Kabanata 31
Kabanata 31
Sinaktan
Madaling araw pa lang ay umalis na ako kina Auntie Letty. Naisip ko si mama at gusto ko lang siyang makausap ngayon. Alam kong hindi na siya sasagot at ang tanging magagawa ko ay kausapin siya. Kontento na ako sa pakikinig niya. Kontento na akong maramdaman na nandyan siya.
Nilagyan ko ng tatlong rosas ang lapida ni mama at papa. Nag sindi ako ng kandila para sa kanilang dalawa at nag squat doon sa bermuda ng sementeryo.
Ngayong nandito na ako ay hindi na ako makapag salita. Tumitig lang ako sa kanilang dalawa at inisip ko kung ano ang sasabihin nila kung buhay pa sila dito. Bumunot bunot ako ng damo habang naghihintay ng tamang oras sa pagsasalita. Tumitig ako sa lapida ni mama at wala sa sarili kong sinabi ang mga problema ko.
"Ma, ilang beses kitang sinumbatan non na hindi maganda ang umibig sa taong ganon. Mayaman at makapangyarihan. Mas lalo kitang sinumbatan nong nalaman kong may asawa pala 'yong inibig mo."
Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil at least, wala namang asawa si Rage. Kaya lang babaero naman...
"Sorry." Nanginig ang boses ko. "Alam ko na 'yong feeling na alam mo kung ano 'yong tama. Alam mo na mali ang ginagawa mo pero ginagawa mo parin kasi mahal mo 'yong tao."
Humikbi ako at pinunasan ang maiinit kong luha. Pinagdikit ko ang binti ko. Hindi parin napapawi iyong pisikal na sakit na naramdaman ko nang isinuko ko kay Rage ang sarili ko. Mawawala pa kaya 'to? Or will be be forever reminded of that bittersweet night?
"Wala akong karapatang sumbatan ka, nag mahal ka lang naman."
Napangiwi ako sa sinabi ko. My mom is the other woman. Hindi ko lubos ma isip na ngayon ay ginagawan ko siya ng rason para 'don. Hinaplos ko ang lapida ni papa. Kung sana ay hindi siya namatay, sana ay nakilala ko pa siya ng husto at sana ay naalagaan niya si mama.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. Mahaba habang araw ito. Mabuti na lang at gumaan ang loob ko ngayong naiyak ko lahat ng nararamdaman ko para kagabi.
Tiningnan ko ang pag sikat ng araw bago ako umalis. Hudyat iyon ng mga bagong araw. Kakalimutan ko na lahat ng nangyari. Kakalimutan ko na si Rage. Kakalimutan ko kahit mahirap. Kailangan kong mag isip para sa aking kinabukasan. Walang mangyayari sa akin kung pipirmi ako at aasa sa isang tao. Kailangan kong umasa sa sarili ko.
"Sa Lunes na po talaga 'yong pasukan?" Tanong ko se registrar ng school.
Tumango siya sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan.
Dinungaw ko ang schedule ko na loaded. Paniguradong magiging abala ako ngayon sa school. Tinupi ko ang schedule ko at nilagay sa bag para basahin naman iyong mga librong dapat kong bilhin. Ang bibilhin ko ngayong araw na 'to ay 'yong mga mura. Kailangan kong mag tipid dahil hindi na libre ang titirhan ko at hindi pa ako nakapag duty sa Marlboro Girls kagabi.
Bumusina ang isang malaki at puting sasakyan sa likod ko at halos mapatalon ako nang nakita kong katulad iyon ng sasakyan ni Rage! Namutla ako at na estatwa.
"Miss! Tabi!" Sigaw ng isang batang driver na siyang nagpabalik sa ulirat ko.
Mabilis akong tumakbo sa tabi ng kalsada. Nakasimangot siyang tiningnan ako.
"Sorry." Sambit ko at sinundan ko siya ng tingin.
Kabadong kabado ako habang nanatili din ang kanyang titig sa repleksyon ng kanyang salamin. Shit! Akala ko si Rage.
Umupo ako sa isang bench at huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Iginala ko ang paningin ko sa malaking unibersidad na ito. Punong puno iyon ng mga kaka graduate lang ng highschool na mga bata at grupo grupo sila kung makapag lakad. Lumunok ako at nainggit sa mga buhay nilang walang problema. Siguro ay ang mga magulang pa nila ang nag tu-tuition sa kanila at hindi sila namomroblema sa pamasahe.
Nagtungo ako sa kanilang canteen para kumain. Papunta doon ay panay ang tingala ko sa isang malaking tore na may tatlong letre na sumisimbolo sa initials ng school na ito.
Simula ngayong Lunes, mag aaral na ako dito. Sana ay makatagpo ako ng mga taong mapagkakatiwalaan. Ang sabi pa naman sa handbook ay required ang isang estudyanteng sumali sa isang club.
Pagkatapos ko doon sa school ay mabilis na akong nagtungo sa mall nang sa ganon ay makahanap ng mumurahing cellphone. Walang mura doon kaya napadpad na ako sa mga tianggi. Hindi ko naman kailangan ng cellphone na tulad nong pinahiram ni Rage sa akin. Kahit na gusto ko rin naman ng cellphone na nakakapag picture pero kuntento na ako sa isang made in China na cellphone.
Umupo na lang muna ako sa isang parke para kopyahin ang cellphone number ni Mia sa bago kong cellphone. Huminga ako ng malalim at nag type ng text.
Ako:
Mia, Sunny 'to. Sa building na tayo magkikita mamaya para sa MG?
Suminghap ako at tumingin sa paligid. Nababasa ng konti ang likod ko sa tubig na galing sa fountain. Iginala ko ang mga mata ko sa mga batang nag lalaro at sa mga magulang kasama nila.
Tumunog ng basag at pagkalakas lakas ng cellphone ko dahil sa pagtawag ni Mia. Mabilis ko itong sinagot.
"Hello?" Sabi ko. "Napatawag ka?"
"NAPATAWAG? Sunny, si Rage mo nag wala kanina sa office! Dios ko! Kung nakita mo lang siya!"
Halos matigil ako sa paghinga. Pumikit ako at hindi nagsalita.
"Asan ka?" Tanong niya. "Shit! Alam mo 'yon? Alas sais ng umaga nagtungo siya agad sa Lounge para hanapin ka. Nong una maayos pa siya, sinabi niya sa akin na nakita daw ba kita kasi nakalimutan mo 'yong cellphone mo sa bahay niya."
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sabi mo?"
"Syempre, sinabi ko sa kanya na nandon ka kagabi at kinuha mo 'yong gamit mo! Sinabi kong umalis ka at di ko alam kung nasan ka!"
Nalaglag ang panga ko. I'm unable to speak.
"Hindi siya naniwala! Hindi niya ako tinantanan. Tinanong niya kung saan 'yong bedspace na nakita natin pero winala ko siya. Syempre di kita nilaglag. Pumunta siya agad sa apartment na sinabi ko at bumalik din nang nalamang wala ka don. Sunny, hindi ko alam pero... bigong bigo siya."
"T-Tatawagan na lang kita mamaya." Sabi ko nang hindi ko kaya ang pagpipiga sa dibdib ko.
Ito ang ayaw ko, e. Buo 'yong desisyon ko kagabi pero ngayon, parang natutunaw na naman ako. Kailangan kong magpakatatag. Hindi pwedeng tulad ni mama ay magiging mahina ako dito.
Kahit na hindi ko nakita si Rage ay nag fa-flash sa aking mga mata 'yong mga ginawa niya base sa sinabi ni Mia sa akin. Pinilig ko ang ulo ko at tumayo na doon sa fountain. Kailangan kong mawala 'to sa utak ko. Kailangan kong mag trabaho, magbasa nitong mga bagong biling libro ko, kailangan ko ng diversion.
Umuwi ako kina Auntie Letty at doon na lng kumain. Nagkulong ako sa kwarto at inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng mga gamit pang eskwelahan sa bag na binili ko doon sa tiangge. Kailangan ko rin ng uniporme pero anila'y may isang buwan pang palugit bago magka uniporme lahat ng estudyante.
Inilista ko 'yong mga budget galing sa renta, tuition, uniporme, libro, pamasahe, at pagkain. Kulang pa ito para sa buwan ngayon dahil tinipid ko ang mga tip at ginawa kong emergency money. Galing din doon ang pinambili ko sa cellphone.
"Shit! Ewan ko! Pakiramdam ko pinapasundan niya ako or something." Kakarating lang si Mia sa building.
Nakabihis na ako at make up na lang ang kulang.
"Hindi siya ganon ka OA, Mia. Paranoid ka lang." Sabi ko.
"Eh, hindi mo nakita kanina, Sunny! I'm pretty sure pinapasundan niya ako! At mas lalong sigurado akong nandon siya mamaya sa bar!"
Nilingon ko si Mia at pinanood ko kung paano niya walang hiya hiyang hinubad ang kanyang damit para maisuot iyong kulay pulang damit namin. "Palit tayo. Ako sa dancefloor, ikaw sa mga table."
Umiling si Mia at tumango. "Ewan ko talaga sa'yo. Ba't mo ba iniiwasan? Nahihirapan 'yong tao."
Umismid ako at nanahimik dahil nilagyan niya ako ng eye shadow. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin at inayos ko ang buhok ko. Masyado na itong mahaba at ang kulot nitong dulo ay mas lalong kumukulot dahil don. Binasa ko ang aking labi at halos matikman ko galing doon ang halik ni Rage. Pumikit ako ng mariin.
"Binasag niya 'yong abstract painting sa opisina niya." Ani Mia.
Nilingon ko kaagad siya. Umirap siya sa akin at pumasok na sa van.
Pumasok din ako doon at agad kinabahan. Hindi ako makapaniwala na ganon ang naging reaksyon ni Rage sa pag alis ko. Hindi ako makapaniwala na magwawala siya ng ganon. Inisip kong binibiro lang ako ni Mia o ini-exagge niya iyong mga nangyari pero kung totoo nga iyon, ano ang ibig sabihin non? Paano niya magugustuhan ng tunay ang isang tulad ko?
Sa buong pag bibenta ko ay nanatili sa utak ko si Rage. Panay ang ngiti ko sa mga customer na lumalapit para bumili. Maayos ang bentahan. Kung noon ay excited ako na mapadpad sa mga high end na bar, ngayon ay kabado na ako dahil baka nandoon nga si Rage.
"So? Palit tayo, huh?" Sarkastikong sinabi ni Mia nang nakarating na kami sa bar na madalas pinupuntahan ni Rage.
"Please, Mia." Sabi ko.
"Sige." Aniya.
Tiningnan ko siya habang humahakbang patungo sa mga table. Nandyan kaya talaga si Rage? Nilingon ko naman ngayon ang dancefloor kung saan dapat doon ako pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay mabilis kong narinig ang tili ng mga babae sa mga table.
Nakita kong lumingon si Mia sa akin at napangiwi siya. Nag taas ako ng kilay at habang tumatagal ay nawawala iyong mga taong nakaharang sa paningin ko doon sa mga table dahil nagkaroon ng away sa banda ron.
Kitang kita ko mula rito si Rage na natatawa at si Kid na nakahawak sa kanyang labi. Si Brandon at Logan ay parehong umaawat kay Rage. Kita ko kung paano itinulak ni Rage si Logan at pinagbantaan. Umirap si Logan at kinausap si Rage ngunit hindi siya gumalaw. Nakita kong lumapit ang isang pamilyar na babae kay Rage. Kilala ko ang babaeng ito. Siya iyong VJ na naipakilala na sa akin ni Rage. Hinawakan nong babae ang braso ni Rage at hinawi naman agad ni Rage ang kamay nong babae. Umirap ang babae at nag walk out doon. Itinuro ni Rage si Kid at kahit maingay ang music ay dinig na dinig ko ang salita niya.
"Hindi ko siya sinaktan. Mag ingat ka sa pananalita mo." Ani Rage.
Nakita kong namataan ni Brandon si Mia doon. Mabilis niyang nilapitan si Mia. Lumingon si Rage kay Mia at agad nilang pinagkaguluhan ang kaibigan ko. Si Kid naman ay pinagtutulakan ang mga tao sa dancefloor para makaalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot akong pumunta sa dancefloor dahil baka makasalubong ko si Kid ngunit hindi naman pwedeng manatili ako dito.
Nanlaki ang mga mata ko nang namataan ako ni Logan sa kinatatayuan ko. Isang salita niya lang ay agad na nag tama ang paningin namin ni Rage. Gulat na gulat siya nang nakita niya ako. Walang pag aalinlangan akong tumakbo galing doon.
Nang nakalabas ako sa bar ay tumatakbo parin ako kahit na hinahabol ko na ang hininga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Kid na nakahawak sa kanyang sugat, humaharang sa tinatakbuhan ko. Kung hindi ko siya nakita ng mas maaga ay pareho na sana kaming nadapa ngayon. Mabuti na lang at natigil ko ng konti. Iyon nga lang, nakita niya naman ako at sobrang lapit naming dalawa.
"Sunny?" Kumunot ang kanyang noo.
Hinawakan niya kaagad ang aking braso at pinagmasdan niya ang aking mukha na para bang may sakit ako.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya.
"Get your hands off her." Umalingawngaw ang boses ni Rage sa likod ko.
Tumindig ang balahibo ko at humataw na naman sa kaba ang aking dibdib. Hinigit ako ni Kid sa kanyang gilid.
"Are you crazy, Rage? Hindi mo ba nakita? Tumakbo siya galing sayo. Ayaw ka niyang makausap! Bakit mo pinipilit? Kung iniwan ka niya, edi ayaw na niya-"
Unti unti akong nag angat ng tingin kay Rage at nadatnan ko ang buong atensyon niya sa akin. Umigting ang kanyang panga. Mabilis pa ang akyat baba ng kanyang dibdib dahil sa paghingal.
"I said, hands fucking off or I'm gonna punch you again, Kid." Malamig niyang sinabi nang hindi inaalis sa akin ang tingin. Para bang pag inalis niya iyon ay makakawala ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top