Kabanata 4

Kabanata 4

To Clean

Nang dumating ang ala una ay pagod na pagod na ako. Hindi pala biro ang ganitong trabaho. Kaya naman pala isang libo sa isang gabi ay dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito.

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ibigay kay Ma'am ang benta ko. Maligaya si Ma'am dahil marami kaming na benta. Masaya rin ako dahil mas malaki pa sa isang libo ang kita ko sa tip. Nakakayaman pala ang trabahong ito.

"Ayos ka lang?" Ngiti ni Mia na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ang kanyang katawan.

Tumango ako at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang libo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako ng lugar kung saan ako titira nang sa ganon ay hindi na ako mag titiyaga sa Del Fierro Building."

Nag ngiting aso si Mia sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang titig.

"Kanina ko pa napapansin ang pagkakatulala mo." Aniya nang nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa sakayan.

"Inaantok kasi ako." Sabi ko kahit na simula nong nagkatitigan kami ni Rage sa bar ay wala na ako sa aking sarili.

Marami akong iniisip at halos lahat ng iniisip na iyon ay mga bagay na alam kong dapat kong balewalain.

"Hmmm. Talaga lang ha?" Humalakhak si Mia.

Hindi na ako nagsalita. Pagod na ako at wala na akong masasabi pa kay Mia. Tutuksuhin lang niya ako. Paano ba kasi ay nang sinabi ko sa kanya kanina na nakita ko sina Rage, Brandon, at Logan ay napansin niya ang pamumula ng pisngi ko. Pinilit niya akong magsalita kung sino sa tatlo ang nagpapula sa pisngi ko. Panay naman ang deny ko na pula ang pisngi ko.

"Hay naku, Sunny." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap niya ako.

Malamig na dahil madaling araw na. Gusto ko na lang makauwi at makatulog sa iniisip kong kumportableng couch ng Lounge. Kagabi ay nahirapan ako sa pag tulog dahil sa nakita kong nangyari sa opisina ni Rage. Ngayon naman, siguro ay makakatulog na ako ng husto dahil sa pagod. Hindi ko nga lang makalimutan kung paano siya tumitig.

Tumigil din ako kasabay niya. Pinag laruan ko ang daliri ko at hindi ako makatingin sa kanya.

"Alam mo, Sunny, mahirap magkagusto sa mayaman."

Ngumuso ako. "Hindi naman ako nagkakagusto, Mia. Eh, ikaw nga crush mo silang tatlo?"

Tumawa siya. "E kasi, gwapo. Pero 'yong tulad mong inosente tapos magkakagusto sa kanila? Naku hanggang pangarap lang 'yan. Alam mo kasi, 'yong sa TV at sa mga libro na mga maid na napapansin ng mga amo nila, hindi 'yon totoo sa totoong buhay. Sa totoong buhay, ang mga pinapansin lang ng mga mayayamang 'yan ay 'yong mga katulad din nila. Bulag sila sa mga katulad natin."

Alam ko iyon. Ang marinig na pangaralan ako ng ibang tao tungkol sa katotohanang iyan ay nakakairita. Buong buhay ko, dala dala ko ang pananaw na iyan. Iyan mismo ang natutunan ko sa buhay namin ni mama noong buhay pa siya.

"Gagawin ka lang pampalipa oras ng mga 'yan. 'Yon ay kung si-swertehen ka. Madalas iniisip nilang may sakit ka kaya di ka nila papatulan." Nagkibit balikat siya.

"Sakit?" Nagkasalubong ang kilay ko.

"Oo. Sakit." Kibit balikat ulit niya at nag simula siyang maglakad ulit. "Hanggang hanga na lang tayo. Kailangan na nating tanggapin na 'yong mga fairytale na 'yan, hanggang TV lang 'yan. Eto ang totoong buhay-"

"Alam ko na naman 'yon." Sabi ko nang nakarating na kami sa kanto.

Ang alam ko ay maghihiwalay na kaming dalawa. Sa kabila ako liliko para makarating na sa Del Fierro Building at siya naman ay sa may jeepney stop patungo.

"Alam na alam ko." Ulit ko.

Namuhay kami ni mama na kami lang dalawa sa isang bahay. Maagang namatay si papa. Halos hindi ko na nga siya maalala. Nasa limang taong gulang siguro ako nang namatay siya at lumipat kami sa isa pang bahay. Doon kami nanirahan hanggang sa tumungtong akong grade 9. Lumipat kami kina Auntie dahil binawi na iyong bahay kay mama. Alam kong hindi magtatagal ay mangyayari din iyong pambabawi dahil hindi naman talaga sa amin iyon. Pag aari iyon ng kaibigan ni mama. Mariin akong pumikit at nag desisyong ayaw ko nang balikan ang mga pangyayaring iyon. May mga pagkakamali si mama pero mabait siya at mahal na mahal ko siya.

Mabilis akong nakatulog sa gabing iyon. Pisikal at mental na pagod ang bumalot sa akin. Kinaumagahan ay nagdesisyon akong maghanap ng mauupahan. Kailangan ko pa ng konting panahon at iilang gig para makaipon ng sapat na pera para don at para sa mga gamit ko. Mabuti na lang at mabait si Mia. Aniya'y hindi niya naman daw gagamitin itong pumps niya kaya akin na lang.

Nang nag Lunes ay balik sa trabaho ang lahat. Madalas ko sa 40th floor at napagtanto kong hindi tulad sa ibang floor, mas hindi busy ang opisinang ito. Madalang ang mga tao at kung meron mang pumapasok ay para lang mag hatid ng mga papeles doon. Kaya siguro walang janitress dito dahil madalang din ang lilinisan.

Inisip ko tuloy kung dapat ba ay nandito ako o dapat sa Lounge na lang ako maghapon at antayin ko na lang na maka uwi si Rage bago umakyat.

"Uh, Rage..." Agad lumipad ang kamay ko sa aking bibig. "Este, sir... Okay lang po ba na nandito ako o don na lang ako sa Lounge mag hihintay?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mop, hindi ko siya matignan.

"You're the janitress of this floor. Hindi kita binabayaran para tumambay sa Lounge ninyo."

Napatingin ako sa kanya. Abala siya sa pagkukumpara ng dalawang papel. Medyo nairita ako sa sinabing 'binabayaran'. Parang naaalala ko lahat ng sinabi ni Mia kagabi at lahat ng mga iniisip ko.

"Okay po." Sabi ko at nag simulang mag mop malapit sa TV.

Tumunog ang elevator at napatingin ako sa isang babaeng matangkad, at may umaalong buhok pumasok sa double doors. Natigilan ako nang nakita kong galit ang babae habang sinusulong ang mesa ni Rage.

"Rage!" Sigaw niya sabay tapon ng kanyang purse sa mesa ni Rage.

Bored na tumingala si Rage sa babae.

Pinasadahan ko ang hugis ng binti niya at nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko iyon. Ito 'yong babaeng kasama niya rito sa gabing nakita ko siya! Ibang babae 'to sa nakita ko kagabi!

"Ano 'tong sinasabi ni Kid na kasama mo si Kimberly last night?" Maarteng tanong ng babae.

Humilig si Rage sa kanyang swivel chair at nag taas ng isang kilay. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri na para bang sinusuri niya ng mabuti ang babaeng kaharap.

"So what, Kara?"

Nalaglag ang panga ko. Hindi niya dinideny na may kasama siyang ibang babae! Hindi ko alam kung ano ang kwento nila pero nakakabuo ako ng conclusion na itong si Kimberly ay nagseselos sa kasama ni Rage na si Kara.

"So what? Really, Rage?" Singhal ni Kara.

"I told you I'm not the cuddle type." Kalmadong sinabi ni Rage sa harapan ng nanggagalaiting si Kara.

"But you were... you were... amazing that night!" Pumiyok ang boses ni Kara. "Imposibleng wala kang feelings sa akin!"

Humalakhak si Rage at nag angat ng tingin kay Kara. "You don't need feelings to be amazing in bed, Kara. You know me. Don't push it. Leave."

Humigop ng hangin si Kara bago niya dinampot ang kanyang purse at nagmartsa paalis ng opisina ni Rage. Ang tanging naging reaksyon lang ni Rage ay ang pag taas ng dalawang kilay at pag tingin ulit sa mga papel.

"Hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.

Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.

Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong lalaki.

"Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya.

"Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala."

Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.

Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. "Alam mo pala na ganon ang mangyayari, bakit mo pa siya pinaasa?"

"Whoa!" Umayos siya sa pag upo. "Hold it right there. You think I'm a jackass? Ang sabi ko, akala ko game siya nong una kasi iyon ang ipinakita niya."

Umiling ako at nag linis ulit. You are a jackass. Hindi mo ba alam iyon? Kahit sinong nanggagamit ng mga babae ay mga gago. Iyon ang alam ko. Kung bakit ako nanginginig sa titig niya ay hindi ko alam.

"Mahina ang mga babae pag gusto nila ang lalaki. Bumibigay sila kahit hindi dapat dahil lang sa gusto nila 'yong lalaki. Dapat alam mo 'yan. Huwag mong gamitin ang kaalamang 'yan laban sa mga babae." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Suminghap siya at tumayo. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ulit ang mabibigat niyang titig.

"You're talking too much. I'm not sure if I hired a janitress or a preacher." Nag igting ang panga niya.

Kinagat ko ang labi ko. Ramdam ko ang galit sa boses niya. Sunny, lagot ka!

"I'm sorry, sir." Sabi ko.

Tumagilid ang ulo niya. Nakakapanindig balahibong ngisi ang sumalubong sa akin. "Oh? May 'sir' na ngayon? Kanina wala."

Halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat. Hindi pa ako nag iisang linggo ay nagkakasagutan na kami ni Rage. Hindi ito maganda.

"I hired you to clean. Hindi para magsalita, Sunny. You clean the damn area before I throw you outside this building!" Mariin niyang sinabi.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Kahit na marami akong natanggap na mas masasakit pa na salita sa sinabi niya at hindi ako napaiyak. Nagmartsa siya palabas ng opisina niya at naiwan akong mag isa doon. Bumuga ako ng hiningang kanina ko pa pala pinipigilan.

May lumandas na luha sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan. Siguro ay dala na rin ito ng pagod at halo halong emosyon simula nang umalis ako kina auntie. Sa kauna unahang pagkakataon simula nong umalis ako, ngayon ko lang naramdaman na mag isa lang talaga ako. At walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.

Nilinis ko ang buong opisina ni Rage ng walang reklamo. Umalis din ako doon sa takot na makabalik siya at mapagsabihan ulit ako, o baka mapatay ako, o mas malala ay mapatalsik ako sa trabaho.

Abala si Mia sa pag titext text niya sa Lounge nang naabutan ko siya doon. May iilang matandang lalaki na binibiro siya habang nakaupo siya sa sofa. Nang dumating ako ay nagpasya silang kumain ng tanghalian kaya umupo ako sa tabi ni Mia ng walang istorbo.

"O? Problema?" Ngumisi si Mia at sinikop niya ang buhok niya para ma ponytail.

"Nagkasagutan kami ni Sir Rage." Sabi ko.

"Ha? Paanong nagkasagutan?" Tanong niya habang kinakagat ang itim na band bago niya nilagay sa kanyang buhok.

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Syempre, hindi ko sinali 'yong parte na nahuli ko siya sa opisina niya isang beses. Iyong sagutan lang namin ang kinwento ko.

Humagalpak siya sa tawa. "Iba ka rin, girl. Kaya mo pang magsalita. Pag ako nasa harap ni Rage, siguro nakanganga lang ako sa pagkakamangha sa kanya. Alam mo 'yong panga? 'Yong leeg? 'Yong mata? 'Yong kilay? Grabe!" Habang sinasabi niya ang mga parte ng katawan ni Rage ay tinuturo niya rin ang parte ng katawan niya.

Ngumisi ako. "Kinakabahan lang ako. Hindi naman napapatunganga." Pag amin ko.

"Asus! Normal na 'yan! Sa dinami dami kong nakilalang naging janitress dito, ganon talaga ang reaksyon."

Ngumuso ako. "Baka tanggalin niya ako sa trabaho."

"Hay naku, wa'g ka na lang sigurong manghimasok? Gaya ng sabi ko, 'yang mga mayayamang 'yan, wala 'yang pakealam sa atin. Huwag ka ng magsalita dahil hindi rin naman nila 'yon diringgin. Ikaw pa ang magiging masama."

Tama si Mia. Kung bakit ako nanghihimasok sa buhay ni Rage ay hindi ko alam. Mabuti pa ay kwentahin ko na lang 'yong gagastusin ko sa make up, pumps, bed space, pagkain, at kung ilang libo pa ang kailangan ko para maka pag enrol sa isang maasahang paaralan. Siguro naman ay pwede akong mag kolehiyo? Kung magiging maganda ang kita ko sa pa gig-gig sa Marlboro ay pupwedeng iwan ko na lang ang trabahong ito at doon na lang ako mag focus nang sa ganon ay makapag aral naman ako.

Kaya naman ay sa sumunod na araw, linis lang ang inatupag ko. Hindi na ulit ako tumingin sa banda ni Rage at hindi naman siya nagsasalita. Ang tanging naririnig ko lang sa kanya ay mga tikhim habang naglilinis ako.

Nag pasalamat ako nang nagkaroon siya ng board meeting kaya makakatambay ako ng walang pangamba sa opisina niya. Ganon din ang ginawa ko sa sumunod pang mga araw. Mas nagiging madali pala ito pag hindi ka nagsasalita. Kung bakit ko binuksan ang bibig ko nong nakaraan ay hindi ko na maintindihan ngayon.

Naririnig ko ang bawat tiktak ng relo sa harap. Magtatanghalian na ako. Tapos ko na kasing nalinis ang bintana.

"Sunny..." Ani Rage.

"Po." maliit ang boses ko nang hinarap ko siya.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang panunuri. Hindi ko alam kung para saan pero sinusuri niya akong mabuti. Tumititig siya sa mga mata ko na para bang may hinihintay sa akin.

"Paki..." Kumunot ang noo niya.

Tumingin ako sa ilalim ng mesa niya, baka sakaling may kalat at kailangan kong linisin.

"Paki tawagan ang cafeteria at pakisabi na dalawang order ng lunch ko." Aniya sabay turo sa telephone na nasa tabi niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ako inuutusan kahit na pwede namang siya ang tumawag. May bisita pala siya, mas lalong kailangan na akong umalis dito. Baka si Kara o si Kimberly? Hindi na ako magtatanong. Basta 'yon na 'yon.

"Okay po." Sabi ko at dinampot ng walang pag aalinlangan ang telepono.

Napatingin ako sa kanya. Humilig siya sa kanyang swivel chair at pinanood niya ako.

"Uhm, good noon. Si Sunny 'to. Pinapasabi ni uhm, Sir Rage na dalawang order daw nong lunch niya ang ihatid dito sa opisina niya."

"Oh? Sige, sige. Salamat, Sunny. Paki sabi kay Sir within 10 minutes dadating na ang lunch niya."

"Okay, sige. Salamat!" Ngumiti ako at binaba ang telephone.

Bumaling ako kay Rage na nakatingin parin sa akin ngayon.

"Sir, within 10 minutes dadating na 'yong lunch mo." Sabi ko at umambang tatalikod na para umalis.

"Hey!" Biglaang sigaw niya sabay hawak sa braso ko.

Napatingin agad ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak doon. Kinalas niya agad na para bang napaso siya sa balat ko.

"Mag... lu-lunch tayo." Maliit ang boses niya nang sinabi niya 'yon.

Kinailangan ko pang tumingin sa likod ko para icheck kung ako ba talaga ang kausap niya. Nang nakita kong walang ibang tao ay hindi parin ako makapaniwala. What?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage