Kabanata 25

Kabanata 25

Date

Buong araw na nakaaligid si Rage sa akin. Kung mayroon mang hindi nakakaalam sa ginagawa niyang pag pupursigi sa akin ay paniguradong alam na nila iyon ngayon. Nang umakyat pa lang ako ng building kasama niya na may dala dalang rosas ay nakumpirma na nila. At nang nagpadala siya ng lunch para sa amin ni Mia sa lounge ay halos mahiya ang mga maintenance.

"Uhm, excuse me, sir." Umubo-ubo pa si Mrs. Ching nang nadatnan si Rage sa sofa, nakaupo din.

Kanina niya pa pinupuna ang iilang pagkukulang sa Lounge. Kasama na doon ang kama para daw matulugan ng mga crew na agad namang diniscourage ni Mia dahil daw nag po-promote iyon ng pagiging tamad habang nasa trabaho.

Nagtaas ng kilay si Rage kay Mrs Ching. Halos hindi ako maturo ni Mrs. Ching sa pagkakaintimidate niya kay Rage.

"Mag papa meeting sana ako saglit sa crew para sa dadating na event ngayong Friday."

"Okay." Tumango si Rage.

Tinuro ulit ako ni Mrs Ching. "Kasama po kasi dapat si Sunny."

Tumikhim si Rage at napatingin kay Mrs. Ching.

Baliw. Pumula ng parang kamatis ang pisngi ni Mrs. Ching sa titig ni Rage. Hindi ko malaman kung nahihiya, natatakot, o naiintimidate ba siya.

"Opo. Andyan na." Sabi ko at tumayo na dahil si Mia ay nasa likod na ni Mrs. Ching.

"Ibabalik ko rin po agad si Sunny. Mga limang minuto lang ito."

Tumango si Rage at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. Nagulat ako sa hindi maalis niyang mga titig. Ako na lang mismo ang nag iwas ng tingin at sumunod kay Mrs. Ching patungo sa kanyang opisina.

"Grabe, Sunny! Grabe! Kita mo 'yong mga binili niya para sa'yo? Shit!" Panay ang talak ni Mia habang sumusunod kami kay Mrs. Ching sa opisina niya.

Nang nakapasok kami ay nakita kong naroon na nga ang iilang crew at kami na lang ang hinihintay. Umupo kami ni Mia sa harap. May nakita na agad ako sa laptop ni Mrs Ching. Tungkol ito sa event na mangyayari sa Friday. Hindi ko pa alam kung ano 'yon pero ang alam ko ay celebration 'yon para sa lahat ng stock holders at investors na na close nila sa loob ng ilang buwan.

Itong negosyo kasi nila ay 'yong leading company na gumagawa ng iron, metals, at kung anu ano pa, sa buong Pilipinas. Nag aangkat din sila sa ibang bansa. Madalas 'yong mga branches nila ay nasa probinsya. At ang Del Fierro Building ay mistulang business center para sa mga foreign investors at iba pang stock holders nila.

"Kasama po ba sa dadalo sina Mr. and Mrs. Del Fierro?" Tanong ni Mang Carding kay Mrs. Ching.

"Hindi po. Si Rage lang sa ngayon. Hindi pa nakakauwi galing ibang bansa sina Mr. and Mrs."

Tumango si Mang Carding.

"All the more na kailangan nating maging maayos ang event na ito para kay Mr. Del Fierro." Ani Mrs. Ching. "Tapos ko nang nakausap ang crew ng kitchen kaya sila na ang bahala sa pagkain at pag se-serve. Kayo ang hinuli ko dahil konti lang naman ang kailangan galing sa inyo. Abangan niyo lang 'yong taga kitchen para incase may aksidente, malilinis kaagad. Foreigners madalas ang investors dito kaya medyo partikular sila sa service."

Nakinig kami sa mga plano ni Mrs Ching patungkol sa gaganapin ngayong Friday. Mabilis lang ito dahil hindi naman gaanong mabigat ang magiging trabaho namin. Iyon nga lang, bawal ang maging malamya.

Pagkatapos ng pag uusap ay bumalik na ako sa Lounge at nagulat ako na nandoon parin si Rage.

Pinagmasdan niya ako habang naglalakad papasok doon kasama si Mia. Hindi ko talaga alam kung paano siya papakisamahan. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Wala ba siyang ibang gagawin bukod sa tumambay dito?

“Are... Are you busy this afternoon?” Tanong niya sa akin.

“Hindi siya busy, Sir.” Natatawang sinabi ni Mia.

Nilingon ko si Mia. Siya pa talaga ang sumagot para sa akin.

“May trabaho ako mamayang gabi.” Paliwanag ko kay Rage. “Kailangan kong mag pahinga.”

Narinig ko ang maliliit niyang mura bago nagpatuloy.

“Makakapagpahinga ka naman. I promise you’ll be home before 5pm.”

Narinig ko ang tawa ni Mia sa likod at nanahimik na siya. Suminghap ako at humalukipkip. Pinapanood ni Rage ang galaw ko na para bang natatakot siyang tanggihan ko ulit siya.

“Bakit? Saan tayo?” Tanong ko.

“Uhm... Mall?” Parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya. “Movie.”

Tumango ako at nag iwas ng tingin. “Magbibihis lang ako.”

Narinig ko ang singhap niya sa sinabi ko. Umiling si Mia nang nag tama ang paningin namin. Binalewala ko na lang siya at kinuha ang isang simpleng t-shirt. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko pag kasama si Rage pero wala naman akong magagawa dahil limitado lang ang mga damit ko. Kinuha ko rin ‘yong shorts. Pansamantala kong iniingatan na hindi ko masyadong magamit ang mga pants ko dahil irereserba ko iyon para sa school.

Pagkatapos kong mag bihis ay naabutan ko na si Mia na kumakain na naman sa pagkaing dala ni Rage doon. Sinuklay ko ang buhok ko malapit sa locker at ramdam na ramdam ko ang titig ni Rage sa akin.

“Maganda ‘yong mga showing ngayon, Sunny. Teka... Kelan ka huling naka panood ng sine?” Nilingon ako ni Mia.

“Nong buhay pa si mama.” Sambit ko at hinayaan ang buhok kong umalon sa aking likod.

Tumango si Mia at bumaling ulit siya kay Rage at ngumisi.

"Gumawa kayo ng bagong mga alaala."

Umiling ako kay Mia. Tumawa na lang siya at nagulat ako sa pag tayo ni Rage. Nakapamulsa siya at naghihintay na sa akin. "Let's go?"

Tumango ako kay Rage. Bumagsak ang tingin niya sa suot ko at nagkamot siya ng ulo.

"Yeah. I can handle another brawl." Bulong niyang hindi ko masyadong nakuha.

Bumaba agad kami ng building. Patungo pa lang kami sa kanyang sasakyan ay nakareceive na ako ng iilang message galing kay Kid.

Kid:

So I guess you're not free tomorrow? Di ka nag rereply, e. Then are you free tonight?

"Get in." Narinig kong sinabi ni Rage sa likod ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan.

"Thanks." Sabi ko at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan.

Kumunot ang noo niya at tiningnan niya ang cellphone ko. Hindi niya pa sinasarado ang kanyang sasakyan. Tumingala ako sa kanya habang nakalagay ang kamay sa pintuan at sa itaas ng kanyang kotse.

Itinago ko ang cellphone ko dahil napansin ko ang tingin niyang dumadapo don.

"You're going out tonight? Hindi ba may trabaho ka?"

"Oo. Magtatrabaho ako. Bakit?"

"I'll be meeting the investors tonight so I'm busy." Kinagat niya ang kanyang labi at nag iwas ng tingin bago wala sa sariling sinarado ang pintuan.

Inayos ko ang seatbelt ko at pinanood ko siyang pumasok sa loob. Kinagat niya ang kanyang labi habang nag aayos ng seatbelt at nagmura ulit.

"Saan tayo?" Tanong ko nang pinanood siyang nag drive na palabas ng parking lot.

"Movie. May palabas ka bang gustong panoorin?"

"Hindi ako updated sa mga palabas. Pero gusto ko 'yong action." Sabi ko.

"Alright, then we'll watch that."

Tumagilid ako para mapanood ko siyang mag drive. Bahagya siyang lumingon sa akin at tumikhim.

"Alright, I can't stand it. You're wearing something super tight. I won't enjoy this. Everyone will stare at you and I won't be comfortable."

Tiningnan ko ang damit ko. 'Yong shorts lang naman ang masyadong maiksi dahil matagal na iyon. High school pa lang ako nang binili ko iyon at hindi ko naman iyon kayang itapon dahil isa 'yon sa mga maayos pang damit ko. Hindi naman ako tumaba pero naaalala ko na nong binili ni mama 'to ay medyo loose pa siya sa akin at ngayon ay sobrang fit na.

"Okay lang naman ang damit ko. Komportable naman ako."

"I'm not. Okay?" Bumaling siya sa akin.

Sumimagot ako at umirap siya.

"Don't get me wrong. You look so good. Too damn good actually. And I want you for my eyes only."

"Ilang beses na akong nagsuot ng ganitong damit, Rage. Ganito ang nasa trabaho sa sa Marlboro. Atsaka... hindi ko alam na pag aari mo pala ako." Nagtaas ako ng kilay para sana pahiyain siya.

Ngumuso siya at pinaharurot ang sasakyan papasok sa dapat ay slow down na carpark ng isang mall. "Well, now you know." Aniya at lumabas.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagmadali ako sa pagkalas ng seatbelt ko at nakita ko siyang nakaabang na sa aking pintuan. Sumimangot ako at agad na lumabas sa sasakyan. Gusto kong malaman niya na hindi ako natutuwa kahit na naghuhuramentado na ang buong sistema ko.

"Sige na. Pagbigyan mo na ako. Hindi ako araw araw nakikipag date, Sunny. And I don't wanna ruin this."

"Pano masisira ng damit ko ang date natin?" Uminit ang pisngi ko nang narealize kong umamin ako na date iyon.

"Gusto mo bang masagot 'yang tanong mo o agapan na lang natin ang problema ng pagkasira?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Sinisira mo ang date natin dahil sa kababawan mo." Inirapan ko siya at mabilis ng naglakad patungong mall.

Sumunod siya sa akin. Humalukipkip ako at hinawi ko ang buhok ko. Nakikita ko ang tingin ng bawat nakakasalubong namin. Kung hindi sa akin nakatingin ay sa taong nasa likod ko naman.

"You're killing me, woman!" Singhap ni Rage sa likod ko.

"You're killing yourself!" Sabi ko.

"Ansabe mo?" Sabi niya. "You're ruining our date. I just want to buy you a jacket, come on."

Hindi ko maitago ang pagkakamangha ko sa buong mall. Refreshing iyon para sa akin. Ilang buwan na rin kasi akong hindi nakakatungtong sa ganito kalaking mall para lang mamasyal. Hinarap ko siya ng nakahalukipkip at sinigurado kong galit ang mukha ko. Naabutan ko ang frustrated niyang mukha. Parang pinipiga ang puso ko. He can't be frustrated just because of my clothes!

"Whatever, Rage. Di ka naman ganito noon." Sabi ko ng pabulong.

"Thank you. Well, that's because ayokong makealam sa'yo noon." Aniya at biglang hinigit ang kamay ko.

Nag iwas siya ng tingin sa akin. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Hinintay kong mag salita siya ngunit wala siyang ginawa kundi manghila at maglakad patungo sa pagbibilhan niya ng jacket.

"This is all cheesy but I don't wanna lose you here." Paliwanag niya.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Halos mapapikit ako sa nararamdamang pagkalabog ng naghuhuramentadong puso.

Alam ko kung anong klaseng lalaki siya. I want to give him a chance but I'm scared. Hindi ako ganon ka tapang pagdating sa pag ibig. Dahil nakita ko na kung paano nawasak ang mga tao sa paligid ko. I've seen them fight and die for this. Ayokong ganon ang kahahangtungan ko. May mga pangarap ako sa buhay at distraction lang sa mga pangarap ko ang pag ibig na 'to.

Pero sa ngayon... gusto ko lang talagang maramdaman. Kahit na alam kong panandalian lang ito... kahit na alam kong imposible ito... na imposible talagang mapaibig ang isang tulad niya... na imposibleng hindi niya ako iwan balang araw... gusto ko paring maramdaman kahit saglit. Ano ang pakiramdam na gusto ka ng taong gusto mo?

Dahan dahan kong ginapang ang mga daliri ko sa gitna ng mga daliri niya. Bumagal ang kanyang paglalakad at nilingon niya ako. Mahigpit kong pinagsalikop ang aming mga daliri.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage