Kabanata 5
Kabanata 5
Careful, Sunny
Sigurado akong nagkamali lang si Rage sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong mag lunch ngayon. Empleyado niya ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho.
"Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.
Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka puting v-neck t-shirt na lang siya. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue.
"Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Tatanggalin mo ba ako?"
"Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.
Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig doon. Pinagsalikop niya ag kanyang mga daliri katulad at tiningnan niya akong mabuti.
"Masyado ba akong masama sa paningin mo?" Nagtaas siya ng kilay.
Gusto ko sana siyang sagutin kaya lang ay natatakot akong mapahamak na naman pag bubuksan ko ang bibig ko kaya nanahimik ako.
"Let's eat?" Aniya sabay tingin sa aming pinggan.
Tumango ako at pinulot ko ang tinidor. Ang laman ng pinggan ay steak, gulay, mais, at kanin. May pineapple juice sa tabi nito at may calamares naman sa harapan namin. Batid kong nanonood siya habang tinutusok ko ang gulay. Gusto ko talagang magtanong kung bakit niya ako sinama ngayon pero natatakot ako.
"So... uh, kumusta ang trabaho?" Kaswal niyang tanong.
Ngumiti ako at nag angat ng tingin. "Okay lang. Mabait ang mga crew. Lalo na si Mia."
"Mia's one of our youngest crew members. Mag dadalawang taon na siya dito." Aniya.
Tumango ako at napatingin sa kanya pagkatapos kong isubo ang gulay. Gutom ako pero hindi ko kayang kumain ng mabuti ngayong nandito siya sa harap ko at nanonood sa akin. "Mabait siya at tingin ko ay matalino." Sabi ko. "Tsaka tinulungan niya pa ako na makapasok don sa mga gig ng Marlboro Girls."
Binitiwan niya ang kanyang tinidor at kutsilyo para uminom ng pineapple juice. Pinanood ko siya at natagpuan niya ang mata ko.
"That's not a very nice job." Aniya.
"Wala akong choice. Kailangan ko ang pera." Sabi ko at nag kunwaring abala sa pag hahati ng steak.
"Well, you have a job here. The benefits are good."
Ngumuso ako. "Oo pero kailangan ko kasing lumipat. Siguro, bedspace o kahit ano. Ayaw kong samantalahin ang kabaitan ninyong patirahin ako dito-"
"You are rendering your services here, hindi naman kita pinapatira ng libre. If that would hurt your ego..." Matigas niyang sinabi.
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nang nakita kong medyo umiling siya at humugot ng hininga ay naramdaman ko kaagad na pinagsisihan niya ang sinabi niya sa akin.
"Gusto ko lang ng maayos na matitirhan. 'Yong may tamang CR at tamang kama." Nahihiya kong sinabi.
Ayaw kong i-point out ang kawalan ng ganon sa building pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang punto ko kung hindi ko iyon sasabihin?
"Oh, okay." Tumaas ang kanyang kilay at kumain ulit.
Nawalan na talaga ako ng ganang kumain. Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumuya sa steak na nakahain. Ayaw kong isipin niyang sinasayang ko ang pera niya. Isa pa, hindi ako palaging nakakakain ng ganito, dapat ay sulitin ko ito.
"Salamat nga pala sa lunch." Sabi ko para gumaan naman ang hangin sa aming dalawa. "After one thousand years, nakakain na ulit ako ng ganitong pagkain." Tumawa pa ako.
Kumunot ang kanyang noo. "Bakit? Anong kinakain mo?"
"Sardinas lang madalas. Pag maraming pera, Century Tuna." Tawa ko ulit.
Natigilan siya. "Ano? Sardinas?" Parang hindi niya ako narinig.
Tumango ako.
"Are you kidding me, Sunshine Aragon?" Kunot ulit ng kanyang noo.
Umiling ako at nagulat sa galit sa kanyang boses.
"Hindi ba kita siniswelduhan ng maayos para kumain lang ng sardinas?"
"Hindi pa ako na s-swelduhan. Limang araw pa bago ang 15." Sabi ko na agad kong pinagsisihan.
Kung sana ay pwedeng umo-o na lang ako sa lahat ng kanyang sinabi nang sa ganon ay hindi na kami magtalo pa ay ginawa ko na sana.
"You can have your-"
Pinutol ko kaagad siya. "Hindi na. Okay lang ako. May pera ako dahil sa gig nong Sabado. Last week wala, kaya Sardinas lang."
Matalim ang titig niya sa akin at hindi ko alam kung saang banda ko siya ginalit.
"Pag binigay sa akin ng advance ang pera, baka di ko maipon ng maayos. Naghahanap pa naman ako ng matitirhan." Sabi ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain at mukhang siya naman ang nawalan ng gana ngayon. Siguro ay ganon ka nakakadiri ang Sardinas kaya hindi niya na magawang kumain ngayon sa harap ko. Nilihis ko ang usapan nang sa ganon ay makalimutan niya.
"Uh, hindi ko alam na nakikipag lunch ka pala sa mga empleyado." Biro ko sa kanya.
Umangat ang kanyang labi. Halos magpasalamat ako sa lahat ng Santo at nakalimutan niya ang pandidiri sa Sardinas. "Nakikipag lunch naman talaga ako. Hindi nga lang palagi." Aniya.
Tumango ako at medyo nabigo. Akala ko ako lang. Syempre, maaaring naka lunch niya na ang mga taga ibang department? Baka nga pati si Mia?
"Nakapag lunch na kayo ng sabay ni Mia?" Tanong ko.
"Oo. Nakalunch ko na ng sabay 'yong halos lahat ng mga kahit saang department. Pero sabay sabay, hindi isa-isa."
"Ahh..." Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya.
Halos maghuramentado ako sa hindi malamang kadadahilanan. Basta ang alam ko ay masaya ako dahil mukhang ako lang ang nasolo niya sa lunch!
"I... I just want to apologize to you."
Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang kulay brown niyang mga mata. Ang itim sa gilid at sa gitna ng kanyang mata ay masyadong madilim dahilan kung bakit tumitingkad ang kulay brown na halo nito.
"Nagkasagutan tayo nong isang araw diba? I'm not saying that I agree with you pero I just want to apologize. Alam kong may nasabi akong hindi maganda."
"Wala 'yon. Dapat nga ay di ako nakealam. Buhay mo naman 'yan. Empleyado lang ako." Sabi ko.
Ngumuso siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Sunny, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito!
"Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles.
Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya.
Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako.
"Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig.
Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?"
"Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera."
Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Anong ginawa ko para isipin mong magagalit ako pag pinag aksayahan kita ng pera? That's just a damn steak! Anong pera ang maaaksaya ko diyan?" Dinig ko ang pagkakainsulto sa boses niya.
Hindi ko na alam kung saan ako mangangapa ng salita. Hindi ko siya maintindihan!
Pumikit ako at kailangan kong magpaliwanag sa kanya kahit alam kong mas mabuting itikom ko ang bibig ko. "Alam kong mayaman ka pero ayaw kong isipin mo na nag aaksaya ako ng pera mo. Na pinakain mo ako tapos di ko inubos-"
"I want you to eat with me. Hindi ko sinabing kailangan mong alalahanin ang perang ginastos ko para diyan. Damn it, girl! You're driving me fucking insane!"
Nalaglag ulit ang panga ko. Malutong ang bawat mura niya at pakiramdam ko ay panibagong away na naman ito sa aming dalawa. This is not good! Akala ko ay maayos na, pero binuksan ko ang bibig ko at heto na naman kami.
Ginulo niya ang kanyang buhok at suminghap siya.
"I just want you to eat. with. me. Okay?" Mas malinaw niyang sinabi na para bang hindi ko naiintindihan ang bawat salita niya.
"Alam ko po 'yon-"
"Fucking drop the 'po'. I want to be your friend, not your boss so drop that!"
Napalunok ako, nangapa ulit ng salita kahit na kumakalabog na ang puso ko. Hindi ko maintindihan. "Ginagamit ang po bilang respeto sa mga nakakatanda-"
"Hell yeah! Ang ibig sabihin ng limang taong gap ay nakakatanda." Tumawa siya at lumambing ang kanyang mga mata.
Ngumuso ako. "Nakakatanda parin 'yon."
Tumitig siya sa akin. Kahit nakanguso ay alam kong tinatago niya ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may nagsasabi sa akin danger zone na itong nangyayari sa aming dalawa. Masama na ito. Mapanganib. Maaaring hindi sa kanya, kundi sa akin.
Gusto niyang maging kaibigan ako. Gusto ko rin iyon. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung gusto ko ba talaga siyang maging kaibigan o higit pa.
Hindi ito maganda. Kung may pagkakamali man na alam na alam ko ay ito iyon. Gaya ng sinabi ni Mia sa akin, hindi nagseseryoso ang mga lalaking katulad ni Rage sa mga babaeng katulad ko. Kung may balak man siya sa akin ay alam ko kung hanggang saan lang kami at hindi ko na hahayaan ang sarili kong mag ilusyon.
"Naku Sunny, diyan nagsisimula 'yan!" Umalingawngaw ang boses ni Mia sa buong Lounge.
Kahit na pinapanood kami ni Aling Nenita at Mang Carding ay wala parin silang alam sa pinag uusapan namin. Ang tanging nagagawa ko na lang ay patahimikin si Mia nang sa ganon ay hindi na nila malaman.
Hindi na ako nagsalita. Nag ligpit na lang ako ng gamit ko. Friends lang naman ang sinabi ni Rage at sigurado akong hanggang doon lang iyon. Ang mag ilusyon ng higit pa ay sobra na.
"Pero mag ingat ka. Gaya ng sabi ko... hindi sila nag seseryoso. Magiging pantawid gutom ka lang niyan. Makikita mo. Naaamoy niya siguro na wala ka pang karanasan." Bulong ni Mia sa akin.
Lumamig ang pisngi ko sa sinabi niya at medyo nairita ako. "Alam ko 'yon, Mia. Friends lang naman. Walang mangyayari kasi kaibigan lang."
HIndi ako sigurado kung naiirita ako sa kay Mia o naiirita ako dahil alam kong tama siya, kaibigan lang dapat. Kahit na alam ko sa sarili kong gusto ko pa ng higit don.
"Aalis din naman ako dito." Sabi ko nang di siya tinitingnan. "600 lang ang matrikula sa nakita kong paaralan, buwan buwan 'yan. Kaya kakausapin ko si Ma'am kung pwede bang palagi niya akong kunin sa Friday at Saturday nang sa ganon ay maiwan ko na 'tong trabahon ito at maka enrol na ako sa ngayong August."
Nag angat ako ng tingin kay Mia sa pag aakalang nakita niyang hindi ako interesado kay Rage ngunit mali ako. Nakita ko parin ang ngiting aso sa kanyang mukha na para bang alam niya kung ano ang tunay na sigaw ng sistema ko.
"Nag ka boyfriend ka na ba?" Tanong niya.
Umiling ako nang naaalala ko noon na inayawan ko halos lahat ng lalaking nagtangka dahil lang sa masyado pa akong naaapektuhan sa nangyari kay mama. Mali ang pagmamahal sa lalaking may asawa na at alam kong magkaiba kami ng sitwasyon pero nadala ko ang aral na ang mga lalaki, lalo na ang mga mayayaman ay hindi nakokontento sa isa.
"Isang kalabit lang sayo, hulog ka na kay Sir Rage, e." Kinalabit niya ako na siyang kinairita ko.
Hinawi ko kaagad ang kamay niya.
Humagalpak siya sa tawa. "Totoo no?" Pang iinis niya.
"Mia..."
"Totoo! Ewan ko kung ano ang gusto ni Sir sayo pero kung tama ako, delikado ka. Kailangan mo na ng boyfriend. Kung ayaw mong mahulog ng tuluyan sa halimaw na 'yan. Gwapo siya, pero siya 'yong tipong dapat tinatanaw mo lang sa malayo. Dahil pag masyado kang nakalapit, mapapaso ka."
Kitang kita ko ang kumpleto niyang ngipin sa pagtawa niya sa akin.
"Careful, Sunny." Kindat niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top