Chapter 11
Nakatitig si Kanoa sa kisame habang nag-iisip kung ano ang nangyari. Tatlong araw na mula nang magkita sila ni Ara. Sinabi naman nito na magme-message sa kaniya, pero wala. Gustuhin man niyang tawagan o kahit i-message ito, hindi niya ginawa.
Tinakpan niya ang mata niya gamit ang sariling mga braso. Wala pa siyang matinong tulog dahil tinapos niya ang trabaho niya hangga't walang message si Ara para kung sakali man, marami siyang oras.
"Noa?"
"Ma?"
Muling kumatok ang Mama niya. "Nakaluto na ako ng tanghalian. Gusto mo na bang sumabay o busy ka pa? Mauuna na ako kung ganoon. Nagugutom na rin kasi ako."
"Sabay na 'ko, Ma," aniya at bumangon. Paglabas niya ng kwarto, nakahain na at naamoy niya ang sinigang na baboy na niluto ng mama niya. "Sarap naman n'yan, Ma! Maasim ba?"
"Aba, siyempre!" natawa ang mama niya. "Ginawan na rin kita ng patis na may sili. Kumain ka nang marami at napapansin kong hindi ka masyadong lumalabas ng kwarto mo. Puro pa kahon ng fast-food rito! Isang linggo lang akong umalis, puro ka na naman junk food."
Naupo si Kanoa at humigop ng mainit na sabaw. Gumuhit iyon sa lalamunan niya at napapikit siya dahil totoo naman. Nitong mga nakaraang araw, puro siya take-outs. Kung hindi man delivery, kumakain siya sa labas. Hindi naman kasi siya marunong magluto kaya laking pasasalamat niya nang tumira sa condo niya ang mama niya. Kahit paano, nakakakain siya ng totoong pagkain.
"Busy ka yata nitong mga nakaraan," sabi ng mama niya habang kumakain sila. "Marami ka bang trabaho? Mukhang tanggap ka na naman nang tanggap, ha? Akala ko ba magpapahinga ka na?"
Mahinang tawa lang ang naging sagot ni Kanoa bago nagpatuloy sa pagkain.
"Ikaw, simula nang maka-graduate ka, wala ka nang tigil sa trabaho. Sabi ko sa 'yo, mag-travel ka rin tulad nang ginagawa mo noon! Dati nga halos hindi ka na pumapasok sa school. Ngayon naman, halos hindi ka na lumalabas diyan sa kwarto mo," umiling ang mama niya.
"Natapos na yata ako sa ganoong stage. Mas gusto ko na lang magtrabaho rito sa bahay," ani Kanoa at natawa. "Nakakatamad na ring makisalamuha sa mga tao nitong mga nakaraan. Basta trabaho na lang para sa pera."
Alam ni Kanoa na hindi maniniwala ang mama niya dahil malaki naman ang kinikita niya. Sapat iyon para sa kaniya, sa kanilang dalawa . . . pero gusto lang niyang ma-distact. Ginawa niyang busy ang sarili para kahit papaano, hindi magkaroon ng pagkakataon para makapag-isip nang kung ano.
Hindi pa nababanggit ni Kanoa sa mama niya ang tungkol kay Andra at Ara. Ilang araw na rin niyang iniisip ang mag-ina niya dahil wala siyang balita. Ni hindi niya alam kung umatras na ba si Ara sa usapan nila at baka nagbago na ang isip nito tungkol sa pagpasok niya ulit sa buhay ni Ara.
Ilang beses niyang pinag-isipan ang tungkol doon. Gustuhin man niyang bigyan na lang ng katahimikan si Ara, pero hindi niya magawa. Bukod mismo kay Ara, mayroon siyang anak na gustong makilala at makasama.
"Kanoa, ayos ka lang ba?"
"Ha? Oo naman, Ma. Bakit?" Sinalubong niya ang tingin ng mama niya.
"Wala. Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman sumasagot," natawa ito. "Itulog mo na 'yan. Matulog ka na muna at mukhang lutang na lutang ka na naman."
Tawa lang ang naging sagot ni Kanoa sa sinabi ng mama niya ngunit may katotohanan naman. Hindi nga lang siya lutang kung hindi malalim na malalim ang iniisip niya. Dahil sa tatlong araw, mag-ina lang niya ang gusto niyang makita.
Nagprisinta siyang maglinis ng kusina, pero nag-insist ang mama niya na magpahinga na siya. Thrice a week na nakatira sa kaniya ang mama niya, pero mas madalas itong tumutuloy sa ate niya. Okay naman ang buhay nila, mayroong sariling business ang mama niya, pero simula nang maghiwalay ang mga magulang nila, nagbago ang lahat.
Kanoa's father was also a businessman who decided to live in Cebu. Wala naman itong bagong pamilya, ganoon din ang mama niya. Nag-decide lang talaga ang dalawa na hindi na puwede kaya hindi na rin pinilit.
Tinanggap nila iyon ng ate niya. It was better than living under the same roof if didn't want to.
Pabagsak na sumandal si Kanoa sa office chair niya habang iniisip kung ano ang susunod na scene sa ini-edit niyang video para sa isang kliyente. Walang pumapasok sa isip niya. Panay ang tingin niya sa phone niya baka sakaling mag-message si Ara, pero wala.
Bumukas ang pinto na ikinagulat niya at pumasok doon si Jairold hawak ang paperbag ng isang restaurant. Hindi naman ito nagsabing pupunta. Wala rin naman silang usapan.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya at hinilamos ng mukha gamit ang mga palad niya. "Nag-message na ba sila? Hindi ko pa natatapos. Puwede ka bang humingi ng extension hanggang next week? Hindi ko talaga matapos."
"Ayos lang!" natawa si Jai at inabot ang lata ng beer. "May two weeks pa naman tayo. Magpahinga ka na muna. Sabi ni Tita Kyla, hindi ka pa raw natutulog, eh."
"Natutulog naman ako." Tinungga ni Kanoa ang beer na hawak. "May iba lang akong iniisip."
Naupo si Jairold sa pang-isahang sofa na nasa kwarto niya. "Si Ara pa rin ba? Sabi mo noong nakaraan, magkikita kayo? Hindi ka na bumalik sa messages natin, eh. Ano'ng nangyari? Natuloy ka ba?"
"Natuloy," sagot ni Kanoa sa mababang boses. "Okay naman naging usapan namin. Naghihintay lang ako ng message niya para makita ko na si Andra . . . alam mo? Ang ganda ng pangalan niya. Akala ko talaga, Andra, eh. Antoinette pala."
Seryosong tinitigan ni Jairold si Kanoa habang nagkukuwento ito tungkol sa naging pag-uusap kasama si Ara. Paminsan-minsan itong ngingiti, pero kaagad na yuyuko, at parang nag-iisip. Napansin din niya ang pagod sa mata ng bestfriend niya.
"Ano'ng sabi ni Ara? Pumayag ba siyang maging involved ka sa buhay ng anak n'yo?" tanong ni Jairold. "O baka dahil sa lahat ng nangyari noon, ayaw na niya?"
"Hindi ko rin alam, eh." Ngumiti si Kanoa ngunit alam ni Jai na peke iyon lalo nang tumungga ito ng beer at isinandal ang ulo sa headrest ng gaming chair. "Hindi ko rin alam. Gusto ko man, paano kung ayaw ni Ara? May parteng ayoko na siyang guluhin, pero my parte rin na gusto ko sila ni Andra."
Naging witness si Jairold pagkatapos makipaghiwalay ni Kanoa kay Ara. Napakalaking pagbabago na hindi niya inasahang mangyayari sa best friend niya. He knew Kanoa's dirty ways during college and meeting Ara became his best friend's downfall. Ilang beses nilang napag-usapan ni Gia, ang asawa niya, ang tungkol sa nangyari.
Kanoa met his karma, and he didn't have the chance to get up after Ara.
"I'm starting to think that I don't even deserve to meet Andra after everything," Kanoa murmured. Eyes closed; he felt a warm liquid roll down his temple's sides. "Ni hindi ko pa rin maisip na nagkaanak kami. Paano si Ara? Ano'ng nangyari sa mga panahong mag-isa siya? 'Tangina kasing mga desisyon ko sa buhay."
Nakagat ni Jairold ang ibabang labi at mahinang natawa. Hindi naman niya intensyong tawanan ang kasalukuyang sitwasyon ni Kanoa, pero mayroon siyang naalala.
"Ano'ng nakakatawa? 'Langya ka naman, eh," suminghot si Kanoa at umiling.
"Bigla ko lang kasing naalala 'yung mga pinagsasabi mo noong medyo bagets pa tayo. Naalala mo ba 'yung pinagmamalaki mo noon na hinding-hindi ka magpapatali, hindi ka mahuhulog sa babae dahil ano sila, sinuswerte?" Humalakhak si Jairold. "Na imposibleng mahulog ka kasi ang babae, laruan? Putangina mo, babae anak mo."
Nag-flashback kay Kanoa ang mga kagaguhan niya sa lahat ng babaeng mga nakasama niya at mas lalo siyang natakot para sa anak niya. Naalala niya rin kung paano sila nagsimula ni Ara.
It wasn't his intention to be serious. Ni wala sa isip niyang magugustuhan niya si Ara. She was way out of his league. Hindi niya ito type, nababaduyan pa siya noon sa pananamit, hanggang sa tumagal na halos araw-araw silang nagkakasama, nakikita niya si Ara.
The way Ara talked, kahit sobrang conyo, was something he couldn't forget. She was eloquent, observant, and imaginative. Softy voice, softy vibes . . . yet powerful enough to break his ways.
"Tangina, malas kapag katulad mo ang nakilala ng anak mo. Minalas na nga si Ara sa 'yo, sana naman 'wag na ang anak mo." Tumayo si Jairold. "I-share mo sa 'kin 'yung ini-edit mo para matulungan kita. Hindi ko sigurado kung matatapos mo 'yan, pero ako na gagawa ng iba 'tapos i-check mo na lang. Harapain mo muna 'yang problema mo. Ambigat niyan, eh."
Kanoa didn't say anything and just gazed at Jairold.
"Sige na, magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito. Puwede ba akong magtrabaho muna? Dito na muna ako," ani Jairold na naglakad papalapit sa kaniya.
Pinilit siyang hilahin ni Jai at tinulak pa siya sa kama. Naramdaman kaagad niya ang kagustuhang makatulog at magpahinga na hindi niya naramdaman nitong mga nakaraan dahil naghihintay siya.
Bagomagsimula sa trabaho, nilingon ni Jairold si Kanoa. Nakadapa itong nakayakap saisang unan at mahimbing nang natutulog. Wala siyang ideya sa mga susunod pa,pero alam niyang mahihirapan si Kanoa kay Ara.
Nagising si Kanoa at kaagad niyang naramdaman ang sakit ng ulo niya. Tumingin siya sa LED clock na nasa working table niya at alas tres na ng hapon. Hindi niya maintindihan dahil ang naalala niya, nakatulog siyang may liwanag pa.
Kaagad siyang bumangon para uminom ng tubig sa kusina dahil ramdam niya ang uhaw.
"Oh, gising ka na pala." Tumingin sa kaniya ang mama niya na nasa sala at nagbabasa ng magazine. "Ilang beses na kitang sinubukang gisingin, pero ang himbing ng tulog mo," natawa ito. "Nagluto ako ng monggo, baka gusto mong kumain."
Kanoa leaned by the kitchen counter thinking about how long he slept. He brushed his hair using his fingertips and felt how tired he was even after hours of sleep. His body felt heavy, and his head was throbbing, but he knew he needed that sleep.
Bumalik siya sa kwarto at kinuha ang phone niya para sana tawagan si Jairold, pero nakita kaagad niya ang pangalan ni Ara sa notification. Nagmadali siyang buksan iyon. Natatakot siya sa posibleng laman. Isa pa, base sa timestamp, gabi pa nag-message si Ara, pero hindi niya nasagot dahil sa himbing ng tulog niya.
The message was just 'Kanoa, can I call?' and that was it.
Kanoa's heart pounded, and he immediately replied. He was apologizing for not replying sooner and if he could call so they could talk.
Five minutes later, Ara responded and gave him a go signal to call.
Three rings, Ara answered. "Hello," her voice filled his ears.
"Ara, sorry. Nakatulog kasi ako kagabi and kagigising ko lang ngayon. May problema ba?" tanong kaagad ni Kanoa. "Ano'ng nangyari? Okay lang ba kayo ni Andra?"
Ara chuckled. "Yes, we're okay. I'm sorry for not messaging you sooner. I just fixed something," she explained. "Are you free tomorrow?"
"Oo naman," Kanoa responded without hesitation. "Saan at ano'ng oras?"
"I'll send you the place and time na lang, ha? I'll send you the direction. I'm not sure if it's far from you, but it's the only place I can think of. I hope that's okay," Ara said.
"Kahit saan naman, okay lang sa 'kin. Ako na lang mag-adjust para na rin hindi kayo masyadong mahirapan ni Andra. Send mo lang sa 'kin, free ako anytime," aniya habang paikot-ikot na naglalakad sa kwarto niya. "May kailangan ba akong dalhin?"
Mula sa kabilang linya, narinig niya ang pag-iyak ng sanggol. Pumikit siya dahil hindi na lang boses ni Ara ang hinahanap-hanap niya kung hindi pati na rin ang boses ng anak niya.
"Nothing. I have to go na 'cos Antoinette's getting fussy again. I'll send the location after this call," sabi ni Ara na medyo lumalayo ang boses sa phone dahil humihina iyon. "Bye, Kanoa. We'll just see you tomorrow."
"Bye," Kanoa shut his eyes and looked up. "See you both tomorrow."
Kahit wala na si Ara sa kabilang linya, nanatiling nakatingala si Kanoa at nakadikit sa tainga niya ang phone. Nakapameywang siya, iniisip kung ano ang mangyayari kinabukasan. Excited siyang makita ang anak niya. Hindi siya mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin.
He only met his daughter once. Aksidente pa ang lahat, hindi pa niya alam na anak niya ito. Kinabukasan naman, magkakaroon na siya ng pagkakataong muling makita at mabuhat ang anak. Hindi pa niya nasasabi sa mama niya, pero bahala na. Sa susunod na.
Naupo sa office chair si Kanoa habang nakatingin sa wallpaper ng phone niya. Hindi niya iyon pinalitan dahil sanay na siya. It was Ara.
Alam ni Kanoa na buong magdamag siyang gising dahil hindi siya makatutulog pagkatapos nang natanggap niyang tawag. Kinausap na rin muna niya si Jairold tungkol sa project. Nakita kasi niyang nagkaroon ng progress sa video project na hindi niya matapos kaya ipinagpasalamat niyang kinuha nito ang ibang trabaho sa kaniya.
Nakaupo siya kaharap ang computer, mayroong mga application na nakabukas para sa trabaho, e-mail naman at communication tools sa kabilang monitor, camera sa lamesa, storage, at kung ano-ano pa, pero wala siyang ginagalaw na kahit na ano.
Kanoa was just there thinking about tomorrow.
. . . and yes, buong magdamag siyang gising.
Ara sent him the address and it was far from his place, but it won't matter. It was a café. Brunch din ang binigay nitong oras.
Maagang umalis si Kanoa dahil ayaw niyang maabutan ng traffic. Ayaw rin niyang ma-late sa sinabing oras ni Ara. Hindi na siya nakapagpaalam sa mama niya dahil natutulog pa ito nang umalis siya. Nag-message na rin siya kay Ara na on the way na siya at magkita na lang sila roon.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya habang nagmamaneho. Traffic sa dinaanan niya, naghanap siya ng shortcut, at panay ang tambol sa manebela gamit ang mga daliri habang nakikinig sa mga kantang tumutugtog.
Matapos ang mahigit tatlong oras na byahe dahil naabutan siya ng early rush hour, nakarating siya isang oras bago ang ibinigay na oras ni Ara.
Bukas ang café at mayroong ilang tao sa loob, pero hindi naman puno.
Lumabas si Kanoa ng sasakyan at ipinalibot ang tingin sa buong lugar. Walang matataas na building, pero nakita niya ang isang kilalang university at establishments sa paligid. Maluwag ang parking area. Sa katabing café, mayroong restaurant na nakasarado pa.
Pinag-isipan niya kung papasok na ba siya sa loob. Maaga pa naman, pero wala rin naman siyang ibang pupuntahan. Hindi siya nagsabi kay Ara na dumating na siya, pero nag-message siya na mag-iingat ito sa pagmamaneho kung ito man nga ang magmamaneho.
Pumasok si Kanoa sa loob ng café nang makita ang pamilyar na babae sa counter. Dumako ang tingin nito sa kaniya nang tumunog ang bell sa pinto pagsara niya at naningkit pa ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Direk!" Bati ni Harley na kumaway kay Kanoa. "Ano'ng ginagawa mo rito? Ang layo naman ng dinayo mo! May shooting ka?"
Lumapit si Kanoa sa counter tinanguan si Harley. "Uy! Wala. May kikitain kasi ako rito. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo? Suma-sideline ka na naman?"
"Gago, hindi! Nagpapatulong kasi ako sa friend kong may-ari nitong café kasi malapit na rin magbukas 'yung resto namin ng bestfriend ko," ngumiti si Harley. "Ano'ng order mo? Wala pa 'yun—"
Tumigil sa pagsasalita si Harley, nanlaki ang mga matang nakatingin sa kaniya, at nilingon ang lalaking nakasandal sa counter na mayroong mga blender, coffee maker, at kung ano-ano pa.
"Hala, tangina?" sabi ni Harley habang nakatingin sa lalaki bago muling tumingin sa kaniya. "Shuta, naalala ko na."
Biglang naalala ni Kanoa na may koneksyon nga pala si Harley kay Ara. Naalala niyang minsan na nilang napag-usapan iyon nang magkita sila sa bar, pero hindi ipinakita sa kaniya ang picture. . . at mukhang ang lalaking kasama nito, ang lalaking nakatingin sa kaniya ay kuya ni Ara.
Malalim na huminga si Kanoa habang nakatingin sa lalaking naka-cross arms habang nakasandal pa rin sa counter. Walang kibo hanggang sa lumapit ito sa counter.
Nilingon naman niya si Harley na nakanganga pa rin, nakatingin sa lalaki, at palipat-lipat ang tingin sa kanila na para bang gulat na gulat.
"You're an hour early. Wala pa sila," sabi ng lalaking nakatingin sa kaniya. "I'm Samuel, kuya ako ni Ara. Coffee-based, fruit juice, or?"
Kanoa shook his head. "H-Hintayin ko na lang sila. Busog pa rin ako, salamat."
Samuel gave him a nod. Tinuro nito ang sofang magkaharap at mayroong lamesa sa gitna na sa dulo ng café. Walang nakaupo dahil mayroong nakalagay na reserved sa lamesa mismo.
"You can stay there and wait," sabi ni Sam.
Bahagyang tumango si Kanoa. Nagpaalam siya kina Sam na basta na lang siyang tinalikuran. Hinarap nito si Harley na nagsimulang makipag-usap.
Naningkit ang mga mata ni Harley na ikinatawa ni Sam. "Bakit ganiyan ka makatingin?"
"So siya pala ang dahilan kung bakit mainit ang ulo mo? Gago ka, pati ako sinusungitan mo! Kaya pala ang init ng ulo," umiling si Harley. "Kilala ko 'yan si Kanoa, nakatrabaho ko siya sa music video ng Fireplay. Siya director namin ni Betlog."
Sam snorted and didn't say anything. He continued washing the blender.
"Alam mo, nakikita ko 'yung invisible usok sa ilong mo ngayon. Ramdam ko 'yung galit mo sa kaniya," natawa si Harley. "G na g ka talaga, as in?"
"Yes," Sam responded flatly. "After everything na nalaman ko tungkol sa lalaking 'yan, kung hindi lang nakiusap sa 'kin si Barbara, hindi ako papayag. Kaso ano'ng laban ko? Kapatid ko ang makakalaban ko. 'Tang ina, eh."
Natawa si Harley at tumingin sa kaniya. "Gago, ang gwapo mo magmura, pero baka magalit si singkit. Chill ka lang. Personally, ha? Nakilala ko kasi siya . . . mabait 'yan si Kanoa. Tahimik nga lang 'yan sa set, eh. Aware naman ako roon sa ano . . . sa vi—"
"I don't wanna hear anything about it."
"Sorry na, Koya. Baka naman nagbago na?"
"Wala akong pakialam." Tumalikod si Sam kay Harley. "Nagbago man siya, what he did to my sister has been done. What my sister went through because of him, lahat . . . hindi na maibabalik kahit nagbago siya."
Naningkit ang mga mata ni Harley habang nakatingin sa kaniya. "Sana all mayroong kuyang ipagtatanggol ka. 'Tang ina, puwede n'yo na lang ba akong ampunin?"
Natawa si Sam.
"Ayan, mas pogi ka kapag tumatawa. Hindi bagay sa 'yong galit. Hindi ka mukhang action star. Mukha ka lang main character na may tampo," pang-aasar ni Harley.
"Still, I don't like him."
Tumaas ang dalawang balikat ni Harley. "Alam mo, hindi mo siya kailangang gustuhin. Gets ko 'yung galit mo kasi kapatid mo 'yung naagrabyado. Hindi kita pipiliting kausapin siya o gustuhin siya. Kung ayaw mo, eh 'di 'wag."
"Thanks," ani Sam. "Pakibigay mo nga sa ka—"
"Aba, bakit ako? Ikaw ang magbigay. Pagkakataon mo na ring kausapin siya hangga't wala si ganda," ani Harley. "Ako na muna rito sa counter. Ang cute pumindot dito, eh." Pumindot ito sa screen.
Umiling si Sam at kinuha ang kapeng ginawa niya para kay Kanoa. Seryoso itong nakatingin sa glass walls kung saan kita ang ilang sasakyang dumaraan. Matagal pa sila Ara at sigurado siyang male-late ang mga ito lalo na at kasama si Belle.
"Excuse me," pagkuha ni Sam sa atensyon ni Kanoa.
Ibinaba ni Sam ang kape sa lamesa at akala ni Kanoa, aalis na ito, pero nagkamali siya nang maupo ito sa harapang upuan.
"I don't like you for Barbara and if I could just throw you out of my café, I would," sabi ng kuya ni Ara. "I just don't like. No . . . I despise you."
Kanoa was about to say something when Sam shook his head making him stop.
"Don't . . . say a single word. Kahit ano'ng sabihin mo, wala akong pakialam. Gusto kong intindihin ang kapatid ko, pero kung puwede lang . . . kung puwede lang na 'wag ka nang pumasok sa buhay ng kapatid ko, lalong-lalo ng pamangkin ko, gagawin ko," pagpapatuloy ni Sam.
Nakatingin lang si Kanoa sa lalaking nasa harapan niya. Mababa ang boses nito, pero ramdam niya ang galit sa bawat salitang binibitiwan. Kanoa knew that Ara's brother was a lawyer, too, like their father.
"One wrong move, Dinamarca . . . one wrong move."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top