> 3 <

❇️❇️❇️

Nixie's POV

---

Hawak ko ang iPad ko ngayon habang nasa sala ko. May project kasi kami na kailangan ng presentation. Saktong walang pasok ngayon dahil balita ko, may meeting ang lahat ng teachers sa Main Office nila.

Habang nagta-type sa keyboard ng iPad ko, may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako doon.

"Anong ginagawa mo dito?" panimulang tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Kinukumusta lang kita, hon." sagot niya.

Si Vince lang naman ang tumatawag ng honey sa akin 'di ba? Kaya siya itong kausap ko.

"Tapos mo na yung project?" tanong ko sa kanya at ibinaling ulit sa iPad ko ang atensyon ko.

"Yup!" proud niyang sagot.

Tiningnan ko ulit siya habang nakakunot ang noo ko. "Ang dali mo namang natapos." hindi makapaniwala kong tugon.

"Siyempre, may inspiration ako..." aniya saka lumapit pa sa akin. "At ikaw 'yon." dugtong niya at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti ako.

Ang swerte ko talaga dito sa boyfriend ko. Araw-araw akong pinapakilig. Hindi ako pinababayaan at hindi niya rin ako hinahayaang magalit sa kanya.

"Asus! Dami mong alam." sabi ko at binawi ang kamay ko.

"Alis ka muna ngarod dito. Hindi ako makapag concentrate." pantataboy ko sa kanya.

"Huh? Hindi mo ba ako pwedeng maging inspirasyon? Ang daya mo naman."

"Basta! Mamaya na lang kita kausapin. Patapos na ako. Ayaw kong naiistorbo ang paggawa ko ng project." sabi ko.

"Okay, hihintayin kita sa milk tea shop mo." aniya at patakbo ng lumabas ng bahay. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon.

Saktong pag-alis niya, doon ko natapos yung ginagawa ko sa iPad ko. Sa wakas! Natapos din ako sa project namin. Makakatulog na ako ng mahimbing.

Wait...

Mag girls bonding kaya kami ng mga bestfriends ko. Tama! May ice creams pala ako dito. Iba't ibang flavors pa! Kakabili ko lang kahapon. Nag grocery kasi kami ni Vince kahapon eh. Naisipan kong mag-stock ng ice creams. Dahil na rin mahilig ako doon.

Haha! Nice idea!

Tatawagan ko na sana sina Thea nang maalala kong maghihintay pala si Vince sa akin sa milk tea shop.

Eh kung unahin ko muna siya? Tama! Unahin ko muna siya para mamaya wala ng sagabal. Haha!

Eh kung unahin ko muna siya? Tama! Unahin ko muna siya para mamaya wala ng sagabal. Haha!

So, ayon. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong hintayin kasi may gagawin pa ako. Mamayang gabi na lang kami mag date sabi ko. Pumayag naman siya. So, okay na!

Dali-dali kong tinawagan sina Thea at Daphnie na pumunta rito sa bahay. Bakit pa sila ng bakit kanina. Tapos noong sinabi kong girl's bonding kami with ice creams, kaagad silang pumayag na pumunta rito.

Alam ko namang pagkain lang ang habol nila. Sa umpisa ng usapan siguro namin mamaya, masaya pa. Kapag nagtagal na yung usapan, wala na silang ganang makipag-usap. Mga bruha nga naman.

Mga pagkain lang ang pinunta. Tss.

Hindi ko pa naibababa ang phone ko sa glass desk ko dito sa sala nang biglang bumukas ang main door ng pinto at iniluwa sina Thea at Daphnie.

"Nasaan na yung ice creams?" kaagad na tanong ni Daphnie.

Ako? Tulala pa din.

Jusko! Mga anak talaga ng pagkain ang mga bruhang ito! Makarinig lang ng salitang pagkain, pupunta agad! Jusme! Saan ba kayo ipinaglihi? Bakit ang tatakaw niyo? Huhu.

"Hoy! Nasaan na yung ice cream namin?" kuha ni Thea ng atensyon ko.

Napakurap-kurap ako bago nagsalita. "Iba talaga kayo ano? Pagkain agad ang hinahanap niyo. Pwede naman kasing kamustahin niyo muna ako." sabi sa kanila.

"Kailangan pa ba 'yon? Araw-araw ka namang okay. Wala ka namang sakit. Kaya ano pa ba'ng dahilan para mag-alala kami sayo? Tsaka nand'yan naman si Vince para alagaan ka. Tss, ang dami mong arte. Yung ice cream na kasi." ani Thea.

Inirapan ko siya. "Ang takaw mo talaga!" reklamo ko.

"Nagsabi ang hindi matakaw." singit naman ni Dap.

Pag-untugin ko kaya itong dalawang 'to. Kainis sila! Hindi man lang bumati sa akin o kinamusta man lang ako. Nakakaiyak naman. Huhuhuhu~...

Kaibigan ko ba talaga itong mga 'to?

Padabog akong pumunta ng kusina. Binuksan ko ang fridge at kinuha ang tatlong plastic container na pa-box. Inilapag ko sa harapan nila.

Bumalik ako ng kusina. Kumuha ako ng tatlong platito at kutsara saka bumalik ulit sa pwesto namin. Mga tamad kasi itong mga bruha na 'to. Kailangan pang pagsilbihan.

Nang makaupo na ako sa tabi nila na ngayon ay nakaupo na sa sofa, si Thea agad ang kinaysao ko.

"Hoy, Thea!" tawag ko sa kanya kaya naoatingin siya sa akin at napahinto sa pagkuha ng ice cream sa plastic box container.

"Bakit?" tanong niya.

"Kumusta naman kayo ni Vale? Balita ko nga, pupunta raw kayo ng Boracay." siyempre, wala ng patumpik-tumpik pa. Direct to the point tayo.

Nagpatuloy siya sa pagkuha ng ice cream habang kausao ako. "Okay naman kami. Madalas ko siyang inaaway nang dahil sa kakulitan niya. Minsan kasi may pagkaisip-bata ang mokong na 'yon." sagot niya sabay subo ng isang kutsarang chocolate flavor na ice cream.

"Bakit hindi mo pa siya sinasagot?" tanong naman ni Daphnie.

"Balak kasi niyang magpaalam muna kay Daddy na jowain ako. Baka magalit 'yon sa'ming dalawa." sagot naman ni Thea saka sumubo ulit.

Oo nga pala. Istrikto ang Daddy ni Thea pagdating sa mga topic na ganito. Kaya nga sibrang galit niya sa ex-boyfriend ni Thea noon. Ayaw niya kasing pinapaiyak ang unica hija niya.

"Anyways, 'di ba nag i-stay ka sa bahay ng Tita mo ngayon? Malayo 'yon 'di ba?" pang-iiba ko ng usapan.

"Medyo. Dalawang barangay lang naman ang lalampasan bago makarating dito sa inyo." sagot niya.

"Ang bilis mo sigurong nagpatakbo kanina ng kotse mo para mauna dito kina Nixie para sa ice cream." singit naman ni Daphnie sabay subo ng ice cream.

"Oo naman 'noh! Sayang naman kung mahuhuli ako. Libre rin kaya 'to. Sayang naman kung magpapahuli ako." sagot niya.

"Basta talaga pagkain ang usapan, walang uurungan ang bestfriend na'tin." sabi ko kay Daphnie sabay hagalpak ng tawa.

"Mga siraulo!" sigaw niya pero binalewala lang namin 'yon. Patuloy oa rin namin siyang pinagtatawanan hanggang sa nagsawa na kami kakatawa.

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain ng ice cream. Napansin ko kasi na nangalahati na yung chocolate flavored ice cream tapos kami ni Daphnie, hindi pa kami nakakaubos ng isang platito ng ice cream. Jusko, Thea! Ang takaw, takaw mo! Saan ka ba nagmana ha?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top