Kabanata 41
Kabanata 41
All I Have
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Renz na pababain ako. Natataranta na siya. Ganon ba ka lupit ang parents ni Rage at bakit ganito maka asta ang driver para sa akin? Tama siguro si Ezra, magagalit ang parents ni Rage sa akin. Lumunok ako at tiningnan ko ang cellphone ko.
"Sir?" Narinig kong nagsasalita si Kuya Renz.
Hindi na siya ulit kumibo. Tulala lang siya at nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tainga. Kumunot ang noo ko at napatingin sa likod. Narinig ko sa likod pa ng SUV kung saan sakay ang daddy ni Rage ay naroon din ang kanyang Prado. Nandito na si Rage!
"Kuya, nandito na pala si Rage." Buntong hininga ko at agad na binuksan ang pintuan para lumabas.
Kitang kita ko ang pagkakataranta ni Rage. Nilingon ko ang kanyang mommy na napatingin sa akin kahit medyo malayo siya. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ang naka tight red dress na si Ezra sa bahay ni Rage.
"Mama!" Sigaw ni Rage at diretso ang tingin niya sa kanyang ina.
Nilingon ko ang kanyang ina. Hinawakan ni Rage ang aking siko at agad akong nilagay sa kanyang likod. Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan sa likod. Iyong SUV na sinasakyan ng daddy ni Rage. Lumapit si Ezra sa amin, dahan dahan at hindi ko na maintindihan kung bakit may tensyon akong nararamdaman.
"Rage..." marahan kong banggit nang narealize na hinihingal at kabado si Rage.
"Bakit kayo nandito? Sabi ko naman sa inyo na wa'g kayong tumuloy dito. This is my house. May bahay kayong inyo." Ani Rage, gulat ako sa diin ng kanyang pagkakasabi sa kanyang ina.
"Ezra invited us for dinner. Binaba ko lang ang maleta ko..." Naglaro ang tingin ng mommy ni Rage sa akin na nakatago sa anino ni Rage.
Hindi ko alam kung magpapakita ba ako o hindi. Nanliit ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang mommy ni Rage. Maiksi ang kanyang straight na buhok at may kaonting side bangs. Maputi siya at matangkad. Sopistikada at sumisigaw ang kanyang mga alahas ng yaman at kasaganahan.
Saan ko nga ba siya nakita?
"Rage," Tumawa si Ezra at umamba ulit sa paglapit sa amin. "Come on, kailan mo pa ba pinagtabuyan ang mommy at daddy mo?" Tanong niyang nakangisi.
Tumunog ang pintuan ng SUV sa likod namin. Narinig kong nagmura si Rage. Hindi ko nilingon iyon. Nanatili ang mga mata ko sa mas lalong nangingising si Ezra.
"Rage, anong problema?" Isang malalim na boses ang narinig ko galing sa taong nasa likod. Inisip kong siya ang daddy ni Rage. Agad kong tiningnan ang lalaki sa likod at nanlaki ang mga mata ko.
Lahat ng alaala noon ay nagbalik sa akin. Humigpit ang hawak ni Rage sa aking braso. Namanhid ang buong katawan ko habang pinapanood ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Mr. Del Fierro - ang lalaking kinabaliwan ni mama bago siya namatay. Ganong ganon parin ang itsura niya. Sa edad na lagpas singkwenta ay makisig parin siya. Matingkad ang dugong espanyol sa kanyang mukha at kutis. Naka itim na suit at mukhang mas namuhay ng mapayapa ngayong wala na si mama.
"Sunny..." Dinig kong marahang sinabi ni Rage ngunit sa pamamanhid ko ay hindi ko na ito inalintana.
Nanginig ang buong katawan ko sa galit, sa gulat, at sa poot. Ang lalaking ito ay ang daddy ni Rage? Please tell me I'm wrong! Please tell me this is not true!
"Sunshine..." Malambing na sinabi ni Rage habang hinahawakan ang magkabilang siko ko.
Hinawi ko ang kamay niya. Narinig ko ang maliliit niyang mura at nagsimula ulit siya sa pag tawag sa akin.
"Sunshine Aragon..." Narinig kong tikhim ng daddy ni Rage habang papalapit sa amin.
Umatras ako kahit na hinawakan ni Rage ang siko ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang hawakan niya ako sa panahong ito.
"Rage, anong ibig sabihin nito? I told you to stop searching for her!" Tumingin si Mr. Del Fierro kay Rage.
"Marco, ano ang ibig sabihin nito? Aragon?" Narinig kong sambit ng mommy ni Rage at lumapit na rin siya sa amin.
Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Nasa siko ko parin ang mga kamay ni Rage kahit na panay ang hawi ko doon.
"Sunny, please let me explain... let me-"
"Rage! Sunshin Aragon?" Mariing sinabi ng mommy niya habang tinitignan akong mabuti.
Bumaling ako sa kanya. Kahit na tinatabunan ang mga mata ko ng luhang nagbabadyang tumulo ay kitang kita ko ang mukha ng babaeng tumawag kay mommy na 'pok-pok' at 'walang kwenta'!
"Rage! I told you to let this girl go! Let this issue go!" Sigaw ng mommy niya na ngayon ay bumabaling kay Rage. "Walang puwang ang magtanim ng galit sa pamilyang sumira sa atin-"
"Mama!" Sigaw ni Rage at agad binalingan ang mama niya. "I must ask you to leave, please. i need you to leave!" Ani Rage.
Bumuhos na ang luha ko. Ito ang pamilya ng kabit ni mama. Si Rage ang kanilang anak. Ito ang babaeng minsan nang pumunta sa aming bahay para kaladkarin at pagsalitaan ng masama si mama. Alam kong may pagkakamali si mama ngunit siya parin ang ina ko at mahal na mahal ko siya.
"Tita, sinabi ko na po sa kanyang tigilan ang revenge na iniisip niya. Look, ayaw niyang makinig-" Ani Ezra na agad pinutol ni Rage.
Umiiling na ako. Pakiramdam ko ay naitapon ako sa lugar na wala akong kilala. Revenge? Pagtatanim ng galit? Si Rage ay nagtatanim ng galit? Si Rage ay naghihiganti? Kanino? Sa akin?
Hindi ko na matingnan si Rage. Panay ang tawag niya sa akin gamit ang malambing na boses. Walang epekto ito.
"Rage!" Narinig kong sinabi ni Mr. Del Fierro.
"Pa, please leave too." Sabi ni Rage. "I need us to be alone. Ezra, please..." Pumikit siya na parang nagpipigil sa galit.
"Anong meron?" Medyo tumaas ang boses ng mommy niya. "Bakit mo paaalisin din si Ezra. She's your fiancee for God's sake! Bakit mo kami pinapaalis?"
Nalaglag ang panga ko. Kung kanina ay ayaw kong tumingin kay Rage, ngayon ay napatingin na ako sa kanya. Kitang kita ko ang takot at pamumutla sa kanyang mukha. Paano... Paano ako naniwala sa kanya?
"Sunny, please, let me explain!" Aniya nang nakita ang poot sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit nandito parin ako.
"Kayo... Kayo ang pamilyang 'yon?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong si Rage nito.
"Rage, hindi ba sinabi ko na sa iyo na tigilan mo ang-" Pinutol ni Rage ang kanyang ama.
"Papa! Please!?" Iritado at frustrated niyang boses. "Iwan niyo muna kami! Please, iwan niyo muna kaming dalawa dito! Give us a minute! Please!?"
Umiling ako. Hindi ko na kailangan ng panahon. Kailangan ko lang ng sagot sa mga tanong na biglang gumulo sa aking utak. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Hindi ko naisip na ganito! Hindi lang niya ako sinaktan, iginaya niya rin ako sa nangyari kay mama! Ginawa niya akong kabit! May fiancee na pala siya ngunit binilog niya ang utak ko!
I want to hear his side. I badly want an explanation. I want to hear his words. I want him to wake me up from this dream. Pero ang kumpirmasyong galing sa kanyang mga magulang ay ebidensya na para sa akin. But I still want to hear him say it. I gave myself to him. I gave myself to him because I love him and I think he loves me too. Dahil hindi sapat na ibigay mo ang sarili mo sa taong mahal mo lang. Dapat ay mahal ka rin niya pabalik. Ngunit paano mo nga ba malalaman na mahal kang tunay ng taong 'yon?
"Rage..." Humikbi ako. Hindi ko alam kong paano ako nakakapagsalita.
Hinawakan niya ulit ang siko ko ngunit hinawi ko ang kamay niya. "Sunny..." Buntong hininga niya.
"Totoo ba 'yon? Totoo ba? Binalak mo bang maghiganti?" Tanong ko kahit na mamamatay ako kung ang maling sagot ang marinig ko.
"Oo, Sunny. Tinrace niya ang buong impormasyon nong kabit at ng anak nong kabit. Kaya mo siya natagpuan dahil hinanap ka niya. He wanted revenge. He wants you to suffer in his company."
"Shut up, Ezra!" Sabay pikit ni Rage.
"Rage, wa'g kang bastos kay Ezra!" Saway ng kanyang mommy.
Humugulhol ako. Lalo na dahil hindi ko man lang narinig ang pag tutol ni Rage sa sinabi ni Ezra. Kahit kitang kita ko na ang sagot ay hindi parin ako makuntento.
"Rage, t-totoo ba 'yon?" Nanginginig kong tanong.
Tumango siya at suminghap.
Napapikit ako sa sakit. Naaalala ko kung paano ako pinagpapasa pasahan ng mga food chain patungo sa Del Fierro Building. Kasama ba iyon sa plano niya? Naaalala ko kung paano niya tinapon ang resume ko sa basurahan. Kasabay ng pag alala ko nito ay naalala ko rin kung paano siya nag alala sa akin noon. Kasali ba iyon sa plano niya?
"Listen, Sunny. Please, oo galit ako sa inyo ng mommy mo pero guilty'ng guilty ako nong nakilala kita. Hindi ko man lang inisip na naghirap din kayo. Hindi lang ako 'yong napabayaan. Hindi lang ako 'yong naghirap-"
"Rage, what is this?" Malamig na tanong ng kanyang mommy habang lumi linga linga sa amin. "Anong meron sa inyo ng babaeng ito? This is the daughter of your dad's mistress! The one we detested the most! Iyong pok-pok-"
"Cassandra!" Sigaw ng papa ni Rage sa mama ni Rage.
"She's a pok-pok too, tita." Sabay tawa ni Ezra.
"Shut the fuck up, Ezra!" Sigaw ni Rage kay Ezra.
Humagulhol ako. Hindi ko na alam. Hindi tama ito. Kahit kailan hindi na ito magiging tama. Kahit anong gawin ko, hanggang dito na lang talaga ako. Wala ng pag asa sa kahit ano.
"It's true, Marco! We detested that bitch! Muntik mo ng iwan ang anak mo para lang sa pamilyang iyan! And seeing her again here makes me want to puke." Anang mommy nI Rage. "Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina. At hindi ko mapigilan ang pagbabalik ng galit ko."
"Ma, umalis kayo dito sa bahay ko. Now!" Sigaw ni Rage.
Gulat na gulat ang kanyang mama sa sinabi ni Rage.
"Cassandra, we'll leave. Stop your mouth before your son can hold it." Ani Mr. Del Fierro at agad na pumihit para umalis.
Nilingon ko siya at kitang kita ko kung paano siya tumingin sa akin. Halo ng pagkaawa at panghihinayang.
"How dare you talk to me like that, Rage? Hindi kita pinalaking ganito!" Ani Mrs. Del Fierro.
"That's probably what she learned from the pok-pok." Ani Ezra.
Hindi na ako nakapagtimpi. Hindi ko rin alam saan ko hinugot ang lakas ko para masampal ng malakas si Ezra. Lumipad ang buhok niya sa lakas ng pagkakasampal ko. Sumigaw siya at napaiyak.
"You stupid bitch! Cheap whore!" Sigaw niya habang inaabot ako. Pinigilan siya ni Rage. Dumalo rin si Kuya Renz sa kanila.
Umatras ako at alam ko na kung ano mismo ang gagawin ko. Pinulupot ni Rage ang kanyang braso sa baywang ni Ezra bilang pagpipigil para hindi niya ako maabot.
"Stop it, Ez." The way he called her. Iyong para bang sobrang tagal na nilang magkakilala at sobrang dami na nilang pinagdaanan. Ni hindi pa kami lumagpas ng taon na magkaibigan ni Rage. At ganito pa pala... nabilog lang pala ako... Revenge lang pala iyon. Collateral damage lang pala ako sa galit niya sa nanay ko. Basura lang pala akong itatapon.
It hurts... Yes, because it's real. Hindi ito gaya ng mga movies. Hindi maiinlove ang boss sa mga muchacha. I'm just one cheap girl hoping to be loved by someone like him. 'Yon pala, ginamit lang. 'Yon pala, powertrip lang. 'Yon pala, labasan lang ng galit.
This is it. This is the end of that potential love story I hoped to have.
Pinunasan ko ang pisngi ko at agad na akong pumihit. I didn't need more explanations from him. Kung nagalit ako sa sarili ko noon dahil iniwan ko siya nang walang sapat na eksplenasyon, ngayon kailangan ko nang makipag ayos sa sarili ko. I'm all I have.
"Sunny!" Sigaw ni Rage.
Narinig ko ang mga yapak niya. Tumatakbo siya patungo sa akin. Hinagkan niya ako galing sa likod. Akala ko ay matutumba ako dahil sa lakas ng tama niya sa akin ngunit mahigpit ang kanyang pagkakayakap.
"Please, don't leave me again. I was a wreck the last time you left. Now, I'm going to really lose it. Sunshine, please don't do this. I'm sorry. I'm sorry!" Paulit ulit niyang sinabi.
"Paano ba 'yan? Nagsimula pala 'to sa mali." Kalmado kong sinabi.
"Please, don't. Please give us time. Mag eexplain ako. Nahulog ako sa sarili kong patibong." Ani Rage.
Bumuhos ang luha ko. Kahit anong sabihin niya, wala na.
"May fiancee ka pala." Sabi ko.
"Wala. Hindi. Matagal na kaming wala ni Ezra." Aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nito.
"Sorry, Rage. Hindi na 'to maaayos. Hindi ko na kaya. Masyadong masakit. Kung hindi ka maghihiganti, bakit di mo agad sinabi? At hindi ko rin yata kayang makipag relasyon sa pamilyang sumira sa buhay namin ni mama. Rage, I'm sorry but you need to let me go. Oo, tagumpay ka na..." Tumigil ako dahil sa pag sikip ng aking dibdib. "Nasaktan mo na ako. Tagos na tagos 'yong sakit. Masaya ka na?" Malumanay kong sinabi.
Ramdam ko ang maiinit niyang luha sa aking leeg.
"Please, Sunny. Wa'g mo 'tong gawin." Aniya.
"Respect my decision. We really can't be together." Sabi ko.
Ilang sandali siyang nanatiling ganito. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o mas lalong ikakagalit. Pero pagkatapos naman ng mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang pagkalas ng kanyang braso sa akin. He's finally letting me go this time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top