> 6 <
❇️❇️❇️
Thea's POV
---
...fast forward...
---
Nakarating na nga kami rito sa Boracay. Gabi na kami nakarating dito. Medyo malayo ang biyahe kaya nakakapagod.
Ilang beses rin huminto kasi bili ng bili ng makakain yung tatlo naming kasama. Yung kambal, pabili ng pabili kay Vale. Ito namang si Vale, payag lang ng payag. Jusko! Kaya nasasanay ang mga 'to sa kanya. Masyado na silang spoiled.
Pababa na sana ako ng van nang biglang hawakan ni Vale ang kanang kamay ko para alalayan akong makababa.
Oops! Kilig ako niyan.
"Nakita ko 'yon. Namula ka, alam kong kinikilig ka ngayon." aniya habang inaalalayan akong makababa sa sasakyan.
Nagkunwari akong mataray. "Tss. Namalik-mata ka lang." sabi ko sabay irap sa kanya. Natawa naman siya nang dahil sa inasta ko.
Ano namang nakakatawa do'n? Mongoloid talaga 'to kahit kailan.
Nang makababa na ako ng van, napansin kong hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko habang nakatitig sa akin ng diretso. Kaya awtomatikong napataas ang isang kilay ko. Kaya binitawan niya kaagad.
"S-sorry. P-pasensya na." sabi niya saka umaktong nag-aayos ng kanyang sarili na parang walang nangyari.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok ng nirentahan naming hotel rooms. Lima lahat 'yon. Yung Room 1265 yung akin. Yung Room 1264 ay kay Vale. Yung Room 1267 and 1268 ay sa kambal at ang Room 1266 ay kay Tita, sa nanay nitong dalawa na kambal.
Papasok na sana ako ng room ko ng bigla akong harangan ni Vale kaya napaigtad ako nang dahil sa ginawa niya.
"Tabi tayo, baby." sabi niya na sinabayan ng pagpapa-cute sa harapan ko.
Itinulak ko ang pagmumukha niya. "Lumayas ka nga d'yan! Ipapalo ko sayo 'tong sapatos ko." masungit na sabi ko. Kaagad naman niya akong sinunod kaya nakadaan na din ako
papasok ng kwartong pagtutulugan ko.
"Ang sungit mo talaga." reklamo niya.
"Eh 'di huwag mo akong kausapin." sabi ko saka pumasok na sa kwarto. Isinarado ko agad ang pinto para makapag focus ako sa kwarto na pagtutulugan ko.
Ilang segundo pa lang ang nakalilipas, may narinig na akong tatlong katok. Binuksan ko iyon. Nakita kong nakayuko lang si Vale.
"Anong kailangan mo?" cold kong tanong.
"Ikaw." kaagad niyang sagot.
"Anong ako? Anong kailangan mo sa'kin?"
"Kailangan ko ng mabait na bersyon mo. Lagi mo na lang kasi akong sinusungitan. Kahit na kapag hindi naman kalokohan yung ginagawa ko, sinusungitan mo pa din ako. Gusto mo ba talaga ako?" direkta niyang sabi.
Parang dinurog ang puso ko sa bandang huli niyang sinabi. Hindi ko rin kasi alam kung gusto ko ba talaga siya o hindi eh. Basta! Ang gulo pa ngayon ng isip ko.
Nagpakawala na lamang ako ng marahas na hangin. "I like you, Vale. But I don't love you. I'm not yet ready to fall in love again. Just respect my decision. And also, be matured enough. I just want you to know that I want a man that he can stand alone in his own feet without the help of his parent someday. I want you to be like that."
"Kaya pumayag muna ako na ligawan mo ako. Hindi lang para sa akin 'yon na para makilala kita ng lubos. Gusto kong maging mature muna tayo bago tayo dumating sa point na pinakahihintay na'tin." dugtong ko.
Tumingin siya sa mga mata ko at pilit na ngumiti. "I will do whatever you want to be your perfect husband someday, my baby." aniya saka siya umalis.
Bakit ba kasi kita sinusungitan? Ang bait mo naman sa akin.
Wala talaga eh. Ito talaga ako. Natural ang pagiging masungit ko at hindi ko na mababago 'yon.
Kaysa naman isipin ko ang pag-uugali ko na ipinapakita kay Vale, pinagtuunan ko na lang ng pansin ang loob ng magiging kwarto ko habang nandito kami sa Boracay.
Pinagmasdan ko ang paligid ko ngayon na nasa loob ng kwarto. Maluwang naman siya. Malaki ang kama. Feeling ko, ma-eenjoy ko naman ang mga araw na nandito ako.
Ayon kay Tita, three days daw kaming magi-stay dito. Siya na raw ang bahala sa principal ng school na pinapasukan namin nila Nixie para hindi raw ako bumagsak habang absent ako ng dalawang araw. Sunday bukas, so bali Monday at Tuesday akong wala sa school.
Mayaman si Tita. Kaya niyang bayaran ang mga sweldo ng bawat teachers na nagtatrabaho doon. Pero mas mayaman kaming hamak. Hindi ako nagyayabang, totoo 'yon.
Inilagay ko ang maleta ko na kulay pink sa gilid. Umupo ako sa gilid ng kama. Malambot ito. Magandang paghigaan. Plain lang na kulay puti ang kulay ng bed sheet at ng mga unan na nasa kama.
Pumunta naman ako sa comfort room nitong room. Ayon sa nakikita ko ngayon, kumpleto naman sila ng gamit. Wala namang problema kasi pati napkin, meron dito. At isa pa, ok lang kahit ilang piraso ang kunin mo. Bayad ang room kaya nasa sayo na kung iuuwi mo lahat ng makita mo ditong pang banyo. Pang banyo lang ang pwede mong nakawin. HAHAHAHAHAHA!
Pagkatapos kong libutin ang buong kwarto, lumabas muna ako. Maraming pagbibilhan ng makakain dito sa pagkakaalam ko. Mga restaurant nga lang. Pang mayayaman kasi ang mga pagkaing ibinibenta rito.
Nakakita ako sa 'di kalayuan ng isang mini bar, may burger shop din at may seafood mini restaurant dito malapit sa pinagtutuluyan naming hotel. Pero yung mga style ng pagkain? Pang international food competition ang peg!
Naglakad-lakad pa ako. Hanggang sa may mahagip ang mga mata ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Natakam ako bigla!
"Mahabang Buhay." mahinang banggit ko sa pangalan ng restaurant.
Siyempre pumasok ako agad. Alam kong may special pansit dito at special spaghetti. Dahil paano magiging Mahabang Buhay ang pangalan ng restaurant kung walang mga pansit at spaghetti rito? Mahahaba kaya 'yon. Pasta at bihon 'yon eh.
Tinawag ko ang waiter nang makahanap na ako ng magiging pwesto ko dito. Kaagad namang pumunta ang waiter sa akin at ibinigay ang menu.
At tama nga ang hinala ko. May special speghetti nga silang offer dito tapos may kasama pang isang pares na burger patties sa ibabaw. Oh 'di ba? Ang sarap! Pinakasahog niya yata yung dalawang burger patties. HAHAHAHA! Unique version ng spaghetti! Naks naman!
Basta! I-eenjoy ko na lang ang bawat sandali ko rito. Gagawa ako ng memoies ko dito na magaganda. Ayoko munang ma-stress. Gusto kong makawala muna sa stress sa projects sa school. Saka ko na gagawin 'yon. Malayo pa naman ang deadline eh.
*****
Hi, guys! Yung tungkol sa mga places dito na mini bar, burger shop, at yung seafood restaurant ay gawa-gawa ko lang po. Hindi ko alam kung may gano'n talagang place sa Boracay kasi hindi pa naman ako nakakapunta doon. 'Yon lang, thanks! Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top