> 30 < : ENDING

November 2, 2021: (Ang Kaayusan ng Lahat)

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Nandito kami sa sala ng bahay nila Daphnie. Kasama namin yung tatlong ungas na tahimik lang.

"Ano? Saan ka daw pag-aaralin sa Thailand?" tanong ko. Halata sa boses ko na ako'y nalulungkot sa mga panahong ito.

Ang malungkot na Daphnie at biglang nagkaroon ng malawak na ngiti sa kanyang mga labi dahilan para mapangiti kaming lima.
"Hindi na ako pag-aaralin sa Thailaaaaand! Yehey! Makakasama ko  na ulit ang bestfriends sa next school year! Nice!" proud niyang sabi habang pumapalakpak.

"Alam niyo? Masaya ako na magkakasama pa rin tayo kahit na marami ng dumating na mga pagsubok sa atin, hindi pa din tayo nagkakawatak-watak. I'm proud na magkakaibigan tayong anim. Proud ako na mahal na mahal talaga natin ang isa't isa." ani Nixie habang nakangiti.

"I'm also thankful kasi nakilala namin kayo. Nagkaroon na nga kami ng mga girlfriends, nagkaroon pa kami ng mga kaibigan. Kahit na madalas toyoin, mapagmahal naman—aray ko! Babe naman!" singit ni Vian sabay batok sa kanya ni Daphnie.

"Masama rin akong nakilala ko kayo. Masaya ko dahil nakilala ko ang first and last girlfriend ko. Masaya ako kasi hindi kayo plastik tulad ng ibang mga kaibigan. Masaya ako kasi pinagkatiwalaan niyo kami kahit na minsan may pagkatarantado kaming tatlo." - Vince

"Buti alam mo." mataray na sabi ni Nixie kay Vince.

"Oh, sorry na. Ikaw naman, hindi mabiro. Siyempre hindi ako kasali doon—aray!"

Ayan! Binatukan ka tuloy, Vince! Masyadong mahangin ka kasi. Don't worry, sanay na ako sayo. Ako pa ba? HAHAHA!

Patuloy lang sa harutan itong dalawa sa harapan ko samantalang ako, naka-focus sa phone ko. Naghahanap ako ng librong pwedeng bilhin.

"Oh, bakit ang tahimik mo yata ngayon, Thea? Anong pinoproblema mo d'yan? Nag-away na naman ba kayo ni Vale?" nagtatakang tanong nitong si Nixie.

Nagkatinginan kami ni Vale sabay sabing... "Hindi ah!" sagot naming dalawa.

I sighed. "Tahimik ako dito kasi may ginagawa ako sa phone ko. Naghahanap ako ng books sa online shop para maka-order na bago magsara ang promo nila." paliwanag ko.

Eh nadamay na pati itong kasama ko. Kahit na wala naman talagang ginagawang iba. Nakahawak rin naman ng cellphone at naglalaro ng online games at kasama niya si Vian na mahilig sa online games. Haysst! Eh kung pag-untugin ko pa silang dalawa.

"Nandadamay kayo ng ibang tao, wala naman kayong pruweba." reklamo niya.

"Sorry naman, huwag kang umiyak." pang-aasar pa sa kanya ni Nixie sabay irap.

"Hindi ako umiyak, tss." hala! Mukhang nainis ang mokong. HAHAHAHA! Pikunin talaga siya kahit kailan.

"Baby? Are you okay?" pagkuha ko ng atensyon niya.

"Nope, I'm not!" nagulat ako sa pagsigaw niya sa akin. Kaya awtomatikong nang-init ang dugo ko.

"Let's break up!" sigaw ko sa kanya pabalik

Napahinto silang lahat at napatingin sa akin with a curious look. Whatever, I don't care kung titigan pa nila ako hanggang sa maupod ako.

"W-what?!? W-what do you mean?"

"Huwag mo akong ma-english, english d'yan. Ano? Masakit masigawan 'noh?! Kung makasigaw ka, akala mo wala ng bukas! Hoy! Ipinapaalala ko lang sayo! Hindi porket sinagot kita, eh pwede mo ng gawin sa'kin 'yon! Hindi ko alam kung may isip ka ba talaga o sadyang wala lang laman 'yang kukote mo." nakakainis lang kasi! Ang tino ko kaninang kausap pero ano lang ginawa niya? Sinigawan lang niya ako.

Ibinulsa niya ang phone niya aylt hinarap ako. "Sorry. Sorry kung nasigawan kita. Eh nainis kasi ako sa kakampi ko. Napakabobo ang hayop na 'yon! Hinayaan ba naman akong mapatay ng kalaban! Tsk!"

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Please, huwag mo naman akong hiwalayan. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin, Thea. Kaya please, huwag mo naman akong ganituhin. Sorry na." sabi niya sabay halik sa mga may ko.

At dahil marupok akong nilalang. Ayon, bumigay ako. "Tsk! Pasalamat ka at mabait ako ngayon. NGAYON LANG. Bukas hindi na."

"Ang rupok mo!" sigaw sa akin ni Daphnie kaya napatingin ako sa kanya.

"Tss, ikaw rin naman marupok. Huwag ako, Dap. Kilala kita mula ulo hanggang paa." tigon ko sabay irap.

"Oo nga, Thea. Minsan nga nagmumukha na ngang paa—aray ko!" singit ni Vian kaya kaagad siyang sinampal ni Daphnie.

"Baka gusto mo ring maghiwalay na tayo, Vian." hala! Umuusok na ilong ni Dap! Hala ka, Vian! Lagot ka ngayon.

"Dap, naman. Huwag namang ganyan. Please, sorry na." sige lang, magmakaawa ka lang, Vian. Mahirap pa namang suyuin 'yan kapag nagagalit.

"Oh sige, dahil sa marupok akong nilalang at mabait akong tao, patatawarin kita PERO..."

"Ano 'yon?"

"Kailangan ikaw ang magiging valedictorian this school year." dugtong ni Daphnie sa sinasabi niya.

"Huh? Hindi ko kaya 'yon. Mas matalino ka sa'kin. Paano ako matatalo?"

Ngumisi si Dap. "Eh 'di kalabanin mo ako sa rankings." aniya.

HAHAHAHA! Bahala sila sa mga buhay nila. Basta ako, masaya ako ngayon. Kasi hindi na kami nagkakawatak-watak. Sama-sama na naman kaming mangangarap sa panibagong school na papasukan namin.

Masaya rin ako kasi okay na ang lahat. Okay na kami nila Daphnie. Okay na kami ni Vale. Okay na kami nila Mommy. Okay na lahat. Okay na rin ang grades ko. Malapit na rin ang graduation at sigurado ako na nasa with honors ako. Ginalingan ko naman eh. Kaya deserve ko ang achievement na 'yon.

Konting tiis na lang, college na kami. Konting kembot na lang Christmas na. Kahit na November 2 pa lang ngayon, ina-advance ko na malapit na ang Christmas.

Kanina sa bayan namin dito, nagsimba kami sa malaking simbahan. Ang ganda ng mga lessons sa buhay na ibinigay ni Father Joselito. May mga times na natatamaan ako sa mga sinasabi niya. May mga times na hindi naman.

Nakaka-relate talaga ako sa mga sinasabi niya. Minsan hindi ko maiwasang isipin na sumusobra na pala yung mga kaugalian ko na pangit na maaaring makasakit ng damdamin ng tao. Kaya ngayon, patuloy akong nagbabago.

Gusto kong maayos ang buong pagkatao ko at kasama na doon ang pag-uugali ko. Gusto kong matutunang maging mabuti pa lalo sa iba. Gusto ko ring matutunan na hindi lahat ng pagkakataon ay magiging mabait. Dapat kontrolado mo ang mga bagay. Dapat balanse para maganda ang kalalabasan. Gusto kong magbago. Gusto kong lumabas yung pagiging soft-hearted side ko.

This time, magfofocus muna ako sa sarili ko bago ko harapin ang makabagong mundo. Gusto ko na kapag mapapakinabangan na ang mga talento ko at talino ko, maayos na ang pakikitungo ko sa iba.

Gusto ko rin na mas maging maayos pa yung magiging pagsasama namin ng taong mahal ko. Gusto kong maalis na namin ang pagiging childish mag-isip. Ang pangit kasi pakinggan sa ibang tao na ang tatanda na namin pero isip-bata pa rin kami. Pati yung relasyon namin naaapektuhan eh. Kaya kailangang mas maayos pa.

So ayon na nga, dito ko na lang tatapusin ang kwento namin ni Vale. Sana nag-enjoy kayo sa naging daloy ng pagsasama naming dalawa. Magmula sa pagiging magkaaway, naging mag-kaibigan. Sana may natutunan kayo sa kwento naming dalawa. Bye, bye!

—————

—THE END—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top