Kabanata 34

Kabanata 34

Dugo

Nagmumukha siyang college guy habang tumatagal. Dalawang linggo na ako sa school at panay parin ang sunod niya sa akin. Tinitigan ko siya habang lumilinga linga sa paligid para hanapin ko. Nag CR ako pagkatapos ng klase, sumunod siya pero nag CR din sa male CR kaya nauna akong lumabas at natakasan ko siya. Alam niya ang mga schedule ko, memorize na niya iyon sa ngayon. Pero walang susunod na klase kaya hindi niya alam ngayon kung saan ako hahanapin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Inisip kong hindi siya tatagal ng isang linggo. Hindi ko siya pinapansin at binabalewala ko rin ang kanyang mga offer. I thought he would stop.

"Ihahatid lang naman kita. I swear to God, di kita kakausapin. If I'll piss you, di kita kakausapin, Sunny! Hatid lang!" 'Yan ang laging linya niya tuwing gusto niyang maihatid ako.

Hindi ako pumapayag. Hindi sa hindi ako naniniwala pero umasa akong tumigil na siya. Na mapagod na siya. Sana mapagod na siya. Dahil napapagod na akong tanggihan siya palagi... lalo na pag kinukurot ang puso ko sa paghahalong awa at pag mamahal.

"Pinagluto kita. I... I don't know what's your favorite food yet..." Nag aalinlangan niyang sinabi.

Tumabang ang pakiramdam ko nang naisip kong hindi pa kami gaanong magkakilala. Ni hindi niya alam kung ano ang paborito kong pagkain. At wala naman talaga akong partikular na paborito. Mahilig lang ako sa matatamis at 'yon lang naman.

"Bibili na ako ng lunch. Di mo na ako kailangang ipagluto." Linya ko araw-araw tuwing may dala siyang pagkain o kahit minsang binibilihan niya ako.

Dahil sa Del Fierro Building, inisip ko noon na sobrang mature niya na at ang hirap niyang abutin. Pero ngayong kasama ko siya sa school palagi, naisip kong hindi nga talaga kalayuan ang edad namin. Bata pa talaga siya para mamahala ng kompanya.

"Sunshine Aragon!" Tawag ng isang kaklase kong may malaking glasses.

Tumango ako at nilapag ang mga libro ko sa kanyang table.

Mas kuntento akong magtrabahong mag isa. Pero dahil kailangan isang grupo kami para sa isang minor ay kinailangan kong makipag kita sa kanila.

Nilingon niya ang likod ko at nang hindi nahanap ang hinahanap ay kumunot ang kanyang noo.

"Oh, asan na 'yong kaibigan mo?" Tanong niya at ngumisi.

"Ewan ko. Umalis." Sabi ko at binuklat ang mga libro sa harapan para makuha na iyong pinag hirapan kong write-up para sa subject na ito. Kailangan niya rawng i-consolidate bago kami mag reporting bukas kaya heto kami at nag uusap usap.

"Ang hirap naman nito, Angelica." Sabi nong isang maputing chinita na kasama din namin.

Nakita ko ang makapal na libro namin sa Accounting. Nag rereview siya para sa quiz namin mamaya. Nakapag review na ako kagabi kaya hindi ko na kailangang mag sunog ng kilay ngayon.

"Unahin muna natin 'tong sa Sociology, Jane. Mamaya na 'yang Accounting!" Iritadong sinabi ng kaklase kong kumukuha sa write-up ko.

"Mamaya na 'to. Bukas pa 'yan!" Sabat nong Jane.

Nagtalo pa sila tungkol don. Nagulat na lang ako nang kumaway bigla ang babaeng nasa harap ko. May kinawayan siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Rage na nakakunot ang noo habang kinakawayan ni Angelica.

Nag iwas agad ako ng tingin at pumikit. Shit! Wala na.

"I lost you..." Salubong ni Rage sa akin.

Hindi ko siya tiningnan. Natahimik ang mga kagrupo ko sa pag dating niya. Tumayo siya sa gilid ko at dinig ko ang mabigat niyang paghinga.

"Nag aaral ka ba dito?" Tanong ni Angelica.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko kaagad kung paano niya nilagay ang kanyang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga. Attracted siya kay Rage. Halos lahat naman ng kaklase ko. Tiningnan ko si Rage at nakita ko ang kanyang ngisi. Kuminang ang kanyang earring habang nakapamaywang at hinahabol parin ang kanyang hininga.

"Hindi."

Tumango si Angelica. "Akala namin Accounting Student ka. Saang school ka? Or graduate?"

Bumalik ulit ang tingin ko kay Rage. Sinabi niya ang isang mamahalin at prestihyosong school at binanggit pa niyang graduate na siya.

Nakita ko kung paano kumurba ang ngiti sa mga labi nina Angelica at ng iba pang kasamahan ko. Bumagsak ang tingin ko sa mga papel at lumunok na lang.

"May alam ka ba sa Accounting?" Singit ni Jane.

"A lil." Matigas na ingles ni Rage na nag pahagikhik sa kanila.

Sinubukan kong mag basa ng kung ano sa mga libro pero walang pumasok sa aking utak.

"Patulong? Baka may alam ka dito?" Sabay abot ni Jane sa kanyang notebook.

Hindi nakuntento ay nilapitan niya pa si Rage hanggang sa dinumog na siya ng mga kaklase ko. Tumawa lang siya at nilapag ang notebook sa table. Tinuruan niya ang mga kaklase ko kung paano gawin ang pinoproblema ni Jane. Hindi ko nakita ang mga sagot niya kaya hindi ko nasigurado kung tama ba o hindi pero sa mukha nina Angelica ay parang naliwanagan sila.

"Ang galing!" Sabi ni Jane. "Pwede makahingi ng number? In case na kailangan ko ng tulong?"

Parang tumigil sa pag tibok ang aking puso. Unti unti akong nairita at batid kong wala akong karapatan para don.

"Sure! Kailangan ko rin talagang mang hingi." Sambit ni Rage na siyang nagpasarado sa aking libro.

Tumayo agad ako at kinuha ang mga libro kong nakalapag sa mesa. Huminga ako ng malalim.

"Angelica, text mo lang ako pag may kailangan ka. Okay na naman 'yang write up ko. May kopya na rin ako. I consolidate mo na lang para ready tayo bukas." Sambit ko.

"O sige, sige, Sunshine."

"Sunny..." Pagtatama ko at agad na akong umalis doon nang hindi namamalayan ang pagkakairita ng ilan kong kaklase.

Panay ang tanggi ko unang linggo pa lang ng pasukan. Hindi ko siya boyfriend. Hindi ko rin makumpirma kung mag kaibigan man kami. At kontrobersyal naman kung sasabihin kong stranger siya. Kaya wala akong masabing matino.

"Sunny!" Narinig kong tawag ni Rage nang medyo nakalayo na ako. Siguro ay natagalan siya sa pagkuha ng mga numero ng mga kaklase ko.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Kung titigil na siya dahil makakahanap na siya ng iba sa mga kaklase ko ay malugod ko iyong tatanggapin. Kailangan di ako magpahiwatig ng kung ano mang pagkakainis para hindi na siya umasa sa akin.

"Ano?" Tanong ko at sinubukang maging mahinahon.

"Iniiwan mo na naman ako."

"Gutom ako. Kakain lang sa cafeteria." Sambit ko.

"Then we'll go together. Bakit ba palagi kang nag wo-walk out?" Nagtaas ng kilay si Rage.

"Hindi ako nag wa-walk out, Rage. Umalis lang ako kasi nagugutom ako." Kailangan kong ayusin ang tono ko nang sa ganon ay maintindihan niyang di ako nagseselos o ano.

"Oo, pero magkasama tayo kaya dapat hinintay mo na lang ako." Wika ni Rage.

"Hindi tayo magkasama." Hindi ko magawang pigilan ito sa bibig ko. "Rage, di kita pinipilit dito. Malaya kang nakakagalaw. Hindi ka obliged na sumama sa akin kung saan-saan-"

Tumingala siya at pumikit. Kinurot ang puso ko. Naubusan na yata siya ng mga salita para suyuin ako. Palagi ko itong linya tuwing nanunumbat siya sa pang iiwan ko. Hindi ko na siya magawang tingnan at kinakabahan na ako.

"You're a very different girl." Aniya.

Humalukipkip ako sa sinabi niya at hinintay kong dagdagan niya iyon.

"So hard to predict. Lahat ng numero sa stock market, kaya kong i-predict, Sunny. Lahat ng galaw ng mga babae, kaya kong hulaan, pero ikaw? Kahit rason mo, hindi ko makuha."

Kinagat ko ang labi ko. Tama ang prediction niya sa akin noon. Nong sinabi niyang nahuhulog na ako sa kanya noon, tama siya.

"Give me your phone." Aniya.

Nagulat ako. "Bakit?"

"Just give me your damn phone." Naglahad siya ng kamay.

Hindi ko kinukuha ang cellphone ko. Suminghap siya.

"Of course, you won't give me the damned phone. Here." Aniya sabay kuha ng kanyang iPhone at lahad sa akin.

"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko.

"Kinuha ko ang numbers ng mga kaklase mo para mahanap kita in case ma wala ka sa paningin ko. They got this number too..." Nag iwas siya ng tingin at nag mura. "I can't believe I'm doing this cheesy shit..."

"Ano?" Kumunot ang noo ko at mas lalo kong hinagkan ang aking libro.

"You know? Couples used to... exchange phones just to make sure their partners aren't cheating so..." Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Nalaglag ang panga ko. "Cheating? Walang mag chi-cheat sa atin kasi di naman tayo couples, Rage." Tinalikuran ko siya kahit na punong puno ng paghuhuramentado ang aking puso.

Naaalala ko ang mga mata niyang confident na humarap sa akin pagkatapos sinuggest iyong sinabi niya.

"Sunny!" Tawag niyang nagbabanta dahil sa pagtalikod ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at sinundan niya ako sa loob ng cafeteria. Kinwento ko lahat ng ito kay Mia para sana makakuha ng advice kung paano niya ako lulubayan pero puro mura lang ang natanggap ko galing sa kanya.

"Sunny, bwisit ka naman oh! Kawawa naman si Sir! Miss na miss na namin siya dito ta's ikaw para kang timang na tinataboy siya?" Bulong niyang mariin habang minimake up-an ako.

"Mia, anong gusto mong gawin ko? Tanggapin ulit siya? Mia, ni hindi ko alam kung mahal niya ako."

Dumilat ako at nakita ko ang kanyang mapupulang labi at smoky eyes na dumudungaw sa akin.

"Wala tayong basehan sa pagmamahal, Sunny. Hindi natin malalaman kung kelan natin mahal ang isang tao o hanggang kelan natin sila mamahalin. Ang importante lang talaga dito ay kung mahal mo siya ngayon. May nararamdaman ka para sa kanya ngayon." Tikhim niya.

Tinitigan ko siyang mabuti. Narinig ko ba talaga iyon galing sa kanya? Hindi ako makapaniwala. Pinaglaruan niya ang eyeshadow.

"Tara na nga!" Aniya sabay hila sa akin.

Inayos ko ang buhok ko at pakiramdam ko ay kayang kaya ko na ang trabahong ito. Walang wala lang ito para sa akin. Siguro ay dahil medyo matagal tagal na rin ako dito at nakuha ko na kung paano i-handle ang crab mentality ng mga kasamahan ko at paano sabayan ang mga tao sa bar.

Ang hanggang ngayon ay hindi ko parin kayang pakisamahan ay iyong mga lasing.

Alas dose na ng gabi at nasa mamahaling mga bar na kami. Nakita ko iyong iilang customers na nagkakatuwaan sa bar kaya agad kong nilapitan.

"Cigars, sir?"

Tumango iyong madalas kong customer at kumuha agad ng pera sa kanyang wallet para bumili ng madalas niyang binibili.

Ganon din ang ibang kasama niya. Ngunit nang lumapit ako sa tatlong bagong kasama nila na medyo lasing na ay kinilabutan agad ako. Alam ko ang tingin ng mga lalaking masyado ng lasing para maayos na pakitunguhan. Aalis na sana ako kaso hinila ako nong isa.

"Easy, Mar." Sambit nong binentahan ko ng yosi kanina.

Napatingin ako sa mamula mula niyang kamay na nakahawak sa braso ko. Inaantok na ang kanyang mga mata at nakangisi na siya. Ang lalaking ito ay nasa mid-30s siguro ang edad, ganon rin ang mga kasama niya. Nagtatawanan pa 'yong iba sa ibang topic ngunit nakita ko ang kabadong mukha nong lalaking binentahan ko kanina ng yosi.

"Mar, bitiwan mo 'yong Marlboro Girl." Sabi niya ulit.

"Ang kinis mo naman, hija. Taga san ka? Gusto mo ako ang maghatid sa'yo?" Tanong nong lalaking nakahawak.

Panay na ang piglas ko. "Sir, marami pa po akong gagawin. Aalis na ako." Sabi ko.

Hinigit niya pa lalo ako. Halos mapatalon ako nang naramdaman kong may humaplos sa aking hita. Lumamig ang aking mukha at nilingon ko ang isa pang lasing na kasamahan nila. "Anong pangalan mo?" Aniya sabay pabalik balik na haplos sa aking hita.

Hindi ko na nakayanan. Marahas kong sinipa ang kanyang kamay at binawi ko ang aking braso sa lalaking nakahawk non. Tumayo sila para mahigit ako. Hindi nila ako pinakawalan. Sumigaw ako ngunit sa ingay ng bar ay tanging ang malapit na table lang ang nakakarinig.

"Mar!" Sigaw ng lalaki.

Nagtayuan na ang kanilang mga kasamahan para pigilan sila. Bago pa man nila nahawakan ang mga lasing na kasama ay nakita ko nang humandusay sa sahig iyong lalaking humipo sa akin. Basag ang iilang bote ng mga alak sa kanilang table dahil sa lakas ng impact. Binitiwan ako nong lalaking may hawak sa aking braso at inatake niya kung sino man iyong sumuntok.

"Walang hiya ka!" Sigaw niya sabay subok ng suntok.

Nilingon ko sila at nakita kong si Rage ang nandoon. Tumakbo agad ako nang nakita ko si Mia sa likod niya at sinisenyasan akong pumunta sa kanya.

Nilingon ko si Rage at nag isip agad ako na mag tawag ng bouncer. Tatlong lalaki ang nag tulong tulong sa pag atake kay Rage. Nagsisigawan na ang mga customers at ang mga kasama nong lalaki ay nag sitawagan na ng mga bouncers.

Humandusay sa sahig ang isang lalaki dahil sa suntok ni Rage. Nakita kong dumugo ang ilong nong lalaki at ang isa naman ay dumugo ang bibig at tumama sa mesa, dahilan kung bakit natumba iyon at mas lalong dumami ang basag.

"RAGE!" Sigaw ko nang nakitang may hawak na swiss knife ang lalaking nasa likod niya.

Sa sigaw ko ay agad na nilingon ni Rage ang lalaking nasa likod ngunit huli na ang lahat! Nakita kong dumugo ang ibabang dibdib ni Rage bago niya nasuntok ang lalaki. Kitang kita 'yong dugo sa kanyang puting v-neck t-shirt.

Parang tumigil ang panahon sa akin. Kumalabog ang dibdib ko.

"Sunny! May dugo sa dibdib ni Rage!" Sigaw ni Mia.

Dumating ang mga bouncers para pigilan ang away. Si Rage lang ang hindi nila nilapitan. Lahat ng mga basagulerong lasing ang kanilang inaresto. Isang lalaki ang dumalo kay Rage para magtanong at tingnan ang kanyang dibdib. Ngunit imbes na magsalita siya ay luminga linga siya sa paligid. Nakapagpahinga lang ang kanyang mga mata nang nakita niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage