6. Eliora
.·:*¨༺ ༻¨*:·.
ELIORA
I KNEW SOMETHING was troubling Annalyn, but I didn't anticipate it to be so serious that she wouldn't be able to see me for over a week. It wasn't unusual for Annalyn to visit me and unleash her anger on me. Because the king and queen would make Annalyn upset almost every day, she would come to me and cry, and I would console her. And when she comes to see me the following night, we'll talk as if she hadn't poured her eyes out the night before. And that became part of our daily routine.
So, when she sobbed to me after her royal engagement party over a week ago, I assumed she'd come visit me the following night as if nothing had happened. But I was wrong. Definitely, I am wrong!
And something didn't seem right. She hasn't seen me in over a week! Annalyn would never do that no matter how upset she must be. And I couldn't help myself from being worried about her. Worse, I couldn't even go and see her since all I could do was sit in my dreary bedroom and wait for her to come.
My heart starts pounding when my bedroom door abruptly opened. I instantly shifted my attention to the door.
"Eliora anak," said Manang Imelda. Despite my disappointment, I smiled at her.
"May kailangan po kayo Nay?" tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka nilapitan si Manang Imelda.
Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa paraan nang pagtitig ni Manang Imelda sa'kin ngayon. Parang hindi siya mapalagay at tila ba may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya magawang sabihin. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Nay?"
"Eliora..." bumuntong hininga nang malalim si Manang Imelda habang ako naman ay halos hindi na makahinga dahil sa kaba.
"Nay pa-suspense pa kayo. Mas lalo akong kinakabahan sainyo, e!" pagbibiro ko, pero ni hindi nagbago ang lungkot sa mga mata ni Manang. Kaya mas lalo lang akong nakasiguro na hindi maganda ang sasabihin ni Manang sa'kin.
Umalis si Manang Imelda kaninang umaga para mamili sa bayan ng mga pagkain at humingi ako ng pabor sakaniya kung maari ba siyang magtanong tanong kung kamusta na si Annalyn. At base sa reaksiyon at ikinikilos ni Manang Imelda ngayon, alam kong hindi maganda ang nabalitaan niya.
Agad nanlambot ang tuhod ko. Mabuti nalang at agad akong nahawakan ni Manang Imelda sa braso para hindi ako mapaupo.
"Ano pong nangyari kay Annalyn?" nanginginig na tanong ko pagkatapos akong iupo ni Manang Imelda sa paanan ng kama ko. Hindi niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya ramdam ko ang panginginig at lamig ng mga kamay niya.
"Nawawala ang kapatid mo,"
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ni Manang Imelda. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, kusang tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakatitig ako kay Manang Imelda na kagaya ko ay umiiyak din.
"P-paano..."
"Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Nakausap ko lang ang isang matalik kong kaibigan nang dumalaw ako sa royal castle kanina para mangamusta at makibalita tungkol sa kapatid mo, at doon niya sinabi sa'kin ang tungkol kay Princess Annalyn." marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Wala pang nakakaalam tungkol dito dahil ang sabi ni Cecil sa'kin kanina ay aksidente lang niyang narinig si King Phelan at Queen Guinevere na nag-uusap. At doon niya narinig ang tungkol dito."
Parang masamang hangin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mang Imelda dahil bawat segundo ay mas lalong naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako nang hininga sa mga naririnig ko.
"Nangako kami ni Cecil sa isa't isa na wala kaming ibang pagsasabihan ng tungkol dito kaya sigurado akong walang ibang nakakaalam nito bukod sa'ming dalawa." dagdag pa ni Manang Imelda.
Isang tao lang ang unang pumasok sa isipan ko. Si Olwen. Kailangan ko siyang hanapin at kausapin. Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng umiyak nalang ako rito at magmukmok sa kwarto habang nawawala ang kapatid ko. Kailangan ko siyang hanapin. May mga krimeng nangyayari sa bayan namin pero puro pagnanakaw lang at wala ni isang nababalita tungkol sa pagdakip sa isang prinsesa o prinsipe. At imposibleng may dumakip kay Annalyn dahil sigurado akong bantay sarado siya ng mga guwardya niya.
Maliban nalang kung siya mismo ang umalis at tumakas...
"Sometimes I envy that you're hidden here in the tower, away from the Alcadians and the castle. I envy that you don't have to follow a lot of rules and you can live the way you want to live."
Agad akong napatayo nang maalala ko ang mga huling salita sa'kin ni Annalyn. I might be right; I might be wrong. But I have to do something. I must do something. I have to look and find Annalyn. No matter what!
"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Manang Imelda. Agad kong kinuha 'yong itim na hoodie ko at isinuot 'yon pagkatapos kong itali ang buhok ko para nakatago ito. Isinuot ko rin ang itim na mask ko para takpan ang kalahati ng mukha ko.
"Eliora,"
"Patawad po, pero kailangan kong hanapin si Annalyn. Hindi po pu-puwedeng wala akong gawin habang nawawala ang kapatid ko."
"Magagalit sa'yo si King Phelan—" Agad kong niyakap si Manang Imelda. May tumulong luha ulit mula sa mata ko at agad ko itong pinunasan.
"Kailangan ko na pong umalis nay." hinalikan ko nang marahan ang gilid ng ulo ni Manang Imelda bago ako patakbong umalis.
Wala akong kaplano-plano. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimulang pumunta. Ni hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Olwen. Pero isa lang ang malinaw sa isipan ko ngayon, at 'yon ay hanapin si Annalyn.
###
Pagtapak ko sa labas ay para akong mabubulag sa liwanag ng araw. Ngayon ko lang napagtanto na ilang araw na pala akong nakakulong lang sa kwarto ko simula nang hindi na dumadalaw si Annalyn.
Sigurado akong makakarating ang pagtakas ko mula sa tower sa mga magulang ko dahil sa guwardyang nagbabantay sa tower, pero wala na akong pakialam. Magalit na sila sa'kin pero ang priority ko ngayon ay mahanap si Annalyn.
Ni wala akong kaalam-alam sa mga lugar dito, o sa labas ng Alcadia, pero tsaka ko na poproblemahin 'yon. Kailangan ko munang hanapin si Olwen, baka sakaling may ideya siya kung saan pwedeng pumunta si Annalyn.
May ibang tao ang napapatingin sa'kin dahil sa ayos ko. May nakirta rin akong nagbubulungan. Bukod tanging mata ko lang ang nakikita nila at ramdam ko ang pagtitig nila sa'kin habang naglalakad ako. Nagtataka siguro sila kung bakit may mask akong suot.
Nakayuko lang ako hanggang sa makarating ako sa secret passage papasok sa royal castle pero agad din akong natigilan sa paglalakad nang makita kong may mga guard na nakabantay hindi kalayuan sa pwesto ko.
"Ilang minuto pa ba bago matapos ang pagbabantay natin rito? Nagugutom na ako," rinig kong sabi ng isang guard. Binatukan naman siya ng kasama niya.
"Napakatakaw mo! Tiisin mo 'yang gutom mo kung ayaw mong mapagalitan ni Queen Guinevere."
"Anong magagawa ko kung nagugutom na ako? Ni hindi ako nakapag-almusal kaninang umaga,"
"Kung gusto mong umalis at kumain, bahala ka. H'wag mo na akong idamay pa," naiiling na sagot ng isa. Akala ko aalis na 'yong isang guardyang nagugutom, pero hindi, at wala siyang nagawa kung hindi bumuntong hininga habang hinihimas ang tiyan dahil sa gutom.
Kailangan kong umisip ng paraan para umalis 'tong dalawa para makadaan ako papasok sa castle. Masyado pang maliwanag para takasan sila, siguradong mahuhuli ako kapag tinakbuhan ko sila dahil maraming nag-iikot at bantay na guwardya ngayong umaga kumpara t'wing gabi.
"Magandang hapon po Prince Nolan Edmund!" When I heard what the guards were saying, I automatically hid myself from the bushes. My heart is pounding so hard just hearing the prince's name! Why is he always in here every time I'm sneaking inside the castle!
Pasimple akong sumilip mula sa pwesto ko. Sobrang laking pasasalamat ko dahil may malalaking talahib dito dahil kung hindi ay baka nahuli na ako!
"Kamusta po ang araw ninyo? Kararating niyo lang ho ba?" sabi ng isang guwardya – 'yung hindi gutom.
"Mabuti naman. Kamusta kayong dalawa? Kanina pa ba kayo nagbabantay rito? Kumain na ba kayo?" nakangiting tanong ni Prince Nolan sa dalawa, na agad namang nagkatinginan. Kitang-kita ko ang paglunok noong isang guwardya na kanina pa nagugutom. Muntik na akong matawa dahil sa reaksyon noong gutom na guwardya kaya itinakip ko 'yung kamay ko sa bibig ko.
"Hindi naman—"
"Opo gutom na po!" Alam kong hindi ito ang tamang oras para tumawa pero hindi ko maiwasang hindi mapahagikhik dahil sa sinagot noong gutom na guwardya. Agad siyang sinamaan ng tingin ng isang kasama niya at may ibinulong rito.
"Halina't samahan niyo akong magtanghalian."
"Hindi na po. Salamat po sa alok ninyo pero mamaya pa po matatapos ang oras nang pagbabantay namin dito. At saka magagalit po si Queen Guinevere kapag nalaman niyang umalis kami sa pagbabantay." I bit my lower lip to stop myself from laughing again when I saw the sad face of the starving guard.
"Ako na ang bahala magpaliwanag kay Queen Guinevere. Tara na't saluhan niyo ako sa pagkain."
"Pero—" kokontra pa sana ulit 'yong isang guwardya pero agad siyang siniko nung nagugutom na guwardya kaya natawa na naman ako.
"Tara na kasi. Wag ka nang kumontra diyan!"
Nakahinga ako nang maluwag nang sumunod 'yong dalawang guwardya kay Prince Nolan para kumain. Minsan may mabuti rin palang nadudulot 'tong si Prince Nolan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong tumakas papunta sa headquarters kung saan naninirahan ang mga tagasilbi sa royal castle. Alam kong dito na nakatira ang buong pamilya ni Olwen dahil isang driver at kasambahay ang magulang niya.
Mabuti nalang at walang masyadong guwardya dito hindi kagaya sa labas, o baka naman niyaya rin sila ni Prince Nolan para kumain. Mas ayos 'yon kung ganon para mas malaya kong mahahanap si Olwen.
Kumatok ako sa unang bahay na nakita ko pero walang sumasagot. Ganon din ang ginawa ko sa mga sumunod pang bahay pero wala ring sumagot. Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa dulo at huling bahay. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at hinihiling na sana may tao dito. At nabuhayan ako nang may marinig akong nagsalita pagkatapos kong kumatok.
"Nay, Tay bakit ang aga—" natigilan 'yong batang lalaki nang makitang hindi ako ang nanay at tatay niya.
"Sino ho kayo? Ano pong kailangan ninyo?" kunot noong tanong niya pero hindi ako makapagsalita. Para akong naestatwa. Ngayon lang may ibang taong kumausap sa'kin maliban kila Manang Imelda. Para akong napipe at tila hindi ko maibuka ang bibig ko.
"Naliligaw po ba kayo? Kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ulit noong bata.
"Sila nanay at tatay na ba 'yan?" Narinig ko ang isa pang lalaki na nagsalita mula sa loob ng bahay nila. Mas lalo akong kinabahan, pero hindi ko pa rin maibuka 'yong bibig ko. Tatalikod na sana ako paalis pero agad akong natigilan dahil sa sinabi noong batang lalaki.
"Kuya Olwen lika nga dito. Ikaw na ang kumausap dito!" sigaw noong batang lalaki na parang naiinis dahil hindi ako nagsasalita. At ilang segundo pa at nakita ko ang lalaki na naglakad papalapit sa'min.
So, this is Olwen...
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top