Chapter 1
A week after the hospitalization, Ara tried so hard to live normally. It was impossible. The morning sickness was the worst and she couldn't do anything about it. Even vitamins for pregnancy became unbearable.
No one knew about her situation and she planned to keep it that way. Hangga't hindi napapansin, hindi niya sasabihin—iyon ay kung kakayanin niyang itago lalo sa kakambal niya.
Nakikita niya pa rin si Kanoa sa classroom na magkaklase sila, pero hindi niya ito pinapansin. Madalas niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya na para bang mayroong gustong sabihin o gusto siyang lapitan, pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi iyon mangyari.
Sandali na lang din at graduation na rin nila. Isa pa iyon sa inaalala niya dahil mayroon na ngang umbok ang tiyan niya sa kasalukuyan, paano pa sa mga susunod.
Ara wanted to finish college normally, as if nothing was going on. She didn't want others to know her real situation especially Kanoa. Wala siyang balak sabihin dito ang sitwasyon niya.
Nakaramdam siya ng gutom kaya naman naisipan niyang magpunta sa cafeteria bago umuwi. Carpool lang ang gamit niya nitong mga nakaraan dahil nahihilo siya at ayaw niyang magmaneho.
Habang namimili ng kakainin, naramdaman niya ang vibration ng phone niya.
It was her Kuya Samuel asking if he could pick her up. She asked 'why' and her brother replied 'date'.
Hindi na iyon bago dahil weekly talaga silang lumalabas o kung masyado mang busy, every two weeks. Simula noong teenager pa sila ni Belle, ang kakambal niya, palagi na silang inilalabas ng kuya nila.
Their Kuya Samuel always showed them how a woman should be treated. Dates, flowers, chocolates, and more importantly respect.
Dahil doon, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa kaniya. Kanoa happened, they dated, the dare, the sex video, and the pregnancy. Nakaramdam siya ng awa sa sarili niya dahil kung tutuusin, nagmahal lang naman siya. Hindi naman niya ginusto ang mga nangyari sa kaniya, but the internet was persistent that she deserved it.
Tinigilan na niya ang pagbabasa ng mga comment tungkol sa video, pero may mga pagkakataong dumadaan iyon sa feed niya. Gustuhin man niyang mag-deactivate, hindi pa niya magawa dahil kunektado ba ang accounts niya sa school works, lalo ang messenger.
Kumuha si Ara ng blueberry milkshake, tapa with rice, and Caesar salad. Nakita rin niya ang fruit cake sa desserts counter. Para siyang naglaway dahil isa iyon sa madalas niyang kainin nitong mga nakaraan.
While eating, she observed the place. She would miss the university, everything about it, but she promised she would never come back.
The university had lots of memories. Mas lamang ang magaganda dahil sa apat na taon, nag-enjoy siya. Ngunit simula nang makilala niya si Kanoa, parang gusto niyang ibaon sa limot ang lahat. If she could, she would literally go back and ignore everything about him.
Ara burped and chuckled. She unconsciously caressed her belly and smiled. Kahit na masakit mga nangyari at may hinanakit siya kay Kanoa, tinanggap niya ang nasa sinapupunan niya. Wala itong kasalanan sa nangyari sa kaniya.
She enjoyed eating until the bell rang. Another class and she was sleepy.
Aside from morning sickness, vomiting, and eating so much, Ara was always sleepy. She kept on whispering 'Almost there' and promised that after graduation, she would take all the time in the world to rest.
Paulit-ulit ding kinurot ni Ara ang sarili habang nakikinig sa professor nila. Mayroon pa siyang final exams sa mga susunod na araw. Inihahanda rin niya ang sarili niya sa huling pagkikita nila ni Kanoa para sa thesis nilang dalawa. It would be awkward, but they had to.
After class, her Kuya Samuel wasn't kidding. Nasa labas na ito ng university at naghihintay sa kaniya. Hindi raw makakasama si Belle dahil busy ito para sa finals kaya silang dalawa lang. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito pagpasok sa kotse.
"Still not used to your hair," Samuel uttered and squinted. "What really happened?"
Ara smiled and leaned forward to kiss Samuel's cheek. "I missed you, Kuya. Buti hindi ikaw busy today. Thanks for taking me out."
"It's nothing," Samuel chuckled and started driving. "Sa Instagram ko pa lang nakikita 'yung hair mo, but seeing it personally, it feels strange. Don't get me wrong, you look really pretty."
"Do you like it? I love it!" Hinaplos niya ang sariling buhok habang nakatingin sa kuya niya.
Bahagya itong tumingin sa kaniya at ngumiti. Nakahawak ang kamay nito sa manebela at kambyo habang binabaybay nila ang daan palabas ng street ng university. Medyo traffic na dahil almost six na rin.
"You look younger, actually," Samuel said in a low voice and gazed at her. "It suits you. Hindi lang ako sanay 'cos this is the first time cut your hair short. Noon ka pa sinasabihan ni Belle and Mom na I-try mo, you never did. What happened, really?"
"Wala!" Ara forced a smiled and laughed while brushing her hair using her fingertips as if she really loved it. She didn't. She just wanted change. "I realized na I wanna graduate looking different. Most of my pictures kasi, since I was young, have long hair. Para lang iba."
Samuel wasn't convinced. Alam niya kung paanong iyakan ni Ara ang pagpapagupit kahit trim lang kaya alam niyang mayroong mas malalim na rason at ayaw iyong sabihin sa kaniya. It was okay. Eventually, his baby sister would let him know.
One thing Samuel observed, his sister looked normal but wasn't. Alam niyang may mali.
Ara was smiling, laughing, and making jokes, yes... but Samuel wasn't comfortable.
Samantalang nilingon ni Ara ang bintana nang hindi na magtanong ang kuya niya. Isinandal niya ang ulo niya sa headrest ng upuan ng sasakyan at pinanood ang mga taong naghihintay ng sasakyan pauwi.
Nahihirapan siyang magsinungaling sa kuya niya. Ni hindi niya alam kung nakumbinsi ba niya ito sa mga sinabi niya, pero base sa pagtatanong at tingin nito, alam niyang mayroong pagdududa.
Even Belle and Sayaka thought something happened because of the sudden decision. No one knew that she cut her hair before she went to the salon to fix it.
Walang nakakaalam na noong araw na iyon, buong maghapon siyang umiiyak at nang makita ang sarili sa salamin—kung gaano kamaga ang mga mata niya—napagdesisyonan niyang gupitin ang sariling buhok. Kaso, hindi pantay.
Pinagtawanan pa niya ang sarili niya bago siya pumunta sa salon para lang ipaayos iyon.
Dinala siya ng kuya niya sa isang café na pag-aari nito. Hindi pa iyon nabubuksan dahil sa isang linggo pa ang opening, kaya sila lang ang naroon. Maganda ang lugar at mayroong sofa na may malaking TV. Sobrang ganda niyon sa mga picture.
"Can I open the TV, Kuya?" Ara showed Sam the remote. "This place is nice, ha? This café yours lang ba or—"
"Reid and I own this. Nag-invest siya," Samuel smiled. "Maupo ka muna riyan. I'll prepare drinks and food for us."
Maingat na naupo si Ara sa sofa. Dahil doon, medyo sumikip ang suot niyang long sleeve top kaya bumakat ang tiyan niya. Kaagad niyang inayos iyon at kinuha ang throw pillow na nasa gilid niya para yakapin habang naghahanap ng movie na panonoorin.
Ilang beses na siyang humikab at pilit niya rin iyong itinatago sa kuya niya.
"Natutulog ka ba?" Lumapit si Sam hawak ang dalawang drinks. "Baka hindi ka na natutulog? Not because you're already graduating, hindi ka na magpapahinga. We told you, Barbara. Enjoy college!"
Ibinaba ng kuya niya ang dalawang cup sa lamesang nasa harapan nila at nakaramdam siya ng kaba dahil kape iyon. Bukod sa hindi puwede dahil buntis siya, nasusuka siya sa lasa ng kape nitong mga nakaraan. Hindi niya gusto ang amoy, hindi niya magawang tikman, at alam niyang mahahalata iyon ng kuya niya.
"Why? Ayaw mo ng coffee?" tanong ni Sam. "Do you want something else?"
Ara slowly nodded. "Can I have some fruit-based drink, Kuya Sam? Medyo umiiwas ako sa coffee 'cos I felt like acidic ako the past few days. It's hurting my tummy," she chuckled.
It was so hard for Ara to lie, but she had to.
Alam niyang nagtakha ang kuya niya, pero hindi na ito nagtanong. Tumayo ito at bumalik sa bar counter para gawan siya ng inumin. Kahit malayo, naamoy niya ang strawberry. Nagtanong pa ito kung gusto ba niya na matamis at umiling siya nang maalala ang sinabi ng doctor na kailangan niyang mag-ingat sa pagkain ng matatamis.
"Here you go." Inabot ni Sam sa kaniya ang mataas na basong mayroon pang maliit na payong at cherry sa ibabaw. It was a strawberry fruit juice.
Ara immediately tasted the drink and she exhaled when she finally tasted it. Sobrang sarap at halos hindi siya nakapagsalita. Maybe it was the hormones, but she suddenly felt happy. Nginitian niya ang kuya niyang nakatingin sa kaniya at kinabahang seryoso itong nakatingin sa kaniya.
"I feel like something's bothering you," biglang sabi ng kuya niya at humarap sa TV. "To be honest, I'm a little sad that sometimes, I don't know you and Belle anymore. But it's all part of growing up."
"W-What do you mean?" Ara nervously stuttered.
Kinabahan siyang baka halatang-halata ng kuya niya ang naging pagbabago sa kaniya nitong mga nakaraan dahil siya mismo, hindi na niya kilala ang sarili niya.
"Si Belle, she's too busy. I get that pre-med is hard, pero hindi na siya umuuwi kahit weekends. It's rare for the twins to be together," Sam chuckled and gazed at her. "While you..."
Matagal na nakatitig si Ara sa kuya niya na para bang may hinahanap na mali sa mukha niya. Yumuko ito at umiling ngunit tipid na ngumiti.
"Hindi ko maintindihan, pero ang distant mo lately. You used to be so happy, jolly, and alive. Ngayon, kahit mag-smile, parang bihira. Ito ba ang nangyari sa college, Barbara? This semester really drained you?" Malungkot ang boses ni Sam. "Few more, Ara. I miss that glow in your eyes."
Mahinang natawa si Ara at inihiga ang ulo sa balikat ni Sam. Pareho silang nakatingin sa TV at pinanonood ang isang movie. Tahimik, malayo sa nakasanayan.
Nang matapos ang pelikula, tumingin si Ara sa labas ng café. Padilim na at alam niyang mag-aaya ng dinner ang kuya niya. Malamang nakakain sila sa labas, pero may naisip siya.
"Kuya, can I sleep sa place mo?" tanong ni Ara. Nakita niya ang pagkabigla sa mata ng kuya niya dahil hindi siya natutulog doon nang hindi kasama si Belle. "Cook me some steak?"
Sam chuckled and nodded. "Of course! Daan muna tayo sa grocery malapit sa condo so I can buy you some steak. Ano pang gusto mo?"
"Steak and mashed potato with crispy bacon," Ara scrunched her nose and smiled. "Is that okay?"
"Anything."
And her Kuya Sam wasn't kidding at all!
Pagdating nila sa mall, bumili nga ito ng steak, vegetables, and even got her a vanilla ice cream for dessert. Mayroon naman daw kasi itong Nutella sa bahay at nuts na gagawin lang naman niyang toppings.
It was her favorite.
Habang binabaybay nila ang daaan papunta sa condo ng kuya niya, mayroong kaba sa dibdib niya, pero ayaw niyang umuwing mag-isa. Nitong mga nakaraan, napapadalas din kasi ang nightmares niya na nagiging dahilan kung bakit ayaw niyang matulog. She wasn't sure if it was the pregnancy or anything, but she was having a hard time dealing with it.
Walang damit si Ara sa condo ng kuya niya kaya nanghiram na lang siya ng damit. Kaagad siyang naligo at habang nakatingin sa salamin, tumagilid siya at nakita ang umbok na pilit niyang tinatago.
Paglabas niya, naamoy niya ang niluluto ng kuya niya. Pumuwesto siya sa bar counter para panoorin ang ginagawa nito.
"You're so good at cooking, kuya." Ngumiti si Ara at ipinatong ang baba sa palad niya. "Why wala pa ikaw girlfriend? Ayaw mo pa rin ba?"
Ngumiti si Sam at pinatikim sa kaniya ang ginawa nitong mashed potato. "I'm still busy. I'm not in a rush. Bahala sila mommy and daddy sa request nilang magkaroon ng apo dahil tumatanda na raw sila. I'm not ready."
Hindi nakasagot si Ara at nanatiling nakatingin sa nilulutong steak ng kuya niya. Nakikita niya ang pagtalsik ng mantika galing sa kawali, ang usok mula sa ini-steam na broccoli, pati na ang pamumula ng apoy.
"Kuya, I'm pregnant po," diretsong sabi ni Ara at nanatiling nakatitig sa kawali para hindi makita ang reaksyon ng kuya niya. "I'm... I'm having a hard time already and I don't know what to do. My head hurts, I'm vomiting every morning, and I d-don't know how to tell everyone."
Walang narinig na sagot si Ara mula sa kuya niya na nagpatuloy sa pagluluto. Tiningnan niya ang reaksyon ng mukha nito. Wala na ang ngiti at seryosong nakatutok sa kawaling nasa harapan. Tumilamsik pa ang mantika sa kamay nito dahilan para malakas na mapamura.
Bumagsak ang luha niya dahil sa nakita. Bumaba siya mula sa bar stool at naupo sa sofa habang nagmamalabis ang luha. Humiga siya yakap ang unan at naghahanap ng puwedeng mapanood.
Ara felt her chest tighten as she was trying to stop crying. She didn't expect she would even say it casually. She didn't want to say it, but it came out naturally. Maybe because at the back of her mind, she wanted some help.
No... she needed it.
Narining niya ang pagpatay ng kalan at ang yabag papalapit sa kaniya. Lumuhod ang kuya niya sa harapan niya at pinunasan ang pisngi niya.
"Don't cry," Sam smiled at her. "Steak is done. Gusto mo na bang kumain? I have watermelon inside the fridge. Want some smoothie out of it?"
Ara nodded and sobbed. "H-Hindi ka g-galit, Kuya? I'm s-sorry." She sat down.
"I'm not. We can talk about it after eating. Hindi masarap ang steak kapag hindi na mainit," mahinang natawa si Sam. "And because of that, no softdrinks. Meron pa naman akong Mountain Dew. You'll have watermelon smoothie."
Ara pouted. It was one of her favorites, but she understood.
Tumayo ang kuya niya at iniwan sa sala. Nanatili siyang nakayuko at mahinang umiiyak. Nilalaro niya ang sariling mga kuko habang iniisip kung ano ang isasagot sa posibleng maging tanong nito.
At dahil alam na ng kuya niya, kailangan na rin niyang harapain si Belle, si Sayaka, lalong lalo na ang parents nila.
Narinig niya ang blender at nakitang nakaayos na rin ang lamesang kakainan nila ng kuya niya. Naisipan na munang pumunta ni Ara sa banyo para maghilamos at habang nakatitig sa salamin, kita niya ang pamamaga ng mga mata niya mula sa pag-iyak.
She had been dealing with it for weeks already! Ara even had to search and buy something to depuff her eyes. Nobody should see it.
"Let's eat," pag-aya ni Sam paglabas ni Ara ng comfort room. "Hindi ko masiyadong tinamisan 'tong smoothie mo."
Ara smiled without saying a word and started eating. Katahimikan ang bumalot sa kanila ng kuya niya at tanging tunog ng utensils ang naririnig nila. For some reasons, hindi na naiilang si Ara hindi tulad noong hindi pa niya nasasabi. She happy ate her steak because it tasted good. Her tastebuds were craving for it.
Must be the pregnancy, too.
They talked about school and graduation. Nagkuwento pa si Sam tungkol sa sarili nitong mga challenges noong college lalo nang mag-law school. Kapapasa lang din nito sa board exam noong nakaraang taon kaya naman proud na proud ang mga magulang nila, lalo ang daddy nila dahil sa kanilang tatlong magkakapatid, ito lang ang tumahak sa gusto nito.
"I'm shy," Ara chuckled. "You're a lawyer and Belle will be a doctor soon. While I..." she paused. "I'll be a mom. Hindi pa ako graduate, I'm already carryin—"
"What's wrong about being a mom?" Sam casually responded. "Did you know that being a mom is the hardest job in the world? You'll graduate soon and there's no difference at all. Napaaga lang, but you'll get there. Being pregnant doesn't mean it's the end for you. It's the start of something new."
Ara bit her inner cheek. "A-Are you mad at me or disappointed that I turned out to be like this?"
"Like what? Like my baby sister who's having a baby already? Nakakatampo kasi inunahan mo 'ko!" Sam smiled and shook his head. "Nagulat ako kanina. I wasn't prepared. I have no right to get mad. A little disappointed, yes. Hindi mo maiaalis sa 'kin 'yon, but I'm here. I'll be here."
Nanginig ang baba ni Ara habang nakatitig sa kuya niya. Hindi alam ang isasagot dahil sa hiyang nararamdaman at takot na rin lalo na sa parteng kailangan niyang kausapin ang mga magulang niya.
"Are you planning to tell our parents, Kuya Sam?" Suminghot si Ara at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi.
Sam shook his head. "It's your story to tell, but I would suggest na sabihin mo na sa kanila hangga't maaga pa. It'll get bigger and you won't be able to hide it. Kung kailangan mong samahan kita, sasamahan kita."
After dinner, Sam asked Ara if she wanted to watch a movie like they used to. Sinasabi rin nitong nami-miss na si Belle, ganoon din naman siya, and that they should watch a movie soon. Mas magiging busy na rin kasi ito kapag nagsimula na ang med school.
Humiga siya sa legs ng kuya niya na kaagad sinuklay ang buhok niya. Pareho silang tahimik at ipinagpasalamat niyang hindi ito nagtanong tungkol sa kung sino ang tatay.
Ara breathed and shut her eyes.
Of course, Sam wanted to ask, but he knew he would just worsen the situation. If Barbara wanted to let him know, she would and he would respected that. Marami na rin ang pumapasok sa isip niya lalo sa parteng malalaman ng mga magulang nila ang sitwasyon ng tinuring nilang bunso.
It would be possible that their parents would be disappointed, but Sam was ready to defend his baby sister and he knew that Belle would, too.
Nang makatulog si Ara, hinayaan na ito ni Sam sa sofa at kumuha siya ng comforter at ginawang dim ang ilaw sa sofa bago dumiretso sa balcony ng condo niya. Nakatitig siya sa kawalan at malalim na nag-iisip nang mag-ring ang phone niya.
It was Belle.
"How's Barbara, Kuya Samuel?" Narinig ni Sam ang paghikbi ni Belle. "Is she okay? Nakatulog na ba siya? Kumain ba siya?"
"She's sleeping." Sinilip ni Sam si Ara mula sa glass window. "Yup, she ate steak and I made her a watermelon smoothie. Surprising na naubos niya and she asked for another kahit na ayaw niya ng watermelon."
Mahinang natawa si Belle. "She really is pregnant kung ganiyan. Kaya pala she's not drinking coffee na. When daw niya nalaman?"
"I didn't ask. I am actually afraid to ask questions, Belle. I don't know what are the right questions to ask," Sam breathed.
"Baka nalaman niya noong na hospital siya because of migraine? I didn't ask much because the doctor said it was migraine." Muling narinig ni Sam ang paghagulhol ni Belle. "My baby..."
Sam chuckled. "Wait for her to tell you. I felt sorry that I told you, but I don't know what to do or how to react. Thanks, Belle, for calming me earlier."
"Kuya, parang others! Can I come tomorrow or it'll be too obvious?" Belle asked. "I can bring breakfast."
"I'm not sure. I have a feeling she's planning to tell Mom and Dad soon," Sam said in a low voice. "Baka tatawagan ka rin niya bukas. Can we wait? I'll be with her for a while and make her feel comfortable."
"Alright, Kuya Sam. Thank you," Belle sniffed. "I love you both."
Sam smiled and gazed at Ara who was peacefully sleeping. "I love you both so much, too."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top