si Ara. Naunang lumabas si Belle ng sasakyan at ito na rin ang kumuha ng bag mula sa kaniya para si Antoinette na lang ang bubuhatin niya. May kabigatan na ito dahil lumalaki na rin at naglilikot kaya nahihirapan siyang lumabas nitong mga nakaraan.

"Ready?" Muling tanong ni Belle at tango lang ang naging sagot ni Ara.

Sumalubong sa kanila si Sam. Pinagbuksan sila ng pinto at tinuro nito kung nasaan si Kanoa na kaagad tumayo nang makita sila. Mukhang nag-aalangang lumapit. Tumingin pa nga ito sa kuya nila bago muling ibinaling ang tingin sa anak nilang nagpupumulit sumama sa kuya niya.

Hindi kinuha ni Sam si Antoinette kay Ara kahit na gusto niya. Hinalikan lang niya ang pamangkin sa tuktok ng ulo bago iniwan ang mga ito at pumasok ulit sa kusina ng café. Naabutan niya si Harley na hinahalo ang waffle na iluluto nila para sa mga kapatid niya.

"Andiyan na sila?" tanong ni Harley.

Tumango si Sam bilang sagot at nag-focus sa pagluluto.

"I'll be in the kitchen lang, ha?" Belle smiled at Ara. "Call me lang if you need anything."

Ara warmly smiled at Belle and nodded. She gazed at Kanoa was standing . . . maybe waiting, she didn't know, until she smiled as if it was the signal he was waiting because he immediately walked towards them.

Kinuha ni Kanoa ang bag na hawak niya, pero nakatingin ito kay Antoinette.

"You can carry her," ani Ara na bahagyang lumapit kay Kanoa para ipabuhat ang anak nila. "She's a little fussy and baka she'll cry kasi she doesn't know you yet, but it'll get better. Her favorite biscuit naman is in her bag, you can feed her some."

Maingat na binuhat ni Kanoa ang anak nila at naamoy kaagad niya ang kumapit na pabango ni Ara. Hindi iyon nagbago simula noon at iyon pa rin ang amoy na hinahanap-hanap niya.

Bahagyang nagpumiglas si Antoinette nang tuluyang mabuhat ni Kanoa kaya naman mahina niyang isinayaw ang anak. Imbes na mag-stay sa upuan, naglakad-lakad siya sa café tulad noong unang beses niya itong nakita . . . noong panahong hindi pa niya alam na anak niya ito.

Nilingon niya si Ara na nakaupo lang sa sofa hawak ang phone. Seryoso itong nakayuko at mukhang mayroong kausap.

"Hello, Antoinette."

His daughter giggled and played with her bracelet. It was an accessory designed for toddlers with cute charms like ice cream, bears, and pacifiers.

Ngumiti siya dahil mahilig din si Ara sa charms. Naalala niyang nag-order pa sila online ng charm mula sa ibang bansa dahil gustong ilagay sa keychain ng sasakyan. Ngayon, pati anak nila, mayroong charm na suot.

Kanoa was thankful that Antoinette wasn't fussy at all, or it would break his head. Buhat lang niya ito habang nakatingin sila sa glass walls. Minsan niyang kinakausap ang anak niya, pero hindi pa naman ito sasagot at ayos lang iyon sa kaniya.

Nakasuot ng kulay pastel mint dress na mayroong maliliit na print ng dahon ang anak niya. Naka-stockings itong puti at pinarisan ng sapatos na kulay puti. Medyo mahaba ang buhok ng anak niya kumpara sa ibang batang nakita na niya at nakaipit ang kahati gamit ang puting ribbon mula sa likuran.

"Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo," ngumiti si Kanoa habang nakatitig kay Antoinette bago nilingon si Ara na nagbabasa na ng magazine galing sa café mismo. "Ganda ng mommy mo, 'no? Pero parang nakaka-miss 'yung mga malalaking ribbon niya."

Sanay si Kanoa noon na palaging aesthetic ang suot ni Ara. Medyo kakaiba pa nga ang mix and match, pero ang Ara na nakikita niya ngayon . . . nakasimpleng skinny jeans, tennis shoes, at puting Ralph Lauren Polo Shirt. Mahigpit na nakaipit ang ponytail at hindi tulad noon, walang kahit anong suot na accessory.

Dumako ang tingin ni Kanoa sa kuya ni Ara na hawak ang tray na mayroong drinks at waffles. Ibinaba iyon sa lamesa at nakita niya kung paanong mag-iwasan ang dalawa. Tumingin din ito sa kaniya bago bumalik sa kusina.

"Kanoa," pagkuha ni Ara sa atensyon niya. "Let's eat first. Do you want anything ba?"

Lumapit sila ni Antoinette kay Ara. Naupo siya sa harapan nito at umiling. "Wala naman, okay na 'to. Sa kuya mo ba 'tong café?"

"Yup. I'm sorry you had to go here pa. This is the only place I want us to meet just in case you want to see Antoinette. Here kasi, I can work while you're with her. I'm comfortable here din and I hope that's okay with you."

"Walang problema. Kahit saan, okay lang naman," ngumiti si Kanoa.

Nakita ni Kanoa ang maliliit na pancakes sa isang pinggan at mukhang sa anak nila iyon. Hindi siya nagkamali nang abutan ni Ara ng mini pancake ang anak nila na kaagad naman iyong kinain.

"Kuya Sam loves cooking for her. Every morning, while I'm still sleeping, kinukuha siya ni Kuya Sam sa room namin and they'll cook together. Nakatira kasi ako now with Kuya Sam," sabi ni Ara.

Kanoa was focusing on Ara's face while she was talking. Kalong niya ang anak nilang busy naman sa pagkain ng pancakes at minsang tumitingin sa kaniya bago muling haharap sa ina na nagsasalita.

"Ikaw, where are you currently staying naman?" Ara asked and ate some waffles. "Still the same unit?"

"Hindi na. Nakabili ako nang mas malaki. Kailangan ko kasi nang malaking space para sa equipments ko and three times a week na nakatira si mama sa 'kin," ani Kanoa. "Mas malayo sa dating condo ko, pero mas malapit sa city area lalo na 'pag may mga meeting ako. Mas accessible."

Tumango-tango si Ara. "That's nice," anito at inabot ang tissue. "Her face's a mess. Kindly make punas naman so she won't be sticky later," mahina pa itong natawa.

A smile crept into Kanoa's lips as he was wiping his daughter's cute little face.

Pasimpleng pinanood ni Ara kung paano asikasuhin ni Kanoa ang anak nila. Bukod sa tissue na inabot niya, nanghingi ito ng wet wipes dahil nahirapang alisin ang syrup sa mukha ni Antoinette. Nagtanong din ito kung mayroon bang extrang dress ang anak nila, kung anong kulay, at kung papalitan ba dahil natuluan ng syrup ang damit nito kahit nakasuot naman ng bib.

Kanoa was holding their daughter's little feet, caressing them.

Then he started asking about all the things about Antoinette. Milk brand, shampoos, clothing sizes, birthday, birthplace, first haircut—nope, no haircut yet—and first word.

Ara smiled. "It was Sam. Her first word was my Kuya Sam's name kasi palagi niyang naririnig from me and Belle. It was so cute."

"Ano'ng tawag n'ya sa 'yo? Mommy or mama?" Kanoa stared at her.

"I always say mommy naman, but she calls me mama, and that's okay. It's up to her what she'll call me naman," sagot ni Ara.

Medyo maraming tao sa café dahil malapit na ang lunch ng katapat na university. Bukod kasi sa cakes and beverages, mayroong mga pasta na naka-display sa estante ng café ng kuya niya.

"You can manage naman, right? I'm just gonna have to talk to a client and medyo maingay here kaya papasok muna ako sa office ni kuya. If ever you need help, Belle can assist you. I'll tell her to check on you both," Ara stood up. "Is it okay?"

"Sige lang, kaya ko naman," tumango si Kanoa. "Ako nang bahala rito," anito na nilaro muli ang maliliit na kamay ni Antoinette.

Hindi na sumagot si Ara at basta na lang iniwan ang mag-ama niya. Medyo busy counter at kusina. Sa hallway naman papunta sa office ni Sam, naabutan ni Ara si Belle kausap si Harley, ang kaibigan ng kuya niya. Kumakain ang dalawa na tinanguan at nag-offer ng kinakain.

Dumiretso si Ara sa office ni Sam at pagbukas ng pinto, naabutan niya itong may kausap. Nabosesan niya ang babae kaya pumasok siya sa loob. Seryosong nakatingin sa kaniya ang kuya niya, mukhang nagulat. Nakasandal ito sa office table.

"Everything okay?" Sam asked.

"Is that Sayaka?" Sinara ni Ara ang pinto.

"Yes." Pinakita ni Sam sa kaniya ang screen. "We're talking about Antoinette. Nagtatanong kasi siya and hindi ka raw nagre-reply. Belle, too . . . malamang kausap si Harley so she called me."

Ngumiti si Ara at nag-wave sa bestfriend niya. "I wish you're here, Saya! How are you na? We're good naman here. Andra's with Kanoa."

