Kabanata 35

Kabanata 35

Beast

Naestatwa ako habang tinitingnan si Rage na duguan at dinadaluhan ng iba't-ibang medic galing sa labas. May kausap ang ibang bouncer at nagkakagulo dahil sa pagpapaalis ng mga nanggulo.

Nilapitan ako 'nong customer kanina, kaibigan nang nambastos at kinausap ngunit walang pumasok sa utak ko kundi ang duguang si Rage. Nakita ko kung paano siya umiling sa dumalo sa kanya. Ngumiwi ang babaeng mukhang medic at nakipag usap sa isang bouncer na para bang isinusumbong si Rage.

Natauhan lang ako sa nang hinablot ni Mia ang bag ko. Binalingan ko siya at tinapunan niya ako ng irap.

"Ano? Daluhan mo na! Oh my God! Ako na ang kukuha ng TF mo tonight. Tsaka ako na rin mag re-remit." Singhal ni Mia.

Tinikom ko ang bibig ko at binalingan ulit si Rage na nakataas ang t-shirt habang nilalagyan ng bulak nong babae. May kausap at ka high five siyang kakilala. Parang wala lang sa kanya.

Nanginig ang binti ko nang nagsimulang humakbang palapit kay Rage. Hindi ko alam kung nanginginig ba ito dahil sa natitirang takot dulot ng nangyari kanina? Hindi ko alam. Nanlamig ang mukha ko kahit na mukhang wala lang iyon para kay Rage. Pero habang tinitingnan ko ang dugo sa kanyang dibdib ay napupuno ako ng tabang at guilt.

Binalingan niya ako at nakita niya ang pagkagulat niya sa distansya naming dalawa. May sinabi siya sa babaeng gumagamot sa sugat. Umismid ang babae at tumigil sa pag gamot. Nilagyan nong babae ng bandage ngunit tinanggihan ni Rage.

Mas lalong dumami ang lumapit sa kanyang kakilala. Maraming nag alala, kadalasan ay babae. May mga nakita akong tumawag sa kani kanilang cellphone para siguro ibalita ang nangyari. Nakita kong dumudugo at namamaga ang sugat niya sa abs na agad niya namang tinakpan ng t-shirt.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at agad niya akong hinarap.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag tatanong non sa akin kahit na siya dapat ang tanungin ng ganon.

"Hindi ka nagpagamot. Dumudugo pa 'yong sugat." Sabi ko.

"Wala 'to. Just a little cut." Aniya.

Hindi matanggal ang tingin ko sa kanyang t-shirt na duguan. Lumunok ako at sa gitna non ay bumalik ang maingay na music ng bar na parang walang nangyari kanina. May umaaligid paring bouncer sa kanya at iilang mukhang kaibigan.

"Rage, you should get checked." Anang babaeng lumapit sa kanya.

Umiling si Rage at hindi natanggal ang tingin niya sa akin. "Nah. I can fix myself."

"Rage, tama, dapat gamutin 'yan." Dagdag ko, hindi inalala ang kausap niyang babae.

"Tingin ko dapat ihatid na muna kita. I want you out of here, Sunny." Malamig niyang sinabi.

Gusto kong umangal pero dahil sa panginginig na naramdaman ko ay sumunod ako sa sinabi niya. Lalo na nang nag simula na siyang maglakad pagkatapos mag paalam sa kanyang mga kaibigan.

Lutang ang pakiramdam ko habang naglalakad at nasa likod siya. Nang nasa pintuan na kami palabas ng bar ay linapitan ulit siya ng security.

"Sir, mag fa-file kayo ng case?" Tanong ng security.

"I-coconsult ko muna ang lawyers ko. Paki kuha na lang 'nong mga pangalan ng..." Tumigil siya at tumingin sa kanyang tiyan. Nakita ko ang pag ngiwi niya bago nag patuloy. "Ng mga lalaking iyon."

Masakit 'yong sugat niya. Malalim iyon. Alam ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang magpagamot kanina.

"Sige, sige." Sabi nong security at may sinabi agad sa kanyang cellphone.

Nagpatuloy sa pag lalakad si Rage. Pinanood ko lang siyang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Tumigil siyang bahagya nang siguro'y naramdaman na wala na ako sa likod niya. Nilingon niya ako at umambang babalikan ako pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon. Ako na mismo ang naglakad patungo sa kanya.

"Magpagamot ka." Sabi ko nang nakalapit ako.

Huminga siya ng malalim at bumaling sa kanyang sasakyan. Pinatunog niya ito at binuksan ang pintuan para sa akin. Hindi muna ako pumasok. Tumunganga ako sa kanya habang nakahawak siya sa pinto.

"Ang sabi ko magpagamot ka."

"I'm okay, Sunny." Tamad niyang sinabi.

"Dumudugo ang sugat mo." Sabi ko. "Punta tayo ng ospital."

Umiling siya. "Ihahatid kita sa inyo. Duguan ako. Hindi ko kayang makipag patayan sa isang doktor o nurse na maaaring tumitig sayo."

Kinagat ko ang labi ko. Seryoso ang pagkakasabi niya nito kaya nalusaw ang kung ano mang pagpipigil na nararamdaman ko.

"Baliw ka na ba? Iniisip mo lahat ng tao nagkakagusto sakin, hindi naman." Ngumiwi ako. "Kailangan mong magpagamot. Wa'g mo akong bolahin."

"Well, you're not the one on the sidelines, Sunny. Ako 'yong nakakakita sa mga naninitig sa'yo. But I'm not stupid to just punch them. I understand that you're hot and they're just attracted. Pero ang humawak sayo, at bumastos sayo, ibang usapan na 'yon. At ngayong sariwa pa sakin ang nangyari kanina, baka kahit 'yong tumitig sa'yo mabugbog ko na. So just please get in the car and I'll drive you home."

Humalukipkip ako. "Gagamutin kita. Bibili ako ng first aid." Kailangan kong gumawa ng kahit ano.

"You're just guilty. You don't really care." Nag iwas siya ng tingin.

The hell. Alam niyang gusto ko siya ngunit iniiwasan ko lang siya sa takot ko. Bakit niya iisiping wala akong pake sa kanya? Pinaramdam ko ba sa kanya na wala akong pake? Kinagat ko ang labi ko nang napagtanto kong oo nga pala, pinaramdam ko sa kanya iyon.

Mabilis akong sumakay sa kanyang sasakyan. Tumunganga siya sa akin sa gulat sa ginawa ko.

"Ano? Bibili tayo ng first aid. Kahit Betadine, bandage, tsaka bulak lang. Please, Rage." Sabi ko.

Pumikit siya at padabog na sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Kulay blue ang ilaw ang tumanglaw sa buong sasakyan hanggang sa pumasok siya at sinarado ulit ang pintuan.

Nakita ko ulit ang kanyang pag ngiwi dahil sa kanyang sugat. Tiningnan kong masyado nang makalat ang dugo sa kanyang t-shirt.

"You don't need to buy me meds. Sa bahay na tayo, Sunny." Aniya at nakita ko ang kaba sa kanyang ekspresyon habang pinipihit ang manibela ng sasakyan.

"Okay." Sabi ko.

Nakita kong bumulong siya ng iilang mga mura bago pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya pero hinayaan ko siya. Uuwi rin ako. Hindi ko alam kung maihahatid ba ako ni Rage o ipapahatid niya na lang ako sa kanyang tauhan. Nag aaalala ako sa dugong nawala sa kanya, kailangan niyang mag pahinga.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Sinalubong agad kami nong tinutukoy kong tauhan niyang may malaking katawaan at nasa mid thirties ang edad.

Lumipad sa ere ang kamay ni Rage para warningan iyong tauhan na huwag mag salita. Sumunod ako kay Rage, syempre nag aalala iyon dahil sa duguang damit ni Rage.

Nilingon ko si manong at kinausap. "Napa away siya sa bar kaya ganon. Hindi nagpagamot kaya mas lalong dumugo." Sabi ko.

Tumango si manong na naka itim na polo short at faded jeans. Mabilis akong hinigit ni Rage. "Don't talk to him." Aniya.

Kumunot ang noo ko at nagpatianod sa kanyang pag higit. Naaninag ko kaagad sa loob ang liwanag ng kanilang bahay. May kung anong naglalaro sa tiyan ko habang pinapanood ang buong bahay. Para bang alam ng buong sistema ko na may mga alaala ako dito sa bahay na ito. Bawat sulok ay nagpapaalala sa akin sa aming dalawa.

Hinigit niya rin ako paakyat sa hagdan. Sumunod naman ako.

"Sa gym, may first aid. Kukuha lang ako ng damit ko at kailangan mo ring mag palit." Aniya at iminuwestra ang gym.

Tumango ako at pumasok doon.

Nakita ko kaagad ang mga equipment sa loob at ang boxing ring. Umupo ako sa hagdan ng boxing ring habang naghihintay kay Rage. Hindi nagtagal ay pumasok ulit siya, ngayon at wala ng pang itaas na damit. Kitang kita ko ang sugat niya ngunit nag iwas ako ng tingin dahil sa kakisigan niya. Simula yata ng gabing iyon ay naging kahinaan ko na ito.

Nilapag niya sa harap ko ang first aid kit. Kinuha ko kaagad ang bulak.

Umupo siya sa isang upuan sa tapat ko at pinanood niya ako habang inaayos ko ang bulak.

"I can fix myself but I won't mind if you fix me." Aniya.

Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya. Inayos ko ang bulak at dahan dahan kong pinunasan ang kanyang sugat.

Tumingala siya sa ginawa ko. Inisip ko tuloy na mahapdi iyon sa part niya. Hindi ko alam kung makakatulong ba ang betadine dahil medyo malalim ang cut ng sugat at kaingan na lang mag apply ng pressure para tumigil ito sa pag dugo. Sinasabi ko na nga ba, sana sa ospital na kami nag punta!

"Rage, malalim ang sugat mo." Sabi ko.

"I know. Nararamdaman ko." Sabi niya at medyo pagod na ngumiti sa akin.

Holy shit. Bakit sa ngiti niyang iyon ay nakuha niya na agad ang loob ko? Para siyang batang nangangailangan ng kalinga. At parang gusto mong ikaw ang magbigay nito sa kanya.

"Ba't di sa ospital na lang?" Tanong ko habang nilalagyan ng betadine ang bulak.

"Alam mo na ang sagot diyan." Mariin niyang sinabi. "This is why I hated you working like that."

"Hindi iyon ang first time kong mabastos. Rage, naiintindihan ko ang trabahong ito. Pero ito pa lang 'yong nakikita kong mapagkakakitaan ko habang nag aaral ako."

"I know... Kung sana ay papayag kang i-hire ko na lang as my personal cook or something, dodoblehin ko pa 'yong sweldo mo-"

Kumunot ang noo ko. Tumawa siya at agad ininda ang hapdi sa ginagawa kong pag gamit. Hindi ko alam kung nadiinan ko ba ang sugat niya o nasaktan siya dahil sa pagtawa niya.

"Easy, woman. Masakit 'yan. I'm not a freaking monster. Nakakaramdam din ako ng sakit."

"You're a beast." Sabi ko habang tinitingnan ang sugat niyang ayaw matigil sa pag dugo.

"I wish I was the beast here... Because you are definitely a beauty." Napapawi ang kanyang ngiti habang sinasabi niya iyon.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa hangaang sa tuluyan nang nawala ang kanyang ngiti.

"You're the beast, Sunny. A very beautiful beast." Iling niya.

Diniin ko nang marahan ang bulak sa kanyang sugat. Natahimik ako habang nilalagyan iyon ng medical tape. Alam kong hindi iyon kaya. Dapat ay bandage na ang ilagay ko pero gusto ko sanang malagyan ulit iyon ng betadine mamaya kaya ito muna.

"I'm not the beast, Rage." Seryoso kong sinabi at nag angat na sa kanya ng tingin.

Ngumisi siya. "You are. Change your clothes now..." Tumayo siya at nakita ko kung paano gumalaw ang bawat muscles niya sa dibdib.

Damn he's hot. Hindi ko alam kung titig ba ako sa abs, triceps, at dibdib niya o mag iiwas ng tingin. Nag wo-work out siya at sanay siya sa Mixed Martial Arts at boxing kaya hindi kagulat gulat na ganyan kaganda ang kanyang katawan pero ang magkaroon ng ganyan ka gwapong mukha ang ganito kagandang katawan ay illegal para sa akin.

"Dito ka matulog. You can sleep in my room." Aniya.

Umiling ako. "Pwede na ako sa couch."

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. "I'm quite surprised na pumapayag ka. Akala ko sasampalin mo ako kanina nong kinaladkad kita papasok dito."

"Rage, may kasalanan ako. Sa ibang kwarto na lang ako. Hindi ako pwedeng sa kwarto mo." Sabi ko.

"Hindi naman ako matutulog sa kwarto ko. Sa guest room ako, ikaw na don." Aniya.

Aangal pa sana ako ngunit tinapunan niya na ako ng puting t-shirt niya at naglakad na siya patungo sa bathroom yata ng gym.

Nang binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto ay nagulat ako! Nag bago ang buong kwarto. Kung dati ay kulay puti ang kulay ng dingding nito, ngayon ay kulay dark brown na. Nag iba ang itsura ng kama at naisip ko kaagad kung nasaan na iyong dating kama niya. Pati ang mga furnitures ay nag iba na rin.

Naglakad ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ang veranda, tanging hindi nagalaw sa buong kwarto.

"Just... call me when you need something. Nasa kabilang room lang ako. Kumpleto sa toiletries dito. May pagkain na rin sa coffee table." Aniya.

"Nag... iiba ka pala ng design sa kwarto buwan buwan?" Nilingon ko siya.

Nakita ko ang kanyang seryosong titig.

"Binago ko 'yong buong design nong iniwan mo ako mag isa dito."

Nagsisi agad ako kung bakit pa ako nakealam. Nangapa ako ng dahilan. Nangapa ako ng mga alaala sa gabing iyon.

"Hindi ako ang unang babaeng dinala mo dito." Sabi ko.

"Hindi ako nagdadala ng babae sa kwarto ko." Aniya.

"'Nong gabing iyon, sinabi ko sayo na akala ko hindi ka nagdadala ng babae dito. Wala kang naisagot kundi tikhim. Alam kong tama ako." Sabi ko.

"Wala akong maisagot kasi ayokong matakot ka. Ayokong matakot ka sa pag iisip na ikaw ang unang babaeng dinala ko dito. And I'm serious about that. I think you're very, very doubtful. Hindi naman kita masisisi. You have the right to doubt me. But I don't wanna look like I'm so darn obsessed with you that time."

Nag iwas ako ng tingin.

"Pero ngayon, oo, inaamin ko na. Obsess ako sayo. I want you back. For good. Binago ko lahat sa kwartong ito kasi hindi ako makatulog habang iniisip ko kung paano 'yong bawat ekspresyon mo nong nandito tayo."

Nanuyo ang lalamunan ko. Narinig ko ang isa pang mura niya bago pinutol ang pagsasalita.

"Just... just rest Sunny." Aniya gamit ang malamig na boses at tinalikuran ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage