Kabanata 10

Kabanata 10

Angel

Pinapanood niya lang ako habang tinitingnan ko ang mga nagsasayaw sa dancefloor. Kung sana ay tulungan niya na lang akong mahanap si Mia ay maaayos na ang lahat ng ito. Wala yata siyang planong tumulong dahil nakatingin lang siya sa akin.

Tatakpan ko sana ng palad ko ang aking labi ngunit napagtanto kong masyadong malaki pala itong pinasuot niyang jacket sa akin kaya naamoy ko ang bango ng cuffs nito. Humikab ako at gusto ko kaagad magpasalamat sa kanya sa jacket na pinasuot. Nilalamig ako kanina pero hindi ko lang iniinda, at ngayong may jacket na, nawala na ang lamig na naramdaman ko.

"Wait here. Kunin ko si Mia sa gitna." Sabi niya nang namataan namin si Mia na nagsasayaw na parang baliw sa gitna.

Hindi na ako nakaangal. Tumayo na lang ako doon. Batid ko ang mga titig ng mga tao kanina. Hindi ko alam kung natatakot ba silang punahin na magkasama kami ni Rage o ano pero kita sa mga mata nila ang hindi pag sang ayon sa pagsama niya sa akin.

"Sunny! Andito ka lang pala!" Maligayang bati ni Kid sa akin.

Pinilit kong ngumiti.

Kung may tama siya kanina ay alam kong lasing na siya ngayon. Halos hindi na siya makatingin sa akin ng maayos at masyado ng magulo ang kanyang buhok.

"I'm sorry kanina. Laine's just nosy." Kibit balikat niya.

Naaamoy ko sa hininga niya ang alak. Tumango ako at nagdasal na sana ay makabalik na si Rage. Pakiramdam ko ay maayos ako pag kasama ko siya.

Napawi ang ngiting gumuhit sa kanyang mukha nang pinasadahan ako ng tingin. "Saan ka pupunta? Uuwi ka na? Let me drive you home!" Aniya.

"Ah! Wa'g na. Kaya kong umuwi mag isa." Sagot ko.

"No way! Ang babaeng tulad mo ay hindi pwedeng umuwing mag isa sa ganitong oras!" Deklara niya.

Umiling ako. "Hindi talaga, Kid. Kasama ko naman ang kaibigan ko-" Bago ko pa madugtungan ay narinig ko kaagad ang tawa ni Mia sa likod ko.

"Kid." Ani Rage.

Nilingon ko sila at nakita kong hinihila ni Rage si Mia patungo sa akin. Hindi lang ako ang hinila niya ngayong gabi. Pinilig ko ang ulo ko at iniwas ko ang isipan ko sa ganon.

"Rage! Sorry kanina, si Laine kasi." Paliwanag ni Kid.

"Ba't ka sakin nag so-sorry? Kay Sunny dapat." Sabay tingin ni Rage sa akin.

Napatingin din si Kid sa akin. "Kaya nga para mapatawad niya ako, ihahatid ko siya!" Ngisi niya.

Umiling na agad ako sa sinabi ni Kid. Hindi ko alam kung bakit lubos ang pag ayaw ko sa offer niya. Totoong makaka save ako pag hinatid niya ako pero kaya kong mag sunog ng pera para lang makauwi kami ni Mia na kami lang.

"Nah, you're too drunk, Kid. I'll take them home." Sabi ni Rage sabay tingin kay Mia na ngayon ay halos wala ng malay sa sobrang kalasingan.

Hinawakan ko ang braso niya nang muntik na siyang natumba. Nakangisi siya at marami siyang sinasabing hindi ko makuha.

"I'm not drunk, Rage." Sabi ni Kid.

"You are. Sige na. Kailangan ko na silang iuwi. If you want to drive them home next time, make sure you're sober." Matigas na sinabi ni Rage.

"I'm sober!" Ani Kid.

Parang walang narinig si Rage nang tingnan niya ako. "Lika na." Aniya.

Wala akong naging panahon para umangal. Kung hindi ako susunod kay Rage ay si Kid ang maghahatid sa akin. Sinubukang maglakad ni Mia'ng mag isa. Kaya niya naman ngunit kailangan niya ng tulong para maituwid ang kanyang paa.

"Mga lalaki talaga, sa umpisa lang magaling! Pag nakuha ka na..." Ngumiwi si Mia at nagkaron pa siya ng pagsabog na hand gestures. "Boom! Wala na. Tapos na! Laos ka na! Next please?" Halakhak niyang tunog baboy.

"Mia, nakakahiya, lasing ka na!" Bulong ko, sinusundan parin namin si Rage.

Ni hindi na kami nakapag paalam kay Logan. Paano kami magpapaalam kung wala naman siya sa sofang inuupuan niya kanina.

Pinatunog ni Rage ang kanyang car alarm. Halos mapaatras ako nang nakita ko ang isang itim at malaking sasakyan na umilaw kasabay ng pagpapatunog dito. Pinigilan ko si Mia sa paglalakad patungo doon. Hinayaan kong buksan ni Rage ang pinto sa likod ng kanyang sasakyan bago ko siya kinausap.

"Pwede tayong mag tawag ng taxi." Suggestion ko.

"Bakit tayo magtatawag ng taxi?" Tanong niya.

Nilingon ko ang mga sasakyan sa gilid at nakita kong medyo mamahalin nga ang mga sasakyan ng mga kaibigan nila ni Logan. Mamahalin din ang sa kanya kaya umuurong lalo ang tiyan ko.

"M-May mga kaibigan ka sa loob, iiwan mo sila para ihatid kami? Kaya naman naming umuwi-"

"Sunny, grasya na 'to! Aayaw ka pa?" Tumawa ng malakas si Mia.

Napangiwi ako sa kanya. Gusto ko si Mia pero ayaw ko pala siyang malasing. Masyadong matabil ang dila niya sa gabing ito.

"Mia, dito ka sa likod. Are you gonna puke or what?"

Nanlaki ang mga mata ni Mia nang sinabi iyon ni Rage. Umiling agad siya at mabilis na tumakbo patungo sa pintuan na binuksan ni Rage. Mabilis din siyang pumasok doon nang nakangisi.

"Wa'g ka ng pa hard-to-get, Sunny! Makaka save pa tayo kasi hinatid tayo ni Sir!" Halakhak niya ulit.

Sinarado niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakita kong nag angat ang kanyang labi habang tinitingnan ako. Ang ilaw galing sa poste na nakapalibot sa parking lot nila ay nagpatingkad sa kulay brown niyang mga mata.

"How about you?" Tumaas ang isa niyang kilay nang pinag buksan niya ako sa front seat.

Tumango na lang ako at hindi na umangal. Pakiramdam ko ay pag ipipilit ko pa na kami na lang ang uuwi ay masyado na akong nagpapaimportante at ayaw ko ng ganon.

Mabilis akong sumakay sa kanyang sasakyan. Pinanood ko siya sa pagsarado ng pintuan ko. Pinanood ko rin siya nang umikot siya para sumakay sa kanyang sasakyan. Nilapag ko na lang ang sirang sapatos ko sa sahig ng kanyang sasakyan.

Nang sumakay siya at nagkunwari akong tumitingin sa likod para makita kung maayos ba si Mia. Nakangisi siya at nakapikit habang nakasandal sa upuan.

"Kainis!" Ani Mia.

Napatingin ako kay Rage. Nakita kong tiningnan niya si Mia sa kanyang rearview mirror bago hinawakan ang manibela. Napatingin ako sa kanyang braso. Sumulyap siya sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Ang mga lalaki talaga, diba Sunny?" Sabi ulit ni Mia. "Mga walangya talaga sila!"

Pinaandar ni Rage ang kanyang sasakyan. May babaeng kumaway pa sa sasakyan niya. Feeling ko tinatawag siya.

"Baka may importanteng sasabihin 'yong kumaway." Sabi ko.

Umiling na lang siya at nagpatuloy sa pagdadrive. O baka naman isa iyon sa mga babae niya. Tumingin na lang ako sa labas. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili niyang ihatid kami kesa sa don sa party. Maraming babae don at mas masisiyahan siya don.

"Pagkatapos kang gamitin, kunin, di ka na papansinin!" Pagpapatuloy ni Mia sa likod.

"Shh, Mia. Tama na. Pauwi na tayo." Sambit ko.

"Hindi ba, Sir Rage?" Ani Mia kay Rage. "Ganon kayo, e. Pagkatapos niyong gamitin, goodbye!"

Ngumuso ako at naisip na ganon nga si Rage. Hindi nagkamali si Mia sa sinabi niya!

"That's a give and take relationship, Mia. Ginamit kami ng mga babae, gagamitin din namin ang mga babae. All is fair." Ani Rage kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm!" Ani Mia at hindi na ulit nagsalita.

Napatingin ulit ako sa likod at nakita kong tulog na si Mia ng nakangiti. Patay ako kay Eric nito pag nakita niyang umuwi si Mia na lasing. Alam naman kaya ni Eric na nagpunta kami ng party? Paano kung hindi? Ugh!

"Alam mo kung saan ang bahay nila?" Tanong ni Rage sa akin.

Umiling ako. "Ang alam ko lang ay kina Aling Nenita siya tumitira." Sabi ko.

Tumango si Rage at niliko niya agad ang kanyang sasakyan. "Alam ko kung saan 'yon."

Mabuti naman pala kung ganon. Hindi na namin kailangang gisingin si Mia para magtanong. Hinayaan ko lang na matulog si Mia nang sa ganon ay pag nakarating na kami ay mahimasmasan na siya.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan ni Rage. Halos may marinig na akong mga insekto kung saan saan dahil sa katahimikan naming dalawa.

"I'm sorry for what happened." Basag niya sa katahimikan.

Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry o para saan. Ang dapat na magsorry ay ako. "Sorry dahil nagpunta pa kami."

Narinig ko na naman ang malakas niyang buntong hininga. "Invited kayo." Aniya.

Tumango ako. "Sineryoso namin."

Sumulyap siya sa akin. "What do you mean?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi 'yon seryosong imbitasyon ni Logan. Siguro respeto na lang niya 'yon sa amin kaya niya kami ininvite-"

"Bakit ganyan ka mag isip?" Medyo iritado niyang sinabi.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko kailanman maipapaliwanag sa kanya ng maayos ang iniisip ko. Hindi niya iyon mararamdaman dahil wala siya sa katayuan ko.

"He treats you as his friends kaya kayo inimbita." Ani Rage.

Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin pero alam ko sa sarili ko na hindi ganon iyon. Mabait si Logan kaya niya kami inimbita. Ang mga kaibigan niya ay iyong mga mayayaman, hindi kami.

"That's my house. Iniimbitahan ko rin kayo." Aniya.

"Oo." Sabi ko nang hindi na kami magtalo.

Humalukipkip ako at nakita ko ang pag galaw ng kanyang panga. Para bang galit na galit siya, hindi ko malaman.

Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang gate na kulay green. Nilingon ko na kaagad si Mia para gisingin siya. Kumalabog ang pintuan ni Rage kaya napatingin ako sa kanya habang kinakatok ang madilim na bahay nina Aling Nenita sa harapan.

"Mia! Nasa bahay niyo na tayo!" Sabi ko sabay tampal sa kanyang binti.

Gumalaw siya at unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagdilat ay nakita ko si Eric sa pintuan ng bahay. Maliwanag na ang loob at nakita kong medyo naalimpungatan din si Aling Nenita. Nakangiti si Aling Nenita kay Rage habang si Eric naman ay kinukusot ang mga mata. Siguro ay sinabi na ni Rage kung anong nangyari kaya ginabi ng ganito si Mia.

Biglang lumabas si Mia ng parang walang nangyari sa sasakyan ni Rage. Nagawa niya pang ayusin ang kanyang damit habang matuwid na naglalakad papasok sa gate.

Lumabas din ako para marinig ang pinag usapan. Nakita kong napatingin si Rage kay Mia. Sinalubong ni Eric si Mia sa pintuan at si Aling Nenita ay panay ang bati kay Rage ng magandang gabi. Dalawang beses pa niya ako tiningnan pabalik, siguro ay hindi makapaniwala na sakay din ako sa sasakyan ni Rage.

"Andito ka pala, Sunny!" Gulat na sinabi ni Aling Nenita.

"Opo. Uuwi na rin." Sagot ko.

Tumango si Aling Nenita at napatingin ulit kay Rage.

"Sige na po. Pasensya sa abala. Ihahatid ko na si Sunny." Ani Rage at naglakad pabalik sa sasakyan.

"Ay naku Sir! Walang anuman! Nakakahiya nga! Pasensya kay Miranda. Namerwisyo pa." Ani Aling Nenita.

Umiling si Rage. "Okay lang, Aling Nenita. Party naman 'yon." Ani Rage at umupo na sa tabi ko.

Sinarado ko na ang pintuan ko. Pinanood niya si Aling Nenita sa kanyang rearview mirror nang pinaandar niya na ang kanyang sasakyan. Binalot ulit kami ng matinding katahimikan. Mas mabuti pa nong nandito si Mia, may ingay pa galing sa kanyang paghinga. Ngayong kaming dalawa na lang, wala na.

Sinandal ko ang ulo ko sa salamin. Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog pero ayaw kong ma perwisyo si Rage. Kailangan ko pang magpasalamat sa paghatid niya sa amin ni Mia.

Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng Del Fierro Building ay sinalubong agad siya ng security guard. Binaba niya ang kanyang salamin para kausapin ang guard.

"Hinahatid ko si Sunny."

Nag hand salute ang guard sa kanya sabay tingin sa akin. "Okay po."

Binuksan ko kaagad ang pintuan. Nagulat ako nang kasabay ng pagbukas ko ay ang pagsarado niya ng kanyang pintuan. Nakita ko siyang hinagis ang kanyang susi sa guard at bumaling sa akin.

"Ihahatid kita." Aniya.

Tumango ako. "Nandito na tayo." Iniisip na baka nakalimutan niyang sa building na ito ako natutulog.

"Sa 15th floor, I mean." Aniya.

Dahan-dahan akong tumango. Gusto kong umangal. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya kong mag isa pero may kung ano sa sistema kong sumasang ayon sa kanya.

Dinampot ko ang sapatos ni Mia at nagsimula ng naglakad patungong elevator. Sumunod siya sa akin. Kumalabog ang puso ko. Lalo na nang nakapasok kami sa malaking elevator at kaming dalawa lang ang tao. Malayo ang agwat naming dalawa sa loob. Siya pa mismo ang pumindot ng 15 at agad akong natamaan na dapat ay hindi niya na ako hinatid.

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid sa 15th floor." Sabi ko sabay tingin sa numero sa taas.

"I want to talk to you." Aniya.

Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. Hindi siya tumingin pabalik sa akin. Nanatili ang kanyang paningin sa pintuan. Hinihintay ang pagbukas nito. Hindi ako bumitiw hanggang bumukas ang pintuan. Ano ang pag uusapan namin?

Una siyang pumasok sa 15th floor. Sinalubong namin ang locker room ng mga crew. Isang liko ay ay mga materyales panlinis malapit doon ang Lounge kung saan mayroong kulay pulang sofa, ang tinutulugan ko. Hindi pa nakapatay ang ilaw sa common CR sa unahan at nahiya kaagad ako don. Pinatay ko ang ilaw sa loob bago ako bumaling kay Rage. Umupo si Rage sa sofa at napatingin siya roon na para bang ito ang unang pagkakataong nakita niya iyon.

"Dito ka natutulog?" Tanong niya habang hinahaplos ang sofa.

Tumango ako.

Humilig siya sa sofa at pumikit. Hinawakan niya ang gitna ng kanyang mga mata na para bang masakit ang ulo niya.

Nakatayo lang ako doon at narealize kong dala dala ko parin pala ang pumps ni Mia. Nilapag ko ang pumps kong iyon sa mesa sa harap ni Rage. Napatingin siya sa ginawa ko at nakita ko kaagad ang galit sa kanyang mga mata habang tinitingnan niya ang pumps.

Tumayo ako ng maayos at naalala ko kaagad ang nangyari kanina dahil sa galit na nakita ko sa kanyang mga mata. Galit siya dahil mumurahin at pangit ang pumps na suot ko!

"Anong pag uusapan natin?" Biglang lumamig ang boses ko.

Bumaling siya sa akin. Tinitigan niya lang ako habang medyo iritado akong tumitingin pabalik sa kanya.

"Kung tungkol ito sa pumps kong mumurahin, sa mga bisita ninyong nabastos ko, at sa damit kong sobrang pangit na hindi mo kayang tingnan, sorry, okay? Sorry!" Matabang kong sinabi.

"Yeah, we'll talk about this." Aniya at umupo ng maayos.

Sinasabi ko na nga ba! Ito nga ang gusto niyang pag usapan!

Umupo ako sa kaharap niyang sofa. Namumuo ang galit sa sistema ko. Hindi ko alam kung bakit at paano ako naaattract sa kanya kahit na masama ang ugali niya!

"Sorry, okay? Sorry!" Sabi ko. "Sorry, Sir!" Tumaas ang tono ng boses ko.

"Bakit ka nagsosorry?" Nalukot ang kanyang mukha. "Your pumps are old, baka mabalian ka dahil diyan. The visitors were rude. Ako ang dapat mag sorry. And damn your dress makes you look ten times hotter, that's why I hate it."

Nag iwas ako ng tingin. Parang hinahabol ng aso ang puso ko ngayon at pakiramdam ko ay kapag titingnan ko siya ay malalaman niyang kabadong kabado ako ngayon.

"Sunny..." Malambing niyang sinabi.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang pinaglalaruan ang nakadikit niyang mga palad at ang ulo niya'y pabalik balik sa pagyuko na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"We're friends, alright?" Aniya.

"Empleyado mo lang ako."

Nakita kong natigil siya sa pagyuko. Tinitigan niya ako. Hindi ko siya kayang tingnan pabalik kaya nanatili ang tingin ko sa mga locker sa gilid.

"Damn, girl, we're friends, okay?" Ulit niya. "Oo na't empleyado kita pero magkaibigan tayo. And hell, I'll tell the girls that you're just my employee coz I don't want them to start watching you."

Inirap ko ang luhang nagbabadya. Hindi ko siya maintindihan at hindi ako sigurado kung maiintindihan ko pa ba siya kahit kailan. "Oo nga! Sabihin mo na empleyado mo lang ako dahil hindi tayo pwede! Kahit kaibigan!" Kinagat ko ang labi ko at nahiya agad sa sinabi ko. Shit, Sunny! Shit lang talaga!

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Hindi ko parin siya magawang tingnan. Kung aalis siya ay mabuti at nang makatulog na ako kahit alam ko sa sarili kong hindi ako makakatulog sa kakaisip sa mga nangyari ngayong gabi.

Nagulat ako nang lumuhod siya sa paanan ko. Hindi ko na nagawang mag matigas. Napatingin na ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Ang mabilis na pintig ng aking puso ay napalitan ng mas malakas at mas mahina, halos pinipiga.

"I'll be your friend, Sunny. Lilimitahan ko ang sarili ko at hanggang doon lang ako. Because I'm afraid that I like you more than I should. At natatakot akong masasaktan lang kita. An angel like you deserved heaven, not hell with me."

Nanlaki ang mga mata ko. Naabutan ko siyang nakatingin sa labi ko. Napatingin din ako sa labi niya. Nahalikan na ako noon pero hindi ko na maalala kung ano ang pakiramdam non. Nang dumampi ang labi ni Jason sa akin ay mabilis lang iyon at dahil iyon tinulak siya ng mga classmate ko sa akin.

"FUCKING SHIT!" Sigaw ni Rage at mabilis siyang tumayo na parang napapaso. Lumabas na parang hinahabol.

Iniwan niya ako doong nakatingin sa pintuan at bigo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rage