S01E03: make yourself . . . pop!


FADE IN

INT. OFFICE - ADRI'S DESK - EVENING

TEXT: Still 30 nights before d-day. Magsa-slash ang d, magiging b para maging "b-day".

Same day sa last episode. Nag-uusap ang dalawa sa lesson nila.  Parehas silang nakatingin sa laptop habang nagso-scroll si Adri sa instagram. May pangilan-ngilan silang pictures together, pero palaging may other people. Walang photo na silang dalawa lang.


LEE
You two have been hiding in your excuse to settle — your "friendship" card.



Pagpindot sa IG ni Chan, puro madidilim na litrato ang mayroon. Walang photos ng mukha. May mga cryptic stuff din na malabong photos. Mayroong isang photo, makulay, office photos.

Kapag swinipe right, may photo doon ang mga ka-work nila. Sa dulo, si Adri, umiinom ng kape, nakatingin sa kawalan. May caption ito ng, "People in the office and their usual routine."


ADRI
We were friends since college, nasa iisang tropahan kami. We got closer a year before I worked here. Kasalanan ba yon?


Sa pinakadulo ng scroll, may photo ng inuman. Naka-black and white. Nandoon si Adri, at ilang college friends nila. Caption says, "Getting old with them."


INT. OFFICE CR - NOON

TEXT: 29 noon before d-day. Magsa-slash ang d, magiging b para maging "b-day".

Adri is putting on makeup sa harap ng salamin while voice over is playing ng boses nina Lee at Adri na nag-uusap.


LEE (V.O.)
Comfortability is stagnancy and that's the problem. While you two are being "comfy bffs", pinatay na ninyo ang desire na nag-aapoy para sa isa't isa.

ADRI (V.O.)
Kaya mag-aayos ako by lunch time?
(Natatawa)
Paaapuyin na ba nito ang "desires" namin?  Ang random.

LEE (V.O.)
We're all visual beings, Sandoval.
(Beat)
We react to pleasant surprises in our lives. Manager is not an exception to that.


Magkakaroon ng overall look shot for Adri habang tinatanggal ang messy bun niya. Umabot hanggang baywang ang buhok. Nakatanggal din ang jacket niyang nakapatong sa counter. She is now wearing a shirt na mas okay ang fit sa kanya.

Nag-one last look siya sa salamin. Her makeup ay pang fresh ng mukha, light lang.

Adri exits the CR after putting on her makeup.

Lee is leaning on the wall, waiting for Adri. They look at each other.

Lee smirks. He looks mesmerized for a bit.


LEE
Not bad. Thought you'd be a noob.

ADRI
Marunong ako mag-makeup, no. I just don't do it often sa work kasi . . .

LEE
You're too comfortable, naging stagnant ka na.

ADRI
Grabe, ha?
(Laughs)
Sorry na?


Lee smiles.


THE OFFICE LOBBY

MJ smiles when she sees Adri. Naghihintay sila sa elevator.

Lumagpas si Lee, sumama sa mga katrabahong nandoon din sa lobby. Sumilip pa nga ang ilan kay Adri. Mukhang nagbubulungan ang mga lalaki dahil kay Adri.

MJ sees it. Mas lalo siyang ngumiti.


MJ
Kaya pala ang tagal mo sa CR! Lumevel up ganda mo, girl!
(Whispers)
Ayan na siya.


Mula sa meeting area, lumabas si Chan, talking to someone. He's instructing this someone sa kung anong gagawin na report, ano ang ipapasa, and so on. Tila nagmamadali silang dalawa.

Pagkarating ni Chan sa lobby, mula sa pagmamadali, ay medyo nahinto ito at tumingin kay Adri.

Adri's heart beats.

She was anticipating something. Like what? She didn't know.

But Chan did not react differently. 

He just smiles like he used to at bumalik sa pakikipag-usap sa kausap. But deep down, mapapansing parang nabigla siya sa pagbabago ni Adri. What's new with her, what's happening? He sees her sa peripheral vision niya.

Hinila ni MJ si Adri palapit kay Chan kung saan nakatayo lang ito, naghihintay sa elevator.

Nang makalapit na si Adri, hindi nakatingin na hinawakan ni Chan ang ulo ni Adri, pero imbis na guluhin, ini-stay niya lang na gano'n. Hindi niya ginulo ang buhok ng kaibigan. He knows not to destroy her hairstyle now.

He taps her head lightly to greet her, medyo iwas ang tingin. Nagbukas ang elevator at nauna na siyang maglakad papasok. 

Sumunod ng tingin si Lee kay Chan.

Habang yong kausap ni Chan, pumasok din sa elavator, hinawakan ang sariling tuktok ng ulo, nagtatakang tumingin din kay Chan, tapos hinawakan din ang tuktok ng ulo ni Chan.

Pero hindi na ito nakita ni Adri dahil pumasok na rin sa loob ng elevator si Adri. Her back sa harap ni Chan. Nagkatingnan sila ni MJ, parang disappointed na ewan.

But MJ still greets Chan. Nakipag-usap siya kay Chan at sa katrabaho.

Nang si Lee na ang papasok, nagkatinginan sila ni Lee. Lee is asking for something, pero sumimangot lang si Adri. Pumikit. May kaunting shake ng head dahil sa disappointment.

Nilingon pa ni Lee si Adri. Ngumisi, pero halatang disappointed.

Kasabay ng pagtalikod ni Lee kay Adri, nagulat si Adri nang ipatong ni Chan ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat niya.

Pero hindi ito nagsalita o kung ano man, diretso sa pakikipag-usap kina MJ at katrabaho.


CUT TO:


INT. ADRI'S BEDROOM - MORNING

TEXT: 28 days before d-day. Magsa-slash ang d, magiging b para maging "b-day".

MIRROR MONTAGE while Adri is changing clothes. A voice-over of Lee and Adri talking.


LEE (V.O.)
If he didn't react to your face, let's make him react to your body.


 . . . Adri looking at herself, naka-floral dress. Napasimangot siya. Nagsuot siya ng boots. She smiles. 


TEXT: From 8, lilipat ng 7 para maging 27 days before b-day.

 . . . Adri, wearing her short shorts, checks herself but shakes her head after. Nagsuot siya ng jeans siya. Mas okay for her.


ADRI (V.O.)
Ayoko ng kabastos bastos, ha.


TEXT: From 8, lilipat ng 7 para maging 27 days before b-day.

 . . . Adri, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nasa harap niya. Parehas na sleeveless ang dalawang ito. May malaking graphics sa harap.


LEE (V.O.)
It's your wardrobe, Sandoval. Choose any clothes you want to wear. Your only job is to make it pop.


TEXT: From 7, lilipat ng 6 para maging 26 days before b-day.

 . . . Adri, wearing a neon orange shirt. She laughs at herself sa mirror. Nilagyan niya ng black jacket. Napapaisip siya, is this better?


ADRI
How the fuck do I make it pop?


Lee's laugh sa V.O.


TEXT: From 6, lilipat ng 5 para maging 25 days before b-day.

 . . . Adri is in a white flowing dress, looks feminine. Pero hindi niya hinayaan na ganito lang. She wears her boots, and then leather jacket. Nagtirintas din siya ng buhok. Then, nag-jacket din siya.


LEE (V.O.)
Wear your clothes as part of your life statement. Confidently.


She smiles at herself sa salamin.


CUT TO:

INT. OFFICE HALLWAY - MORNING

Adri, in makeup, walks sa hallway ng office papunta sa workstation niya. Habang naglalakad, paiba iba ang damit niya, mula sa simple, papunta sa ma-fasion ang datingan. MONTAGE ito na tila ba nagmo-model siya ng iba't ibang outfit. Mga apat.

 TEXT: From 25 days before b-day, lilipat ng 24, 23, 22, 21 ang number sa bawat change outfit ni Adri habang naglalakad.

Mag-end ang montage with Adri wearing black loose long sleeves, unbuttoned sa first 2, naka-tuckin sa black loose jeans, na naka-insert ang dulo ng jeans sa military boots.

Papunta siya sa desk niya, Lee sitting on MJ's office chair, katabi ng pwesto niya. 

He is smiling while checking her out.

Pagkaupo ni Adri sa office chair niya, Lee smiles.


LEE
Getting a lot of looks, are we?

ADRI
Mukha lang akong confident pero namamatay na ako sa hiya.

LEE
Don't die yet.
(Beat)
The most important pair of eyes is looking again.


Lee stands up. Tumango ito kay Chan na papalapit sa kanila, bago umalis. 

Sinundan ni Chan ng tingin si Lee na para bang kinikilatis ang bawat kilos bago umupo sa tabi ni Adri. 


CHAN
Wala pa rin si MJ?

