> 4 <

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Nang matapos ang 'girls bonding' daw namin, umuwi na kaagad ako. Ano namang gagawin ko doon 'di ba? Tsaka busog na ako. Kanina pa kasi ako kumakain ng kung anu-anong uri ng pagkain kila Nixie.

Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive ng kotse ko nang biglang tumunog ang phone ko kaya napatingin ako doon.

Si Vale pala.

Ano na namang kalokohan ang naisip nito at biglang napatawag? Tss.

"Hello." panimula ko.

["Nasaan ka na ba? Kanina ka pa hinihintay dito. Pupunta na raw tayong Boracay sabi ng Tita mo."]

Ay! Oo nga pala! Ang shunga ko! Shit! Ba't ba makalimutan ko kaagad? Kainis naman!

"Ay! Sorry. Pumunta kasi ako kila Nixie. Nag girls bonding lang kami. By the ways, pauwi na pala ako. Just wait me and I'll be back as fast as I can, okay?" sabi ko.

["Okay, I'll just wait you here."]

Napangiti ako. "Okay, I'll hang up this call 'cause I'm still driving. Kita na lang tayo later. Byeee~.."

["K, bye."]

Pinatay ko na ang tawag at saka ko ibinalik sa daan ang atensyon. Baka maaksidente pa ako, mahirap na.

Habang nasa daan, binuksan ko muna ang radyo ng sasakyan ko. May magaganda kasing kanta na pwedeng pakinggan. Baka mapakinggan ko rin ang paborito kong kinakanta.

"So, I'll gonna play now a song entitled Midnight Bottle by Colbie Caillat..." sabi ng DJ.

At iyon na nga, nagsimula na ang kanta. Natuwa ako kasi paborito ko yung kantang 'yon. Dahil na rin sa nakaka relate ako sa kanta? Kasi magmula pa noon, bote lang ng alak ang hawak ko sa tuwing may problema ako. Kaya ko siguro nagustuhan ang kantang 'to.

🎶 Midnight bottle, take me
Come through my memories and everything will come back to me
Midnight bottle, make it real
What feels like make-believe so I can see a little more clearly

Like every single move you make, kissing me so carefully
On the corners of my dreaming eyes 🎶

Ang ganda talaga ng kantang 'to. Hindi ako magsasawang pakinggan 'tong kantang 'to kahit kailan.

🎶 I've got a midnight bottle, gonna drink it down
A one way ticket takes me to the times we had before
When everything felt so right
If only for tonight

A midnight bottle gonna ease my pain
From all these feelings driving me insane
I think of you and every thing's all right
If only for tonight 🎶

Pati ako napapakanta na nang dahil sa ganda ng kanta. Kung kayo, hindi nagagandahan, wala nga pala akong pake. Bahala kayo sa mga buhay niyo. Basta para sa akin, maganda siya at paborito ko siya. Itong kanta. Ba't ba?

Habang kumakanta ako, may natanaw ako bigla na mga sasakyang nakahinto. No way. Matatagalan ako at baka hindi ako makasama sa Boracay! Shaks!

Traffic punyeta ka! Ano ba?!?

"Bwisit naman oh!" mahina kong sabi sabay palo sa manibela ng kotse ko.

Ilang sandali pa'y tumunog ang phone ko. Sigurado akong si Vale ito at kanina pa ako hinahanap. Baka nag-aalala na rin 'yon sa'kin.

Sinagot ko agad ang tawag niya...

["Hoy! Nasaan ka na ba?! Kanina pa ako naghihintay dito!"] sigaw niya mula sa kabilang linya kaya dahilan iyon para ilayo ko ang tenga ko sa speaker ng phone ko.

Makabulyaw naman 'to wagas!

"Pwede ba?!? Huwag ka ngang atat! Hindi ako marunong lumipad!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Hindi ako agila na kayang lumipad sa himpapawid para makauwi! Traffic dito, okay? Alangan namang sagasaan ko itong mga sasakyan para lang makadaan ako." dugtong ko.

Eh kung patayan ko kaya ng tawag? Bwisit! Bad trip na nga ako, mas lalala pa nang dahil sa pag-iisip niya.

["Sorry na po. Sorry kung gano'n agad ang inasta ko sayo. Sorry talaga."] pagmamakaawa niya.

Pinakalma ko ang sarili ko bago ko siya kausapin ulit.

"It's okay. Sorry din kasi nasigawan kita." kalmado kong tugon.

["Hay... Ang tagal mo kasing umuwi. Nami-miss na kita."] aniya.

"Just wait me. Nakakabanas kasi itong traffic dito sa dinaraaanan ko. 10 minutes pa daw bago umusad. Baka bilisan ko na lang yung pagmamaneho ko para makahabol ako at para mas madali akong makabalik d'yan." sabi ko naman.

["Mag-iingat ka. Alalahanin ko, gagawa pa tayo ng sampung kambal na anak kapag naging mag-asawa na tayo."] aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"G*go! Bahala ka na nga d'yan!" binabaan ko na lang siya ng tawag. Dagdag pa siya sa pagkainis ko. Bwisit talaga!

Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas, nakaandar din ako. Maluwag na ang daan. Kung ano man ang naging problema, wala na kong pakialam.

Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makauwi ako ng maaga sa bahay nila Tita. Baka maiwan ako. Sayang naman kung hindi ako makapunta. Wala naman akong gagawin kaya kapag naiwan ako, didiretso ako sa bar nila Vince. Tatambay na lang ako at iinom ng alak.

Pero joke lang. Hehe! Baka isipin ninyo, lasinggera ako. Hindi naman ako matakaw sa alak. Mahilig lang ako kumanta kapag nasa bar na ako.

Kumakanta ako. Marunong ako, malamang. Wala naman sigurong taong gumagamit ng gitara na hindi marunong kumanta.

Hindi sintunado ang boses ko. Hindi rin ako nagpipiyok sa tuwing kumakanta ako. Sabi ng mga nakarinig na sa boses ko, mala-ibon daw ako kung kumanta. Ewan ko na lang kung totoo.

Kung yung pagiging hindi sintunado, okay pa eh. Pero yung pagiging mala-ibon daw kung kumanta? Hindi na ako naniniwala doon. Hindi naman sa pangit ang boses ko. Maganda naman 'to. Kaya lang, hindi ko makita ang sarili ko sa pagkakaroon ng mala-ibong klase ng boses.

Hayst! Ang daldal ko. Dahil sa kadaldalan ko, hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa bahay ng Tita ko. Pinapasok ko ngayon ang kotse sa garahe.

Nang maipasok ko na sa garahe ang kotse ko, bumaba na ako kaagad. Hindi pa kasi ako nakabihis. Kailangan ko pang palitan itong damit ko na pambahay lang. Pambahay na parang pang pamasyal. HAHAHAHA!

Binilisan kong kumilos. Nag-aayos na ng mga gamit ang mga bodyguard ni Tita dito sa labas. Lahat ng mga dadalhin, inilalagay na sa likod ng van. Oh 'di ba? Ang taray! Sa van nila kami sasakay. Well, apat lang naman kami kaya okay na 'yon. Tsaka, maluwang yung van. Pwede akong umupo saan ko man gusto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top