"I wish I'm there nga! I'm okay naman, medyo malamig here kasi malapit na mag-winter and sumasakit na 'yung lips ko kasi madalas na ang wind burn," Sayaka giggled. "But I'm gonna have to go na rin. I just made sure na you're okay."

"I'll call you later na lang pag-uwi namin to make kwento if you're not busy rin," Ara waved and smiled. Nag-flying kiss pa siya kay Sayaka. "I really miss you. Sana you're here na lang. Dito ka na lang mag-work!"

Sayaka chuckled and scrunched her nose. "Let's see. Call me mamaya, ha? I'll wait. I love you, Araaa! Talk to you later. Thank you, too, Kuya Sam!"

"Yup, no worries," Sam dropped the call and gazed at Ara. "Anything you need?"

"Nothing," Ara smiled and looked around. "Are you busy? Can I use the room for a while? I'll call a client lang to confirm something and I'll be outside na rin."

Sam nodded slowly. "Sure. I'll be outside."

Hindi na nakasagot si Ara nang basta na lang lumabas ng opisina ang kuya niya. Naupo naman siya sa sofa at nagsimulang mag-reply sa mga inquiry ng services niya bilang photographer ng prenup. Mayroon na ring nagtatanong kung game ba siya sa mismong kasal dahil gusto ng mga ito ang aesthetics niya.

Kumportable siyang sumandal sa sofa habang iniisa-isa ang mga mensaheng natatanggap niya. Natutuwa siya na kahit wala siyang professional experiences, mayroong interesado sa mga shots niya.

Antoinette used to be her only subject, but now? There was a possibility that she would break her own rule of three bookings only per month.

Ara sent all the details about her services and didn't notice it was more than hour since she left Kanoa and Antoinette. Baka nakatulog na rin ito o kung naging fussy man, malamang na naroon si Belle.

Habang nakatingin sa kung saan, naisipan niyang i-search ang account ni Kanoa sa video streaming platform para tingnan kung active pa ba ito sa pag-upload ng video. Mayroong ilang video, pero hindi na katulad noon na puro travel.

Recent videos were all about work, nothing more.

At habang pinanonood ni Ara ang mga bagong video ni Kanoa, iba ang pakiramdam niya. Malayo iyon sa mga unang video nito na nagustuhan niya. Malayong-malayo ang pakiramdam, malayo ang vibes, at parang hindi si Kanoa ang gumawa.

"Ara?" Kumatok si Belle sa office at pumasok. "You good?"

"Yup. How's Antoinette? Is she sleeping na ba?"

Umiling si Belle at naupo sa tabi niya. "She's playing with her dad. Nilabas ko kasi 'yung small blocks and they're playing with it."

"Thank you," Ara smiled. "I got inquiries sa page ko and it's a lot. I'm excited but also scared. I don't know if I'll stick to three bookings per month or accept more."

"Basta do whatever na comfortable ka. Don't force yourself, okay?" Belle brushed her hair. "Are you comfortable ba na Antoinette's with her dad? Kanoa looks okay naman with her. Antoinette didn't cry naman while you're away."

Ara shut her eyes while picturing Kanoa and their daughter playing together. "Surprisingly, I'm all good. Where's Kuya Sam pala?" she gazed at Belle.

"She's with Harley. He's teaching her pala how to properly run a restaurant. Kuya Reid pala invested sa kanila ni Ate Frankie," ani Belle. "You know what? She slipped kanina. I'm not sure, pero I'll ask you something."

"What?" Ara sounded curious.

"Kasi Harley mentioned Sayaka earlier. I was shocked na kilala niya si Saya," Belle pouted. "So, I let her make kwento. Lagi raw magka-video call si Kuya Sam and Saya? Are you aware?"

Nagsalubong ang kilay ni Ara. "Pagpasok ko here sa office kanina, naka-video ca—" tumigil siya at sabay na nanlaki ang mga mata nila ni Belle. "Do. . . do you think something's going on between them?"

"I don't know! Last time kasi Saya mentioned na Kuya Sam will go to Japan daw, eh I don't remember naman na may sinabi ka." Tumaas ang dalawang balikat ni Belle.

"It's because I don't know, too?" Ara squinted. "Oh my gosh. . ." she giggled. "I ho—"

Tumigil sa pagsasalita si Ara nang bumukas ang pinto. Sumilip doon ang kuya nila at nakatingin sa kaniya.

"Andra's crying and he didn't know what to do," sabi ni Sam. "Baka she needs to change her nappy."

Tumayo si Ara at paglabas niya, kaagad niyang narinig ang iyak ni Antoinette. Nakita rin niya ang pagkataranta sa mukha ni Kanoa habang pilit na pinatatahan ang anak nila. Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Ara na malamlam ang mga mata ni Kanoa.

"Sorry, hindi ko alam 'yung gagawin ko," kinakabahang sabi ni Kanoa habang nakatingin kay Ara. "Pinapatahan ko naman siya, pero hindi na siya natutuwa sa 'kin." Mahina itong natawa, pero tunog may nerbyos.

"It's okay, that's normal. It's either," kinuha ni Ara si Antoinette. "She's sleepy or her nappy is full na. In her case, she needs to change her nappy na. I'll just go and change her 'tapos we'll be back."

Nakasunod ang tingin ni Kanoa kay Ara na pumasok sa restroom ng café bitbit ang baby bag.

At kahit hindi na niya buhat ang anak niya, naamoy pa rin niya ito dahil kumapit na rin ang pabango nito sa kaniya. Amoy marshmallow na rin siya na ikinangiti niya.

Habang naghihintay, naupo si Kanoa at tinitigan ang kalat sa lamesang nasa harapan niya. Baby bottle, baby wipes, his daughter's toys, and pacifier. Kinuha niya iyon at pinagmasdan. Kahit na halos dalawang oras na niyang kalong ang anak niya, hindi pa rin siya makapaniwala.

Yumuko siya at nakita roon ang sapatos ni Antoinette na hindi niya namalayang natanggal. Kinuha niya iyon at mayroong sumilay na ngiti mula sa mga labi niya. Napakaliit naman kasi.

"Ngiting-ngiti naman!" Sumandal si Harley sa lamesang nasa tabi niya. "So, kamusta naman? Amang-ama, ha?" Medyo may pang-aasar sa boses nito. "Angas naman, Direk! May baby 'yarn?"

Kanoa looked down and snorted. Nakangiti lang siya habang iniikot sa kamay niya ang sapatos ni Antoinette. "Ang ganda 'no? Akalain mo 'yon?" aniya kay Harley.

"Maganda talaga! Kamukha ng nanay, eh. Buti na lang walang nakuha sa 'yo, Direk!" pagbibiro ni Harley. "Gago ka, ha? Sana naman hindi ka tulad ng ibang tatay na lulubog lilitaw? 'Tangina, hindi deserve nung mag-ina! Kapag ikaw naging gagong ama, ipo-post kita sa social media kala mo riyan!"

Malakas na natawa si Kanoa at napahawak pa sa tiyan dahil sa sinabi ni Harley. Ang dami pang sinabi na kapag tumakbo siya sa responsibilidad, si Harley mismo ang gagawa ng 20-minute video sa YouTube tungkol sa kaniya.

Samantalang pasimpleng nakatingin si Ara kay Kanoa na tumatawa kasama si Harley. Alam naman niyang magkaibigan lang ang dalawa, pero nakaramdam siya ng pagkirot sa puso niya dahil sa simula nang muling magkita sila ni Kanoa, never pa niya itong nakitang ganoon tumawa ulit.

Ara knew she didn't have the right to question Kanoa or feel this way, but she couldn't help it. Tingnan niya si Harley at nakita ang pagiging carefree nito. Hindi naman siya insecure o nagseselos sa kaibigan ng kuya niya, mabait ito sa kaniya . . . pero nainggit siya sa kung paanong mukhang kumportable si Kanoa.

Bumalik si Ara sa lamesa at naupo. Nakatingin sa kaniya si Kanoa, nagpaalam naman si Harley sa kanila.

"By the way, I wanna talk about the possible setup," ani Ara at kinuha ang bote ni Antoinette. "Kindly let me know your preferred days of visitation kay Antoinette and we'll set a place for it. Is that okay?"

Ni hindi na nag-isip si Kanoa. "I'm available anytime. Ikaw ang mag-set ng day kung kailan ka free, kung kailan ka kumportable. Ako ang mag-a-adjust."

Tumango si Ara. "Okay. It's up to you," ngumiti siya. "We can still stay here if you want to, but I will be working upstairs."

Tinuro ni Ara ang second floor ng café kung saan kita rin naman ang ibaba, pero mas tahimik sa itaas at mas kaunti ang tao. Mayroon kasi siyang pictures na kailangang i-edit para sa kliyente.

"You both can stay there, too, if you want," sabi ni Ara habang inaayos ang buhok ni Antoinette.

"H-Hindi ba magagalit ang kuya mo?" tanong ni Kanoa at tumingin kay Sam na nasa counter kausap ang isang customer.

Nilingon ni Ara ang kuya niya. Nakangiti nitong tinanggap ang card ng customer bago niya ibinalik ang tingin kay Kanoa.

"We already talked," she uttered in a low voice. "Let's go?"





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys