✨ hi, you ✨




thank you for reading the story of adri's choice.

kaninong ending ang binasa mo? :)


🍺


lee's ending ended my 2023.

chan's ending started my 2024.

the end.




shet.

(!!!)



ang sarap talaga makita na nasulat ko ang salitang 'the end' after writing a new story ulit?! na hindi na lang ito basta epistolary o multimedia. that these are words, narrating and describing the story and characters. na hindi nila kailangan mag-social media o mag-phone para mapakita ang story?!

(pero basahin n'yo pa rin #YChronicles sa reading list ko;
a series of epistolary, collaboration with nayin and mitch mehe)

anyway.




can i ask a few questions?

bakit mo sinimulang basahin ang kwentong ito?

kumusta ang journey sa pagbabasa ng every after office hours? 

anong thoughts mo after reading the whole thing?

may nakuha ka bang lesson or perspective or realization?




i hope you enjoyed adri's journey!

if not, sad.
but izokey xD

salamat pa rin sa energy at oras na inilaan n'yo para rito. :)




bilang ganti haha, here are some behind the scenes sa pagsusulat ng kwentong ito:

✨ this was supposed to be a kumuserye. kung naaalala n'yo ang existence ng "type kita" app (may it rest in peace), pwede ka magsulat ng "choose your own adventure" story. as someone na gustong pinapahirapan ang sarili, the first story i posted there is a lowkey choose your own "next chapter".

natuwa yata ang boss ng kumu sa ginawa ko and they wanted me to write a kumuserye (as in with actors, scenes, etc) na parang tiktok shorts. na-excite ako rito kasi omg, magsusulat ako ng story tapos babayaran ako?! wowers!

kaso, hindi na nila ako nabalikan. matagal nalimliman ang first draft ng story na to. at dahil ito ang first story na sinulat at natapos ko this year, my instinct is to share it to you.

kaya, hi. thank you ulit sa pagbasa ng story :D

✨ 10 episodes ang gusto nila; every episode should be 1-minute long for tiktok consumption. akala ko, madali. pero fuck. hindi pala! dahil galing ako sa long form prose novel, nahihirapan ako isiksik sa '1 minute' ang isang episode kasi ang dami kong gustong ilagay. i wanted the story to make sense at hindi lang basta 'deal to landi' ang dating.

kaya yong mga chapter, maikli pero struggle siya mapaikli omg?! pinilit at sinubukan ko, pramis. haha.

itong nasa wattpad, rewritten version na. dahil wala nang sobrang restriction, mej hinayaan ko na lang humaba at maging sakto yong bawat episode.

nilagay ko ang existence ni mj para magkaroon ng usad ang kwento. noong una ko itong naisip, adri - lee - chan lang ang character ko. kasi sila ang importante at 1 minute lang per episode ang need. ang kaso, naisip ko rin na ang weird ng setup. yong bigla ka na lang manghihingi ng tulong sa ka-officemate mo paano lumandi? parang mej red flag ish?

kaya ayan, nilagay ko si mj. para maging kunsensya, taga tanong ng mga detalye, taga bigay ng opinyon. kumbaga, si mj yong level headed pero siya rin ung kunsintidora. 

kasi ang tanong talaga, "bakit ka magpapaturo sa iba, di ba?" kaya ayan. kasi friendship dare. and minsan, we need the extra push para gumawa ng bagay na matagal na nating gusto gawin.

dapat ang kapalit sa deal nina adri at lee ay si mj. naisip ko na trip ni lee si mj. actually, hindi naman kailangan maging bridge si adri kasi kaya naman ni lee dumiretso kay mj. tapos sa episode na hindi si lee ang end game, mapupunta siya kay mj. or magkakaroon sila ng "tag team" beginning. 

kaso, naisip ko rin na kapag ginawa ko 'yon, lee won't feel so genuine kapag nagkagusto siya kay adri kasi akala ko ba kay mj ka, bat biglang adri?

actually, pwede naman to.

kaso pucha, 1 minute episode nga lang. bakit ba kino-complicate ko yong kwento??!! (sorry na huhu kaya sinimplehan ko na lang). xD

✨ nasa beta readers pa lang, marami na ang pumili kay lee. dito ko na-realize na karamihan talaga sa mga tao (babae?) ay ayaw ng mixed signals. kung ayaw mo sabihin at pinapaasa mo lang ako, ayoko na rin (chan). doon na lang ako sa mas straight to the point at alam ang gusto (lee).

either guy is okay. kasi, chan is the comfort. kaso nasobrahan sa comfort, na-stuck na. lee naman is the motion, kaso pwedeng okay siya ngayon, pero paano sa susunod?

mas matagal ang relationship ni chan, si lee naman ay nasa umpisa pa lang.

and i think nasa tao na rin kung ano yong bet natin. if gusto natin ng comfort pero stuck or motion pero mej unstable pa.

hindi na-beta read ang endings. well, yong version na ito -- which is sobrang laki ng in-expand from the first version (both endings ay 4k words na dati ay 1k lang). dahil nga 1 minute episode lang dapat, ang ending lang sana ay yong rejection (ng either guy) + aftermath (relationship ng pumili).

dito sa wattpad, nilagyan ko ng scenes before the rejection and aftermath scenes. para mas makita ang dynamics nila. para ipakita consequences ng actions.

ngayon, sa version na ito, pumili si adri ng unang re-reply-an niya. kaya nagkaroon ng pagbabago sa choices din ng mga lalaki ayon sa kung sino talaga sila at ano ang relasyon nila kay adri.

napansin ko sa comments, people liked lee's ending, pero kapag binasa ang kay chan, mas bet nila yong kay chan. understandable ito. kaya ang key dito is wag basahin both xD dahil mahirap talaga ang what if lalo na kung alam natin yong pwedeng mangyari sa what if.

may kirot at mixed emotions talaga both endings. dahil rejection ito ng ibang tao at ng sarili para sa gusto natin. dahil pag let go ito ng nakasanayan o ng nararamdaman. dahil after ng rejection, may pagbabago. may magbabago. 

naisip ko kasi, kung hindi ko lalagyan ng emosyon, baka mag-fall short. dahil throughout the story, may feelings na si adri kay chan. then, gradually kumakalabit si lee sa gilid, tho not so forceful (dahil ayoko rin sana siya maging soaper redflag xD).

iniiwasan kong mag-cheat for a happy ending talaga. altho, feeling ko, both are a happy one. bittersweet lang dahil we both want the guy and the relationship.

Ayaw nating may nasasaktan. Huhu.

sobrang thankful ako na script style ang pagkakasulat nito. yong narration at description lang at walang 'writing voice' na kailangan isipin. naisip ko kasi, ang goal ng script ay ma-imagine ng reader yong nangyayari na para bang may movie sa paningin niya.

hindi para maging maganda ang writing style.

and i needed that freedom. gusto ko yong binigay sa akin ng script style para i-push forward ang kwento without thinking "kaboses ba nito ung character?" "maayos ba ang pov na nasulat ko?" "oks ba ang usage ng words ko?"

nakaalis ako sa kahon ng "maayos na pagsusulat" at napunta ako sa "ikwento mo lang yong kwento." kasi dito sa every after office hours, all i did is to push forward the narrative.

and make the character shine on their own.

sana nagawa ko xD

nag-attempt ako na maayos ang steps ni lee para ma-seduce si chan. nung una kasi, naisip ko lang na maglalandian si lee at adri, pero na-realize ko: parang okay din na hindi lang sa "landi" iikot ang kwento. parang ang cute kapag steps talaga siya to understand ourself, guys, and dating.

kasi tbh, ang tanging way lang naman is to tell your feelings, e.

pero in order to do that, kailangan munang mayanig ang pagkatao at nakasanayan. magkaroon ng gulo. maalog. para ma-realize talaga yong dapat gawin umpisa pa lang. na kung nagsalita lang ang isa, eh di sana, wala nang patagalan pa.

ito rin sana yong gusto ko mangyari for the kumuserye.

na oo, enjoyable siya. loud story siya. makulit. magulo. pero dahil ang goal ng kumuserye ay maging "viral" ang story, i wanted to put some message out there.

na hopefully, makatulong din sa audience.

EXTRA BONUS: wala akong maisip na name noon for the guys at ang go-to ko talaga ay related sa stray kids.

chan is bang chan. hehe.

lee, ay dating felix.

kaso na-realize ko na felix pala name ni art (sa afgitmolfm) kaya pinalitan ko. ang weird for pinoy ang "yongbok" haha kaya lee na lang. pwede ring lee know kaso napunta ako agad sa aussie line nung nagyo-yolo ako ng name. mehe.



salamat ulit for celebrating with me.

i owe you this journey.

sa ibang mga kwento ulit? ;)




wattpad: pilosopotasya
some links: plsptsya.carrd.co
visit my thoughts: instagram.com/screenshots.ni.rayne
author stuff: facebook.com/plsptsya


☕🍺

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance