Capitulo V
"...for darkness is the absence of light."
NIGHTMARE
"Luxorium!" napangiwi naman ako nang hindi pa rin gumagana ang mga spells ko. Kahit yung pinakasimple katulad nitong pagsindi ng kandila. Hindi ko inasahang ganito pala kahirap magsindi ng kandila sa ibang mundo. I've almost read the whole book pero wala akong nabasang paraan para magkaroon ng kakayahang makagamit ng magic ang isang scondrum.
Ilang ulit ko pang sinubukan pero wala talaga. Gusto ko mang sumuko pero hindi ako puwedeng tumigil. Dito na ngayon ang buhay ko, walang Tita Bethilda at Bethina. May mga kakampi at kaibigan na din ako dito. Dito na ang magiging buhay ko kaya ang magagawa ko lamang ay gawin ang aking makakaya.
Humugot ako ng lakas ng loob bago mag-cast ulit ng spell.
"Luxorium!!" parang maiiyak ako sa tuwa nang dahil sa nangyari. Mabilis lamang iyon, pero nakita ko! Nakita kong umilaw ang kandila.
"Ashana! Nagawa mo!" halos mapaluha ako sa narinig. It was an assurance that I really did it kahit pa hindi pa iyon stable dahil agad ding namatay iyon.
Napatingin ako nang mabuti kay Maggie. Naka-hood ito dala-dala ang broomstick niya. Napansin naman nito na nakamasid ako sa kanya.
"Pupunta kami sa tranquil forest mamaya." that place again, ilang ulit na akong inimbita ng kambal na sumama pero hindi ako sumasama dahil ayoko namang mag-cut ng class at dahil na din may mga extra classes ako at trabaho sa library bilang kapalit ng pagpapanatili ko dito sa academy.
"Hahanapin namin ang Crimson Flower Tree. Pero, kung ayaw mong sumama, hindi ka namin pipilitin, Ash." ngumiti ito. They've been going back and forth there without the knowledge of the Professors and pero so far wala pa namang masamang nangyari sa kanila. Pero wala din namang magandang nangyari dahil kahit ilang ulit na silang bumalik dito ay hindi pa rin nila nakikita ang kanilang hinahanap.
"P-pag-iisipan ko..."
I've been meaning to go there again. Aaminin ko, nung una takot akong bumalik doon but when I've read about some beautiful creatures and rare herbs na nandoon sa forest ay napalitan din yun ng interes. Kakamukmok ko siguro ito palagi sa library, ang trabaho ko lang naman doon kasi ang bumalik ng mga libro at mag-ayos doon kaya kapag may time, nagbabasa lang ako ng mga libro doon.
"Magkita tayo mamaya sa likod ng infinity tower. Aalis kami eksaktong alas-singko." pagkatapos ng pag-uusap namin ni Maggie, nagbihis ako at dumiretso ng library para magtrabaho.
Kaunti lang ang estudyante ngayon dahil walang klase at padapit na rin ang hapon. Isa-isa kong ininspeksyon ang mga mesa kung may mga nagkalat na mga gamit at sa kabutihang palad ay maayos din naman ang mga ito. Sunod kong tinungo ang mga nakahilerang shelf para inspeksyunin ang mga libro.
Nang matapos ko na ang trabaho, bumalik ako sa library counter at naalala ang sinabi ni Maggie. Crimson Flower Tree? Pamilyar yun saakin. Nakita ko ang libro. Bingo!
Ito nga iyon. Ayon sa libro, kulay pula ito at kapag nasinghot ang amoy nito ay maaaring ikasanhi ng bangungot o ang mas masaklap ay pagkamatay. Kulay pula at matutulis ang mga talulot na kung tignan ang pisikal na anyo ay maihahalintulad ito sa isang gagamba.
--
"Sumakay ka na." sambit ni Max kaya nag-aalanganin naman ako. Nakalimutan ko, hindi pa pala ako marunong magpalipad ng broomstick kaya kailangan kong sumakay ulit kay Beaver unless mag-isa kong lalakarin papunta doon.
Napatingin naman ako kay Maggie na nakasakay na sa broomstick niya pero halata sa ekspresyon nito na wala siyang magagawa. Napabuntong hininga na lang ako bago sumakay.
Nung una ay napapikit ako sa takot pero nang maramdaman kong i-steady na ang lipad unti-unti ko namang sinilayan ang nasa baba. Nakita kong nag-cast sila ng invisible spell para hindi kami makita sa himpapawid dahil oras na malaman iyon ng mga professor at headmaster ay siguradong masu-suspend kami.
Tanaw na namin ang kabuuan ng Ever Academy mula dito sa itaas. Napakalapad ang nasasakupan nito kaya nga kahit ilang araw na ako dito ay hindi ko pa rin napuntahan ang lahat ng sulok nito. Sa 'di kalayuan makikita na ang masukal na gubat, may mga parte ng tranquil forest na tila hindi masyadong nasisinagan ng araw kaya kung nasa loob na ng gubat ay medyo madilim ang paligid.
Lumapag si Beaver sa bakanteng lupain sa kalagitnaan ng Tranquil forest, medyo malapit ito lugar kung saan ako unang nagising. Maririnig ang mga pagaspas ng mga ibon at ang agos ng tubig sa paligid. Kung titignan parang isang normal na gubat lang ito pero ang sabi nila sa kalaliman ng gubat ay may mga bihirang mga bulaklak, halaman at mga nilalang ang nakatago dito. Pinasok namin ang masukal na gubat habang si Beaver ay iniwan namin doon. Sa laki kasi nito, hindi siya masyadong kakasya sa maraming kakahuyan at kapag nagkataon ay magagambala niya ang ibang mga creatures doon.
"Scintillae!" namangha ako nang may mga maliliit na ilaw ang nakapalibot at nakasunod saamin habang naglalakad papasok ng gubat. May iba't ibang insekto at maliliit na hayop na pakalat-kalat doon, mayroong mga paru-paru, alitaptap, tutubi at mga ardilya na nakatago sa mga sanga ng kahoy.
Ilang minuto din ang nilakad namin at kapansin-pansin ang pag-iba ng atmospera ng paligid. Unti-unti na ding lumiliit ang mga nakikita naming mga hayop. Ilang sandali pa ay napagpasyahan naming magpahinga kami.Parang nagha-hiking lang kami dahil nagsimula nang manakit ang mga paa ko.
"Sigurado ka bang dito ang daan papunta sa lugar kung saan nakitaan ng bulaklak na iyon?" tanong ni Maggie habang patuloy sa kambal habang ako ay naksunod lang sa likuran nila.
"Oo, kung aayon tayo sa mapa madadaanan ang Garden of Tenebris" diskusyon nilang dalawa habang ako ay nakadama ng kung anong ingay sa likuran kaya napalingon ako. Madilim doon kaya wala akong masyadong naaninag.
"Ito suotin mo." Inabot saakin ni Max ang isang tela. Nakita kong sinuot nila ang mga iyon na parang mask.
Ang sabi nila ay binalutan nila iyon ng mahika para hindi kami maapektuhan sa amoy ng bulaklak. Agad ko din namang sinuot yun. Nang matapos kaming magpahinga, ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
Mapapansin kong palalim ng palalim na kami sa gubat dahil maliit na lang ang liwanag na makikita at wala na akong nakikitang hayop o insekto. Puro matataas at madadabong kahoy lang ang naaaninag ko.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa biglang may narinig akong kaluskos. Napatingin ako sa likod pero hindi ko maaninag dahil madilim doong banda. Lumapit ako doon at tinignang mabuti ang kahoy na kakaiba ang hugis.
"Ash, okay ka lang ba?" napapitlag lang ako nang hawakan ako ni Maggie sa balikat.
"O-okay lang ako." sambit ko na lang sakanya at nagpatuloy nang naglakad.
Nakasunod lang ako sa kanila habang napapatingin sa gilid pero napansin kong ilang minuto na kaming naglalakad pero wala pa rin kami sa paroroonan. Kahit isang ingay ng insekto, hayop o ni isang pagsapas man ng dahon ay wala akong narinig.
Bigla akong nakaramdam ng kilabot nang biglang umihip ang isang malamig na hangin at nasundan ito ng kaluskos sa likuran ko. Mas lalong lumakas ang kaluskos na iyon kaya hindi ko na tiningnan at napatakbo na lang papalapit sa kambal.
"Maggie, Max! narinig niyo ba iyon?" pag-alerto ko sa kanila.
Hindi sila umimik at huminto lamang sa paglalakad. Tahimik pa rin ang buong paligid kaya mas lalo kong narinig ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Tingin ko kailangan na naming umalis.
Tinapik ko ng mahina ang balikat ni Maggie.
"M-maggie, Max, may problema ba?" hindi pa rin sila sumasasagot at nakatalikod pa rin.
Napansin kong wala ng takip ang mga mukha ng dalawa. Kaya napaatras ako ng kaunti dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa kanila.
Ilang sandali ay unti-unting humarap ang dalawa saakin. Una ay blanko lamang ang ekspresyon nila pero biglang tila napako ako sa kinatatayuan nang biglang umiba ang itsura nila. Naestatwa ako sa nakitang distorted na mukha ng dalawa kong kaibigan. Ilang segundo lamang ay nakangisi lamang ang mga nilalang na iyon sa harap ko. Hindi ito si Maggie at Max!
"Bbbaaakkkkiiiittt Aaassshhh, mmmmaaaayyyy ppprrroooobbbbllllemmmmaaaa bbbbaaa???" nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Parang naunat ang kanilang mga mukha habang nagsasalita. Gusto kong tumakbo pero tila naging mabagal ang lahat ng paggalaw ko. Dahan-dahan akong umatras palayo sa kanila pero ganun din ang lapit nila saakin.
"Kkkkkaaaaammmmiiii 'ttttooooo, mmmmggggaaaa kkkkkaaaaiiiibbbiggggaaan mmmooo."
"Lumayo kayo sakin!" saka tumakbo ako nang mabilis nang hindi lumilingon, kailangan kong makabalik doon sa patag. Hingal na hingal ako kakatakbo kaya sinuri kong mabuti kung nakasunod pa ba ang mga nilalang na iyon at nagpahinga. Ilang sandali pa ay napansin kong padilim ng padilim ang paligid. Gumagabi na. Gusto kong umiyak pero kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko.
Determinado kong kinuha ang aking wand. Please, gumana ka! Gumana ka!
"Luxorium!" at sumindi ang ilaw ng aking wand kaya medyo naaninag ko na ang paligid.
Palinga-linga ako sa paligid habang tinatahak ang daan. Ilang minuto na akong akong naghahanap sa kanila pero hindi pa rin ako nakakarating sa patag kung nasaan si Beaver. Hanggang ngayon ay hingal na hingal at malakas pa rin ang kaba ko. Naiisip ko pa lang ang itsura ng mga nilalang na yun ay parang isang bangungot. Nang dahil sa pagod hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...
"Ash!" ang boses na yun, kung hindi ako nagkakamali, kay Maggie iyon.
"Ash! nasaan ka?" at yun ay boses ni Max.
Napalinga naman ako sa paligid. Sila Maggie at Max! Tiningnan kong mabuti ang itsura nila. Isang bangungot lang ba iyon lahat? Biglang gumaan ang loob ko nang makita ang dalawa.
"Nandito ako!" lumapit ako sa kanila kaya napayakap saakin si Maggie.
"Saan ka ba kasi nagpunta?" gusto kong umiyak, akala ko may nangyaring masama sa kanila.
"A-akala ko may nangyaring masama sa inyong dalawa."
Naramdaman kong yumakap din si Max saamin. Ilang sandali nila akong niyakap.
"S-sanadli n-nasasakal na ako." reklamo ko nang mapansing humigpit ang pgkakayakap nila saakin.
"B-bitawan niyo muna ako..." pero tila hindi nila ako narinig. Nakapikit akong nagpumiglas para kumuha ng lakas pero hindi pa rin ako nakawala sa kanila at mas lalong hinigpitan ang hawak sa leeg ko.
"Pinag-alala mmmoooo kkaaammmmmiiii."
Napamulat ako nang marinig ko iyon. Hindi. Hindi iyon bangungot. Ang boses na iyon, hindi iyon si Max! Buong puwersa akong nagpumiglas pero napakahigpit ng yakap nila. Halos hindi na ako makagalaw at makawala dahil sa higpit ng kapit nila saakin. Habol-habol ko ang aking hininga habang sa unti-unti na akong nawawalan ng lakas sa pagpupumiglas.
T-tulong!...
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top