4. Nolan
.·:*¨༺ ༻¨*:·.
NOLAN
MY ROYAL ENGAGEMENT celebration will begin in a few minutes, but I have yet to see Princess Annalyn. Normally, I'd be concerned since my soon-to-be wife is nowhere to be found, but oddly, I'm calm and not in any need of panicking.
Maybe because I'm not really excited on this wedding.
Nasa second floor veranda ako at tanaw ko mula sa aking puwesto ang lahat ng Alcadian na imbitado para sa magaganap na royal engagement party. Matanda man o bata ay nandito lahat. Sobrang daming tao ang gustong masaksihan ang magaganap mamaya. Papaano pa sa mismong kasal namin? Sigurado akong hindi lang doble, baka nga triple pa nito ang dadalo dahil sigurado akong marami rin ang dadayo mula sa bayan kong Glandier para masaksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Princess Annalyn.
"Prince Nolan," Somebody tapped my shoulder. I immediately looked over my shoulder. I smiled when I see Manong Osca. He's one of the drivers for the queen and king of Alcadia. Siya rin ang palaging sumusundo sa'kin mula sa Glandier kapag pumupunta ako rito sa Alcadia. Mayroon naman kaming driver, pero palagi pa rin ipinipilit ni Queen Guinevere na ipasundo ako.
"Ipinapatawag po kayo ni Queen Guinevere."
"Bakit daw po?"
"Magsisimula na raw po ang seremonyas at kailangan niyo nang bumaba para samahan si Princess Annalyn." sagot ni Manong Osca.
Tipid akong ngumiti. "Sige po, salamat. Bababa na rin po ako,"
"Congratulations po ulit sainyong magaganap na kasal," inabot ni Manong Osca ang kamay ko at marahan itong pinisil habang nakangiti nang malawak. "Sinisigurado ko ho sainyo na hinding-hindi kayo magsisisi na si Princess Annalyn ang pakakasalan ninyo dahil sobrang bait at masunuring anak niya. Sobrang matulungin din niya saaming mga Alcadians."
"Maraming salamat po," sagot ko at tipid na ngumiti pabalik.
Bumaba na rin kami ni Manong Osca pagkatapos nang pag-uusap namin dahil sigurado akong naghihintay na si Queen Guinevere at Princess Annalyn sa pagdating ko.
The music becomes louder as I approach the outside. I could also hear the Alcadians cheering from the outside. They all seemed to be delighted and thrilled about our wedding. Because this isn't just for me and Annalyn, or for the Queen and Kings of Alcadia and Glandier, but for the people of our towns as well.
Our wedding represents not just the unification of our communities, but also the fact that we will always be comrades.
If one town falls, the other town will come to its aid.
"Prince Nolan, we've been waiting for you." Queen Guinevere uttered as soon as she laid eyes on me. Although she is smiling, the expression in her eyes implies something different. She seems upset because I'm late.
"Paumanhin po, Queen Guinevere." paghingi ko nang tawad bago ako nagbigay galang sakaniya. Tipid lang niya akong nginitian bago lumipat 'yong tingin ko kay Princess Annalyn na tahimik lang na nakatayo sa tabi niya habang nakayuko ang ulo nito.
"Go ahead you two. Kanina pa naghihintay ang buong Alcadians sainyo." utos ni Queen Guinevere.
"Princess Annalyn," I said, offering my hand to her. "Shall we?"
Slowly, Princess Annalyn looked up and met my gaze. Hindi ko maipaliwanag pero may kung anong kakaiba sa mukha niya. Noong huling beses na magkita kami ay hindi naman siya ganito... kalungkot. Kahit noong unang beses kaming magkita at magkakilala, alam kong hindi rin siya masaya sa magaganap na kasal namin, pero hindi naman niya ito pinapakita sa'kin.
She merely nodded and smiled before taking my hand. I even overheard the Queen mutter, "Smile, Annalyn,"before we eventually made it outside to welcome the Alcadians.
Pansin ko ang panginginig ng kamay ni Princess Annalyn habang naglalakad kami palabas. Hindi ko maiwasang mag-alala. Sobrang putla ng mukha niya at mukha rin siyang matamlay.
"Ayos ka lang ba, Princess Annalyn?"
"Ayos lang ako." sagot niya.
"Pero namumutla ka,"
Hinarap niya ako at nginitian. "H'wag kang mag-alala Prince Nolan at sisiguraduhin kong hindi masisira ang royal engagement party natin. I'll make certain that everything goes smoothly and perfectly till the end of the celebration."
"But—"
"You don't want to disappoint your parents, am I right?" she cuts me off. I nodded my head intuitively. Siyempre, gusto ko ring maging maayos lahat. Hindi lang pangalan ko ang nakasalalay dito kung hindi pati na rin ang buong pamilya at angkan ko, pati na rin ang buong Glandier.
"Then just keep your head up and smile at every Alcadian."
I did what Princess Annalyn had said, anxiously. I shifted my gaze on each and every one of them and smiled at them before my eyes found my parents sitting beside King Phelan and Queen Guinevere. They're all looking at us proudly with a smile on their faces.
##
Halos mapunit ang labi ko sa kangingiti sa bawat taong lumalapit sa'min pagkatapos ianunsyo kanina ang magiging kasal namin ni Princess Annalyn. Maya't maya may nakikipagkamay at masayang bumabati sa'min. Marami ring ipinakilala sa'kin, pero sa totoo lang ay wala akong natandaang pangalan ni isa sakanila. Dala na rin siguro nang pagod.
Nang magsimula nang magsayawan ang mga tao pagkatapos kumain ay agad kong hinawakan sa kamay si Princess Annalyn para ayaing umalis. Kanina pa siya tahimik at halos hindi rin niya ginalaw ang kaniyang pagkain, pero kapag may lumapit sa'min ay agad siyang ngingiti na para bang wala itong pinoproblema.
I've observed that she's already mastered the art of faking a smile when someone approaches her. She knows exactly how to hide her despair with a smile. And I'm not sure if I should be impressed or concerned about her.
"Saan tayo pupunta? Baka hanapin nila tayo," Hinila niya pabalik ang kaniyang kamay bago sumulyap sa lamesa kung nasaan ang mga magulang namin. Kitang-kita ko ang takot sakaniyang mata kaya hindi ko maiwasang hindi mapakunot dahil sa naging reaksyon niya.
"Sandali lang tayo. Hindi rin nila mamamalayan na umalis tayo dahil masiyado silang abala sa pagkain at pag-uusap." Bumuntong hininga ako bago siya nginitian. "Pangako at babalik din tayo kaagad,"
I offered my hand to her once more. She let out a sigh before hesitantly taking my hand and letting me lead her away. I brought the Princess to the highest point of the castle, where we could see everyone dancing freely and joyfully below us.
Dahil wala akong magawa kanina habang abala ang lahat sa pag-aayos ng party namin kaya naisipan kong ikutin at kabisaduhin ang buong kastilyo. Pero sa sobrang laki nito ay kahit maghapon kong ikutin ito ay hindi ko magagawang kabisaduhin ang bawat silid. Hanggang sa narating ko itong tuktok kung saan tanaw na tanaw ko ang buong bayan ng Alcadia.
It's almost winter season that's why the wind is chilly specially we were at the top of the castle.
"Are you really okay Princess Annalyn?" I asked, again. She's leaning against the stone railings while staring at nothingness. She's looking far away as if trying to search for something, for someone. I took off my jacket before approaching her and placing it over her shoulder. She seems cold.
"Salamat." sabi niya.
Tumayo ako sa tabi niya habang nakamasid din sa kawalan. Gusto ko man siyang tanungin pero hind ko magawa dahil ayaw kong manghimasok lalo pa't halatang ayaw niyang sabihin sa'kin kung ano man ang bumabagabag sakaniya.
Hindi siya sumagot kaya hindi na ako nagtanong pa ulit dahil baka mainis lang siya sa'kin. Ilang minuto kaming binalot nang katahimikan.
"May kapatid ka ba?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.
"Oo. Mayroon akong nakatatandang kapatid na babae." sagot ko.
"Malapit ba kayo sa isa't isa?"
"Dati noong mga bata pa kami. Pero simula nang ikasal siya ay hindi na kami madalas nagkakasama dahil sa Walburg na siya nakatira kasama ang asawa niya."
"Ahh," Ang tanging sagot ni Princess Annalyn. My forehead slightly furrowed at her sudden questions. And before I could stop myself from asking, words had already come out of my mouth.
"May kapatid ka rin ba Princess Annalyn?" Tanong ko. Wala pa silang ipinapakilala sa'kin na kapatid niya, pero gusto ko lang makasigurado dahil baka kagaya ko ay may kapatid siyang ikinasal na kaya hindi na nila kasama rito.
Her eyes were drawn to mine right away. She's suddenly gazing at me, as if I've asked her a life-or-death question. After a few seconds, I was ready to apologize since I assumed she wasn't going to respond when she replied.
"Wala."
I was baffled by her expression. Her dark brown eyes were wet with tears, as if she were ready to cry. She looks like she's about to break down. She looks like she is in a lot of pain.
Agad siyang nag-iwas nang tingin nang mapansin niya ang pag-aalala sa mukha ko. Gusto ko mang itanong kung ano bang problema niya dahil baka makatulong ako ay hindi ko magawa.
"Balik na tayo. Baka hinahanap na nila tayo." Nagsimula nang maglakad paalis si Princess Annalyn nang hawakan ko siya sa kamay. Kung nandito si Queen Guinevere at nakikita niya kung paano ako umakto sa harap nang anak niya ay baka sinamaan na niya ako nang tingin. Napalunok ako bago ko dahan-dahan binitawan ang kaniyang kamay.
"Malapit na tayong ikasal kaya huwag kang mahihiyang lumapit at kausapin ako kung kailangan mo nang tulong ko." sabi ko at isang tipid na ngiti lamang ang natanggap ko pabalik mula sakaniya.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top