ADRI
Gulat ka pa ba?
(Beat)
May date yata yon kagabi, baka puyat.


Nagtawanan sila saglit. Adri fixes some stuff on her desk. Pinaglalaruan naman ni Chan ang ilang mga gamit sa desk ni MJ when he looked at Adri from head to toe. Hindi nakatingin si Adri dahil sa inaayos nitong gamit.

Chan smiles to himself before he calls Adri's attention.


CHAN
Ikaw rin, baka mapuyat ka mamaya. May work pa bukas.

ADRI
Mapupuyat saan? Kaka-Facebook?

CHAN
From your date mamaya?

ADRI
Date ka d'yan.

CHAN
You don't seem sleepy. You're dressed up again.
(Beat)
You must be meeting Rhino later?

ADRI
Luh, yan ka na naman. Tagal na naming wala, halos 10 years na rin. Need mo na mag move on, koya.


Chan laughs.


CHAN
Baka nga.
(Beat)
What's with Mejares sitting on MJ's chair, by the way? Lagi kayong nag-uusap nitong nakaraan.


He is nonchalant. Tinitingnan at pinaglalaruan ang ilang mga gamit ni MJ sa desk.


ADRI
Si Lee?
(Beat)
Bakit, selos ka?


Nanunukso si Adri, trying to be more assertive. Kumukuha lang naman ng kaunting hint.

But Chan looks at her with a weird look, taken aback a bit. Natauhan yata si Chan and smirks, then laughs. Tumayo siya at tumango sa nasa likod ni Adri, greeting MJ.

Nasa may likod siya ni Adri when he said:


CHAN
Gusto mo ba?


Chan taps Adri's head before makalayo.


ADRI
Ha, ano? Hoy!
(Whispers to herself)
Gago, paasa?


Kakarating lang ni MJ. She rolls her chair papunta kay Adri habang sinisilip pa si Chan na papalayo.


MJ
What did I miss? Anyare!
(Beat)
Inaya ka na ba makipag-date?


Adri shakes her head.

Sa hindi kalayuan, makikita si Lee na nakataas ang kilay. He was waiting for Adri's update. Prente siyang nakaupo habang nakatingin kay Adri.

He types on his computer.

Chat bubble: Update?

Nilingon ni Adi si Lee. Nag thumbs down si Adri.

This made Lee frown, thinking while looking at Chan's back na busy sa pakikipag-usap ng ibang tao.


EXT. LABAS NG COFFEE SHOP - AFTERNOON

TEXT: 16 noons before d-day. Magsa-slash ang d, magiging b para maging "b-day".

Adri looks at the cafe. She looks at her phone again. Ito nga yong lugar.


LEE (V.O.)
Your guy is tough, Sandoval.

ADRI (V.O.)
Maybe we should sto—

LEE (V.O.)
No. I have another plan.


Adri enters the coffee shop. She scans the surroundings. Servers greet her, asked for table for 1? Umiling siya, says may kasama siya.


ADRI (V.O.)
Ano? Sasamahan mo ako sa ukay para bumili ng mga damit? Ubos na wardrobe ko.

LEE (V.O.)
(Laughs)
Let's try expanding yourself a bit.


Adri then sees a guy sa dulo ng cafe.

The camera focuses on Adri.


ADRI
Hi, ikaw ba si . . .


The unknown guy stands up, his back blocking the camera. 

CUT TO:


INT. ROOFTOP BAR - COUNTER - EVENING

TEXT: From 16 noons before b-day, lilipat ang 16 to 17, 18, 19 at hihinto sa 20. Ang noons ay magiging nights para maging 20 nights before b-day.

Naglalakad sila papunta sa counter.


ADRI
Expand how?


Lee smirks at Adri. Pinaupo niya si Adri sa stool sa may counter. Imbis na maupo rin, kinorner niya si Adri, ang dalawang kamay ay nakapatong sa counter, halos dumadaplis ang braso niya sa baywang ni Adri.

Lumapit siya kay Adri, bumulong.

Naaamoy na ni Adri ang pabango ni Lee. Tumingin lang siya sa labi ng kausap habang nagsasalita ito.


LEE
By dating other guys.


Nagtaas si Lee ng kamay, tinatawag ang barista.


CUT TO:


End of Episode 3
"make yourself . . . pop!"

series:
every after office hours


☕🍺


Chan?

Lee?

Thoughts?
:D


🍺☕


official hashtag:
#eaoh
#everyafterofficehours


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance