Kabanata 48

Kabanata 48

Buntis Ako

Nakakalito ang ginawa kong trabaho. Kalahati pa lang ako ngunit inaantok na ako. Humikab ako pagkatapos kong itype ang pang ilan ko ng papel.

Nakaupo ako sa isang abandonadong table dito sa Finance na palapag at kanina pa ako pinapanood ng mga tao dito na parang isa akong misteryo sa kinauupuan ko.

"Bilisan mo dyan, may ibibigay pa daw na pahabol si Rage." Sabi nong head ng finance na si Ms. Mendez.

Tumango ako at pinanood ko siya habang tumataas ang kilay at humahalukipkip sa harap ko. Mainit ang dugo niya sa akin kahit na halos ngayon lang kami nagkita.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng buong department. Binalewala ko iyon dahil palagi namang marami pumapasok at lumalabas doon. Nagpatuloy ako sa pagtype nang napagtanto kong tumahimik ang kani kanina'y medyo maingay na palapag.

Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa pag type nang bigla akong may narinig na mga yapak ng matulis na heels malapit sa akin.

Tumingala ako at naaninag ko si Mrs. Del Fierro, naka puti at may malalaking gold na necklace. Tumigil siya sa gilid ng aking mesa at dinungaw niya ako.

"Hindi ko maatim na totoong nandito ka sa kompanya namin." Sabi niya. "And you look exactly like your bitch of a mother. Hindi ko maatim na may mukha na namang tulad niya ang pumapasok sa building na ito."

She called my mother a bitch and she expects to be respected?

"Mrs. Del Fierro, iwan niyo po ako dito kung ayaw niyong maulit ulit 'yong nangyari nong isang araw." Paunang banta ko.

Umiling siya sa akin. "They cheated on me. Your mother and my husband, Sunny. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. And she's not going to get away from all of her sins this time. You are gonna pay. My son is making you pay."

Tinikom kong mabuti ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong magalit. Ngunit habang tumatagal ang presensya niya dito ay mas lalong kumukulo ang dugo ko.

"So don't you ever seduce him again." Pang huling sinabi ni Mrs. Del Fierro bago siya umalis.

Pinanood ko ang dire diretso niyang paglalakad patungo sa pintuan. Narinig ko ang buntong hininga ng mga tao sa buong finance. Pinapanood nila ako ngunit walang ni isang nangahas na lumapit o makipag usap. Naiintindihan ko naman 'yon. Siguro ay pag nakita ng kanilang head na si Ms. Mendez na may kumausap sa akin ay malaki ang posibilidad na pag iinitan lang nila ang empleyadong 'yon.

Naging magulo ang utak ko. Bakit kailangan niya pang bumisita dito? Hindi niya ako kailangang paalalahanan tungkol kay Rage dahil talagang hindi ako lalapit kay Rage. Gaya ng sabi ko, gusto ko lang nong pera para sa anak ko. Iyon lang 'yon.

Sinikop ko ang mga papel para maibalik ko na kay Rage sa taas. Iilang empleyado na ang umuwi sa kanila. Alas syete na rin kasi ng gabi at konti na lang kami ang naroon. Panay ang hikab ko. Gusto kong uminom ng kape pero paulit ulit akong binalaan ni Mia na huwag basta bastang kumain o uminom ng kahit ano. Naaalala ko rin na sinabi niya sa aking hindi ako pwedeng uminom ng kape.

Pinindot ko ang elevator at humikab ulit ako. Tumunog ang cellphone ko. Sinubukan kong kunin iyon sa aking bag kahit na nahihirapan ako sa pag bubuhat nitong maraming papel. May iilang mensahe si Jason doon.

Jason:

You done?

Jason:

Hindi ka pa ba nagugutom? Can I fetch you?

Mabilis akong nag type ng reply kahit na nahihirapan ako sa mga dala ko.

Ako:

Patapos na. See you.

Tumunog ang elevator at mabilis na bumukas ang pintuan. Nag lakad agad ako papasok sa loob nang nakita ko si Rage, seryoso na nakatitig sa kanyang computer habang si Ezra ay nakayakap sa kanya galing sa likod. May binubulong si Ezra sa kanya. Lumunok ako at piniga ang puso ko. Nanlamig ang mga kamay ko at gusto ko na lang bumalik sa elevator at wa'g na lang ibigay ang mga papel sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Nakita rin ako nI Ezra at ngumisi siya sa akin. Buong lakas kong tinulak ang pintuan para makapasok sa loob. I need to stay calm, act calm and stop panicking.

"Tapos ko na 'tong mga binigay mo." Sabay dungaw ko sa mga papel.

Narinig ko ang buntong hininga ni Rage. Hindi ko siya matingnan. Lalo na't nakapulupot sa kanyang leeg ang braso nI Ezra.

May tinulak si Rage na mas marami pang mga papel. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha.

"Bagal mo. That's the second batch." Sabi ni Ezra sa likod niya.

Nag igting ang bagang ko. "Pwede bang bukas na 'to?" Sabi ko.

"Marami pa bukas. If you won't work on that now, mas lalong dadami..." Sabi ni Rage. "Ezra..." Pigil niya sa pagbubulong ni Ezra.

Pinanood ko ang pag kunot ng noo ni Rage at ang pag hawi niya sa kamay nito. Hindi ko alam pero bumabaliktad ang sikmura ko. Iniisip ko na baka may ginawa o may gagawin sila dito sa loob ng opisina ni Rage at nakakaistorbo lang ako. Sumikip ang dibdib ko at naisip ko ang anak ko. Pag nanatiling negatibo ang bawat iniisip ko ay talagang makakasama ito sa kanya. Sorry, baby.

"Okay. P-Pero di ko 'to magagawa ngayon. Bukas na lang." Sabi ko sabay kuha ko sa mga papel na nakatapong doon.

Mas mahirap itong dalhin ngayon kaya medyo mabagal akong nakakilos. Dinig ko ang mga daliri ni Rage na naglalaro sa kanyang mesa habang pinagmamasdan ako.

"Sunny, kailangan mong malaman na hindi pwede 'yong mabagal sa kompanya na 'to. Kailangang mabilis magtrabaho." Sabi ni Rage.

"Alam ko. Kailangan ko lang talagang umuwi. Babawi na lang ako." Sabi ko nang di siya binalingan.

Dumiretso na ako sa elevator. Inisip ko ang lahat ng maaari nilang gawin habang nandoon sila. Mababaliw na yata ako sa kakaisip. Hindi talaga ako pwedeng magtagal dito kay Rage. Dapat ay makalayo na ako sa kanya sa lalong madaling panahon kung hindi ay mababaliw na ako.

Pagkabalik ko sa Finance ay wala na masyadong tao. Umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko sa sakit nito pagkatapos kong nilapag ang mga papel doon sa mesa.

Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi ko na muna tiningnan dahil kailangan ko pang maging maayos. Kinabahan ako at luminga para makahanap ng tubig o kung ano man pero walang ganon sa paligid. Malayo pa ang water dispenser at kinailangan kong umupo dahil sa pagkakahilo ko.

Pumikit ako ng ilang sandali. Nang medyo umayos ang pakiramdam ko ay huminga ako ng malalim at dumilat para lang makita ko si Rage na pumasok sa aming palapag. Mag isa siya.

Kumalabog ang puso ko at pakiramdam ko ay mahihilo ulit ako. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang bag ko para makaalis na.

"I'll get the data. Hindi mo na print? I need it." Sabi ni Rage nang nakalapit sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at binuksan na agad 'yong computer. Hindi ko naman alam na kakailanganin niya pala 'yon.

"Send mo na lang sakin. I'll give you my email address." Aniya.

Tumango ako at umupo para hanapin 'yong file at para na rin mag open ng email add.

Kumuha siya ng ballpen sa aking mesa at nilagay niya ang kanyang email address sa isang piraso ng papel pagkatapos ay binigay sa akin. Hindi ko siya tiningnan nang tinanggap ko iyon.

Nag open ako ng email address at mabilis kong na attach ang file sa mail at agad na sinend sa kanya nang sa ganon ay makaalis na ako doon.

"Tapos na." Sabi ko at agad pinatay ang browser at computer.

Hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya kaya nilingon ko siya. Mabigat at malalim ang tingin niya sa akin habang nakahalukipkip.

"You're in a hurry?" Aniya.

"May gagawin ako."

"That's the reason why you can't stay and finish more important things for the company. Wala kang pakealam sa kompanyang iningatan ng mama mo." He concluded.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit pero may kailangan akong gawin sa gabing ito. Kung may oras naman ako, sisiguraduhin ko namang matatapos ko lahat ng gagawin ko." Sabay tayo ko.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Ilang pulgada na lang at magtatama na rin ang katawan namin. Hindi siya umatras palayo sa akin. Sinalubong niya ako ng mabigat na tingin. Kunot ang kanyang noo at kitang kita ko ang pag gapang ng galit sa kanyang mukha.

"You're only doing this for the money, Sunny?" Mariin niyang sinabi.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko siya ng ganon. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Nandito ako para makuha ko ang share ni mama at nang makatulong ito sa anak ko. Hindi ko maipagkakaila 'yon.

"Yes, I am, Rage. Kailangan ko ng pera." Sabi ko ng mas mariin.

Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Galit siya. Kahit na nalalasing ako sa titig niya ay kailangan kong magpakatatag dito.

"Bakit di mo balikan 'yong fiancee mo? Kailangan ko na ring umalis. Tapos ko nang nasend sa'yo 'yong hinihingi mo. Huwag kang mag alala, mag oover time ako bukas." Sambit ko at nag iwas ng tingin.

Ngunit bigla niya akong tinulak. Napasandal ako sa dingding malapit sa aking mesa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumilis ng husto ang hininga ko at hindi ko alam kung makakabuti ba ito para sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at nangatog ang binti ko nang nakita ko ang nag aalab na galit sa kanyang mga mata.

"Galit na galit ako sa'yo, alam mo 'yon?" Lumapit siya sa akin.

Parang natutunaw ang tuhod ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay mapapaluhod ako. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko na maintindihan kung naghuhuramentado na ba ako o mahihimatay na.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil kung hindi ko iyon gagawin ay magtatama ang aming ilong. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga at napapikit ako, nanghina. Ang mabilis na pintig ng puso ko ay parang nag diriwang. Ang bawat hininga ko ay parang binabara. Ang aking tiyan ay nakikiliti. Shit. Wa'g ngayon, please. Tama na. I can't fall in love over and over again. I should stop it. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito gayong galit naman siya sa akin at galit din ako sa kanya.

"Galit na galit ako sa'yo. Fuck ang bilis mong makahanap." Bulong niya.

Mabilis ang hininga ko at nagawa ko paring magsalita. "Galit din ako sa'yo."

Nilagay niya ang mga kamay sa dingding at yumuko siya ng kaonti para mas lalo pang maabot ang aking tainga. Dikit na dikit ako sa dingding at nanghihina na ako. Nang namataan ko ang kanyang napaawang na labi ay naaakit akong halikan ito! Nahihibang ka na ba, Sunny?

"Galit na galit ako. Sobrang galit ako." Bulong niya sa mas marahan na paraan. "Ang sarap sarap mong parusahan."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

"Sunny?" Narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ni Rage.

Hindi gumalaw si Rage. Hindi ko makita ang kanyang mga mata. Nanatili akong nakakulong sa kanyang mga braso dahil hindi siya gumalaw man lang para makita kung sino ang nagsalita. Nang natauhan ako at naalala kong si Jason 'yong nagsalita ay naitulak ko si Rage palayo sakin.

"Jason!" Sabi ko at nakita kong kumunot ang noo ni Jason nang nakita si Rage sa likod ko.

Nanlamig ang buong mukha ko. Kailangan na naming umalis ni Jason dito. Ayokong magkagulo!

May inilahad siyang mga bulaklak para sa akin at nalaglag ang panga ko.

"Hindi ako makapag hintay kaya umakyat ako dito." Aniya habang pinapanood si Rage sa likod.

Shit!

"Sorry. Let's go." Sabi ko sabay hila sa kanyang braso.

Pumikit ako at nagdasal na sana ay walang mangyaring masama habang palabas kami sa opisina. Nilingon ko si Rage at nakita kong tumama ang kamao niya sa dingding na hinihiligan ko kanina.

Panay ang tanong ni Jason sa akin tungkol kay Rage. Hindi na maganda ang naging tono niya kahit na pinipilit niyang maging normal.

"Hindi ko alam na 'yon pala 'yong boss mo. Ex mo 'yong boss mo?" Sabi ni Jason.

Pinagmasdan ko ang kulay yellow at red na roses na ibinigay niya sa akin. Mabilis pa ang pintig ng puso ko dahil hindi ko pa nakakalimutan ang pakiramdam nong binubulungan ko si Rage. Ayaw ko sanang sagutin ang mga tanong ni Jason pero kailangan.

"Siya 'yong boss ko. Daddy niya ang kabit ni mommy." Paliwanag ko hanggang sa bumaba ang elevator sa lower ground.

Kasabay ng pagbaba ng elevator sa Lower Ground ay ang pagkakahilo at pagduduwal ko. Nabitiwan ko ang mga bulaklak na ibinigay niya at mabilis akong tumakbo sa basurahan, dahil iyon ang nakita kong pinakamalapit na pwedeng sukahan.

"Sunny!" Nag aaalalang sigaw ni Jason.

Hinawakan niya ang likod ko nang naabutan niya ako sa basurahan. Panay ang suka ko hanggang sa wala na akong maisuka.

"Sunny, ayos ka lang?" Nag aalalang sambit ni Jason.

Naluluha ako dahil sa pagsusuka ko. Tinanggap ko ang binigay na tissue ni Jason at pinunasan ko ang bibig ko non.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ko si Jason. Kung sana ay siya 'yong minahal ko. Kung sana ay mas nauna ko siyang nakita ulit kesa kay Rage ay siguro wala akong problema ngayon.

"Jason... buntis ako." Sabi ko at nanginig ang boses ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Bago pa siya makapag salita ay dinagdagan ko na.

"Si Rage ang ama ng baby ko. Please, wa'g mong sabihin kahit kanino. Ayaw kong may makaalam."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage