Kabanata 3

Kabanata 3

Titig

Hindi matanggal sa akin ang takot na naramdaman ko kanina nang kinompronta ako ni Rage. Naaalala ko ang panggagalaiti niya sa inis dahil nakita ko siya sa gabing iyon. Kung pu pwede lang baguhin ang nangyari ay pipiliin ko na hindi ko iyon nakita dahil aside sa napapapikit ako tuwing naaalala ko iyon, may sekreto pa akong kailangang itago.

"Huy, Sunny!" Tawag ni Mia sa akin nang naabutan niya akong tulala sa Lounge.

Handa na ako sa part time na sinasabi niya. Naniniwala naman akong hindi ito pagbibenta ng laman dahil may ipinakita siyang mga pictures sa akin sa kanyang cellphone.

"Ready ka na ba? Mga dadalhin mo?" Tanong niya.

Kakarating niya lang. Alas singko na ng hapon at kanina pa ako handa para sa part time na iyon. Aniya'y madalas alas otso ang alis namin ng grupo patungo sa iba't ibang bar.

"Anong dadalhin? Akala ko ba may damit na don?" Sabi ko.

Naka simpleng t-shirt lang ako at short pants. Inasahan kong may damit na doon kaya hindi ko inisip na may dadalhin pa ako.

"Pumps? Make Up?" Nag taas ng kilay si Mia.

Nalaglag ang panga ko. "Wala ako ng mga ganon."

"Ano?" Malaking O ang bibig ni Mia.

Nakapamaywang siyang tinitigan ako. Goodbye, one thousand! Hindi ka ata mapapa sakin sa gabing ito. Siguro ay kailangan ko ng mamili ng pumps at make up nang sa ganon ay sa Biyernes, magkakaroon na ako.

"O sige, papahiramin kita!" Aniya at may kinalkal sa locker niya.

Umaliwalas ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Sayang naman kasi ang slot pag hindi ka makakasali ngayon."

Tumayo ako at nilapitan siya. Kitang kita ko ang kulay gold na pumps niyang medyo may kalumaan na. Kailangan kong ilagay din ang pumps sa listahan ng kailangan kong bilhin. Basta ba maganda ang resulta ng gabing ito ay sisiguraduhin ko nang bibili ako ng isang ganyan.

"Naku, Mia, sorry ah? Hindi mo naman kailangang gawin ito pero kailangan ko 'yong pera. Di bale bibili ako ng ganto-"

"Wa'g mo ng alalahanin, Sunny. Medyo sira na 'yong takong niyan kaya mag ingat ka na lang. Huwag kang magtatalon." Aniya sabay lagay ng pumps sa paanan ko.

Sinubukan ko iyon. "Kailangan bang tumalon sa trabahong ito?"

Tumawa siya. "Hindi pero baka maisipan mong tumalon at sumayaw pag nakapunta ka na sa bar na mga pupuntahan natin."

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Mia. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa isang bar. Siguro ang pinaka malapit lang sa 'bar' na napuntahan ko ay iyong mga inuman noon sa kanto doon sa maputik na lugar nina Auntie.

Sumunod lang ako kay Mia hanggang sa nakarating kami sa isang building. Ilang pintuan ang pinasok namin hanggang sa nakita ko ang logo ng sikat na brand ng sigarilyo. Pumasok kami sa loob at agad kong nakita ang iilang mga babae na nag mi-make upan at naka suot ng kulay pulang damit. Maiksi iyon, iyong tipong pag ka yuko mo ng kaonti ay makikita na ang panty mo. Hindi tuloy ako sigurado kung kaya ko ba ito. Pero tuwing naiisip ko na tatayo lang naman ako at magkakaroon na ako ng isang libo ay nabubuhayan ako. Wala ng arte arte, Sunny.

"Magandang gabi, ma'am. May kasama po ako ngayon." Hinila ako ni Mia.

Tiningala ako ng isang bading. 'Ma'am'. Dapat ko rin siyang tawaging ganon. "Magandang gabi, ma'am." Bati ko habang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ilang taon ka na? Nag disi otso ko na ba?" Tanong ng tumatayong bading.

"Twenty na po ako." Sabi ko.

"Ma'am, twenty na po siya. Nag tatrabaho na nga po ito sa Del Fierro. Kasama ko 'to. Janitress din." Ani Mia.

"O sige. May mga uniporme don, naka hanger. Kumuha ka ng sukat mo don at mag simula na kayong mag ayos. 7:30 ang alis natin. Siguraduhin niyong nakakain kayo."

Hinila agad ako ni Mia sa sulok kung saan may mga pulang unipormeng nakahanger. Medyo naibsan ang pangamba ko na baka scam itong pinasukan ko. Legit nga! May nakalagay na Marlboro sa damit na iyon!

Walang pakealamanan sa pagbibihis. Ang tanging lalaki doon ay si Ma'am na bading naman. Mabilis na hinubad ni Mia ang kanyang damit. Isang iglap lang ay naka bra at panty na lang siya.

"Bilisan mo, Sunny!" Saway niya sa akin dahil nahihiya pa akong mag hubad.

Tinitingnan tingnan ko ang mga babaeng naroon at hindi naman sila nanonood. Mas concerned pa sila sa lipstick at fake eyelashes na nilalagay nila sa kanilang mga mata. Naaalala ko tuloy ang pakiramdam ko nang nilagyan ni mama ng ganon ang mga mata ko noong prom. Pakiramdam ko noon ang ganda ganda ko na. Iyon nga lang, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng prom dahil inaway ako ni Patricia, iyong pinsan ko.

Nang nakapagbihis na ako, panay ang baba ko sa palda ng maiksi at sobrang kapit na damit. Tinatampal ni Mia ang kamay ko tuwing ginagawa ko iyon.

"Tumigil ka, ah? Hayaan mo na 'yan. 'Yan ang nakakabenta sa atin. Tuwing maiksi 'yan, mas marami kang mabebenta." Aniya pagkatapos ay nilagyan ng mascara ang mga mata.

"Ha? Para naman tayong pok-pok nito."

Kumunot ang noo ni Mia na para bang nainsulto ko siya. "Sunny, marangal na trabaho itong pinasok mo! Pero ganyan talaga. Yan ang totoo. Ang mga bar na 'yan, punong puno ng lalaking mayayaman at nagwawaldas ng pera. Pwede silang bumili sa ibang tindahan ng sigarilyo pero pipilitin natin sila satin dahil magaganda tayo."

Yumuko ako dahil alam kong ganon nga ang totoo pero hindi lang ako kumportable sa mga iniisip ko. Siguro ay dapat isipin ko na nga lang iyong pera.

"'Yang mayayamag 'yan, naku! Konti lambing mo lang sa kanila, bibili na 'yan. 'Sir, do you smoke?'" Aniya sa malambing na boses.

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Want some cigars?" Kumindat siya sa akin. "Ganon lang 'yon, Sunny. At voila! May bumili na agad. Pag may bumiling isa, dadami ang bibili sayo kaya dapat ay mauna ka."

Pagkatapos niyang mag make up ako ako naman ang inartehan niya. Panay ang pangaral niya sa akin tungkol sa kung paano makakabenta ng sigarilyo sa mga bar. Kinwento niya rin sa akin na nagkakaroon daw ng tip pag nagugustuhan ka ng bumibili. Ibig sabihin, madalas doble ang makukuhang pera.

"Ang mga mayayamang 'yan, nag aaksaya lang ng pera kaya 'yong sobra, sayo na." Tawa ni Mia nang natapos na ang pag mi-make up niya sa akin.

Tumango ako at nilagay lahat sa utak ko 'yong mga pangaral niya sa akin.

Pumalakpak si ma'am at agad na kaming humilera sa harapan niya. Tama si Mia at medyo sira na nga itong pumps niya kaya hindi ako masyadong naggagalaw ng biglaan.

"Same instructions, same rules! Go!" Ani ma'am at mabilis na lumabas ang halos sampung babae kasali kami ni Mia.

Hindi ko alam kung ano ang instructions at rules dahil maiksi lang ang sinabi ni ma'am. Kinailangan ko pang mag tanong kay Mia at ang sabi niya ay wala naman daw akong hindi alam.

"Kailan ba ibibigay 'yong pera, Mia?" Tanong ko nang nag siksikan na kami sa van.

"Dito na sa van. Hanggang alas dos lang tayo, Sunny. Pagka alas dos, balik tayo dito tapos ibibigay na ang pera at pwede na tayong umuwi."

Tumango ako at sinuot ko na iyong bag na may lamang mga sigarilyo. Pinag aralan ko kung saan ilalagay ang pera doon sa bag.

"Okay, girls. Tatlumpung minuto tayo dito." Ani ma'am na nasa front seat pala nang tumigil ang van sa tapat ng isang square kung saan maraming tao at maingay ang music. "Hindi pa peak ng party dahil maaga pa kaya tatlumpong minuto, balik kayo agad dito."

Parang mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Mia sa kanan.

"Mia, wala ka bang-"

"Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Mia sa isang matandang naninigarilyo.

Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Mia.

"Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.

Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo.

"Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.

Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya.

"Keep the change." Malutong niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!

Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda ron at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi naman pala ganon ka sama ang trabahong ito. Siguro ay masyado ko lang iniisip na delikado ito dahil sa mga lasing at nambabastos na lalaki.

Malaki ang ngiti ko pagkapasok sa van pagkalipas ng trenta minutos. Tahimik lang ang ibang babae na para bang hindi nila kilala ang isa't isa. Naiisipan ko tuloy kung nagkakakilala ba ang mga ito.

"Mia, wala ka bang friends sa kanila?" Tanong ko nang nag alas dyes na at naka ilang bars na kami.

Umiling si Mia. "Crab Mentality." Paliwanag niya. "Ayaw nilang magkaroon ng friends. Minsan." Tinuro niya ang pinaka mestiza at pinaka matangkad sa amin. "Ayan si Alona. Kaibigan ko 'yan. Classmate kami niyang nong high school. Tapos naging buddy kami. Palagi kaming magkasama pero isang gabi lang, mas marami akong naibenta kumpara sa kanya ay nagalit agad sa akin."

Tumango ako habang tinitingnan ang nag reretouch na si Alona. Ang ganda ni Alona. Maganda si Mia pero mas natural na maganda si Alona. Naabutan niya akong nakatitig sa kanya kaya tinitigan niya agad ako pabalik. Ngumiti ako ngunit umismid lang siya sa akin. Bumaling ako kay Mia na hanggang ngayon ay nagsasalita pa.

"Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit, e, pareho lang naman iyon. Kahit pa lima lang ang naibenta mo buong gabi, isang libo parin naman ang ibibigay ni ma'am. Ewan ko ba? May malaking topak 'yang si Alona." Iling niya.

Napatingin siya sa labas at kuminang ang kanyang mga mata nang nakarating kami sa mas malaking square kung saan napakaraming bar. Kitang kita ko ang mga artipisyal na coconut tree sa bawat gutter bilang palamuti sa buong square. Retouch agad ang ginawa ng iba. Ganon din si Mia. Dahil wala akong make up ay tumunganga lang ako.

"Ito ang isa sa may mga pinaka mahal na bar sa buong lugar. Madalas alas dyes o alas onse tayo dinadala ni Ma'am dito dahil sa mga oras na 'yan hindi pa ganoong lasing ang mga tao at nakakabili pa ng maayos." Paliwanag ni Mia habang pinupulahan ulit ang kanyang labi.

Tumango ako at nilagyan niya rin ako ng lipstick tsaka tinampal sa kabilang pisngi.

"Sigurado akong marami kang tip dito. Bago at maganda." Kumindat siya sa akin at hinila niya na ako palabas ng van.

Pagkalabas namin ay napatunayan ko kaagad na tama si Mia. Mayayaman nga ang narito. Kasabay naming pumasok sa isang bar ang iilang artista. May artistang bumili sa akin at dumami agad ang tip ko.

"Sunny, don ka, dito ako? Isang oras pa lang naman. Tas after 5 minutes, kita ulit tayo dito. Lipat tayo sa kabilang bar."

Tumango ako at nagtungo na sa kabilang banda ng bar.

"Sir, do you smoke?" Sabi ko.

"Yup. Isang tens." Anang isang lalaki sa akin.

Ngumiti ako. Natigil siya sa mukha ko at sinuklian niya rin ang ngiti ko. "What's your name?"

"Sunny." Ngiti ko ulit.

Tumango siya. "Thank you, Sunny. Ganito ba talaga ang trabaho mo?" Aniya kahit na nahihirapan akong dinggin siya dahil sa maingay na music.

Nag taas siya ng kilay at kitang kita ko ang mga tattoo sa kanyang braso.

"First time ko pa po ito." Paliwanag ko.

Tumango siya. "That's why. Madalas kasi mas aggressive ang mga lumalapit na girls sa akin." Ngiti niya.

Pagkatapos ng limang minuto ay lumipat kami ni Mia sa kabilang bar na mas maraming tao at mukhang mas sosyal. Labing limang minuto daw ang time limit, ani Mia.

Mas naging agresibo ako para mas makabenta at mas madami ang tip. Napapa headbang ako sa lakas ng music ng buong bar at sa ingay ng mga tao sa dancefloor. Nasiko pa nga ako nang dumaan ako sa gilid kaya pinili kong dumaan sa mga table at sofa.

Sa isang table ay may nakita akong nag s-smoke kaya nilapitan ko kaagad iyon.

"Excuse me sir. Wanna buy a stick?" Ginaya ko ang sinabi ng isang kasama ko kanina.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung kaninong table ako napunta. May apat na lalaki ang naroon at may tatlong babae. Pinasadahan ni Brandon ng kanyang daliri ang kanyang mahabang buhok at tumingin sa akin.

"Sunny?" Nanlalaking mata ni Brandon.

"Good evening, Brandon." Ngiti ko sa kanya.

