Kabanata 53
Kabanata 53
Slap Me
Papasok ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.
Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko.
"Upo ka," aniya.
Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Sunny. Gusto kong malaman..."
Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Rage sa lahat?
"may plano ka bang balikan si Rage?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Rage Del Fierro, right?"
Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin alam ang sagot. Gusto, oo, pero ang isiping babalikan ko siya ay hindi ko makita. Paano ang baby ko? Paano siya tatanggapin ng pamilya? This is not my choice.
"He's hot, handsome, and very rich." Pinanood ni Ezra ang ekspresyon kong alam kong hindi nagbabago sa mga sinabi niya. "You're staying because you want your mother's money back and maybe you want him back too."
"I want my mother's money back, that's all. Hindi ako nagtatrabaho sa kanila dahil gusto ko siya, 'yong pera ng mama ko ang gusto kong makuha."
Nagtaas siya ng kilay. "Alright. So you want the money. What if I can give you that money. Would you stay away?" Tinagilid niya ang kanyang ulo at naghintay sa sasabihin ko.
"Ang pera ni mama ay nasa kompanya nina Rage."
"Yes, I know. But I can give it back to you. I will ask tita. Would you stay away, Sunny?" tanong ulit niya.
Hindi ako nakapagsalita.
"Kung totoong hindi mo hinahabol si Rage at pera lang ang gusto mo. Then, I can give you your damn money and stay away."
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ayokong tumanggap ng tulong galing sa kanya ngunit inisip ko ang mga kailangan ng anak ko.
"Sunny, ilang buwan na kayong magkakilala ni Rage? 6 months? or less?"
Lumunok ako sa tanong niya. Saan siya patungo sa mga sasabihin niya?
"You think you know him, but I know you don't. Do you know his favorite food? Alam mo ba ang mga pinagdaanan niya noon?" Nanliit ang mga mata ni Ezra at umiling sa disappointment dahil wala akong maisagot. "Wala kang alam. High school siya 'nong nagkarelasyon 'yong mama mo at papa niya. Well, I'm not sure but maybe elementary din since palaging nag aaway sina tita noong elementary kaming dalawa. Tito Marco was always out of town and with his other woman. Tita was always drunk because of that. At si Rage, pasan niya ang lahat. Lahat ng problema nilang dalawa! Ako lang ang kasama niya para malagpasan lahat ng iyon."
They grew up together. They know each other so well. Kinurot ang puso ko sa katotohanang ito. Inisip ko kung ano ang nangyari kung mas maaga lang kami nagkakilala ni Rage. Kung sana ako 'yong nandon kasama niya para malagpasan lahat ng iyon.
"Doon niya nakuha ang galit sa mundo, sa mga tao. We were teens at maaga siyang nagkaproblema sa pamilya. Kaming dalawa ang nakakakita sa pag aaway ng kanyang mama at papa. The way tita told him that they are nothing for tito, na wala silang halaga, na hindi sila importante sa kanyang ama, nakita ko ang lahat ng iyon. He started hating his father. Ngunit nang nalaman niya na 'yong mama mo ang lumalandi sa kanyang ama ay iyong mama mo ang kinainisan niya ng husto."
"Inaamin kong may kasalanan si mama ngunit hindi sa kanya lahat ng kasalanang ito! May kasalanan din si Mr. Del Fierro."
"Teenagers kami non, Sunny. Ako lang... You know that? Ako lang 'yong kasama niya. Ako lang 'yong may alam ng lahat. I was his bestfriend. He loved me passionately. Pag wala ako, hindi siya mabubuhay dahil naka depende siya sa akin all his life."
Hindi ulit ako nakapagsalita. If he depended on you, then why is he pursuing me?
Nakita ko ang maluha luhang mata ni Ezra. Tumigil siya sa pagsasalita at uminom ng tubig bago nagpatuloy.
"He loved me. I was his first all! First kiss, first girl he touched! He poured his heart to me, Sunny. He never liked other girls. Kung may iba man siyang mahalikan at pag tripan, sa akin parin siya umuuwi at the end of the day. I'm positive, sa loob ng anim na buwan na pagkakakilala niyong dalawa, babalik din siya sa akin. Ako at ako lang ang kaya niyang mahalin ng lubusan at ako lang ang kayang magmahal sa kanya ng ganito."
Humikbi siya. Namula ang kanyang ilong at nagpunas siya ng luha gamit ang tissue. Hindi ako makapagsalita.
"I will never beg you to give him to me, Sunny. Dahil alam ko sa sarili ko na ako lang talaga ang para kay Rage. Kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa ngayon, laro niya lang iyan. He likes playing games. Ilang babae na rin ang napag laruan niya pero wala akong pake kasi sa akin siya umuuwi. Sa akin siya nag bumabalik. Now, If you don't want to get hurt, Sunny, you should take my advice. Take the money at magpakalayu layo ka na." Tumigil siya dahil sa kanyang pag iyak.
Gusto kong sabihin na nagsisinungaling siya. Kung siya ang pipiliin ni Rage, bakit siya sinasaktan nito?
"Gusto ni tita at tito na kami ang magkatuluyan. I need him and he needs me bad. They know it. Kasi ako ang nakakakilala kay Rage. Ngayon, hindi na sila matahimik dahil sa'yo. Dahil galit si tita sa'yo at hindi niya kayang nandyan ka. Guguluhin mo lang ang buhay ni Rage. He deserved a peaceful life. Hindi iyong magulo tulad noon. Ikaw ang magpapagulo nito."
Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko kailangang marinig ang lahat ng ito para lang iwan ko si Rage. Alam ko na noon pa na kailangan kong lumayo.
"He will get over you soon. Sa oras na makuha ka niya, aalis din 'yan. He'll leave you crying. I bet you my life." Tumitig siya sa akin. "This is my warning for you. Ikaw na ang bahala. You don't know him but you know his father. Nagpadala si tito sa pakiramdam niya noon sa mama mo kaya sila nasira bilang pamilya. Now, you don't want that to happen to us just for yourself. Don't be selfish, Sunny. Prove to me that you're unlike your mother. Ipakita mo samin na hindi totoo 'yong mga bintang namin sa'yo."
Tumayo ako dahil ayoko nang makinig. Gusto ko nang umalis. "Hindi ko na kailangang patunayan sa inyo ang sarili ko, Ezra. Kung anong gusto ninyong isipin, bahala na kayo."
Nanlaki ang mga mata niya sa pagtayo ko. "This Friday, Sunny. Please, ibibigay ko sa'yo 'yong pera. Ibibigay namin sa'yo ni tita at lumayo ka na."
Tinalikuran ko siya at hindi na ulit nilingon kahit nong nakalabas na ako. Wala siyang karapatang diktahan ako sa mga gagawin ko. Alam ko na siya ang lubos na nakakakilala kay Rage at hindi ko maipagkakailang inggit ako sa pinagsamahan ng dalawa. Pero wala na sa akin 'yon. Kung sino man talaga ang gusto ni Rage ay hindi na ako makekealam. Ang anak ko na lang ang gusto kong isipin.
Pumasok ako sa elevator ng Del Fierro building at pinunasan ko ang luha ko nang napagtanto kong lalayo nga ako. Kailangan ko nong pera at natatakot akong kailangan ko nga ng tulong ni Ezra.
Pumasok ako sa opisina nang wala sa sarili. Tahimik ang mga empleyado at panay ang tingin nila sa akin na para bang may mali akong nagawa!
"Where have you been?" Malamig na utas ni Rage. Nakaupo siya sa table ko at pinaglalaruan ang ballpen ko.
Kumunot ang noo ko. "Nag usap lang kami ni Ezra."
Nanlaki ang mga mata niya. Para bang ayaw niyang mag usap kaming dalawa o may tinatago siya sa akin. Tumayo siya at tiningala ko ang kanyang titig. "Anong sinabi mo?"
Tumikhim ako. "Nag usap kami. Mahal ka niya, Rage. Puntahan mo siya. Nasa-"
Hinawakan niya ang braso ko at nag igting ang kanyang panga.
"Are you crazy, woman? The last time you saw each other kinalmot ka niya! Gusto mong mapahamak? Do you want me to kill someone just to stop you from being so..." Pumikit siya ng mariin.
Ang dalawang kamay niya ay nakahawak na sa siko ko. Binabawi ko ang siko ko pero hindi ko mabawi ng tuluyan.
"What about are baby, huh?" Bulong niya. "Aren't you worried? Because I'm fucking worried. I'm worried about my girl and my baby. Alam mo bang muntik na akong mabaliw nang naalala ko na pinagtrabaho kita ng husto? Ni hindi ko kayang makita si Ezra dahil naaalala ko 'yong ginawa niya sayo?"
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero gustong gusto ko lahat ng lumalabas sa kanyang bibig. Bawat salita ay nanunuot sa sistema ko. Parang hindi ko yata ito makakalimutan. Mukhang hindi ko ata 'to mabibitiwan.
Nanghina ako. Hindi ko alam kung bakit pero sobra ang panghihina ko sa kiliti ng pagkakahawak niya saking siko.
"Let's go. Nagpa appointment ako sa doktor. We'll go now, Sunny." Aniya.
"Hindi mo na kailangang-"
"If that's your baby, Sunny. Then, that's mine too." Mariin niyang sinabi.
Napatingin ako sa bawat nakarinig nong sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong titig sila sa akin na para bang may nalaman silang sekreto.
"Rage..." Tiningala ko siya.
Ngumisi siya. The kind of smile that can make my heart flutter. "That baby is the proof that you have to bear my name. That you're meant to be a Del Fierro. Like it or not, Sunny, I will make you a Del Fierro. Let's go." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay naglakad paalis ng opisina.
Bumagsak ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon.
"Are you hungry, Sunny?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.
Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo.
"Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot.
"W-Wala." iling ko.
"Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Rage.
Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita.
"What's the meaning of this, Rage? Did she seduce you again?" Mariing utas ni Mrs. Del Fierro.
"Watch your words, ma." Ani Rage at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Nilagay niya ako sa kanyang likod dahilan kung bakit hindi ko makita ang kabuuan ng mukha ni Mrs. Del Fierro. Para bang ayaw ni Rage na masaktan ako o mapagsabihan ng kanyang ina.
"Ginagamit ka lang ng babaeng 'yan. What's the matter, Rage? Noon, you told me we'll have our revenge together? Na kung hindi kay Amelia ay sa anak ka niya maghihiganti. Is this part of the plan-"
"Enough of the bullshits, ma! Stay out of this please. Let's go, Sunny." Ani Rage at hinila ako para matigil na sa pakikipag usap sa kanyang mama.
"She's using you for the money. Because 1M isn't enough for her. She wants the whole company, Rage."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Rage sa akin. Sumikip ang dibdib ko sa matatalim na salita ni Mrs. Del Fierro. Tumigil sa paglalakad si Rage at binitiwan niya ang kamay ko. Iniwan niya ako sa kinatatayuan namin malapit sa pintuan at mabilis ang lakad niya patungo sa kanyang mama.
"You are not going to talk to her like that, ma!" Sigaw niya at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha.
Tinakpan ko ang bibig ko. Dalawang armadong lalaki ang pumigil sa kanyang lumapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Del Fierro sa inasta ng anak.
"What happened to you, Rage!? Noon, tayo ang magkakampi!" Nakangiting hilaw ang kanyang mama. Nilingon niya ang bawat empleyadong nakatingin sa kanya. "Anong ginawa ng pokpok na 'yan-"
"Enough, ma!" Sigaw ni Rage. "Kung ayaw niyong mawalan ng anak ay titigilan niyo si Sunny!"
"What did you just say, son?" Tumagilid ang ulo ni Mrs. Del Fierro.
Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita kong nasaktan si Mrs. Del Fierro sa sinabi ni Rage.
"I missed your words. I did not hear it properly." Ngumisi si Mrs. Del Fierro ngunit bakas ang sakit sa mukha.
"No, ma, I think you heard me right. I said, wala ka nang anak kung ipagpapatuloy mo ang pagsasalita ng masama kay Sunny." Mas mahinahong sinabi ni Rage.
Nalaglag ang panga ni Mrs. Del Fierro at tumingin siya sa akin.
"Rage!" Marahan kong tawag. Tama na, Rage. Kahit na naging malupit ang mama mo sakin ay hindi ibig sabihin na magsasalita ka ng masama sa kanya. Kapamilya mo parin siya.
Nanginig ang boses ni Mrs. Del Fierro at nakita ko ang lumandas na luha sa kanyang mga mata. "You're not going to ruin our relationship, our family for that girl, Rage. Right? Tayo ang magkakampi."
Huminga ng malalim si Rage at hindi nagsalita. Alam kong nahihirapan din siya. Kung ano man ang sinabi niya kanina ay dahil lang iyon sa galit niya.
"I can ruin anything for her, ma. Remember that. So stop this thing." Ani Rage at tinalikuran niya ang kanyang ina.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nanikip ang dibdib ko nang nakita ang lungkot at galit sa kanyang mukha. Pinaghalo ang dalawa at alam kong sobrang nasasaktan din siya. Hinila niya ulit ako palabas ng building.
"You turned him into your beast, Sunshine Aragon. You turned my son into your beast!" Sigaw ni Mrs. Del Fierro bago kami tuluyang nakalabas ni Rage sa building.
Pagkalabas namin sa building ay huminga ng malalim si Rage at nilingon niya ako. Pumungay ang kanyang mga mata. Nilagay niya sa tainga ko ang takas na buhok. Umuhip ang malakas na hangin at nanlamig ako.
"I'm sorry, Sunny." Ani Rage.
"Sir, andito na sasakyan niyo." Sabi ng isang guard.
May lumabas na driver sa kanyang sasakyan at hinagis nito kay Rage ang susi ng Prado. Binuksan ni Rage ang pintuan ng front seat at nilahad niya sa akin iyon. Hindi na ako nagdalawang isip. Pumasok na ako roon at tahimik niya itong sinarado.
Pumasok din siya sa driver's seat at pinaandar niya ang sasakyan. Tahimik siya sa loob. Pinanood ko lang ang langit na naghahalong kulay orange at itim. Gumagabi at at tumitingkad na ang mga ilaw sa kalsada. Tahimik siya at tahimik rin ako. Ayokong magsalita. Kahit na gustong gusto ko siyang kausapin.
Nilingon ko siya at nakita ko na umigting ang bagang niya. Sinaulo ko ang bawat kurba ng kanyang mukha. Ang tangos ng kanyang ilong, ang kurba sa gitna ng kanyang labi, itinatak ko iyong lahat sa aking utak. Inisip ko ang batang Rage na puro problema sa pamilya ang inaatupag. Si Mr. Del Fierro na palaging wala sa bahay at si Mrs. Del Fierro na palaging lasing. Inisip ko na sobrang hirap ng batang Rage at naninikip ang dibdib ko tuwing naiisip kong si Ezra lang ang kasama niya. He cried in Ezra's arms. Ezra saw everything I didn't.
Umawang ang bibig niya nang niliko ang sasakyan. Hindi ko alam saan kami pupunta. Kakain o pupunta muna sa doktor. Hindi parin ako nagsasalita. Tinitigan ko lang siya.
Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng maraming restaurant. Hindi niya binuksan ang pintuan. Tumikhim lang siya at may kinuha sa drawer. Nilingon niya ako at kinagat niya ang kanyang labi. Wala paring nagsasalita sa amin.
Nakita kong kulay maroon ang maliit na box na pinaglaruan niya. May gold na border ito at may salitang Cartier sa gitna. Binuksan niya ito at kinuha niya agad ang nasa loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong kuminang ang malaking diamond doon. Napatingin ako sa kanya. Hindi parin siya nagsasalita. Hinawakan niya lang ang singsing at naglahad siya ng kamay sa akin.
Bumilis ang paghinga ko sa kaba. Gusto niyang suotin ko ito? Engagement ring?
Nang ilang sandali ay hindi ko parin binibigay ang kamay ko ay tumikhim siya at kinuha ang nanghihina kong kamay.
"Slap me if you're not yet ready for this." Bulong niya at dahan dahang isinuot sa nanginginig kong darliri ang engagement ring.
Nagbara ang lalamunan ko. Ang hugis parisukat na diamond stone na pinapalibutan ng mas maliliit na diamond ay kuminang sa konting ilaw galing sa labas.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Ang mga luha ay nangilid sa aking mga mata. Hinawakan niya ang aking pisngi at hinila niya ako para makalapit sa kanyang mukha. Marahan niya akong hinalikan ng mababaw. Tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit ng puso ko at natatakot akong hindi iyon maganda sa baby namin. Baby naming dalawa!
Tumigil siya pagkatapos ng isang halik.
"Let me marry you, Sunny. For us. For me. Let's forget the complications. I want to be happy. I've been sad for a very long time. And you make me so high. You make me so damn high all the time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top