Chapter 5

NAKARATING KAMI sa hospital at agad akong tumawag ng nurse upang iassist kami. Agad naman nila kaming dinaluhan at dinala sa pribadong kwarto. Nilinis ang sugat ni End at nilagyan nang benda. Nang matapos iyon ay ngumiti sa akin ang nurse na panay ang sulyap kay End at para bang humahanga sa mukha nito. Sino lang ba ang hindi? Nakaformal attire ito, nakatop-knot ang buhok at seryosong seryoso ang mukha na mas lalong nagpagwapo—nagpagwapo? Ano ba itong iniisip ko? Anong mas lalong nagpagwapo?

"Hindi naman po kritikal ang lagay ni Sir, Ma'am. Bale, linisan niyo na lamang po ang sugat niya every night para iwas infection. Medyo malalim po ang sugat ni Sir kung kaya't kailangang alagaan para hindi na kayo magpabalik balik dito." she politely said while smiling.

"May mga gamot bang ireresita sa kanya?"

"Mefenamic at Amoxicillin lang po pagkatapos niyong ma-dressing-ngan ang sugat ni Sir." tumango ako.

"Sige, maraming salamat." binigyan ko ito nang maliit na ngiti na siyang ginantihan din nito bago yumuko at umalis.

"It's really not necessary—"

"I'm sorry... Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan, it's my fault. Kung hindi sana ako yumakap—" nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap.

I am shock! I am shock as hell! Hindi ko inaasahan ito, mas inaasahan ko pang insultohin at pagmalupitan niya ako kase naiintindihan ko kung saan manggagaling ang galit niya. But him, hugging me right now?

"I missed you... I missed you so much, Cass." para akong hihimatayin sa gulat dahil sa mga pinanggagawa at pinagsasabi niya!

"It's been what, Cass? It's been six years. Six fucking years since you choose to leave me." hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan na dito mismo sa hospital na to namin pag-uusapan ang mga nangyare sa amin noon. "Please say something, Cassandra or i lose my mind right here, right now."

"I-i... E-end— End we shouldn't talk here, i think this isn't the right place nor the right time to talk about us. To talk about our past." umiwas ako nang tingin nang makita ko ang pangungulila at sakit? Sa mga mata ni End.

"Then saan mo gusto at kailan mo gustong mag-usap tayo, Cassandra? Don't you dare think of leaving me like a shit again, Cass. Don't you dare." anito sa may pagbabantang tono kung kaya't napalingon ako sa kanya.

"I-i am not planning of leaving again." nag iwas ako nang tingin dahil parang nagtunog iyon na hindi ko na ulit siya iiwan. "I have my company here, of course i am not leaving." bawi ko sa sinabi.

"Then set a date and time for us. I badly want to talk to you, hndi mo alam kung gaano ako nagpipigil ngayon, Cassandra." nakita ko ng pag-igting nang kanyang panga kaya napaiwas ako nang tingin.

Akmang sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto nang pribadong kwartong inuukupahan namin at niluwa nito si Ten na parang nakahinga nang mabuti nang makita ako kaya agad ko itong takang tiningnan.

"What's the matter, Ten?" pumasok muna ito nang tuluyan bago umupo sa harap namin ni End. Nabaling ang tingin nito kay End ngunit hindi din iyon nagtagal at agad na ibinalik ang tingin sa akin.

"Eh kase Ma'am, kanina pa po may tumatawag sa phone niyo. Ilang ulit ko ding sinagot at aba sinigawan pa talaga ako nong bata! Jusko para akong maloloko, sabi ko nasa hospital ka at sinabihan ko din na huwag magpanic dahil hndi naman ikaw ang nahospital pero nagalit padin sa akin. Ang sabi paki abi daw sa Mom—"

"Where's my phone, Ten?" agad ko siyang pinutol gamit ang tanong na iyon.

Hindi sa hindi ko gustong makilala ni nd ang mga bata, at hindi ko din gustong hindi makilala nang mga bata ang tatay nila. Pero hindi lang talaga ito ang tamang oras para magkakilala sila. Grabe ang kabang nararamdaman ko lalo na nang banggitin ni Ten ang salitang bata! At worst muntik niya nang mabanggit ang salitang Mom or Mommy!

Hindi ako mapakali lalo na nang dumapo sa akin ang mapaghusgang tingin ni End. Nakakunot man ang kanyang noo pero halos mag-isa na ang kilay nito sa sobtang lapit! Na para bang may gusto itong sabihin ngunit pinipigilan lamang niya ang sarili.

Nang ibigay sa akin ni Ten ang cellphone ko ay agad ko itong kinuha na para bang kapag hindi ko kinuha iyon agad ay may ibang kukuha non. Kaya naman taka nila akong tiningnan. Awkward lang akong ngumiti sa kanila na alam kong para akong tanga!

Nang makita ang oras ay agad akong tumayo. Muntik na akong mapahampas sa sariling noo nang maalalang mayroon pala kaming lakad nang mga bata ngayon.

"A-ah... I have to go. Ten, please paki-assist si Mr. Gray palabas kapag dumating na ang doctor. I really need to go."

"Is it urgent? I'll come with you—"

"No!" nagulat ito sa agad kong pagprotesta at napakurapkurap pa. "I mean, hindi na. Okay lang ako, at isa pa malapit lang naman ang pupuntahan ko. Si Ten na ang magmamaneho sayo."

Kitang kita ko ang pagprotesta sa mga mata nito ngunit agad akong tumingin kay Ten. Ngumiti naman ito sa akin na para bang naiintindihan ang gusto kong ipahayag.

"I really need to go. I'll text you after this, Ten. Inform me kung anong mga nangyare, and of course about the police when they ask about me." tumango ito.

"Okay po, Ma'am. Anything else po?"

"Wala naman na, iyon lang. Thank you, i gotta go." muli akong bumaling kay Ten ngunit nasa harap ito nang kanyang cellphone na wari ko'y nasa bulsa niya na kanina pa. "I-i ah... I'll gotta go, Mr. Gray." hindi ito umimik kung kaya't muli akong bumaling kay Ten at tumango bago tuluyang umalis at nilisan ang hospital.

"GALING KA sa hospital, tapos magkasama kayo ni End doon? Are you for real Cassandra?" hindi makapaniwalang ani Stella kung kaya't agad kong tinakpan ang bibig niya.

Agad namang napabaling sa amin si Trese at alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya dahil hindi ko naman tinago sa kanila ang pangalan nang ama nila. Alam nila ang totoo. Alam nila na kaya kami malayo sa ama nila ay dahil nagpapagaling ito sa kanyang sakit which is true. He's been in a theraphy under the private hospital named Psychopath Asylum.

Although it's too obvious sa pangalan nang hospital, it's still okay. Kase nakakatulong din naman sila sa marami. At marami nadin ang napabuti ang lagay dahil sa hospital na iyon.

"Are you talking about, Daddy, Mom? Did you two meet?" ayokong magsinungaling sa mga anak ko kung kaya't tumango ako. But to avoid the conversation i say—

"Anong sinabi ko sa inyo tungkol sa kung may nag-uusap na mga matatanda?"

"Huwag po sumali o sumingit sa kanilang usapan." ngumiti ako.

"Then?"

"I'm sorry, Mommy. Curious lang po ako."

"It's alright, honey. We'll just talk when we got home alright?"

"Okay," tumango naman ito bago muling bumalik sa pagkain.

Tiningnan ko ang dalawa nitong kapatid na tinutulungan nina Sel at Nay Tessa sa pagkain. Wala namang mga imik ang mga ito at kumakain lang.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga restaurant na pagmamay ari ni Stella. Dito namin napagpasyahang kumain dahil nadin sa nag-alala din ang dalawa nang malaman na nasa hospital ako. Zia and Stella are my friends since college. Zia is Gun's wife which friend to End. Pero nangako naman siyang walang sasabihin sa asawa kaya napanatag akong makipagkita sa kanila.

"Gun is still searching about you. Hindi ko alam kung tumigil na, i bet yes. Kailan pa ba kayo nagkita ni... Katapusan?" tumingin ito kay Trese na patuloy padin sa pagkain. Natawa pa si Stella sa ginamit na pangalan ni Zia kaya napalingon sa kanya ang mga bata kaya sinabihan niya itong kumain na lang ulit.

"Nang mismong araw nang kakadating ko lang dito sa pilipinas. I didn't even know that he's there and he's a shareholder of my company! Kilala siya nina Daddy at Mommy noon, ipinakilala ko siya nong kami pa. Pero never nasabi sa akin ni Daddy na shareholder siya nang kompanya at malaki ang shares niya!"

"Baka nakalimutan lang sabihin nang Daddy mo?" si Zia. Umiling ako.

"Hindi ganoon si Daddy, he will never forget to tell me every single thing about the company especially when it's about End being our shareholder."

Hindi nakapagsalita ang dalawa kaya ganon din ako. Nagulat na lamang kami nang biglang makarinig nang basag kaya agad nabaling ang atensyon namin doon. Agad nanlki ang mga nata ko nang makitang may nakabanggan si Dos habang may hawak n baso sa kanyang kamay. At mas lalo akong nawindang nang makita kung sino ang nakabanggan nito.

"Oh my god!" heristikal na ani Zia.

"What the fuck is he doing here?" takang tanong naman ni Stella.

Agad akong tumayo upang puntahan si Dos. Agad ko itong hinawakan at inilayo sa taong ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa anak ko.

"G-gun,"

"Cassandra?"

Halos magkasabay pa naming saad. Napapikit ako nang lumapit pa siya lalo sa amin at namataan ang asawa na ngayo'y nasa likod ko na pala kasama si Stella.

"Gun, why are you here?" tanong ni Zia sa asawa.

"You didn't tell me you're seeing him, wife. You knew—"

"She's my friend, Gun. What do you ant me to do, handle her to End?" halos umikot ang mga mata ni Zia pagkatapos sabihin iyon.

"But, wife—" bago pa mag-away ang mag-asawa ay nagsalita na ako.

"Thank you for the lunch, Zia, Stella. Aalis na kami." hndi ko na hinintay na makapagsalita ang dalawa at agad na inakay si Dos pabalik sa lamesa namin.

Agad kong sinabihan sina Sel at Nanay Tessa na aalis na kami. Nakakaintindi naman silang nag-ayos nang gamit at inalalayan ang dalawa. Nakita ko pang nag-uusap ang tatlo doon kaya kinuha ko iyong opportunity upang agad na makaalis kami.

Halos hindi magkamayaw ang kaba ko hanggang sa makalabas kami nang restaurant. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makapasok na kami sa sasakyan ni Sel at pinaharurot ito pabalik sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top