S01E08: slow and fast
FADE IN
INT. OFFICE - MEETING ROOM - NIGHT
TEXT: 10 nights before b-day.
CHAN
Congrats team for a job well done!
Sigawan ang mga tao. Nag congrats sila sa isa't isa. A job well done para sa lahat sa work.
Nagkatinginan sina Lee at Adri. Tumango sila nang masaya sa isa't isa. Ngumiti. Nag thumbs-up sa isa't isa.
Nagkatinginan sina Chan at Adri. Nag congrats si Adri. Kumindat si Chan.
MJ is also happy. Sisigaw pa siya ng "party-party na!"
BLACK.
LEE (V.O.)
We'll have the victory party this Friday night, prepare yourself for that moment.
FADE IN
INT. BAR - NIGHT
TEXT: 9 nights before b-day.
Nag-cheers ang lahat na pinapangunahan ni Chan. Nag-inom ang mga nasa paligid at nagsisigawan.
Lee will be there, drinking.
LEE (V.O.)
Get his attention, and have some quality time together.
Nakatingin si Lee kay Adri na tila kinakabahan sa kabilang dulo. Tumango si Lee, hudyat ng 'go' signal.
ADRI (V.O.)
Hindi kaya masyadong maraming tao? He'll be surrounded by people, left and right. I don't think we'll get our quality time together if I want to corner him.
Madilim ang paligid at maingay dahil sa music. May ilang flashes ng colored lights. People are dancing, talking, laughing, drinking, flirting.
Sumasayaw si Adri kasama si MJ. Nandito rin si Chan, mga katrabaho. Medyo magkalayo sina Chan at Adri kaya hindi naaaninag ni Adri.
She's looking for Chan kaso natatakpan ng mga katrabaho.
Instead of Chan, her eyes locked with Lee na nasa dancefloor din.
Nagkangitian sila.
Palapit si Lee nang um-enter si Claire, the girl na nilalandi ni Lee sa first episode.
Magugulat si Adri, pero hindi niya pinansin.
Nakita ni Lee na nawala atensyon ni Adri sa kanya.
Hinawakan ni Claire sa dibdib si Lee. Dahan-dahan na tinanggal ni Lee ang kamay ni Claire. Nag- "excuse" me. Gentlemanly para hindi redflag.
Nagsasayaw si Adri nang may kamay sa harap niya. Inalok ni Lee ang kamay kay Adri at nagsayaw sila together.
Lee is mouthing "you look pretty" habang si Adri naman, puro "ha?". Tumawa si Lee.
Lumapit ang bibig ni Lee sa tainga ni Adri.
LEE
The good thing about quality time . . . is you can have a moment with someone . . . even if the surroundings are busy.
ADRI
Paano? Ang ingay dito, oh!
Lee smiles.
They stare at each other.
SLOW MOTION:
Nag-slow motion ang lahat pwera sa kanilang dalawa.
Rinig pa rin naman pero nag-subdue rin ang music sa paligid. Mas rinig na ang boses nina Adri at Lee na nagbubulungan.
Hawak ni Lee ang baywang ni Adri.
LEE
If that someone wants you in their personal space, everything else will be irrelevant.
Nagkatinginan muna sila. Mabagal ang paligid. Tahimik.
Lumalapit sila sa isa't isa. May tension.
SFX: Dugdug. Dugdug.
SLOW MOTION ends here.
LEE
About the favor —
Ilang segundo lang, nagulat si Lee dahil halos yumakap si Adri sa kanya. Biglang nilapit ni Adri ang mukha kay Lee, saka bumulong:
ADRI
Ito ba . . . yong sinasabi mong moment?
Lee got taken aback, only to see kung saan nakatingin si Adri – kay Chan.
Nasa may booth ito, nakaupo mag-isa.
Naglayo sila saglit, like they are asking permission sa isa't isa. Kakawala si Adri gently but Lee catches her arm.
LEE
Wait–Sandoval!
His hand slides from her arm papunta sa kamay ni Adri. Adri holds Lee's hand, and squeezes it a bit.
Lee smiles, then turns into sa sad smile, as Adri walks towards Chan.
BAR - BOOTH - NIGHT
Susundan ng tingin ni Chan si Adri nang maupo ito sa tabi niya.
CHAN / ADRI
Having fun? / Tired?
They both agreed sa isa't isa.
Magkatitigan lang silang dalawa. Nagtaas ng kilay ang isa, magtataas ng kilay ang isa pa. Tila nag-uusap sila ng tinginan lang.
Binigyan ni Chan ng inumin si Adri. Nag-cheers sila.
Hanggang sa nanahimik na talaga.
FAST FORWARD:
Bibilis ang paligid pwera sa kanila. Kahit ang music ay naka-fast forward.
Nakatingin lang sila sa mga taong nagsasayaw habang umiinom. May mga nag-aaya sa kanilang kaopisina para magsayaw pero tumatanggi sila. Sinasabing pagod sila atm, gusto lang nila maupo muna.
Iba't ibang tao ang makikiupo sa kanila sa booth hanggang sa magkadikit na sila ng upo. Si Chan, nakasandal sa booth. Si Adri, naka-sit up straight.
Parehas silang umiinom.
Their hands are only inches apart. Gumagalaw ang daliri ni Chan. Nang mahawakan ang tip ng daliri ni Adri, he settles.
They are both silent while the music is blasting. Walang lumalapit, walang lumalayo. Like they have their own little bubble.
SFX: Dugdug. Dugdug.
FAST FORWARD ends here.
Mula sa pagtingin sa kawalan, tumingin si Chan kay Adri dahil gumalaw si Adri at nawala ang pagkakadikit ng tip ng daliri. He is about to say something, parang gusto niya kuhanin yong atensyon ni Adri, but he hesitated. He bites his lips, frustrated.
Ipapakita kung gaano nagsa-struggle si Chan. He wants to talk to Adri, pero may pumipigil sa kanyang invisible force.
Bumuntonghininga siya. Mula sa pagkakasandal sa booth, lumapit siya kay Adri when someone calls Adri sa phone.
It's Lee.
ADRI
Napatawag ka? Kanina lang tayo magkausap, ah.
(Beat)
Miss mo mukha mo.
(Beat)
Oo na, sige na, sige na.
(Beat)
Bye, Mejares.
Chan observes every movement of Adri. The way she laughs after patayin ang tawag. The way she smiles. Her eyes brightens pagkatapos kausapin si Lee.
Chan's breathing is heavy.
ADRI
Maglaro daw tayo ng beer pong?
Tumayo si Adri, pero hinawakan siya ni Chan sa kamay para pigilan.
CHAN
Wait, Adri—
It's as if silang dalawa lang ang nandito.
Chan's eyes, saying "please stay with me" pero hindi niya masabi.
May lalapit sana na katrabaho para batiin sila pero unti-unting lalayo kasi makakasira siya ng moment.
Balik kina Chan at Adri. Magkatinginan sila. Half nakatayo, half nakaupo si Adri.
Ang dating, may 2 choices si Adri – ang umupo o ang tumayo – pero mag-end ang episode nang nasa half-half.
Iikot ang camera sa kanila na nakatigil ang lahat.
Unti-unti . . .
FADE OUT TO:
End of Episode 8
"slow and fast"
series:
every after office hours
🍺☕
Chan?
Lee?
Thoughts?
:D
☕🍺
official hashtag:
#eaoh
#everyafterofficehours
✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top