Capitulo IV

Gonna use this chance to thank @jmortiff for making a book cover for me, hindi ko expected pero I highly appreciate it. Thank you! 

-pps

DEFENSE IS ATTACK

**

"Welcome to Camp Sage!" bati saakin ng mga senior years. Yep, you heard it right at ahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ako narito. Ni wala nga akong ka-magic magic. Pero ang sabi ni Professor Ludwig, kailanman ay hindi nagkakamali ang Mirror of Aletheia.

Kasalukuyang nasa dining hall kami at namamangha pa rin ako hanggang ngayon dahil tila kumikintab na ginto ang paligid. May matataas na ceiling at chandelier dagdagan pa ng mga kandelabra sa bawat mesa na awtomatikong nagsisindi kung may estudyanteng uupo.

May ibang estudyante ding nagsidatingan, ang iba ay naka-uniform na kulay lila na batid ko ay nabibilang sa Camp Heather at itim na nabibilang sa Camp Obsidian. Ang iba naman nagsiupuan sa mesang nasa hanay namin.

"Max, where are you going?" pabulong na tanong ni Maggie sa kanyang kambal.

"Nope, not telling you." minatahan ko lang magkakambal. Simula kahapon hanggang ngayon ay walang oras na hindi magbabangayan but obviously it's how they bond.

"Seriously? Huwag mong sabihing, may tinatago ka na namang experiment. Remember, last time you did, pinagalitan tayo ni ina ata ama at muntikan na tayong ma-suspend."

"Remember, you ruined it. You didn't trust me. Kaya di na kita isasama sa experiments ko. Maiiwan ka dito." sabi ni Max habang nagliligpit ng gamit.

"I do, but that one was dangerous. Pero hindi ko na uulitin iyon. I promise." pero tuluyan nang umalis si Max kaya nagmadali ding magligpit si Maggie para sundan ang kambal.

"Sorry, Ash. Kailangan kong sundan ang kambal ko." pagmamadaling sabi ni Maggie.

Hindi na sila bumalik pa hanggang mag-time kaya tinungo kong mag-isa ang next subject ko na Magic and Defense. Maraming estudyante ang nakakalat sa mga hallways kaya medyo nahiya naman ako dahil wala pa akong kakilala dito maliban kay Maggie at Max na nowhere to be found ngayon.

"Hey! Scondrum, you are getting in the way!" napaatras naman ako nang banggain ako ng isang pamilyar na babae kasama ang tatlong lalake at isa na dun si Lucas Peyton.

Nagmadali na lang akong pumasok para hindi na nila ulit ako tuunan ng pansin. Diretso na akong umupo sa katabi ng isang Sage na babae na nakamukmok lang sa desk.

Ilang sanadali pa ay may mga kamay akong nakita sa harap ng desk namin. Si Lucas.

"Akala mo hindi kita mapapansin?" seryoso ang mukha nito. Kung tingnan , may itsura din naman 'tong si Lucas pero amoy kontrabida nga lang.

"A-anong kailangan mo?" lakas loob kong tanong.

"Easy, nasaan ang magkambal? Sila lang naman ang kailangan ko." sabat nito.

"Hindi ko alam kaya huwag mong itanong saakin." sarkastikong sagot ko sa kanya.

"How dare you say that to Lucas! You're just a scondrum. And bakit nasa Sage ka ha? You don't even have a magic!" nagbulung-bulungan ang lahat nang marinig ang sigaw ng babaeng kasama ni Peyton. Malamang dahil isa lamang akong normal na tao na hindi nakakagamit ng magic ang napunta sa Camp Sage.

"Enough, Blaire! Professor Alina will be here in a minute kaya alisin mo yang pagmumukha mo sa harap ko." Sambit ng katabi ko nang umangat ang ulo nito mula sa desk. She has a short hair and with clear yellow ice. Bakit ang gaganda ng mga estudyante dito, puwera na lang ang Blaire, maldita eh.

"Luck is on your side newbie. Next time I'll teach you a lesson." pabulong niyang sabi sakin saka tumalikod na si Blaire. Hanggang dito uso din pala ang pangbu-bully.

"Salamat."

"No need, matapang lang siya dahil magkaibigan sila ni Lucas. She chose to do that to you because she thinks she's higher. You know, status." sambit naman nito sakin.

Ilang sandali pa ay dumating na ang isang Professor na babae na sa tingin ko ay nasa early thirties ang edad na may dala-dalang libro at wand. Ang suot naman nito ay long-sleeved black linen gown sa ilalim ng suot niyang roba.

Tinuruan niya kami ng mga iba't-ibang offensive spells. Professor Alina taught us the magical formula behind the different type of spells. I was taken aback upon learning that mathematics is involve! At pamilyar na mga math formula ang involve! I was really interested because math is one of my forte pero ang masaklap lang wala akong kakayahan isagawa iyon dahil wala akong magic.

Narinig ko ang isang malakas na palakpak.

"Okay, class! para naman maibsan ang inip niyo, let's do a mini battle. Ang magboboluntaryo ang pipili ng kanilang kapares. All the offense side will only be using one of the spells I taught today. Volunteers can choose their own partner." napatingin naman ako sa mga kaklase ko na halos lahat ay nogboluntaryo at heto ako, nananahimik lang sa isang sulok.

"Me, I'll volunteer!" at nagkatinginan kami ng nagsalita kaya bigla naman akong kinabahan.

"Okay, last volunteer will be Blaire." tila nag-panic ang brain ko dahil alam na alam ko ang iniisip ng babaeng yun. I looked at her smirking, and I knew that kind of face only brings me trouble.

"First volunteer, please choose your pair and go to the magic space." Dalawang lalake ang pumunta sa magical space na ginawa kung saan gaganapin ang mini battle. Isang makatotohanang field iyon at may mga malalaking bato na puwedeng pagtaguan.

Pinanood kong mabuti ang mga naunang kapares kung paano sila maglaban. It was a face to face battle but I thought, hindi ko yan kaya lalo na at wala akong kaalam alam sa magic. Nag-isip ako ng mga puwede kong gawin. I know fully well that I am the most disadvantaged here pero hindi, hinding-hindi ako magpapaapi sa babaeng yun. I won't go without a fight at yun ang ipapakita ko sa babaeng yun. Pangalawang buhay ko na 'to, and the least thing I can do for myself is to fight back.

"Okay Miss Wolmer and Miss Silvan, you can now enter the field." narinig ko na naman ang mga bulung-bulungan. Funny is that it's supposed to be whispers but I can clearly hear them. At karamihan doon ay hindi maganda.

"Isn't she a scondrum, bakit napabilang yan sa Sage?"

"I know right, I don't know why they even accepted her in their camp."

"Well, it's not your camp so shut up." pagdedepensa naman ng ibang taga-Sage saakin. And it's one of the good things about my camp, mostl of them welcomed me with no discrimination.

Nang makapasok kami ni Blaire sa field ay pumuwesto ako sa harap ng mga malalaking bato at siya naman ay nasa open area. She looks really confident while showing her smug face.

"Okay, I'll give you one minute for your mini battle. The timer will start in 3...2...1!"

"Hey scondrum! Want me to tell how I destroy you?" she's still smirking. I expected this dahil sobrang confident nito. Medyo kinakabahan ako. But no, I need to survive this sixty seconds of my life. I'll hold out as long as I can. Ipapamukha ko sa babaeng 'to.

"First, I'll let you run then make you hide in fear and then boom! I'll hit that face of yours! Now, run!" well I did run as fast as I could. I could here the boo's of the audience outside the field pero hindi ko yun inintindi. As if I care more about it than my own safety.

"Impetum!" as soon as I've heard her offensive spell, I immediately locked my eyes on my target. Kailangan kong magtago sa mga bato!

She's all out attacking every stone and I am just behind. Pinasabog niya rin ang pinakahuli at yun ang pinagtataguan ko kaya natumba ako.

"Caught you! Bid your good by enewbie" lumapit siya saakin ng ilang hakbang na nakangisi. Her face is saying 'she won'. She stopped in front and motioned her wand towards me.

Kinakabahan ako pero kailangan kong mag-isip nang maayos. I can't let my camp down dahil lang wala akong magic at lalo na rin ang sarili ko. My hands are all sweaty waiting for the right timing. And finally I drew my card the moment she uttered her next attack.

"Impetum!"

A loud bang and a shriek was heard followed after her attack. Narinig ko namang nagkagulo at naghiyawan ang lahat sa nasaksihan. Marahil hindi nila in-expect ang nangyari. Tumilapon at nawalan ng malay si Blaire dahil sa impact ng kanyang atake.  Thanks to this mirror, na hanggang ngayon nanginginig ko pa ring hawak-hawak. Kung hindi dahil dito baka ako ang nasa sitwasyon niya ngayon o mas malala pa.

"I hope this serves a lesson not only to Miss Wolmer but also to all of you. Power is itself great but winning is not all about how much magic you have but rather how much you can do with what you only have." some people from my camp where looking at me while making a thumbs up action habang nagsasalita si Professor Alina at ang maiingay na taga-Camp Heather kanina ay napatameme ngayon. Well, serves them right.

After the classes, hinanap ko ang kambal. Obviously, hindi sila nagpakita hanggang sa last subject namin. Uso din pala ang cutting classes dito. But thanks to that mini battle I've won, hindi na nahiyang lumapit sakin ang mga ka-camp ko kaya marami din naman akong nakilala especially Athila, the short-haired girl na katabi ko kanina.

Currently we're on  the library. Nagkainteres kasi ako sa mga magic theory, fortunately merong yun sa mahiwagang librong ibinigay sakin but it's actually different spells compared sa itinuro samin kaya naman manghihiram kami ngayon.

"Looks like your book is outdated. Saan mo ba nakuha yan." komento ni Athila. Mabuti naman at hindi pa siya nakiusyoso pa dahil ang sabi ni headmaster kailangan naming itago ang katotohanang galing ako sa Earthland para na rin daw sa kaligtasan ko.

"Probably those twins are into some weird experiments again." muling salita ni Athila. 

"Ano ba ang nangyari noon?" pang-usisa ko.

"Well they once did an experimental potion that can make everyone forget the existence of the person who drinks it. But thankfully it wasn't finished dahil kulang ang ingredients at ang balita ko nalaman iyon ng isa sa mga Professor hanggang umabot kay Headmaster."

"What? Meron ba nun?" tanong ko.

"Yes but fortunately hindi yan itinuturo dito sa academy dahil isa yan sa mga dark potions. It's dangerous if evil people get their hands on it." paliwanag ni Athila.

"Have you heard about tranquil forest? Well, that forest is near the Darkon mountain. No one should be entering that forest unless supervised by a professor but yeah, the twins are one of those rebels dahil doon kadalasan makikita ang mga rare herbs and rare mythical creatures." paanong hindi ko malalaman, doon ako nagising kahapon. And that explains kung bakit si Max ang unang nakakita saakin.

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top