Paunang Salita

Ano nga ba ang katotohanan sa mundong ito?

Saan nga ba nagmula ang kapangyarihang bumabalot dito?

Nais mo bang malaman? Nais mo din bang maging makapangyarihan?

Kung ang sagot mo ay oo, maaari mong ipagpatuloy ang pagbabasa nito.

Ngunit tandaan, ang aklat na ito ay nag-iisa lamang.

At ang tanging makakabasa nito ay ang natatanging pinili.

Piniling maging parte ng kakaibang mundo ng mahika.

Pinili na maging bahagi ng kasaysayan at alaala.

Pinili maging mandirigma sa araw na kadiliman at kinakatakutan.

Ngunit ang lahat ng ito ay may kapalit.

Luha. Dugo. Buhay.

Ang kapangyarihan ay laging may kapalit na alay.

Kung hindi ka handa sa mga ganitong bagay, maaari mo nang itiklop ang aklat habang hindi ba huli ang lahat.

Ngunit kung ikaw ay handang iwan ang kasalukuyan mong buhay, maaari mong ipagpatuloy ang sinimulang paglalakbay.

Ang aklat na ito ay ang kinabukasan at nakaraan.

Kung ikaw ay pursigidong gumawa ng pagbabago, simulan mo nang magbasa ng Capitulo Uno.

Laging tandan, ang sikreto ng kapangyarihan, ay nasa puso lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top