Kabanata 37
Kabanata 37
Possessive
Dinilat ko ang mga mata ko kinaumagahan. Nang napansin ko ang maliwanag na araw sa veranda ni Rage ay halos tumalon ako sa aking pagkakahiga. Mali-late na ako sa klase!
Kinusot ko ang mga mata ko at mabilis na umapak sa sahig para makaalis don. Nilingon ko ang kama at wala si Rage doon. Lumabas ako ng kanyang kwarto para hanapin siya. Bumaba ako ng hagdanan at hindi ko mapigilan ang pag lipad ng utak ko.
Nang nakababa ako ay naamoy ko kaagad ang ulam sa kusina. Siguro ay nag luluto siya?
Lumapit ako sa kusina at narinig ko kaagad ang boses niya habang nagluluto.
"I'm okay. I need to go..." Aniya sa cellphone.
Pinanood ko ang kanyang likod. Nilalagay niya ang nilutong bacon sa isang pinggan habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone.
"I said, I'm okay. Hindi naman ako napuruhan... Yeah, magpapacheck ako sa ospital. Don't..."
Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang kausap niya? Ang mommy o daddy niya?
"I'm busy. Wa'g kang pupunta dito." Aniya at nilapag ang pinggan sa counter.
Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako sa kinatatayuan ko. Agad niyang pinindot ang kanyang cellphone at binaba.
"Good morning!" Bati niya. "Ang aga mong nagising."
Ngumuso ako. Hindi maalis sa isip ko 'yong tinawagan niya. "May pasok ako ng 8."
Tumango siya. "Alam ko. Kaya maaga kitang pinagluto." Nilapitan niya ako at niyakap galing sa likod. "And I can't sleep... so..." Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking buhok at pinag salikop ang aming mga daliri.
"Sorry, ang aga kong nakatulog." Sabi ko at humilig sa kanyang mainit na katawan. "Ba't di ka makatulog?"
Hinalikan niya ang tainga ko. Kailangan ko na talagang mag madali. Alas sais na. Kaya lang ay dahil sa yakap niya, parang ayaw kong pumasok.
"Gusto ko mauna kang makatulog. I'm scared you'll leave again."
Kinalas ko ang pagkakasalikop ng aming mga daliri at hinarap ko siya. Takot ang ipinapakita ng kanyang mga mata. Hindi ko kayang isipin na ang isang Rage Del Fierro ay takot na iwan ko ulit. Ano bang meron at bakit gustong gusto niya ako?
Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya rin ang kamay ko at dinala niya iyon sa kanyang labi para halikan.
"Mag pacheck ka ngayon sa ospital habang nasa school ako." Untag ko.
"Yup." Iginiya niya ako patungo sa upuan para makakain na kami.
Umupo ako at pinagmasdan siya sa pag lalagay sa aking pinggan ng pagkain. Humikab ako at uminom ng juice. Natagpuan ko ang kanyang mga mata.
"You okay?" Tanong niya.
Tumango ako. "Medyo... pagod lang tsaka..." Pinagtabi ko ang aking mga binti. Medyo mahapdi parin sa pakiramdam. But I'm good.
Ngumuso siya at pumangalumbaba. Naglalaro ang kanyang mga mata. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kumain na lang ako.
"You're sore." Aniya.
Tumigil ako sa pagkain at nagtagpo ang tingin namin. Uminit ang pisngi ko. Naglaro ang ngiti sa kanyang labi.
"You... wanna absent?"
Umiling agad ako. Humalakhak siya. "Damn. Kung ako ang nag aaral sa ating dalawa, I'd probably drop all my subjects just to be with you every hour of the day."
Umirap ako. "Rage, kailangan kong mag madali. Major ang subject ko ngayon. Tsaka kailangan ko pang umuwi para sa damit ko."
Kumunot ang kanyang noo. "Bring all your clothes here. You're moving in."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Hindi pwede."
"Bakit hindi?" Tumaas ang kanyang kilay.
"Hindi ako pwedeng manatili dito. Bahay mo 'to. Hindi 'to akin." Hindi ko alam kung paano ko siya kukumbinsihin. Talagang hindi pwede. Kailangan kong umuwi.
"You're my girlfriend, Sunny. And I'm asking you to live with me. Besides, makaka tipid ka pag dito ka tumira. Hindi ka magbabayad ng rent-"
Baliw na ba siya? "Rage, hindi pwedeng ganon. Ano ang sasabihin ng mga magulang mo?"
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata niya pagkasabi ko non. "Wala silang pakealam sa kung ano ang gusto kong mangyari. This is my life." Umigting ang kanyang panga.
"And you can't work. Babayaran ko ang tuition fee mo at lahat ng gastusin mo-"
"WHAT?" Kanina ay nag dadalawang isip pa ako kung nababaliw na siya. Ngayon, alam ko nang nababaliw na nga siya. "Rage, hindi pwedeng ganon. Hindi ako gold digger-"
"Walang nagsasabing gold digger ka, Sunny. I dig you, that's why. I'll do this for you."
Umiling ako. "Una sa lahat, del Fierro, kaya kong gumastos para sa sarili ko. Pangalawa, bayad na ako sa bed space kong iyon at ngayong linggo, lilipat na si Mia doon kaya magkasama kaming dalawa."
"I'll convince Mia to let you go." Ani Rage.
Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Gusto kong makasama siya pero hindi ko kayang siya ang gumastos para sa akin.
"Fine!" Pinagmasdan niya akong mabuti. "What do you want, then?" Humalukipkip siya.
"Masyado kang possessive." Sabi ko nang narealize ko iyon.
"I'm not possessive. Binigyan kita ng choice ngayon. Tss." nag iwas siya ng tingin.
Nagpatuloy ang kanyang pagbabakasakaling makumbinsi ako sa gusto niya hanggang kina Auntie Letty. Nanatili ang mga mata ng mga taong nadaanan namin sa aming dalawa. Maging si Auntie Letty ay hindi kami tinantanan.
"Si Mia nasa kwarto na." Ani Auntie Letty.
Nilingon ko si Rage at umupo siya sa sofa. Hindi siya pwedeng umakyat dahil all girls lang ang space na ito.
Pagkaakyat ko ay tulog pa si Mia. Gusto ko sana siyang gisingin kaya lang inisip kong siguro ay pagod siya kagabi. Kumuha na lang ako ng damit. Naligo at nag bihis, nagmamadali para sa school.
Nilagyan ko ng iilang damit at underwear ang bag ko. Mag iiwan ako ng iilang gamit sa bahay nina Rage. Baka sakaling maulit ulit ang pag tulog ko doon. Bumaba ako ng tulog parin si Mia at naaninag ko kaagad si Rage na ngayon ay katawanan na si Auntie Letty sa baba.
Nilingon niya ako nang nakitang pababa na sa hagdanan. Mabilis na natagpuan ng kanyang mga mata ang extra bag kong dala para sa mga damit ko.
Sinalubong niya agad ako at hinawakan niya agad ang extra bag kong dala. Umiling ako. Alam kong alam niya kung ano ang laman non. Nilagpasan ko siya ngunit bumulong siya, nakahalakhak.
"Sana buong maleta ang dala mo." Aniya.
Buong maleta? Halos hindi nga ako makapag desisyon sa kakarampot na bag na iyan. Nilingon ko si Auntie Letty para mag paalam dahil may pasok pa ako.
Nagpaalam na kami kay Auntie Letty. Itetext ko na lang siguro si Mia na dumaan ako kanina at magkita na lang kami sa trabaho.
"Magtatrabaho ako mamaya." Sabi ko kay Rage.
Narinig ko ang mabigat niyang tikhim. "I can pay for you. Come on, Sunny. Don't be stubborn."
"I can pay for myself, Rage. Hindi ako manggagamit.” Alam ko naman na gusto niya lang maalis ako sa nakakabastos kong trabaho. Kaya lang ayaw ko namang umasa sa kanya. Siguro ay mas mabuting mag hanap na lang ako ng ibang trabaho nang sa ganon ay matahimik na siya.
“Fine. Pero hindi kita titigilan.” Aniya at pinaharurot ang sasakyan patungong school.
Nang nakarating na kami sa school ay buong akala ko ihahatid niya lang ako sa labas at aalis na siya para pumuntang ospital pero nagkamali ako. Bumaba pa siya sa kanyang sasakyan.
“Di mo na kailangang gawin ‘to.” Sabi ko.
Hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Nalaglag ang panga ko.
“Pinakalat mo na hindi tayo. I need to correct that.” Aniya.
“Pinakalat? Syempre hindi tayo noon kaya todo deny ako.” Paliwanag ko at kita ko sa mukha niya na wala siyang pakealam sa sasabihin ko.
“Let’s go.” Aniya at hinigit na ako patungong classroom.
Alam na alam niya kung saan ang klase ko. Sa malayo pa lang, kita ko na ang mga kaklase kong halos hindi nagulat sa pag ho-holding hands namin. May ibang bigo, may ibang nginitian na lang ako. Narinig ko pa ang isa sa mga kagrupo kong nagsalita. “About time...”
Umiling na lang ako at pumasok sa loob. Ilang sandali pa bago siya umalis doon sa pintuan. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Siniko ako ng katabi kong si Angelica. Nilingon ko siya at silang dalawa ni Jane ang nakangiting bumungad sa akin.
“So... kayo na?” Nagtaas ng kilay si Jane. Hindi ko alam kung sarcasm ba iyon o ano.
Tumango ako.
“Buti sinagot mo. Obvious na obvious na baliw siya sayo, e.”
Ngumiwi ako sa mga sinabi nila. Pumasok ang professor namin kaya umayos kaming lahat. Kasabay ng pagpasok niya ay nakita ko ang isang lalaking may magulong buhok, magandang katawan, kasing edad ko, at... at... nalaglag ang panga ko.
“Jason Perez?” Bulong ko sa sarili ko.
Umupo siya sa likod. Nilingon ko siya at agad akong kinalabit ni Angelica o Jane, hindi ko alam dahil wala ako sa aking sarili.
“’Yan ‘yong nagpatransfer sa block natin diba? Si Jason Perez ng kabilang block? Sobrang gwapo!” Ani Jane.
Lumunok ako at nag tagpo ang tingin ng lalaking crush na crush ko noong high school. Hindi ako makapaniwala na magkikita ulit kami ngayon dito! “Bakit siya nag transfer?” Tanong ko.
“Conflict daw ‘yong afternoon block sa varsity practices niya ng soccer kaya morning block ang kinuha niya.” Ani Jane.
Tumango ako at nakita kong kumaway siya sa akin.
“Hala! Kilala mo?” Tanong nila sa akin.
Nilingon ko ang professor namin at tumango sa kawalan. He was my first kiss. Kahit aksidente lang iyon ay hindi ko parin iyon nakalimutan. Kahit na nag aasaran lang sina Patricia non kaya tinulak nila ako sa crush ko, hindi ko parin makalimutan kung paano niya ako pinagtanggol sa kanila.
Halos hindi mag sink in sa akin lahat ng inaaral namin. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Nang tumigil sa pag sasalita ang prof ay chineck ko ang mga mensahe. May mensahe doon si Rage at Mia.
Mia:
I see... Sabi ko na, e. Hahaha! So uuwi ka ba dito mamayang gabi? I’m happy for you girl.
Rage:
Nasa ospital na ako. What are you doing? Want anything? Bibilhan kita. Half day ka lang diba?
Mabilis ko silang nireplyan.
Ako kay Mia:
Uuwi sana.
Ako kay Rage:
Wa’g na. Pagkatapos nitong klase, mag lu-lunch din ako.
Nagpasalamat ako nang natapos na ang klase. Tumayo agad ako at nilingon si Jason. Tumayo rin siya at nakatoon ang kanyang tingin sa akin.
“Sunshine Aragon.” Salubong niya sa akin nang nakalapit.
“Jason Perez?” Ngiti ko habang nag lalabasan na ang mga kaklase ko.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “You... changed a lot.”
“Ikaw din naman. Sobrang tumangkad ka.” Sabi ko sabay ngiti.
Nagkatitigan kaming dalawa. Napakamot siya sa kanyang ulo at nakita kong namula siya at yumuko. “Tinititigan mo na naman ako.”
Nanlaki ang mga mata ko. “S-Sorry.” Hindi ko alam kung bakit ganon ang linya niya palagi sa akin noon. Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko ngunit may narinig akong umubo sa likuran ko.
Naramdaman ko kaagad ang kamay na humigit sa aking braso.
“Nakakaistorbo ba ako?” Umalingawngaw ang boses ni Rage. Nagulat ako sa biglaan niyang pag sulpot. Halos maubos na ang mga kaklase ko sa classroom kaya laking gulat kong pumasok pa siya doon.
“Rage... Uhm... Eto si Jason. Kaklase ko siya noong high school.” Paliwanag ko kay Rage.
Matalim ang titig ni Rage kay Jason. Nag lahad si Rage ng kamay kay Jason at umangat ang kanyang labi. “I’m her boyfriend.” Sabi ni Rage. “Rage del Fierro.”
Tumango si Jason. “Wow!” Tinanggap ni Jason ang kamay ni Rage at tumingin siya sa akin. “Sa sobrang hirap mong abutin nong high school, akala ko di ka magkakaboyfriend.” Ngiti ni Jason sa akin. “Sige, mauna na ako, Sunny.” Tumango si Jason kay Rage. Tinapik niya ang balikat ko bago siya kumaway at umalis.
Kinawayan ko siya kahit na nakatalikod na siya.
“I see the way he stared at you... He’s attracted.” Sabi ni Rage.
Tumikhim ako. “Rage, hindi lahat ng tao attracted sa akin. Hindi siya. Naging mag kaklase kami nong high school pero di niya ako pinormahan kaya impossibleng attracted siya sa akin.” Sabi ko.
Nanliit ang mga mata niya.
“Tara na nga.” Sabi ko sabay hawak sa kanyang braso.
Hindi siya agad gumalaw. Nang gumalaw naman siya ay inakbayan niya ako.
“Next week, babalik na ako sa trabaho. I won’t be here to check on you... Pero magpapadala ako ng body guard. Nobody should touch my girl.” Seryoso niyang sinabi.
Kumunot ang noo ko. “Rage! You’re so possessive. Tumigil ka nga. Kaya kong mag isa.” Sabi ko kahit na nakakalungkot at di ko na siya makikitang nag aabang sa akin. Naging dependent na ako sa kanya.
“I’m not possessive, Sunny. Kasi kung possessive ako, pinilit na kitang tumigil sa trabaho mo at agad na kitang itinali sa apelyido ko. I’m not possessive. Not yet that possessive.” Bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top