Kabanata 57
Kabanata 57
Addict
Umupo ako sa tabi ni Rage. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Rage. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.
Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi.
"Sorry." Sabi ko.
Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wa'g mo nang isipin 'yong mga sinabi ni mama."
Umiling din ako. "Rage, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"
Pumikit siya. "Sunny, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."
Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at pagtataka parin ang nararamdaman ko.
Kinusot niya ang kanyang mata at kinunot ang kanyang noo. Tumikhim siya bago bumaling ulit sa akin.
"You should rest. Pagod ka ngayong araw, diba?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko ang kamay niyang namahinga sa aking tuhod. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sinikop ako sa aking pagkakaupo.
"Rage!" Bulyaw ko nang nasa bisig niya na ako.
"You'll sleep in my room now." Aniya.
"Iuwi mo na lang ako kina Mia at Kid!" Uminit ang pisngi ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking hita.
"Sabay na tayo bukas sa event." Aniya at nagsimula siyang maglakad papasok sa bahay.
Amoy na amoy ko ang bango niya. Dalawang butones ang nakababa at nakasilip ang kanyang makisig na katawan. Hindi ko mapigilang tumitig sa maswerteng kulay gold na cross na maswerteng nakabitay sa kanyang dibdib. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Wala akong damit." Paliwanag ko.
"May damit ka na. Binilhan kita. Pinaghandaan ko na ang pag tira mo dito." Aniya at umakyat na siya patungong kwarto.
Ngumiti ako. Hindi ako naniniwala. Imposible! Maiksing panahon at paniguradong hindi niya pa iyon naiisip. Pinihit niya ang door handle ng kanyang kwarto at nakita ko ulit ang pamilyar nitong disenyo. Binaba niya ako sa kama. Narinig kong tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at agad na kinancel ang tawag. Nilingon niya ang kanyang walk in closet.
"Tingnan mo." Aniya sabay muwestra sa akin doon.
Nakapaa kong tinahak ang pulang carpet ng kanyang kwarto. Tinulak ko ang sliding door ng kanyang closet at nakita ko doon ang mga pambabaeng sapatos at pambabaeng damit katabi nong kanya.
Naramdaman ko ang init ng yakap niya galing sa aking likuran. Nilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg at tumindig ang mga balahibo ko nang suminghap siya sa aking leeg. Nangatog ang binti ko at halos matunaw ako sa ginawa niya.
"Hindi ka ba natatakot, Rage. Masyadong mabilis." Sabi ko sa takot na baka bigla na lang magbago ang nararamdaman niya sa akin pagdaan ng panahon.
"This isn't your farewell speech, is it?" Bulong niya habang sumisinghap ulit sa leeg ko. "Tinatakot ba kita sa mga ginagawa ko, Sunny?"
Umiling ako at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Then stand still. Let me love you." Bulong niya.
Lahat ng kuryente sa ulo ko ay bumaba sa saya at kiliti. Lumunok ako at naghandang lingunin siya ngunit tumunog ulit ang kanyang cellphone.
Mariin siyang pumikit at batid kong tulad ko ay gusto rin niya ng halik. Kinuha niya ito at tiningnan. Pinanood ko ang ekspresyon niya.
"Si papa lang." Aniya at mabilis kong pinigilan ang pagpatay niya roon.
"Sagutin mo." Sabi ko nang umamba siyang pipindutin ulit ang cancel.
Nag angat siya ng tingin bago tumalikod at sinagot iyong tawag.
"Pa..." Aniya at naglakad palayo sa akin.
Pinanood ko siyang umupo sa kama at pinaglalaruan ang hinubad niyang relo.
"Ano?" Pasigaw at gulat niyang sinabi.
Ginulo niya ang kanyang buhok at tumayo siya na para bang hindi mapakali.
"Nasaan?" Sabi niya at sumulyap sa akin.
Dahan dahan akong lumapit sa kama. Pinapanood ko ang pagkakabigo ng kanyang ekspresyon. Umawang ang kanyang bibig at ginulo niya ulit ang kanyang buhok. Umupo ako sa kama at biglang gumapang ang kaba sa puso ko.
"Sunny, dito ka lang." Aniya. "Puntahan ko lang si papa. Uuwi ako mamaya. Magpahinga ka ng mabuti." Mabilis siyang lumabas ng kwarto ng wala nang ibang sinabi.
Tumunganga lang ako sa pintuan. Ano kaya ang maaring nangyari? Tungkol ba ito sa negosyo at napaka importante ba nito? Malamang dahil hindi naman siguro aalis si Rage kung hindi.
Nakatitig lang ako sa kisame halos isang oras bago ako dinalaw ng antok. Naisip ko na yata lahat ng posibilidad ngunit mas tinahan ko ang sarili ko sa ideyang uuwi rin si Rage at pagkagising ko ay nandito na siya sa tabi ko bukas.
Ngunit kinabukasan ay nagising ako na wala parin si Rage sa tabi ko. Kinusot ko ang aking mata at tiningnan ang tabi kong unan. Walang gusot ang tabi ko. Umuwi kaya siya? Dito kaya siya natulog?
Nilingon ko ang closet na ganong ganon parin ang itsura simula nong umalis siya kagabi. Nakapaa ay naglakad ako patungo sa pintuan. Siguro ay nasa baba siya, kumakain o nagluluto ng almusal.
Tiningnan ko ang cellphone ko at mga mensahe lang ni Mia at Kid ang naroon. Isa pa, lagpas na rin sa oras ng simula ng event. Kailangan ko nang mag madali.
Pababa ako ay binasa ko ang mga mensahe ni Mia.
Mia:
Nasa event na ako? Ba't wala ka?
Kid:
Magpahinga ka ng mabuti, Sunny.
Mia:
Nasa bahay ka pa ni Rage?
Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang kusina na walang tao. May pagkain doon ngunit walang Rage na nag luluto o naghihintay. Imbes na maghanap ng tao ay kumain na lang ako doon. Kung iniwan ako ni Rage dahil ayaw niyang gisingin ako, pwes, pupunta parin ako sa event na iyon. Isa pa, kailangan kong makita si Mia at Kid at personal ko silang kakausapin kung pwede ba akong maka hiram ng trenta mil para kay Auntie.
Ako:
Good morning, Rage! Umuwi ka ba kagabi? Sorry, tinanghali ako ng gising.
Habang ngumunguya ay pinanood ko ang cellphone ko ngunit natapos na akong kumain ng bacon, hotdog, at kanin ay wala parin akong reply na natanggap. Tahimik ang buong bahay at walang bakas ng mga katulong na nandito kagabi. Inisip kong balik na naman siguro sa dati na iyong guard lang ni Rage ang natitira dito.
Umakyat ulit ako sa kanyang kwarto para maligo at makapag bihis ng isa sa mga damit na binili niya para sa akin. Pinili ko ang puting dress dahil iyon ang bumagay sa akin. Nilingon ko ulit ang cellphone ko at wala parin akong nakikitang mensahe na galing kay Rage.
Bumaba ako at nagdesisyon. Magtataxi ako patungo sa building. Pagkalabas ko ay nakita kong mataas na ang sikat ng araw. Pagkalabas ko ng bahay ay agad na akong pumara ng taxi at dumiretso sa building.
Sa labas pa lang ay alam mo na talagang may malaking event na ginaganap sa loob. May mga media! Luminga linga ako dahil first time ko itong makakita ng ganito ka raming media at reporters.
Ang alam ko ay na iclose ng kompanya ang deal sa isang malaking international company. Contract signing ang magaganap ngayon at si Rage ang pipirma bilang CEO. Oo, si Rage! Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging CEO nito at mas lalo akong hindi makapaniwala dahil gusto niya akong pakasalan!
Nakita ko agad ang nakahilerang mga janitor at janitress crew sa malayo. Malaki ang ngisi ko nang kinawayan ko sila ngunit hilaw na ngisi lang ni Mang Carding ang sumalubong sa akin. Nakita ko ang bulong bulungan nina Aling Nenita at iilan ko pang kasamahan doon. Nilapitan ko sila para batiin bago maglakad papasok sa loob ngunit iilan sa kanila ay umalis nang nakalapit ako.
"Magandang umaga!" Bati ko kay mang Carding.
"Magandang umaga, Sunny! Naku! Mas lalo ka yatang gumaganda ngayon. Hmmm. Balita ko, buntis ka? Totoo?" Ngumisi siya.
Dahan dahan akong tumango. "Salamat po. Nakita niyo ba si Mia?" Tanong ko.
"Nasa loob. Di siya nag duty ngayon kasi kasama niya si Mr. Fuentebella. Baka nga mag resign na 'yon, e. Nakahakot ng mayaman." Sabay tawa ni Mang Carding.
Kahit simple at wala sa sarili niyang sinabi iyon ay medyo nagpagulo ito ng isip ko.
"Eh ang lakas nilang dalawang mag best friend, Mang Carding. Silang dalawa ang nakahakot ng mayaman." Singit nong isang mas bata pa sakin na janitress. Bago siya at paalis na ako nang nakapasok siya sa kompanya kaya hindi ako pamilyar.
"So... nasa loob na po si Mia?" Binalewala ko ang mga sinabi nila.
"Oo, e." Sabi ni Mang Carding.
"Pero... pananagutan ka parin kaya ni Sir Rage kahit may nangyari?" Singit nong babae.
Siniko siya ni Mang Carding sa gilid. Kahit patago iyon ay nakita ko iyon. Sumulyap ako at nagpaalam sa dalawa. Hindi na ako nagtanong dahil papasok na ako sa loob para magtanong kay Mia o mismo kay Rage.
Patungo pa lang ako sa pintuan ay kumalabog na ang dibdib ko. Lalo na lang nang nakabangga ko ang iilang mga panauhin sa event. Tatlong matatanda ngunit angat sa alta sosyedad na babae ang nagtatawanan na muntik ko nang mabangga. Sumulyap lang sila sa akin at di na ako pinansin.
"Buti nga. Janitress lang pala. That's equal to cheap whores. Ezra shouldn't be threatened." Anang isang babae.
"I know. My daughter isn't threatened, Imelda." Sabi nong kulot na babaeng naka kulay puting long gown. "It's just very disappointing na natauhan si Rage ngayong may nangyari na sa kanyang ina. Kung sana ay hindi niya sinuway ang utos ng kanyang ina ay sana hindi na humantong sa ganito. Tsk." Umiling siya.
Tumigil ako sa paglalakad nang nakitang tumigil sila malapit sa pintuan. Kailangan ko nang pumasok ngunit hindi ko mapigilan ang pakikinig ko.
"The poor boy cried last night. Humingi daw ng tawad. He's probably in so much pain. Ezra can handle him. Palagi naman, e. There's a bond between them I can't decipher. Hindi na iyon mapapantayan nino man. Not even that janitress."
"Iyon nga lang. That's Rage's flaw. Only flaw so far. Palagi akong nalulula sa achievement ng batang 'yan simula pa noon. Ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng scandal mula sa kanya." Sabi nong isang nakaitim at kausap ng mukhang mommy ni Ezra.
Sumukip ang dibdib ko. Bumaliktad ang sikmura ko at nahilo ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sobrang pagod o sa sobrang pag iisip pero bumaliktad ang sikmura ko at hindi ko kayang pumasok sa loob kaya tumakbo ako ng CR.
Napaluha ako sa pagsusuka sa isang cubicle. Lahat ng kinain ko kanina ay naisuka ko. Inayos ko ang sarili ko at pinakiramdaman ko ang pagkakahilo ko. Hindi muna ako lalabas hanggang hindi pa ako maayos. Umupo ako sa saradong inodoro at nilagay ko ang kamay ko sa aking mukha.
Ano ang nangyari sa mama ni Rage? Umiyak siya kagabi? Bakit di ko alam? Bakit wala akong alam sa nangyari? Bakit hindi sinabi ni Rage sa akin? Hindi niya ba ako mapagkakatiwalaan? Dahil ba wala kaming ganong bond tulad nila ni Ezra? Dahil ba kulang pa ang aming pagsasama?
Kinuyom ko ang aking kamao at tinukod ko ang aking siko sa aking tuhod para mag isip. May parteng bumigat sa dibdib ko. Takot ang bumalot sa akin.
Tawanan ulit ang narinig kong umalingawngaw sa CR. Ngayon ay kahit nasa loob ako ng isang cubicle ay ang pamilyar na boses ni Ezra ang nandoon kasama ang iilang babae.
"Patingin, Ezra." Sabi nong babae.
Umupo ako ng maayos nang nakumpirma kong kay Ezra nga ang tawa na narinig ko kanina.
"See? Hay! Oo, grabe! I just can't believe it. This ring from Cartier!? This is the most expensive ring! 'Nong nag propose siya? It was jaw dropping. He's on bended knees and I'm right there standing beside him! Grabe! Di talaga ako makapaniwala!" Excited niyang sinabi.
Tumayo ako at tiningnan ang aking singsing na bigay ni Rage. Cartier din ito ah? Sinong nag propose kay Ezra.
"Grabe! Siguro nga talaga tama na 'yong babaeng sinasabi mo, it's one of the girls he'll date before you go serious. It's his transition kumbaga. Tsaka, di ibig sabihin na dahil buntis 'yon ay 'yon na agad ang pakakasalan nila. Hello! We're in a new age. Hindi na 'yan importante. Marami nang single mom ngayon at hindi rin naman obligasyon ni Rage na panagutan 'yong babae. She's a cheap whore so... she deserves it." Anang babae.
"Her baby deserves it. Hindi pwedeng maging Del Fierro ang anak ng pokpok na iyon. That's a big scandal!" Ani Ezra.
Nalaglag ang panga ko at tumigil ako sa paghinga. Hindi ako makapaniwala. Nanginig ang kamay ko at gustong gusto ko siyang kalmutin pero nag ugat ang mga paa kio sa sahig!
"Kawawa naman si Rage kung matali siya sa babaeng iyon." Sabi pa nong isang kasama nila.
"Oo nga. He'll be miserable. And I'm sure the baby's gonna be... a whore too. Kung babae. Kung lalaki naman ay baka maging palamunin, sugarol, at basagulera. You know, it's her kind. Ganon ang pamilya niya. I've seen her uncle? He looks like he's on drugs! As in!" Ani Ezra.
Bumuhos ang luha ko habang nakikinig sa kanya. Hinding hindi ko mapapatawad ang babaeng ito. Hinding hindi talaga.
"Iyon 'yong sabi ni tita Cassandra sa akin. That her Aunt and her Uncle's doing drugs. Ganon rin kasi ang mommy niya. She's probably on drugs too. Baka deformed pa 'yong baby." Nagtawanan sila doon at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tinulak ko ng buong lakas ang pintuan. Saktong palabas sila kaya tinakbo ko ang kaonting distansya na nasa gitna namin at agad kong hinila ang naka buhayhay niyang buhok. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpumilit siyang tumakbo ngunit panay ang hila ko sa kanya. Naghiyawan ang dalawa niyang kaibigan at pinigilan nila ako. Sa galit ko ay walang nakapigil sa akin. Hinigit ko ang buhok ni Ezra pababa.
"HAYUP KA!" Sigaw ko habang humahagulhol sa iyak.
"What the fuck? Get off me, bitch!" tili ni Ezra.
"Oh my God! Oh my God! Help!" Sigaw nong kaibigan niyang isa at wala na akong pakealam.
Nakaagaw kami ng atensyon sa mga nandoon sa labas. May mga tumakbo patungo sa amin. Nahagip ng tingin ko ang mga matatandang babaeng nag uusap kanina.
"Oh my God! Ezra!" Sigaw ng mommy ni Ezra at agad hinawakan ang buhok ni Ezra na hinihigit ko.
Tinampal ng paypay ng kanyang mommy ang aking kamay. Walang nakapigil sa akin.
"This is Rage's bitch mom! Please, help me! Get her off me!" Sigaw ni Ezra.
"I'll call the security!" Sigaw ng kanyang mommy.
Habang tumatawag siya ng security ay hinawakan ng dalawang kaibigan ni Ezra ang magkabilang braso ko. Nakawala si Ezra sa akin habang nagpupumiglas naman ako sa dalawa.
"Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko at nanggigil pa kay Ezra.
Narinig ko ang iilang click ng camera. Napapikit ako sa flash na bumalot sa lugar. Nakita kong nag tipon tipon ang iilang media at iilang mga tao na kasama doon sa event para tingnan ako. Nasa loob ang ibang tao. Nasa loob si Rage. But... nevermind him...
Tinuro ko si Ezra kahit na hindi pa ako nakakawala sa kamay ng kanyang mga kaibigan.
"Walang hiya ka!" Sigaw ko at nag click pa ulit ang camera.
Nilingon ko ang mga photographers na nagdadala doon ng camera. Tinuro ko sila at sinigawan.
"Tigilan niyo 'yan!" Sabi ko.
Nilingon ko si Ezra na ngayon ay pinapalibutan na ng security. Pinapainom siya ng tubig ng kanyang mommy at dinig na dinig ko ang mga tanong nga reporters sa kanya.
"Sino ang babaeng iyan?" Tanong nila.
"Oh, she's obsessed with the CEO. Nalaman niyang engaged kami kaya sinugod ako." Sumulyap si Ezra sa akin. "She's an addict." Dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sinungaling!" Sigaw ko habang pinipigilan na ngayon ng mga guard.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghagulhol. Tinuro ko si Ezra ngunit umiling lang siya. Nakita ko ang pag iling ng mga taong nandoon habang tinitingnan ako. Luminga linga ako at bawat sulok ay may flash ng camerang sumasalubong sa tingin ko. Napapapikit ako sa sobrang liwanag nito.
"Nag propose na si Mr. Rage Del Fierro sa akin. We're getting married soon. I'll tell you our love story." Ani Ezra sa isang reporter.
Umikot ang mundo ko. Sobrang nahihilo ako hanggang sa nabalik ako sa ulirat dahil nakita ko ang pinsan ko at ang aking Uncle na kumakaway sa akin sa malayo.
"Sunny! Sunny!" Sigaw ni Uncle habang pinagtitinginan ng mga tao.
Iilang click pa ng camera sa akin, sa kanila, sa amin, at iilang titig pa ng mga taong usisero sa aming lahat at alam ko na kaagad kung ano ang kanilang iisipin.
"Give it up, Sunny. You don't belong here." Ani Ezra at umikot pa ulit ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top