Chapter 4
MAAGA AKONG nagising dahil alas syete nang umaga ang schedule ng meeting ko together with the board members. This is my very first meeting with them in person. At kahit hindi ko sabihin ay kinakabahan ako na baka ay pagkaisahan nila ako at paalisin sa sarili kong kompanya.
I choose my outfit before putting some light make up on my face. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay pumunta ako sa kwarto nang tatlo, mahimbing pa ang tulog nila, ngunit nagulat ako nang wala doon si Uno kaya agad akong bumaba upang hanapin ito. Then, there, at the kitchen, i saw him drinking his milk. Sobrang aga pa nito! Magsi-six am pa lang, pero ito siya at gising na gising na. Nilapitan ko ito at binati.
"Good morning, baby. You're so early naman, hindi ba maganda ang tulog mo?" lambing ko dito. Umiiling na umalis ito sa kanyang inuupuan at pumunta sa gawi ko. Humalik sa aking pisnge bago tumabi sa akin nang upo.
"No, i'm fine, Mom. I slept well, nakasanayan ko din naman na ito."
"What do you mean? Palagi ka bang maagang nagigising kina Tita Sel mo?" tanong ko na kanyang ikinatango.
Naalala kong may insomnia nga pala ang anak ko. Nahihirapan itong matulog kung gabi lalo na kung wala ang mga kapatid. Pero nagtataka padin ako kung bakit ang aga niya magising.
"Opo, i usually sleep 1 in the morning pero nagigising padin ako nang maaga. I think normal na sa akin iyon." tumango ako.
"Are you... still taking some sleeping pills?" umiling ito.
"No, Mom. That's not necessary anymore." ngumuso na lamang ako at hindi na nakipagsagotan sa kanya. Para kaseng palagi itong may bala para sagotin ang mga binabato kong tanong.
"I'm leaving for work, anak. I can't cook your breakfast pero dadating sina Tita mo Zia at Tita mo Stella before seven. Sila ang magluluto nang breakfast niyo, okay? Huwag kayong pasaway ha?" nakakaintinding tumango ito.
"Okay, Mom."
"I'll be back at lunch tapos mamamasyal tayo kasama sina Tita mo Sel at Lola Tessa. Sabihan mo na lang ang kapatid mo na umalis na ako ha? Hindi na ako makakapagpaalam sa kanila. Pakisaway din kapag sobrang kulit na kina Tita mo." bilin ko dito.
"Alright, Mom. I'll handle them." ngumiti ako dito at bahagyang ginulo ang kanyang buhok na siyang ikinakunot nang kanyang noo na akin namang ikinatawa.
"Okay then, i'll leave na. Ingat kayo dito ha? Huwag pasaway sa mga Tita niyo. I love you, three!" humalik ako sa pisnge nito at ganon din siya.
"We love you more, Mom." he said that makes me smile.
Pagkatapos kong magpaalam ay agad na akong umalis. It's almost six, and i need to be in my office before seven so that i can talk to my secretary.
Pinaharurot ko ang sinasakyang dala. At laking pasalamat ko nang makarating ako bago pa mag-seven. Agad kong pinapasok si Ten sa opisina at nidiscuss sa kanya lahat ng mga bagay na pagme-meeting-ngan namin ngayon in case may sumalungat sa akin.
"That's all, Ten. You can leave now. Pumunta ka sa conference room at tingnan mo kung kompleto na silang lahat doon. Ayokong maghintay, we will start at exactly 7:10. It's already seven, i don't want anyone to be late."
"Yes, Ma'am. Anything?"
"That's all. You can leave now."
Inayos ko ang folder na aking dadalhin. Inayos ko ang mga papeles na aking mga pinuna sa mga heads and directors. Pagkatapos nang ilang sandali ay mayroong kumatok sa aking opisina bago ko makita ang mukha ni Ten. Ngumiti ito ngunit hindi ko iyon sinuklian.
"Kompleto na po silang lahat, Ma'am. Pwede na po kayong pumunta doon." nakangiting anito.
"That's good, take this papers, i'll handle the folders." tumango ito bago tumungo sa kinaroroonan ko.
Inayos ko ang aking damit bago naunang maglakad. Mabilis naman itong sumunod sa akin habang bitbit bitbit ang mga dala ko.
Walang emosyon kong tinungo ang conference room. Nang makarating doon ay agad akong umupo. Nilibot ko ang aking paningin at agad akong nagulat nang dumapo ito sa isang pamilyar na tao. Hindi man lang ito nagulat nang makita ako! Siguro ay ine-expect niya na ito, at pinlano niya din! Agad kong sinenyasan si Ten na agad namang lumapit.
"Anong ginagawa ni Mr. Gray dito?" ngumiwi ito sa diin nang aking boses pero sumagot din.
"Isa po siya sa mga shareholders, Ma'am." napatanga ako nang dahil sa sinabi nito. Agad ko itong pinaalis bago tumikhim.
"So, shall we start, everyone?" muli kong nilibot ang aking mga mata at napansin kong karamihan pala sa mga board members, heads, at shareholders namin ay lalake. Bilang lamang ang makikita mong babae at puro pa may edad na.
"I'm so sorry but, what is this meeting all about, Ms. Espiritu?" agad na tumaas ang aking kilay nang dahil sa paunang tanong na iyon ni Mr. Guzman.
"Wow, so you attend this meeting without any knowledge what we're going to talk about? I already send the memo in each of you. How unpleasant, Mr. Guzman." nanunuyang ani ko habang naiiling pa.
"That's not what i mean—" bago pa nito matapos ang sasabihin ay agad ko na itong pinutol.
"Pinatawag ko kayong lahat dito dahil sa mga naipuna ko sa mga heads and directors. Alam kong alam niyo kung ano ang ipinunta niyo dito. Nakita ko kung paano bumaba ang sales natin ngayong taon, and why is that? Kindly tell and explain it to me head of finance?" malamig ko itong tiningnan. Agad naman itong tumayo at nanginginig na bumaling sa akin.
"M-ma'am... Mayroon po kase k-kaming h-hinala na mayroong t-traidor sa k-kompanya—"
"What? What did you just say, Mr. Jemumoa?" napatayo ako nang dahil sa narinig. "May hinala kayong mayroong traidor sa loob nang kompanya at hindi man lang kayo nagbigay ng notice sa amin? Hindi niyo man lang kami pinaaalam? Not even my secretary?" galit ako. Galit na galit.
Paanong nangyare ito? Sa loob nang ilang taong pamamahala ko nang hindi nila nakikita ang aking totoong mukha ay wala ni isa ang nagtangkang traidorin ako. Tapos ngayon ay malalaman kong may nagtatraidor sa kompanyang pinaghirapan ko?
"M-ma'am—"
"Eh paano pala kung hindi pa ako nagpatawag nang meeting na ito hindi pa malalaman na may nagtatraidor sa kompanya?"
"That's only a hunch, Ms. Espiritu." tiningnan ko nang masama ang nagsalitang iyon.
"It's either a hunch or a lie. Kailangan parin na makarating sa akin ang balitang ito! Paano pala kung malaki na ang nahuthot nang traidor na iyon?"
"Calm down, Ms. Espiritu—"
"Tell me how to calm down when this bullshits are happening right now!" i am really frustrated!
Six years! Six years ko nang nahandle ang kompanyang ito. Hindi pa isipin na nasa ibang bansa ako. Pero nahandle ko ito nang maayos. Napatakbo ko ito at napalago. Inalagaan at iningatan ko tapos sa isang iglap lang biglang ganeto ang mangyayare? Bigla akong makakarinig nang balitang mayroong traidor sa kompanya ko at hinuthotan ito nang pera?
Sa loob nang anim na taon kong pamamahala sa kompanya na ibinilin sa akin ni Daddy ngayon lang ito nangyare. At ngayon pa talaga na kakarating ko lang galing sa ibang bansa?
"Ms. Espiritu—"
"At ikaw, Mrs. Valencia! I already told you countless of times to train all the interns properly and nicely! Ano itong naririnig ko sa ibang empleyado at mga bagong interns na pinagmamalupitan niyo sila huh?" nanlaki ang mga mata nito sa gulat na animo'y gulat na gulat siya na nalaman ko ang mga pinanggagawa niya.
Napaupo ako dahil sa inis, galit at frustration. Hindi sinasadyang mapatingin ako kay End na siyang nakatingin din pala sa akin. Hindi ko alam kung bakit ito nakatingin sa akin at para bang may tinatagong ngisi sa kanyang labi na mas lalong dumagdag sa iritasyon ko.
"Ms. Espiritu, please give us a chance to clean this mess. Hindi kami nangangako ngunit gagawin namin ang lahat para malaman ang traidor sa kompanya." ani nang isa sa mga board members ko.
"That's what i want to hear." ani ko.
Naiinis padin ako hanggang ngayon. Napatingin ako kay Ten nang bigla itong natarantang pumunta sa gawi ko bago inilapit ang kanyang nga labi sa aking tenga.
"Ma'am, jusko! May nagwawala po sa labas kanina pa at ngayon ay gustong pumasok dito. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko pa iyon nakikita dito sa opisina." nangunot ang aking noo at binalingan ito nang tingin. Halatang kinakabahan ito at talagang natataranta.
"Who—"
"Who the hell is Cassandra Espiritu?" napatayo ako ganon din ang ibang directors nang dahil sa isang babaeng nangahas na pumasok sa conference room na pinagme-meeting-ngan namin.
"What is your problem, Ms.?" tumawa ito nang pagak at mas lumapit pa lalo sa akin. Agad namang humarang si Ten ngunit pinagilid ko lamang ito.
If ever this girl hurt me, i surely can handle my self. Hindi ko kailangan nang tagapagtanggol. Hindi ko kailangan nang ibang tao upang maging panangga para hindi lamang ako masaktan.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Walang hiya kayo! Walang hiya kayong lahat! P-paano... P-paano niyo nakayang p-pumatay nang inosenteng t-tao? P-paano niyo nakayanang p-patayin ang k-kapatid k-ko?" humagulhol ito nang iyak na siyang mas lalong ikinakunot nang aking noo. Litong lito ako at hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung ano bang pinagsasabi nang babaeng ito.
"Excuse me, Miss. I think you are barking at the wrong tree. Hindi ka namin kilala, hindi ko kilala ang kapatid na tinutukoy mo. Whoever killed your brother, that's not me nor my company." paliwanag ko ngunit umiling ito.
"Kayo! Kayo ang pumatay sa kanya! Kayo ang tinuro niyang suspek sa pagpatay sa kanya!" napaatras ako sa pagduro nito sa akin. Agad na lumapit si End sa kinakatayuan ko kaya agad ko itong sinenyasan na huwag ngunit hindi ito nakinig.
"Alright, kung kami man ang tinuturo nang kapatid mo na pumatay sa kanya. Pwede bang malaman muna namin kung sino ang kapatid mo? Because, Miss, if you keep accusing us at hindi naman pala namin kilala ang kapatid mo o kung wala naman pala kaming koneksyon sa kanya we can sue you. At alam mo iyan."
"J-jai-jaime... Jaime ang pangalan ng k-kapatid ko. Now, tell me you didn't killed him!" umiling ako, hindi ko kilala ang lahat ng empleyado ko kung kaya't sinenyasan ko si Ten.
"Find his name, what's his surname, Miss?"
"Harlenes..."
"Find this guyʼs name in our system. Find Jaime Harlenes in our system. And tell me immediately if you see his name. I need it asap, Ten." tumango si Ten at agad na umalis.
Pinaupo ko ang babae ngunit hindi ito umalis sa kanyang pwesto. Nanatili ito doon kung kaya't ako din ay ganon ang ginawala, nanatili sa harapan niya.
"Everyone, do you somehow know Jaime Harlenes? Did he really work under our company?" umiling ang iba. Siguro ay hindi din kilala ang ibang empleyado.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin, if ever that's true that we have an employee that named Jaime Harlenes, paanong namatay siya at ang kompanya ko ang tinuturo na salarin? Oh my god! Umaga palang pero feeling ko drained na drained na ako. I look at my wrist watch at nakitang magna-nine na.
"If ever you are mistaken, Miss. We will surely sue you. You clearly harassed the CEO of this company and accused our company a big accusations." napalingon ako kay End na nasa tabi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Nagulat ako kung bakit niya iyon sinabi, pero sa naalalang shareholder din nga pala siya dito at isang lawyer ay nag-iwas ako nang tingin.
"And if ever na nagtrabaho talaga dito ang kapatid ko? Kayo ang ipapakulong ko, mga mamamatay tao!" umiling ako.
"Mabigat iyang akusasyon, Miss. At maaari kang makulong dahil sa mga pinagsasabi mo."
"Makulong man ako, sisiguraduhin kong makukulong din kayo at mabibigyan nang hustisya ang nangyare sa kapatid ko!"
Hindi talaga ito magpapaawat. Pursigido talaga itong idiin kami.
"Alright, alright. Why don't you take a seat first— what the fuck?" agad akong napaatras nang maglabas ito nang patalim. We are all shocked!
Sinong mag-aakala na may patalim itong dala? Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan pero agad akong hinila ni End at agad na itinago sa likod niya. Agad naman akong sumilip sa nangyayare at kung anong ginagawa nito.
"Fuck it! Stay behind my back, Cass!" galit nitong sigaw kaya mas lalo akong nagulat.
"Nasa likod mo lang ako, End. Huwag mo akong sigawan!"
Nakita kong tinutukan nang babae ang mga boards at heads na agad namang umatras dito. Nag-umpisa nang magwala ang babae at iwinasiwas ang dalang patalim dahilan na mapasigaw ang iilang ginang sa loob nang kwartong ito. Napakapit ako sa damit ni End nang bumaling ito sa aming gawi. Mas lalong humigpit ang hawak ko nang lumapit ito sa amin. Napaatras ako at dahil hawak ko ang damit ni End ay nasama ito.
"End, we should call the police! Everyone, call the police now!" natatarantang utos ko.
Malapit na ito sa amin. Nakahanda na talaga ang kanyang patalim. Muli akong umatras at isinama si End. Muntik na akong mabuwal at mabuti na lang ay nahawakan ako nito sa braso.
"Mga mamamatay tao!" nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya kaming inatake. Napapikit ako at napayakap kay End dahil sa sobrang takot at kaba.
Narinig ko ang mga sigawan nang mga tao sa paligid. Sinisigaw ang apelyido ni End na para bang may mali dito. Umahon ako mula sa kanyang dibdib at tiningala ito. Nakatingin lamang ito sa babae. Nang subukan kong tignan ang babae ay para akong binuhusan nang malamig na tubig nanag makitang hawak-hawak ni End anh dulo nang kutsilyo na hawak nito. Ang dugo sa kanyang kamay ay tumutulo na sa sahig ngunit parang wala man lang itong nararamdaman dahil sa walang emosyon nitong mukha.
"E-end..." tawag ko dito. Tumingin lamang ito sa akin bago niya ako muling ibinalik sa kanyang dibdib. Wala na akong lakas upang labanan pa iyon.
Napahikbi ako nang maalala ang dami nang dugo na pumapatak mula sa kanyang kamay. Hinaplos nito ang ulo ko bago ko naramdaman ang pag-pwersa nang kabila niyang kamay. Narinig ko ang pagtalsik nang patalim nang babae kung kaya't aahon na sana ako nang pigilan niya ang ulo ko.
"Stay still..." after he said that narinig ko ang pagbukas nang pinto at ang iba't ibang hindi pamilyar na boses. Narinig ko din ang walang tigil na sigaw nang babae na animo'y pumipiglas ito.
Pinilit kong makawala sa dibdib niya at nilingon ang babae, nakita kong hawak ito nang mga naka-unipormeng pang nurse sa hospital. Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis sila. Para akong nabunutan nang tinik. Ngunit nang bumalik sa aking alaala ang nagdurugong kamay ni End ay naglanding doon ang aking paningin.
Kumalas ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang walang sugat. Inakay ko ito ngunit agad itong nagprotesta. Tiningnan ko ito nang masama ngunit tinaasan lamang ako nito nang kilay.
"Kailangan nating maipagamot ang sugat mo, End. Sigurado akong malalim iyan dahil sa dami nang umagos mula diyan sa kamay mo." nag iwas ako nang tingin at siya naman ay nakatitig lamang sa akin.
Inakay ko itong muli ngunit hindi ito umalis.
"Ano ba?" naiinis kong ani. Nagi-guilty ako dahil alam kong kung hindi ako yumakap sa kanya ay sana nakawala kami at hindi siya nasaktan.
"You don't need to—"
"It's needed. I need to. Huwag nang matigas ang ulo mo at baka maubusan ka pa nang dugo dito." pwersahan ko itong inakay at mabuti ay nagpatianod naman ito sa akin sa wakas.
Pinagtitinginan kami nang mga boards and heads pati si Ten pero wala akong binalingan nang tingin sa kanila maski isa. Nagpatuloy ako sa paghila kay End hanggang sa makalabas kami nang conference room.
Mabuti na lamang at hindi na ito nagsalita pang muli o umangal nang isakay ko ito sa kotse ko kaya madali kaming nakarating sa hospital at naipagamot agad ang sugat niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top