Kabanata 6
Kabanata 6
Not Good
Gusto kong isipin na paranoid lang si Mia at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Mia kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Mia tungkol kay Rage pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.
Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Rage sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin.
"670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.
Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Ching sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Mia, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan.
"Naku, ganon po ba?"
Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa halagang two thousand buwan-buwan, tapos 670 pesos ang Semester ko sa college, tapos pagkain at baon. Kung makaka kuha ako ng 6 thousand o 8 thousand buwan buwan galing sa pag titinda ay kasyang kasya na para sa lahat ng gagastusin.
Kung ganon, kailangan kong umalis sa Del Fierro. Isang buwan ang binigay ko sa aking sarili bago umalis. Mabibigo silang lahat sa gagawin ko dahil kaka hire lang nila sa akin. Pero alam kong hindi ito kawalan sa kanila dahil marami pa silang mahahanap na iba. Ang kakausapin ko na lang ngayon ay si Ma'am tapos ay maghahanap na ako ng matitirahan.
"Ano? Kamusta?" Salubong ni Mia pagkarating ko sa Lounge.
Nag susuklay siya sa kanyang buhok at kaka baba niya lang sa kanyang cellphone. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
"Kung papayag si Ma'am na regular akong magtatrabaho sa kanya every Friday at Saturday, mag eenrol na ako."
Nalaglag ang panga niya. "Aalis ka dito?"
Tumango ako.
"Eh, saan ka titira kung di ka magtatrabaho dito?"
"Ewan ko, Mia. Maghahanap pa ako ng matitirhan. Bedspace." Paliwanag ko sabay lagay ng sardinas sa pinggan para makakain na.
"Sige, tutulungan kita. Magtatanong ako sa boyfriend ko kung saan 'yong mura. Magkano ba ang budget mo?"
Napangiti ako sa narinig ko sa kanya. Nagdududa na ako noon na may boyfriend siya dahil palagi siyang nasa cellphone. Ngayon niya lang sinabi sa akin na meron nga.
"Two thousand." Sabi ko.
Ngumiwi siya. Siguro ay mahirap talagang makahanap ng ganong halaga. Mahirap kung masyadong magarbo ang gusto mo. Ang gusto ko ay simple lang naman, basta lang may matutuluyan.
"Sinong maghahanap ng matutuluyan?" Medyo galit na sinabi ng biglaang sumulpot na si Aling Nena.
Galing siyang CR ng lounge at halos masamid ako nang bigla siyang nagsalita. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Mia sa Lounge. Gulat din si Mia at halos mamutla.
"Si Sunny po." Mabilis niyang sinabi.
Matalim ang tingin ni Aling Nenita kay Mia bago bumaling sa akin gamit ang kalmadong ekspresyon. "O, Sunny, ayaw mo na rito?"
Umiling ako. "Hindi naman sa ganon pero mas maganda naman po pag may sarili kang kwarto. Nahihiya po ako dito." Sambit ko.
Tumango si Aling Nenita at pinahid niya ang kanyang basang kamay sa kulay blue na pantalon, siyang uniporme namin. "O siya, iwan ko muna kayo." Bago lumabas.
Umirap sa kawalan si Mia nang nakalabas na ang matanda. May binubulong bulong pa siyang mga mura habang sumusubo ako ng kanin.
"Magkagalit kayo ni Aling Nenita?" Tanong ko.
Umiling siya. "Mama siya ng boyfriend ko." Nag iwas siya ng tingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "T-Talaga?"
"Oo. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok dito. Akala niya na naman nag paplano kaming bumukod. Ayaw ko talagang umuwi sa bahay ng boyfriend ko dahil sa kanya pero ayaw naman ng boyfriend kong bumukod."
Napaka mature naman pala ng relasyon ni Mia. Nasa isang bubong na sila. Hindi ko maiwasang mamangha dahil hindi ko inakalang ganong lebel na pala sila ng kanyang boyfriend.
Dahan dahan, nakikilala ko ang mga tao sa paligid. Noong high school pa lang ako, halos wala akong kaibigan at siguro ay dahil doon, nasanay na akong mag isa. Si Patricia, ang pinsan ko, ang palaging naglalayo sa mga kinakaibigan ko sa akin. Masaya siya pag wala akong kaibigan at galit siya masaya ako. Kaya kahit masaya akong mag isa non ay pinilit kong mag mukhang malungkot. Iiyak ang araw na hindi niya ako maaasar. Siniraan niya ako sa tanging lalaking naging crush ko noong high school. Gusto ko siyang kamuhian pero hindi ko kayang kamuhian kami ni Auntie at paalisin niya kami sa bahay nila gayong wala na kaming matitirhan ni mama.
Nakalimutan ko na ang pakiramdam na may kaibigan. At ang marinig na nagtitiwala at nag shi-share si Mia sa mga detalye ng kanyang buhay sa akin ay nakakapanibago. Parang hindi na ako mag isa.
"Bata ka pa naman, Mia. Siguro ay tama ring huwag muna kayong bumukod." Sabi ko.
"Talaga! Twenty-three pa lang ako at kahit na sabihin ni Eric na bubukod kami ay magdadrama lang si Aling Nenita. Sa huli ay hindi rin kakayanin ni Eric na iwan ang nagdadrama niyang nanay." Umirap si Mia at napangiti ako. "Nga pala, bukas, pano 'yan? Alas otso ulit tayo tapos diba lilinisin mo pa ang opisina ni Sir Rage?"
Tumango ako. "Madalas alas dose na ako pumupunta sa opisina niya." Kinagat ko ang labi ko nang may naalala. "Kaya pwedeng bukas, alas dos. Pagkauwi natin galing gig, don pa ako maglilinis."
Tumango rin si Mia at nagpaalam na aalis na muna para makapag linis sa Finance Department.
Pinagplanuhan ko na ng maayos ang gagawin bukas kaya wala ng problema. Inisip ko na rin kung paano ko gagawin ang lahat ng ito sa loob ng isang buwan. Ang pag papaenrol, ang pagreresign, ang paghahanap ng matitirhan, at kung anu-ano pa. Kaya ko ito! Ang sabi ni mama noon, Edukasyon ang susi sa mga pangarap. Sarado pa ang pintuan ng kinabukasan ko at kailangan ko ng susi para mabuksan iyon. Ngayon, paghihirapan ko ang susi. Whatever it takes.
11:30PM nang nagising ako. Nasanay na ang body clock ko na gumising sa ganitong oras para makapag linis sa opisina ni Rage.
Humihikab pa ako nang tumigil ang elevator sa 40th floor at nakarating ako sa kanyang opisina. Hindi ko ikinagulat ang bukas na ilaw dahil ganon niya iniiwan ang opisina niya araw-araw. Ang ikinagulat ko ay nang nakita ko siyang kaharap ang kanyang laptop at nangalumbaba. Nang nagtama ang mga mata namin ay humilig siya sa kanyang swivel chair.
"Sorry, akala ko nakauwi ka na. Uh, babalik na lang ako." Sabay tulak ko sa cart.
"No, no... you can clean up. Malapit na rin naman akong matapos." Aniya.
Tumango ako at bumalik sa nilakaran ko kanina.
Kinuha ko ang walis para makapag walis muna bago ako mag ma-mop. Sumulyap ako sa kanya at natagpuan ko ang tingin niya. Bahagya akong natigilan. Kumunot ang noo ko at nagpatuloy sa pagwawalis kahit na may namumuong tigidig sa dibdib ko.
"I missed you today. Saan ka nagpunta?" Buntong hininga niya.
Napalitan ng kaba ang lutang kong pakiramdam. Paano niya nalaman na galing ako kung saan? May nagsumbong ba sa kanya? O alam niyang umalis ako?
"Uhm..." Nangapa ako ng salita. 15 na next week! Hindi pwedeng matanggal ako bigla ngayon! "Nung lunch break, umalis ako."
"Uh-huh. I mean, nitong mga nakaraang araw hindi na kita masyadong nakakausap. But... wait, umalis ka nong Lunch Break? Saan ka nagpunta? Hindi na kita nakakausap." Tumaas ang isang kilay niya at nakita kong gumalaw na naman ang panga niya.
Tumindig ang balahibo ko. Kinailangan ko pang haplusin ang braso ko para kumalma. Naka puting t-shirt siya at dogtag. Ang kanyang coat ay nasa likod ng swivel chair. Gustog gusto ko talaga ang puting t-shirt na 'yan. Siguro ay dahil kitang kita ang braso niya pag suot niya 'yan. That's my favorite shirt.
"Kasi po busy ka." Ngumiti ako para kumalma. "Paano kita makakausap? Pumunpunta lang naman ako dito para maglinis. Hindi para kausapin ka."
"Ouch. That hurts!" Humalakhak siya at pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri.
"'Yon naman po ang totoo." Sabi ko habang nag wawalis. "Tsaka halos di ka nga tumitingin sa akin pag masyadong maraming tao dito."
"Well that's probably because I don't wanna be distracted. Work is work." Aniya.
Ngumuso ako. Oo nga naman. Istorbo lang ako.
"I mean..." Nagkasalubong ang kanyang kilay. Mukhang nahihirapan sa kanyang sasabihin.
Humalakhak ako at humilig sa upuan para panoorin siyang nahihirapan. "Ang mabuti pa po, mag trabaho ka na dyan nang makauwi ka na."
"Oh? Naiistorbo ba kita sa trabaho mo?"
Ngumisi pa ako lalo at umiling. "Hindi naman." Nag patuloy ako sa pagwawalis.
Nilalagay ko ang mga kalat na papel sa basurahan. Kaonti lang naman iyon kaya sunod ay kinuha ko na 'yong mop.
"Pakiramdam ko sobrang sama ko." Aniya sabay tayo.
"Bakit?" Kumunot ang noo ko.
"Naiirita ako pag nakikita kong hinahawakan ang mop na 'yan. It looks heavy. And you're too skinny for that thing." Aniya sabay lapit sa akin.
Nanigas na ako sa kinatatayuan ako. Nagbalik ang kabang nakakalutang. Sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa kiliting nararamdaman.
Matangkad siya. Ngayon lang iyon napasok sa utak ko. Hindi nagugulo ang buhok niya dahil maiksi lang naman ito ngunit ngayong malapit na siya sa akin ay nakita kong may konting gulo doon. It looks cute. Napapangiti ako. Tumayo siya sa tabi ko. Ngayon ko lang din napansin na naka faded jeans siya. Mas lalo kong naging paborito ang kanyang suot.
Tinagilid ko ang ulo ko. "Kaya ko 'to. Mas mahirap pa dito ang mga ginawa ko non. Kaming mahihirap, sanay sa mahirap na gawain."
Parang wala siyang narinig nang kinuha niya ang mop sa akin. "Excuse me..." Ngisi niya sabay tulak nito sa paa ko.
Tumawa ako at umalis sa kinatatayuan ko. Siya na mismo ang nag mop sa sahig at hindi ako sigurado kung bakit tumatawa ako kahit na alam kong mali iyon.
"This is heavy for you." Aniya nang natapos niyang pasadahan ng mop ang hallway na tinayuan namin.
"Trabaho ko po 'to. Tsaka, kaya ko 'yan. Mag dadalawang linggo na ako dito." Sabi ko sabay kuha sa mop sa kamay niya ngunit malakas siya at hindi niya iyon binitiwan.
"I lift. Siguro ay dapat mag mop na lang ako imbes na pumuntang gym. Nakakatulong pa ako sayo." Tumawa siya at ang tunog ng tawa niya ay nagppalutang sa akin.
Shit! Hindi na maalis ang ngiti ko.
"Sit or stand somewhere else. Tatapusin ko 'to." Sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi pwedes, Sir! Trabaho ko 'yan!" Sabi ko sabay lapit sa kanya.
Sumimangot siya nang nakita niya ang mga footprints ko sa lugar kung saan kaka mop niya lang.
"Sorry." Sabi ko sabay abot ulit sa mop.
"Just sit, Sunny. Trabaho mo 'to pero habang nanonood ako, hindi ka mag mo-mop." Aniya.
"Ha? Eh, anong gagawin ko, Rage? Kung di ako mag mo-mop, edi wala akong nagawang trabaho?"
May ngiti sa kanyang labi habang nag mo-mop siya. Umupo ako sa sofa at nilagay ko ang binti ko sa arm rest nito nang sa ganon ay hindi ko maapakan ang tiles, kung saan siya patuloy na nag mo-mop.
"Mag uusap tayo." Aniya. "God I can't believe I said that." Humalakhak siya.
Tumaas ang isang kilay ko habang pinapanood siyang nag mo-mop. Sa sobrang playboy niya siguro ay hindi niya na kailangang kausapin ang mga babae. Sanay siyang ang babae ang gustong makipag usap sa kanya. Nakita ko kung paano niya itapon ng parang basura ang babaeng pinasaya niya nong nakaraan. Narinig ko rin mula sa kanya ang pananaw niya sa relasyon. Alam niyang alam ko iyon. At dapat alam niyang hindi niya ako mapapaikot. Pero... alam niya bang natutuwa ako sa kanya?
Shit! This is not good. Not. Good.
"Anong gusto mong pag usapan?" Tanong ko.
"Hmmm. Bakit ka nga pala umalis nong lunch break?" Tanong niya ulit.
"Ah! Uhmmm, pumunta ako sa isang University. Nag inquire lang."
Napatingin siya sa akin. "Mag aaral ka."
Tumango ako. "Inisip ko mag eenrol ako ngayong August nang sa pasukan ngayong September, makakapagsimula na ako."
Bumaling ulit siya sa kanyang pagmo-mop, ngayon ay madilim niya ang kanyang tingin. Kunot ag kanyang kilay, dahilan kung bakit hindi ko na matanggal ang tingin ko sa kanya. God! Ang gwapo niya lalo na pag galit!
Shit! Bakit nga pala siya galit?
"So... titigil ka sa pagtatrabaho?" Tanong niya.
Shit! Ito ang dahilan! Kinagat ko ang labi ko. Hindi parin siya sumusulyap sa akin.
"Hmmm, siguro. Hindi pa naman ako sigurado."
Anong nangyari sa Susi ang Edukasyon, Sunny? Hindi ka ba aalis dito dahil sa kanya? Lumipad na ba sa labas ang utak mo?
"Magandang desisyon ang pag aaral." Hindi ko makaligtaan ang tabang sa kanyang boses.
"Uhm, oo. Pero kung makaka afford ako." Nag aalangan kong sinabi. "Tsaka... maghahanap rin ako ng matitirhan. Hindi ako pwedeng mamalagi dito."
Tahimik siyang tumango.
Kinagat ko ulit ang labi ko. May masama ba akong sinabi? Bakit natahimik na siya ngayon.
Tumayo ako at nag desisyong kailangan ko ng kunin ang mop sa kanya. Pagkatayo ko ay nagsalita naman siya.
"Saan ka titira? Saan ka mag aaral?" Tanong niya.
"Hindi pa ako sigurado. Mag dedesisyon pa ako." Nalilito kong sinabi.
Naghintay pa ako sa maaari niyang sabihin ngunit nagulat ako nang nilagay niya ang mop sa cart at nag mura siya.
"Fuck. This ain't good." Iyon lang ang nakuha ko sa lahat ng mura niya.
Parang hinahabol ng aso niyang kinuha ang kanyang coat, tinabunan ang paborito kong t-shirt at bumaling sa akin.
"Turn off the lights, the aircon, and lock the doors. I'm going home." Aniya na nag paalala sa akin na empleyado niya lang ako at boss ko siya.
Tumango ako. Tinalikuran niya ako at mariin niyang pinindot ang arrow sa elevator pagkalabas niya sa double doors.
Na estatwa ako sa panonood sa kanyang pagmamadaling umalis. Bakit kaya? Siguro ay narealize niyang hindi dapat siya nag mo-mop at mali na ginawa niya iyon para sa kanyang empleyado.
Nang pumasok siya sa elevator ay hindi niya ako tiningnan. Saka niya lang ako tiningnan nang isang pulgada na lang ay sarado ang ang pintuan ng elevator. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ngumuso ako nang sarado na ang pintuan. Dapat ay tigilan ko 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top