Napatingin siya kay Logan at kay Rage. Si Logan ay nakatingin sa akin habang hinahawakan ang kanyang labi, sinusuri ako.

"Nagtatrabaho ka sa gabi? Marlboro?" Tanong ni Brandon.

"Oo, e. Part time. Do you smoke?" Tanong ko.

"Tens, gold." Ani Brandon sabay abot sa akin ng sobra pa sa halaga ng sigarilyo.

Uminit ang pisngi ko. Okay lang makatanggap ng tip sa ibang tao pero ang makatanggap ng tip sa kakilala ay hindi ko maatim. Kumuha ako ng tamang sukli at binigay ko kay Brandon. Agad niyang hinawi iyon.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya, Brandon. Co model?" Nag taas ng kilay ang isang lalaki sa kabilang sofa, ang pang apat sa kanilang tatlo.

"Uhm, no. She works for Rage." Paliwanag ni Brandon.

Napatingin ang lalaking nakanganga kay Rage. Nilingon ko si Rage na ngayon ay nag iiwas ng tingin at kinakausap ng isang sikat na modelo.

KInagat ko ang labi ko at inisip kung iyon kaya 'yong kasama niya sa office? Hindi ko kayang tingnan. Maiisip ko iyon lahat pag nakita ko silang dalawa.

"Janitress, Kid." Ani Logan habang abala ang kanyang kamay sa pag himas sa thighs ng babaeng katabi.

"Oh?" Napangiwi ang lalaki. "Too hot for a janitress. What's your name? Wala kasing nag iintroduce. Well, you can't expect Rage to introduce his employees."

"Sunny po." Ngiti ko.

"Cute name. Gold, tens, please?" Ngumiti siya. "I'm Kid."

Nag lahad si Kid ng kamay at kasama doon ang perang ipambibili niya ng sigarilyo. Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. Hindi siya agad bumitiw. Tumitig pa siya at hinaplos niyang mabuti ang kamay ko.

"Kid." Masungit na sinabi ng mestizang babae sa kanyang tabi. "Sorry, Yna." Halakhak ni Kid at bumalik ulit sa kanyang pag upo, hindi parin ako tinatantanan sa tingin.

Sinuklian ko rin si Kid, ngunit hindi niya tinanggap. Gusto ko ng umalis dito pero ayaw kong maging bastos.

"Ikaw, Logan?" Tanong ko.

"Pass." Aniya habang sinusubuan na ng lemon nitong babaeng katabi niya.

Tumango ako at bumaling kay Rage. "Ikaw?" Kinagat ko ang labi ko.

Suminghap siya at kumuha ng pera sa kanyang wallet nang hindi ako tinitingnan. So... naninigarilyo siya.

"Tens, black." Umigting ang panga niya.

Mabilis kong kinuha ang gusto niya. Sumulyap ako sa morenang babaeng kasama. Kilala ko talaga ito. Model talaga ito, e. Iyong madalas sa TV at sa mga billboard. Sigurado ako don. Ang umaalon niyang buhok ay kumukulot dahil sa kanyang paglalaro at ang pulang labi ay nakanguso na para bang naiinip dahil may kausap na iba si Rage kahit sandali lang naman 'to.

Binigay ni Rage ang kanyang pera at nakita kong kulay yellow ito, iba sa madalas kong tinatanggap na kulay violet. Nangapa agad ako ng sukli. Sigurado akong hindi ito keep the change!

"Sukli po." Sabi ko sabay lahad ng pera sa kanyang harap.

"Keep the change." Malamig niyang sinabi.

May nagsasabi sa akin na mali na tanggapin ko ang tip na galing sa kanya pero weird naman kung hindi kaya tahimik ko iyong nilagay sa bag ko.

"Thanks." Sabi ko.

Tinapunan niya ako ng tingin. Kumalabog ang puso ko sa titig niya. Shit! Ang lakas naman! Pakiramdam ko ay naririnig niya na kinakabahan ako sa titig niya.

"Alis na ako." Sabi ko sa kanilang lahat pero hindi ko naalis ang tingin ko kay Rage.

Nagtaas siya ng kilay sa titig ko sa kanya.

"Rage..." tawag ng kanyang katabi. Hinawakan pa ng babae ang pisngi ni Rage para lang maiharap niya ulit si Rage sa kanya.

Tumugon si Rage doon kaya naglakad na ako palayo. Pero hindi ko maiwasan ang tumingin pabalik sa table nila. Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang unti unting pagbaling ni Rage sa akin, ang magandang kilay ay nakakunot.

Nag iwas agad ako ng tingin at mariing pumikit. Ano ba itong ginagawa ko? Dahan dahan ulit akong tumingin sa kanya at nakita kong hindi parin siya bumibitaw sa titig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage