Kabanata 56

Kabanata 56

Failure

"W-Wala akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.

May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang i-test para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina.

"Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot! Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!"

"Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.

Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba. Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Ezra! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko. Hindi ko alam kung lalaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!

"Hoy, Sunny. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa naming huthutan ka ng pera ay sana noon pa lang ay dumiretso na kami sa'yo at nanghingi. Ngayon lang kami nanghihingi kasi hindi na namin kaya ang gastusin ng Auntie mo! Kinupkop ka namin nong nawala ang ina mo at pinatira kita sa bahay ng libre, pagkain libre, at lahat libre kaya tumanaw ka ng utang na loob!"

Ang mga taong dumadaan ay napapatingin sa amin ni Uncle. Sana naman ay kung saktan nga ako ni Uncle ay pigilan iyon ng mga nakatingin.

Mabilis kong kinuha ang wallet ko. May dalawang libo ako doon at konti na lang ang natitira sa bahay. Ito dapat ang ipapa check up ko sa doktor ngunit dahil sinagot ni Rage iyon ay ibibigay ko na ito kay Uncle.

"Ito na po ang-"

"BAKIT ITO LANG! Sunny, Trenta mil!" Sigaw ni Uncle at kinuha ang pera sa kamay ko.

"Pero wala po akong ganoong halaga! Mag tatrabaho ako pero hindi ko makukuha iyon sa ganon ka daling-"

"Asan na 'yong asawa mo! Manghingi ka! Gumawa ka ng paraan!" Sigaw niya at pabalik balik na nag lakad.

"Wala akong asawa! Wala akong ganong halagang pera, Uncle." Halos mapaiyak na ako.

"Wala kang kwenta! Bakit hindi ka gumawa ng paraan?" Sigaw ni Uncle na ngayon ay pulang pula na ang mga mata.

"Sunny, manghiram ka na lang. O, boyfriend mo pa ba 'yong mayaman? Sabihin mo sa kanya ang problema natin baka masulusyunan niya!" Singit ni Patricia ngunit agad na akong umiling.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo kami tutulungan?" Tumaas ang boses ni Patricia.

Umiling ulit ako. "Tutulong ako. Gagawa ako ng paraan! Uuwi na muna ako at maghahanap ako ng pera." Kahit na hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng ganong halaga.

"Uuwi ka? Baka naman, tatakas?" Mariin at nagdududang sinabi ni Uncle.

"Hindi ko tatakbuhan si Auntie! Kung gusto niyo ng tulong ay hayaan niyo ako! Babalik ako dito bukas." Sabi ko at inisip na agad kung ano ang magiging paraan ko.

Kailangan kong kunin kahit kalahati lang sa shares at nang maibigay ko kina Uncle ang kailangan nilang pera. Paano ko gagawin iyon? Si Rage ba ang dapat kong lapitan?

Wala na ako sa sarili papalabas ng ospital. Gabi na pala at hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong alas syete na ng gabi! Naalala ko ang pagyaya sa akin ni Rage na pupunta sa family dinner nila!

Mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa aking bag at nakita ko roon ang iilang mensahe at tawag galing kay Rage.

Rage:

Sunny, where are you? Sumama ka raw sa Tiyuhin mo? Asan ka na?

Rage:

Sunny... I'm worried.

Isang tawag at natigil ako sa pagbabasa ng mensahe. Mabilis ko iyong sinagutan habang naghahanap ng taxi para mas mabilis na akong makabalik sa building.

"Hello?" Sagot ko.

Hingang malalim ang sumalubong sa akin. "Where are you? What's wrong? Are you okay?"

"Uhmm... Sumama lang ako saglit sa tiyuhin ko dahil na... ano... ospital 'yong auntie ko." Sabi ko habang sumasakay sa taxi. "Pabalik na ako ng building. Nandyan ka pa ba? Sorry sa dinner. Ayos lang kung wa'g mo na akong isama."

"Ano? I'll tell my parents about our plans for the future tonight at di kita isasama? Are you okay, Sunny? What's wrong?" Tanong ulit niya.

"I'm okay, Rage. Pabalik na nga akong building." Sabi ko. Sinubukan kong ayusin ang boses ko nang hindi niya mahalata 'yong gulo sa utak ko. "Nasan ka?"

"Nasa building. Damn, I got worried." Hinga ulit siya ng malalim. "Anong nangyari sa Auntie mo? She okay? Bisitahin natin?"

Tinakpan ko ng aking palad ang aking labi at ilang sandali pa bago nakasagot. Hindi ako makapaniwala na iniisip niya ito ngayon. Hindi ako makapaniwala na haharapin niya ang pamilya ko at natatakot ako na pag nagkaharap na nga ay may gawin si Uncle o iisipin niyang totoo ngang nakapag asawa ako ng mayaman. Ayaw kong gamitin nila si Rage. Natatakot akong pagsamantalahan nila.

"Isipin muna natin 'yong event mo bukas at 'yong dinner mamaya." Sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit na litong lito na ako.

"Maayos ba ang Auntie mo?" Pilit niyang tinanong.

"Maayos, Rage." Pagsisinungaling ko.

Nakarating ako sa building at naabutan ko si Rage na naghihintay sa labas ng kanyang Prado. Nakalahad ang kanyang braso nang nakita akong lumabas sa taxi. Sa kabilang kamay ay pera na binigay sa driver. Uminit ang pisngi ko nang hinagkan niya ako at halos maiangat niya na ako sa ere.

"Next time you text me, alright? I got worried." Bulong niya.

Marahan akong tumango at nginitian ko siya. Iminuwestra niya ang kanyang sasakyan at humarang ulit siya sa may pintuan nang nasa loob na ako. Pinanood niyang mabuti ang mukha ko.

"You tired? Gusto mo ipostpone na lang natin?" Tanong niya. "I'll postpone it, Sunny. Sa bahay na lang tayo matulog para mas makapagpahinga ka. I swear I'll be a good, good boy." Ngumiti siya.

Ngumiti rin ako. "Rage, anong oras na at paniguradong naghihintay ang pamilya mo sa akin. Isa pa, tanggap ko rin na maaaring papagalitan tayo don dahil ayaw ng mama mo sa akin kaya hindi tayo magtatagal."

Nagtaas siya ng kilay. "They try."

Ngumuso ako. "Let's face it. Hindi ako matatanggap ng mama mo."

"She needs to face it to. Like it or not, I'm gonna marry you."

Pumikit ako. "Iisipin niya na papakasalan mo lang ako dahil sa baby."

"Gusto na kitang pakasalan nong hindi ka pa buntis. Nong iniwan mo ako, handa kitang pakasalan non but I know it will be too early. That's why I was a wreck when you left. That's why I couldn't make it through." Hinaplos niya ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos nito.

"I'm sorry." Sabi ko.

"Don't you ever leave me again." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Isang beses niya pa akong tiningnan bago sinarado ang pintuan at umikot para umupo sa driver's seat. Sa byahe ay kabado ako. Iniisip ko nang tatawagin na naman ni Mrs. Del Fierro ang mama kong pokpok o di kaya naman ay ako ang tawagin niya ng ganon. Natatakot ako ngunit nasanay na rin. Madalas gusto kong manlaban sa masasakit niyang salita pero inisip ko rin na ako lang ang mahihirapan pag ginawa ko iyon.

Pagkarating namin sa bahay ni Rage ay nakita ko na agad ang nakahilerang SUV sa kanyang bakuran. Nakita ko doon ang pamilyar na mga sasakyan ni Brandon at Logan. Hindi ko na mahabol ang hininga ko.

Sabay kaming lumabas ni Rage. Umikot siya at sinalubong ako na para bang dapat ay palagi siyang nakaalalay sa akin dahil ano mang oras ay mababasag ako. Ngumiti ako sa pag aalala niya sa akin ngunit mabilis itong napawi sa kaba at takot.

"Nasa pool side sila nag di-dinner." Sabi ni Rage at naglakad kami papasok sa bahay para mapunta sa likod kung saan naroon ang pool side.

Sa loob pa lang ay umaalingawngaw na ang tawanan. Mas lalo lang akong kinabahan. Mabuti na lang at nakahawak ang kamay ni Rage sa akin at pakiramdam ko ay tutulungan niya ako.

Nang nakarating kami sa dulo ng kanyang living room ay nakita ko ang nakabukas na malaking pintuan patungo sa labas ng bahay. Malaki at mahabang table ang nasa labas. Umiilaw ang iilang kandila at iilang matandang babae, lalaki, at mga kapamilya ni Rage ang naaninag ko.

Nang natanaw nila kami ay tumahimik ang iilan sa kanila. Mas lalo lang akong kinabahan. Nang tumama ang tingin ng mama ni Rage sa akin ay umirap siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo si Mr. Del Fierro na para bang may dumating na panauhing espesyal. Natahimik ang buong hapag. Humalik si Rage sa kanyang mama, sa iilang mga tita.

Nakita ko si Ezra sa gilid ng mama ni Rage na para bang pinipigilan ang pag ngisi. Nagkukunwari siyang kumakain ng spaghetti ngunit batid ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Ba't natagalan kayo, Rage?" Tanong ni Mr. Del Fierro.

"May inasikaso lang si Sunny." Sabi ni Rage at sabay tingin sa akin. "This is Sunny Aragon, tita, tito..." Iginala ni Rage ang kanyang mga mata sa nakahilerang mga relative. Binanggit ni Rage ang mga pangalan nila ngunit hindi ko na nasundan iyon dahil sa kaba.

Huminga ako ng malalim at ganon din ang ginawa. Nginitian ko sila isa't isa. Ang babaeng namumukhaan ko bilang Mrs. Rockwell ay nakangiti sa akin. Malaking singsing ang nasa kanyang daliri at pinapanood ang galaw ko. Ang dalawang babaeng ngayon ko lang nakita ay naka ismid at parang may naaamoy na malansa kung makapag salita. Lumunok ako at tiningnan si Mrs. Torrealba na walang ginawa kundi makipag usap kay Brandon at kay Logan na nasa tabi niya. Ang mga lalaking tito naman ni Rage ay pinanood lang ako nang hindi nagbibigay ng ekspresyon.

"Magandang gabi, po." Bati ko.

Narinig ko ang pag alma ng mama ni Rage ngunit nasanay na ako. Wa'g niya lang sanang simulan ang pang iinsulto. "Ang inasikaso niya ba ay 'yong tiyuhin niyang nanghihingi ng pera sa aasawahin niyang mayaman, Rage?" Tanong ni Mrs. Del Fierro sa anak.

Mariin akong pumikit. Hinawakan ni Rage ang aking kamay bilang suporta at matalim na tinitigan ang kanyang ina.

"Naospital ang kanyang Auntie." Paliwanag ni Rage. "Ma, I'm warning you."

Umiling si Mrs. Del Fierro at nagpatuloy sa pagkain. Nawala ang ngisi sa labi ni Ezra at uminom na lang siya ng tubig.

"Sit here, Sunny." Ani Rage at pinaupo ako sa tabi ni Logan. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Are you ready for tomorrow's event, Rage?" Tanong ni Mr. Del Fierro na pinasadahan ako ng tingin bago bumaling kay Rage.

"Of course, I am." Sabi ni Rage habang abal sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko. "do you like this, Sunny?" Tanong niya.

Marahan akong tumango nang nakita ko ang beef steak. Iginala ko ang mata ko sa mga mukha ng kanyang mga tita at tito na parehong gulat o di kaya naman ay nanonood na para bang sine itong ginagawa niya.

Umubo ng bahagya si Ezra. Narinig kong tumawa si Mrs. Rockwell.

"Oh, Marco. Your boy is a gentleman now, huh?" Ani Mrs. Rockwell kay Mr. Del Fierro.

"My Rage is a gentleman, Diana. He's gentleman when it comes to Ezra, most especially." Ani Mrs. Del Fierro.

Walang umangal doon. Lumunok ako at nakitang kumuha si Rage ng isang pagkaing hindi ko malaman at agad niyang binaba ito. "May cheese doon. I'm  sorry." Sabay lingon niya sa akin at kumuha pa ng mga pagkaing hindi ko parin kilala.

Tahimik silang nanonood sa amin. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko ngayon sa init nito.

"So... you mean to say, Rage, all your reports are done?" Tanong ng isa sa mga tito ni Rage.

"Yes. Hindi ako aalis ng opisina pag di ko natatapos." Sagot ni Rage kahit na abala sa pag lalagay ng pagkain ko.

"It's amazing na nakakita ka pa ng girlfriend. I thought you and Ezra would really end up together. You make a good couple." Sabi nong isa sa mga tita niyang hindi ko kilala.

"Well, tita. She's not that hard to find. She's his janitress, you see." Singit ni Ezra.

Nakita kong sumulyap si Rage kay Ezra at para bang pinipigilan niya ang kanyang sariling mag salita.

"She works for the company." Ani Rage.

Nakita ko ang gulat na mukha ng tita ni Rage at tumingin agad kay Mrs. Del Fierro. "Wait, Cassandra, is this the same Aragon? Amelia Aragon? Is she her daughter!?"

Tumikhim ang mama ni Rage at umirap. Tumigil siya sa pagkain at hindi niya sinagot ang nagtanong.

"Kaya pala pamilyar. She kind of looks like her mother. Her eyes, her lips, her hair, and her skin." Tumango ang kanyang tita.

"This is why I hate this girl here. Nauungkat lahat, Rage." Anang mama ni Rage.

"Cassandra!" Saway ng papa ni Rage.

Naramdaman ko ang kamay ni Rage sa aking balikat na para bang pinoprotektahan niya ako ngunit hindi niya magawa ng lubusan.

"Don't worry, Ma. We'll leava the Aragon behind soon. She'll be a Del Fierro." Sabi ni Rage at tiningnan ako.

"What? Rage?" Sigaw ni Ezra.

Nakita ko ang mga mata nilang mabilis na tumingin sa daliri kong nakahawak sa kutsara. Unti unti ko iyong binaba kahit na kitang kita na nila ang malaking bato sa aking daliri.

"You must be crazy, Son!" Sigaw ng mama nI Rage at agad humilig sa kanyang upuan.

"Congratulations!" Tumatawang sinabi ni Mrs. Rockwell at sinundan pa nina Brandon at Logan.

Hindi ako makangiti kahit ganon dahil mas lalo lang uminit ang tensyon sa mesa. Si Mrs. Del Fierro ay panay ang talak kay Ezra. Nagbubulung bulungan naman ang mga tita at tito ni Rage.

"And you expect that I'll accept her, huh, Rage?" Papataas ang boses ng kanyang ina.

"Rage, bakit? Totoo ba 'yong naririnig ko sa opisina? That she's pregnant? She's pregnant that's why you'll marry her?" Ani Ezra.

Nalaglag ang panga ni Mrs. Del Fierro. Napawi ang bulung bulungan ng kanyang mga tita at tito. Narinig ko ang tikhim ni Mr. Del Fierro at uminom siya ng tubig.

"First... I'm gonna marry this woman because I love her, not because of the baby, not because I want the thrill of something forbidden. Second, wala akong pakealam kung ayaw niyo sa kanya, papakasalan ko siya with or without you. I don't care, ma-"

"You cannot marry this girl! Her family is a bunch of stupid skanks, Rage! They'll use you-"

"Don't... just don't, ma. Don't you dare insult her like that!" Banta ni Rage na ngayon ay umalingawngaw sa buong mesa.

"Rage! Alam mo 'yan! Some people will try to use you! I heard it, Rage! Narinig ko kung paano gusto kang gamitin ng kapamilya niya!"

Wala akong masabi. Wala akong maisingit dahil natatakot akong tama sila. Natatakot akong maaaring pag nalaman nga ng tiyuhin ko ang katotohanan ay gagamitin nila si Rage. Pero gusto ko parin silang protektahan. Lumapit sila sa akin kanina dahil kailangan nila ng tulong. Maaaring maling paraan ang pananalita nila ngunit gusto ko rin namang tumulong!

"Third, wala kayong pakealam kung saan ko pag gagastusan ang pera ko. Kung gusto kong gastusin ang lahat ng yaman ko para kay Sunny, then I will. My wife and my childdeserves it. They deserve what I can give. They both deserve my name. They deserve everything a Del Fierro can give, Ezra, ma, and you have no say on that. This is my family. From this day on, you have no say on anything."

Tumayo si Mrs. Del Fierro at tinitigan niya ako ng mariin, nagbabanta. Kumalabog ang puso ko. Nag walk out siya sa hapag na sinundan ni Ezra. Nagulat ako sa pagsunod ng kanyang mga tita at tito na parehong umiiling kay Rage.

"What a dissapointment." Narinig kong sinabi nila.

Nilingon ko si Rage at tulala si Rage sa tubig na nasa harap namin. Umigting ang kanyang panga.

"A failure." Narinig kong sinabi ng isa.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Namuhay siya na pasan niya ang lahat at ngayon ay ganito ang matatanggap niya galing sa kanyang pamilya. Naiinis ako na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Loving me was toxic to him. Loving me is his hell. Loving me is his failure.

"Rage, sundan ko lang ang mama mo." Ani Mr. Del Fierro at tinapik ang balikat ni Rage. "Don't give up. Alam mo ang sitwasyon ng mama mo. I'm sorry because it's my fault." Ani Mr. Del Fierro sabay tingin sa akin.

"Marco," Irap ni Mrs. Rockwell. "Your wife is overreacting. Jesus, Amelia is dead. She needs to get over this. Brandon," Lingon niya sa anak.

"Mom." Ani Brandon.

"Kunin mo si Ezra. Isa pa siya." Ani Mrs. Rockwell.

Tumayo agad si Brandon para sundin ang utos ng ina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage